Chapter 25

Nagising si Klau nang makarinig ng ingay mula sa kusina. Dahan-dahan siyang bumangon. Nagulat pa siya na madilim na at nang tingnan ang orasan, alas-sais na ng hapon. Hindi niya namalayang nakatulugan niya ang pagbabasa.

Pagbangon, nakita niya si Henry na nakatalikod. Nakasuot ito ng puting T-shirt habang nagluluto. Naaamoy rin ni Klau ang iniluluto nito na naging dahilan para manubig ang bagang niya.

"Ano'ng niluluto mo?"

Lumingon si Henry at kaagad itong ngumiti nang magtama ang mga mata nila. "Good evening. Soup. Nag-search ako ng sabaw na puwede sa 'yo. How are you feeling?"

"Okay naman na. Third day ko na rin naman kasi." Naglakad si Klaudine papunta sa kusina at uminom ng tubig. "Actually, masaya ako na . . . nagkaroon ako."

Henry didn't say anything and focused on cooking.

"A-Akala ko kasi may mabubuo s-sa . . . nangy—"

"Let's not talk about that," Henry said and walked towards her. Hinaplos nito ang pisngi niya bago siya hinalikan sa noo. "I know it's uncomfortable for you to think about what happened, so I think it's better to leave it all behind."

Klaudine chose not to say anything and remained quiet.

"It's gonna be hard to forget, I'm sure." Hinaplos ni Henry ang buhok niya. "It's normal na from time to time, maiisip mo 'yun . . . hindi madali, but I am hoping those thoughts would leave you."

Ngumiti si Klau at walang sinabi na naging dahilan kung bakit nagtaka si Henry kung bakit. He frowned, and she got the idea. Nagtataka ito. For some reason, while staring at the man in front of her, Klaudine's tear automatically fell.

Henry immediately wiped Klaudine's tear. "What's happening? I'm sorry."

"Ganito pala pakiramdam nang inuuna ang sarili." Humikbi si Klaudine habang nakatingin kay Henry. "Ang s-saya."

Henry's face softened, and he smiled while staring at Klaudine. Instead of saying anything and thinking what was going on and what was wrong, he pulled Klaudine closer to him and hugged her. Hinaplos niya ang kulot na buhok nito at hinalikan ang gilid ng ulo at naramdaman na yumakap din ito sa kaniya.

Klaudine thought twice before hugging Henry back. Gusto niyang pigilan ang sarili, pero tama nga. Masarap din palang maging masaya.

"N-Naging boyfriend ko si Richie, pero hindi ko naramdaman ito," bulong ni Klaudine na inihilig pa ang tainga sa dibdib ni Henry. Naririnig niya ang tibok ng puso nito. "Aware naman siya roon. S-Sinabi ko sa kaniya na puwede naming subukan, pero hindi ko pa siya mahal."

Tahimik lang si Henry at hindi bumibitiw sa yakap na pinagsasaluhan nilang dalawa. Kung puwede lang na huwag nang marinig iyon, ginawa na niya.

"Pumayag naman si Richie 'cos love isn't overnight. We were actually okay. Mabait siya, wala akong m-masabi sa kaniya . . . gusto ko na lang ding isipin na nagkaroon siya ng maling desisyon."

Humiwalay si Henry sa pagkakayakap kay Klaudine at tinitigan ang mukha nito. "Why do you always see the good in people kahit na sinasaktan ka nila? I can feel it."

Ngumiti si Klaudine. "Kasi hindi naman lahat, palaging masama ang intensyon."

Henry kissed Klaudine's forehead. Wala na siyang sinabi dahil tama naman ito. Minsan pa nga, kung sino ang maraming napagdaanan sa buhay, sila ang iba ang mindset.

Nag-dinner sila sa balcony kung saan mayroong lamesa at upuan para sa mga gustong i-enjoy ang view. Wala naman talaga silang makita dahil sobrang dilim ng karagatan at kalangitan.

Pinag-uusapan nila ang tungkol sa pag-iikot ni Henry sa buong resort.

