Chapter 24
Noong bata pa si Klaudine, palagi niyang iniisip kung bakit palaging galit sa kaniya ang mama at papa niya. Wala naman siyang naalalang ginawa sa mga ito dahil mabait siyang anak, alam niya iyon sa sarili.
Masunurin siya, masipag, at hindi sumasagot kahit na palagi siyang nasasaktan. Klaudine did her best to be the best, but the best was never enough in her mother's eyes.
Palagi siyang nasa top five sa school, pero kailangan niyang maging top one na hindi naman nangyari. Uso sa public schools ang mga magulang na malalapit sa teacher para mapunta sa top ang mga anak. Never naman iyong ginawa ng mama niya sa kaniya, kaya palagi siya sa third o fourth.
Kung si Klaudine lang, sapat sa kaniya iyon ngunit hindi sa ina. Sa lola niyang namayapa na, sapat iyon. Proud pa sa kaniya at ipinagluluto pa nga siya ng spaghetti.
Nang makapasa siya sa university at nakakuha pa ng full scholarship na sponsor ng Metrovilla, ang buong akala niya, matutuwa ang mga magulang. Ngunit ang sinabi sa kaniya, "Dapat lang . . . gamitin mo 'yang utak mo."
Tatlong araw na si Klau sa probinsya. Wala siyang sinasagot na tawag mula kay Harriet dahil nag-iwan naman siya ng message sa kaibigan. Hindi rin niya sinasagot ang tawag ni Henry unless si Girta iyon at tungkol sa trabaho.
"Ate!" kuha ni Sia, nakababatang kapatid, sa atensyon niya. "Hindi ka pa uuwi? Kakain na!"
"Mauna na kayo." Ngumiti si Klaudine na para bang normal lang ang lahat. Nakaupo siya sa swing sa ilalim ng mangga at nagpapahangin. "Busog pa naman ako, uuwi na rin ako maya-maya."
Tumakbo palayo si Sia. Ito ang sumunod sa kaniya at sixteen years old na ito, sumunod naman kay Sia si Samuel, thirteen years old, at ang bunso nilang si Sammy na sampung taong gulang na.
Ang mga kapatid ang dahilan kung bakit mas minabuti ni Klaudine na magtrabaho habang nag-aaral. Siya ang sumasagot sa mga pangangailangan ng mga ito, lalo na ni Sia na malapit nang mag-college. Nag-iipon si Klaudine ng pang-tuition para sa mga ito.
Malamig ang simoy ng hangin sa probinsya, malayo sa polusyon ng Manila. Akala ni Klaudine, mararamdaman niya ang kasiyahan pag-uwi ngunit hindi. Mas naramdaman niya ang pagiging mag-isa dahil sa trato sa kaniya ng mga magulang.
Nakatingin si Klaudine sa nag-iibang kulay ng langit. Papalubog na ang araw at katulad ng dati, uuwi bago pa tuluyang dumilim.
Habang naglalakad, nakatanggap ng tawag si Klaudine kay Girta tungkol sa trabaho lalo na at may malaking project ang Metrovilla.
—
Nilingon ni Henry si Leandra nang magtanong ito tungkol sa lakad niya kinabukasan. Nakaupo sila sa living area, nanonood kasama sina Harriet at Ford. Katatapos lang nilang mag-dinner dahil nagprisinta ang anak niya na magluto.
"Maayos na ba ang mga dadalhin mo bukas?" tanong ni Leandra. "Magdala ka ng extra-ng damit, okay?"
Tumango si Henry at tipid na ngumiti. "Yup, inayos ko na rin lahat kanina. Baka magtagal ako roon nang three days. Ikaw, wala ka bang lakad? Ayaw mong sumama sa akin?"
Umiling si Leandra at nag-focus sa pinapanood. "I have an important meeting tomorrow, e. May kailangan din kasi akong i-meet na client sa isang araw. Maybe next time."
Henry nodded without saying anything and focused on watching. Ilang beses na rin siyang tumitingin sa phone, nagbabaka sakaling mag-reply si Klaudine ngunit wala.
"Where are you going pala, Daddy?" ani Harriet na nakaupo sa tabi ni Ford at kumakain ng popcorn.
"Your Tito Arnaldo's resort in Gregorio. He requested some personalized furniture for his resort kaya pupuntahan ko para mas makita ko kung paano ko ide-design ang mga gusto niya. I might stay there for two to three days, and I don't know yet," Henry continued.
Tumango si Harriet. "Gregorio is around two hours away from Klauie's province. Remember when I stayed at Tito Arnaldo's resort 'cos I was waiting for a friend? That was Klauie." Bumalik ang tingin nito sa pelikulang pinanonood nila.