"Medyo marami akong gustong i-suggest kay Arnaldo tungkol sa mga nakita ko. This resort has so much potential. Sobrang ganda ng lugar, maganda ang area, maganda ang pagkakagawa. May mga kulang lang base sa perspective ko," pagkukuwento ni Henry na matamang pinakikinggan ni Klau. "Gusto ko sanang ayusin ang northern area ng lugar para maging family lounge. Sa mga bata, ganoon."

Tumango si Klau. "Oo, nakita ko rin kanina 'yung mga family rito at may mga kasama silang bata. Noong umikot ako, parang walang amenities for kids. Kailangan nga."

"Yup, isa 'yun sa ipo-propose ko kay Arnaldo. Ikaw, buti nakapagpahinga ka kanina."

"Nagbabasa ako, hindi ko namalayang nakatulog na ako." Klau chuckled. "Ako na ang maghuhugas ng pinggan, ha? Ikaw nagluto, ako maghuhugas."

Henry nodded and smiled. Nagpatuloy sila sa pagkain at pagkukuwentuhan. Nagpaalam na rin muna si Henry na pupunta sa convenience store na nasa loob ng resort.

Hindi na rin alam ni Klau kung ano ba ang ginagawa niya. Alam niyang may masasaktan sa ginawa niya, sa pagpiling maging masaya, pero hindi niya gustong pigilan. At habang naghuhugas ng pinggan, awtomatikong nagmalabis ang luha niya.

Nasa may pinto pa lang si Henry, naririnig na niya ang mahinang pagsinghot ni Klaudine. Hindi siya puwedeng magkamali. Klaudine was crying, he was sure, and it was confirmed when he peeked.

Naghuhugas pa rin ito at mahinang sumisinghot. Ibinaba niya ang biniling ice cream bago lumapit kay Klaudine.

Patapos na si Klaudine sa paghuhugas nang may brasong pumalibot sa baywang niya kasabay ng mahigpit na pagyakap at pagsubsob ng mukha sa leeg niya. Wala itong sinabi kung hindi niyakap lang siya nang mahigpit na mahigpit.

"Bakit?" Henry whispered.

Umiling si Klau at nakahawak sa gilid ng counter. "W-Wala. Sinisipon lang ako."

Humiwalay si Henry sa pagkakayakap at maingat na pinaharap si Klaudine. Nakaipit ang buhok, pero may ilang buhok na nakabagsak. "Lies, Klaudine."

No words . . . Klaudine leaned onto his chest as if trying to hear his heart beating.

"Ano'ng nangyayari?"

"Wala. Gusto ko lang mag-thank you kasi nag-e-exist ka. Kahit sandali, mararamdaman kong maging secured." Ipinalibot ni Klaudine ang braso sa katawan ni Henry na ikinagulat niya. "Sandali lang, promise. Sandaling-sandali lang."

Hinayaan ni Henry ang sariling isipin na walang pader sa gitna nilang dalawa. Pareho nilang hinayaan na walang kontrol sa kanila, pareho na lang nilang inisip na silang dalawa lang, dahil oras na bumalik sila sa Manila, wala na.

Nakatulugan nila ang kuwentuhan. Both decided to stay in one room. Nanood sila ng movie habang nag-uusap hanggang sa makatulog. Sa dalawang araw na magkasama sila, pareho nilang in-enjoy ang presensya ng isa't isa.

Henry never thought he would do this. Nakatagilid siyang nakatitig kay Klaudine na natutulog sa tabi niya. Nakayakap ito sa unan habang nakatagilid rin na nakaharap sa kaniya.

It was five in the morning. Babalik na sila sa Manila, matatapos na. Henry wanted to stay longer, but it would be impossible, and for sure, Klaudine wouldn't say yes.

Nauna na siyang bumangon para mag-ayos ng gamit, siya na rin ang nagluto ng almusal bago sila bumiyahe. Two days with Klaudine without restriction hit different. Araw-araw silang nagkikita sa opisina, pero pigil sa lahat ng bagay.

Inside the cabin where they stayed, they were free to do whatever they wanted to do. Henry could just hug Klaudine anytime, and he could look at her without thinking someone might notice. Henry knew everything they shared was wrong. Gusto niyang humingi ng tawad kina Leandra at Harriet, pero hindi siya hihingi ng tawad sa nararamdaman para kay Klaudine.

Klaudine opened her eyes when Henry got up. Hindi nito alam na gising na siya. Ang totoo, hindi siya natulog. Sa dalawang gabing magkatabi sila, nakakuha si Klaudine ng maayos na pahinga. Pabalik na sila ng Manila at hindi na puwedeng mangyari ulit ito.

Dumiretso si Klaudine ng higa at naramdaman ang pagbagsak ng luha mula sa magkabilang mata. She felt a pang on her chest that what they have was just something they couldn't fight.

Pagkatapos nilang mag-ayos, kumain sila ng almusal. They were still casually talking like the past two days na para bang walang mali sa ginagawa nila.

Sinabi ni Henry na lalabas lang ito sandali para sabihin sa manager ng resort na aalis na sila. Ang alam ng mga tao, nag-stay si Klau sa katabing cabin ni Henry. Ang alam ng mga ito, hindi sila magkasama when in reality, those two days were probably the most peaceful moments of Klaudine's life.

"Ang lalim na naman ng iniisip mo." Henry hugged Klaudine from behind and kissed the top of her head. "Sa tuwing mag-isa ka, palagi ka na lang nakatingin sa kawalan."

"Ang ganda kasi ng dagat, ang tahimik, pero sigurado akong sa ilalim, maraming nangyayari. Tahimik, pero biglang darating 'yung araw na magiging magulo ulit dahil sa hindi maiwasang unos. Tahimik, pero maraming nilalaman." Klaudine sighed. "Never akong magtitiwala sa dagat, Henry. The sea is quiet but deadly."

Ipinagsaklop ni Henry ang kamay nilang dalawa kahit na nakayakap ito sa likuran niya.

"I don't want this to end," Henry whispered.

Ngumiti si Klau at humarap kay Henry. Hinaplos niya ang pisngi nito. "Ako rin." She sniffed. "Ayaw ko na rin."

Henry caressed Klaudine's cheek and leaned forward to kiss her lips. Klaudine didn't gasp, she wasn't shocked at all. It wasn't the first kiss they shared . . . and her lips just automatically accepted Henry's kisses.

It was soft, gentle, and respectful.

Humiwalay ito sa kaniya at ipinagdikit ang noo nilang dalawa. Klaudine closed her eyes when she felt the warm air coming from Henry's nostril before kissing her forehead and whispered I love you multiple times.

Without hesitation and doubt, Klaudine responded with I love you, too.





One month later.

Klaudine and Henry didn't stop. They continued; they secretly stayed together. No label nor status; they just knew what they were.

Araw-araw, sabay silang kumakain ng lunch, minsan dinner. No one was suspecting about what they were. Umpisa pa lang, sabay na talaga silang kumain at minsan pang kasama si Girta. It became a typical sight and routine inside the Metrovilla.

Normal din naman na si Klaudine ang kasama ni Henry sa tuwing may meeting siya sa labas ng office. Nagiging oras din nila iyon para sa kanilang dalawa na walang iniisip kung mayroon bang makakikita o manghuhusga.

Everyone thought they were just boss-secretary when it was more. They were just careful.

"Hi, Miss Girta!" nakangiting bati ni Klau pagdating sa office galing sa school. "Kumain ka na po? May dala akong puto, nadaanan ko lang po sa may school."

"Ay, gusto ko!" Girta exclaimed and excitedly accepted the container with puto. "So, kumusta naman schooling mo? Bilib din talaga ako sa 'yong bata ka kung paano mo napagsasabay lahat, e. Hindi ka ba napapagod?"

"Mas nakakapagod kapag walang ginagawa, miss," natatawang sabi ni Klau habang nakatingin sa monitor.

Nag-log in na siya, nag-check ng emails, at inilista ang mga task niya sa maghapon. That was Klau's routine unless may mga client ang Metrovilla na kailangang kausapin.

Hindi niya alam kung nasa office na si Henry. Madalas namang pumapasok lang siya roon kapag may kailangan o kapag ipinatatawag siya. Kahit na alam ni Klau na walang magsususpetya, mas pinili pa rin niyang maging maingat.