Hindi sumagot si Henry at tahimik na nanonood. Ilang araw na niya itong inisiip. Umalis ito nang walang paalam at sinabi na lang kay Harriet thru text na uuwi muna ito sa probinsya, ganoon din kay Girta tungkol naman sa trabaho, ngunit siya mismo, walang natatanggap na kahit na ano.
Naisip ni Henry na baka dahil sa nangyari sa kanilang dalawa kaya ito umalis at umiwas.
"When daw ba uuwi si Klauie, Daddy?" tanong ni Harriet. "Nagpaalam ba siya sa 'yo?"
"Kay Girta," he responded with a flat tone. "She directed to Girta, I think."
Hindi nagsalita si Harriet hanggang sa marinig ni Henry ang boses ni Klaudine mula sa phone ng anak. He pretended not to care when in reality, he felt at ease by hearing Klaudine's voice.
"When ikaw babalik ng Manila, Klauie?" Harriet paused the movie and signaled to wait while talking to Klaudine. "Sa isang araw, but?"
"Hindi pa ako sure, Harri . . . kasi nag-promise pa ako kay Sia na bibilhan ko siya ng bag sa mall bukas," Klaudine said.
"Okay, Klauie. Ingat ka, ha? If your mom's hurting you again, leave na," Harriet said which made Henry confused. "I wuv you and take care!" Then dropped the call.
Tumingin sa kaniya si Harriet. "Looks like she's still working pa rin. That girl talaga is never resting," umiiling na sabi ni Harriet. "Daddy, alam mo ba noong nagpunta kami sa Ontario kasi doon ko siya pinadiretso, I was so shocked kasi she had a bruise on her face."
Matamang tinitigan ni Henry ang anak. Pareho sila ni Leandra na nakikinig kay Harriet. Something about Klaudine's past and family interested him.
"Turns out, she wanted to quit school 'cos she's tired and all. Gusto lang sana ni Klauie mag-work and mag-stop nang one year for her to save up. Kaso, her mom was furious and said she didn't care if Klauie won't sleep. Mag-school siya and work," Harriet said as if trying to relive a moment. "That was the first time I offered na puwede siyang mag-apply ng job sa Metrovilla. Kaso she turned down 'cos we're friends daw."
Henry chose not to say anything when Leandra breathed.
"That kid," ani Leandra at nilingon ni Henry ang asawa. "She's been through a lot, and she didn't even deserve any of it. At a young age, she did nothing but please people around her. I hope one day, she'll find someone who would just give her the world."
Again, Henry remained silent as if not interested when in reality, his mind was in chaos. He badly wanted to see Klaudine. When he felt a thump inside his chest, he subtly glanced at his wife and sighed.
—
Nag-inat si Henry at bahagyang minasahe ang batok nang makababa ng kotse. Apat na oras na diretso ang ibiniyahe niya. Alas-singko ng umaga siya umalis sa Manila at nakarating ng alas-nuwebe ng umaga.
Dagat ang nakapalibot sa Ontario Resort. Kaibigan niya ang may-ari nito na nakilala sa isa ring kaibigan dahil naging kliyente niya. Mostly naman ng mga kumpanya o properties na nagagawan niya ng designs, dahil lang din sa word of mouth.
"Good morning, sir."
Nilingon ni Henry ang lalaking nagsalita. Nakapormal itong suot; suit and tie, may dalang iPad, at bahagyang tumango.
"I'm Jonas, manager po ako rito at nasabihan na po ako ni Sir Arnaldo."
Tumango si Henry at kinamayan ang lalaki. "Good morning, Jonas. Pleased to meet you."
"Ito po ang mga kailangan ninyo. Sa presidential suite po kayo pinapatuloy ni Sir Arnaldo. It's the biggest cabin for you. Nasa tapat po 'yun ng beach at bilin din po ni sir na huwag na raw po muna kayong magtrabaho. Mag-relax daw po muna kayo."
Mahinang natawa si Henry at umiling. Nagprisinta pa ang manager na siyang bubuhat ng bag niya na kaagad niyang tinanggihan.
"May dalawang kuwarto po ang cabin ninyo," anito pagpasok nila sa cabin. Maganda ang lugar at halos gawa sa kawayan at kahoy ang mga cabin para mas maramdaman daw ang probinsya. "Puwede na rin po muna kayong magpahinga, malayo po ang biniyahe ninyo."
"Actually, gusto kong umikot," sabi ni Henry habang nakaharap sa dagat. Sinilip niya ang