Sa pagkakataong ito, mas pinili ni Klaudine ang sarili. Mas pinili niyang maging masaya, kahit na bawal ang ginagawa niya.

Paulit-ulit niyang iniisip si Harriet. Sa isang buwan—kung ano man ang relasyon nila ni Henry—walang araw niyang hindi inisip ang kaibigan lalo na kapag magkasama sila. Guilt was consuming her, but she chose to be happy this time.

Masaya siya sa piling ni Henry. Iyon lang ang alam niya.

Galing si Henry sa isang meeting at pagdating sa opisina, wala pa si Klau sa desk nito. Tumingin siya kay Girta at binati ito ngunit huminto sa desk ni Klau para kuhanin ang blue folder para sa bagong clients.

"Nagpunta lang sandali si Klaudine sa Creative Department dahil may hiningi silang files," nakangiting sabi ni Girta. "Nagututom ka ba? Magpapabili ba ako ng pagkain?"

Tumango si Henry habang nakatingin sa papeles. "Yup, can you do that? Bumili ka na rin ng para sa 'yo and ask Klaudine for her order, too. Papasukin mo na lang siya sa loob pagdating niya kasi may ipapa-draft akong document para kay Mr. Ibagan."

"Sige, Henry. Sabihan ko na lang si Klau. Sa pagkain, ako na ba ang bahala?" tanong ni Girta.

"Yup." Henry nodded and went inside his office.

Ilang araw na rin na loaded sa trabaho si Henry. Parati na rin niyang iniisip na malapit na ang graduation ni Harriet at iniisip na sana, magkaroon ito ng interes sa Metrovilla. Kung hindi man, matatanggap niya iyon. Kung siya rin naman, hindi niya pipilitin ang anak sa kahit na anong hindi nito gusto.

Henry was busy reading some documents when the door opened. He instantly smiled upon seeing Klaudine. May dala itong green folder na galing sa Creative Department at malamang na magpapaapruba ng design.

"Good afternoon," bati ni Klaudine habang papalapit sa kaniya nang nakangiti. "Pinapapirmahan ng Creative Department para daw mapadala na sa production."

"Thank you. Nagpabili ako ng pagkain, I know you haven't eaten yet." Henry stood up and walked towards Klau. Hinawakan niya ang kamay nito at hinila papalapit sa kaniya para yakapin. "How's your day?"

"Okay naman. Ikaw?" Bumitiw si Klaudine at inayos ang necktie ni Henry. "Hindi ka ba kumain sa meeting mo kanina? Sabi ni Miss Girta, nagpapabili ka ng pagkain."

Umiling si Henry. "I focused on the designs and meeting. But I had coffee." Hinawakan niya ang kamay ni Klau. "Medyo busy ako ngayon, marami akong trabaho."

"Ako rin. Pupunta naman ako sa Accounting mamaya para din sa pinirmahan mo n'ong nakaraan. 'Yung appro—"

Kaagad na humiwalay si Klaudine kay Henry na sumandal sa lamesa at kunwaring nagbabasa sa isang folder nang makarinig sila ng katok. They pretended as if they were just casually talking about the document.

Nakita ni Henry ang pag-aalala sa mukha ni Girta lalo nang tumingin ito kay Klaudine.

"What is it?" Henry asked.

"K-Kasi, nandito ang p-parents ni—" Tumingin ulit ito kay Klaudine. "—ni Richie kasama ang abogado nila. G-Gusto raw makausap si Klaudine t-tungkol sa nangyari."

Mula sa gilid ng mata ni Henry, nakita niya kung paanong yumuko si Klaudine at mukhang itinago na naman ang mukha.

Alam ni Henry na sa tuwing mapag-uusapan o may maririnig ito tungkol sa nangyari na pilit kinalilimutan, kahit na siya mismo, gusto niyang ilaban.

"You know my answer to that, Girta," Henry said in a low voice. Tumingin siya kay Klaudine. "Stay here for a while till they're gone. I know you're not ready to face them. And let my lawyer talk to them."

"Sige, ako na ang bahala sa kanila. Dadalhin ko na lang ang pagkain dito and I agree. Dito ka na muna, Klaudine," sabi ni Girta. "Ako na ang bahalang kumausap sa kanila. Tatawagan ko na lang din ang abogado mo, Henry."

Nang makalabas si Girta, kaagad na hinawakan ni Henry ang kamay ni Klaudine at iginiya ito papunta sa sofa. Naramdaman niyang malamig ang kamay nito at nanginignig.

Nakayuko, nakatakip ang mukha ng buhok, at hindi siya nagkamali nang makitang may nangingilid na luha sa mga mata nito.

"Hey." Henry wiped Klaudine's tears. "I'm here. Hayaan mo sila, let me take care of this."

Tumingin sa kaniya si Klau. "K-Kailan pa?"

"A-Ang alin?"

"K-Kailan mo pa hinahawakan ang kasong ito?" mahinang humikbi si Klaudine. "W-Wala kang sinabi sa akin. K-Kasi 'di ba, sabi ko, huwag na nating pakialaman. Ayaw ko na magkar—"

Nag-iwas ng tingin si Henry. "You know I won't let this go. T-Tahimik lang ako, but I'm moving."

Hindi alam ni Klaudine ang magiging reaksyon. Nakiusap siya kina Henry at Harriet, kahit kay Ford, na huwag nang makialam. Wala siyang balak balikan ang nakaraan, wala siyang balak buksan ang memoryang paulit-ulit niyang iniiwasan.

"H-Hindi kayo nakinig sa akin." Klaudine sobbed, sniffed, and stood up. Hindi siya nagpaalam at lumabas na lang bigla ng office ni Henry dahil biglang nanikip ang dibdib niya.

Bumalik siya sa trabaho at ginawang busy ang sarili dahil kung ano-ano na naman ang pumapasok sa isip niya. Bumalik na rin si Girta at sinabi kay Klaudine na umalis na ang mga ito at lawyer na lang ang kausapin. Tipid lang ang ngiting isinagot niya rito.

Henry didn't push Klaudine. Kahit magalit ito, itutuloy pa rin niya ang proseso ng kaso. She deserved it. Klau deserved justice.





Dalawang araw pa ang lumipas, hindi pa rin kinakausap ni Klaudine si Henry. He wanted to talk to Klau, but she was aloof. Sa tuwing papasok ito ng office, tahimik lang na iiwanan ang mga dokumento. Minsan siyang nagpupunta sa apartment nito para i-check kung maayos lang ang lahat, pero hindi siya kauusapin.

"Klaudine, you're ignoring me for two days." Henry sighed. "I'm sorry for not telling you what I was doing. Gusto ko lang naman na—"

"Sana kasi pinakinggan n'yo ako." Tumingin si Klaudine sa kaniya. Nanginig ang baba nito. "Hindi n'yo kasi maintindihan. A-Ayaw ko nang balikan, Henry. Please, mas gusto ko na lang matahimik. N-Nakikiusap ako sa inyo. Ayaw ko nang ungkatin, ayaw ko nang balikan."

Naglakad papalapit si Henry kay Klaudine at niyakap ito nang mahigpit na mahigpit. Wala na siyang sinabing kahit na ano at hinayaan itong umiyak sa dibdib niya. It was his fault. He made a move without consulting the person involved.

"Next time, I'll ask you first. I'm sorry," Henry whispered and kissed Klaudine's cheek. "Sama ka sa akin sa production mamaya? May ginagawa ako. Baka gusto mong makita?"

Klaudine smiled and nodded while wiping her tears. Basang-basa ang mukha niya kaiiyak. Ilang araw siyang tahimik na kahit sina Harriet at Ford, hindi niya kinakausap dahil doon.

Henry chuckled while looking at Klaudine and leaned forward to kiss her before she left his office. Bumalik siya sa swivel chair at binuksan ang laptop niya. Bumungad sa kaniya ang picture nina Harriet at Leandra mula sa wallpaper.

It was so hard to pretend in front of his wife and daughter. Iniisip niya kung ganoon din ba nararamdaman ng iba na nangangaliwa sa pamilya?





Gustong-gustong pinanonood ni Klaudine si Henry sa tuwing busy ito sa ginagawa lalo na kapag nasa production sila. Palagi siya nitong isinasama simula noong magkaaminan sila. Nanonood lang siya habang nag-uusap din sila.

"'Yung sofa pa rin ba ang ginagawa mo?" tanong ni Klau.

Umiling si Henry. "Hindi. Noong hindi mo ako kinakausap, nandito ako. I was making this."

Iniabot sa kaniya ni Henry ang pahabang box na may nakaukit na initial ni Klaudine. Nakakunot ang noo ni Klaudine habang nakatingin sa kahong gawa sa kahoy.

"That was made with mahogany and stained with dark walnut." Sumandal si Henry sa isang lamesa habang nakatingin sa kaniya, hinihintay na tanggapin niya ang iniaabot nito. "'Yan ang ginawa ko for two days."

Kinuha ni Klau ang box. May kabigatan iyon at sobrang kinis. Pulido ang pagkakagawa dahil walang kahit na anong palya o salubsob. Makinis iyon at ipinaglandas niya ang hinlalaki sa nakaukit na initial niya.

"Ano 'to?"

"Open it." Henry smiled.

Klaudine's heart was pounding as she stared at the box, but her heart almost stopped when she opened it. A necklace was lying on a black satin with foam. It was a necklace box.

The necklace was thin and small. Mayroong maliit na bilog na pendant at walang ibang disenyo.

"H-Henry, alam mong hindi ako tumatanggap ng kahit na anong mamahalin."

Ngumiti si Henry at umiling. "Don't worry, it's not that expensive," sabi niya at kinuha ang kwintas mula sa kahon. "This necklace is connected to this." May inilabas ito mula sa bulsa.

Tahimik si Klaudine na nakatingin kay Henry habang hawak ang kwintas na galing sa kahon at ang keychain na may dalawang susi.

"I got this keychain when I was in college. Hindi ko alam kung bakit ko ito binili noon. Hanggang sa ginawa ko na lang keychain ng vault na pag-aari ko. I had this for too long and it was made in gold. Mura pa kasi ang gold noon."

Nakatingin si Klaudine kay Henry dahil nakangiti itong ikinukuwento sa kaniya ang tungkol sa hawak.

"I have a friend who makes jewelry. I asked him if he could customize it for me. Kumuha siya ng part ng gold sa keychain ko at ginawa niyang necklace." Pumuwesto si Henry sa likuran ni Klaudine at isinuot ang kwintas.

Manipis lang iyon, magaan. Kahit na hindi siya sanay magsuot ng mga ganoon, parang hindi niya ramdam.

"You are and will always be a part of me, Klaudine," Henry whispered while fixing the necklace from behind. "What we currently have, I will cherish this. Kahit ano man ang mangyari sa hinaharap, and you will be the last woman I'd love. You are . . . the love of my life."

Kinagat ni Klaudine ang ibabang labi at bumagsak ang luhang pinipigilan.

"A-Alam kong panandalian lang ito, Henry." Klaudine tried to speak normally. There was a lump on her throat, and she couldn't breathe properly. "A-Alam ko kasi na darating ang araw na ibabalik na kita sa kaniya."

Walang isinagot si Henry hanggang sa dumikit ang noo nito sa likuran ng ulo niya kasabay ng mahigpit na pagyakap.

"A-Ayaw ko nang bumalik."

"Alam mong hindi puwede." Humarap si Klaudine at humiwalay sa pagkakayakap ni Henry. "Hiram lang ito, Henry. Hindi tayo puwede."

Henry smiled and looked down. Tumalikod rin siya at itinago ang reaksyon sa sinabi ni Klaudine. Where was the lie, though? Sa tuwing maghihiwalay sila sa maghapon, umuuwi siya sa totoong nagmamay-ari sa kaniya. Umuuwi siya sa asawa niya na pinakasalan niya mahigit dalawang dekada na ang nakalipas.

Natutulog siya na si Leandra ang huling taong nakikita at gumigising na si Leandra pa rin ang kasama.

Sa loob ng isang buwang pagtataksil, isa lang ang gusto ni Henry. Kahit mali, isa lang ang tanong niya.

"Kailan kaya mangyayari na ikaw na lang, Klaudine?"


T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys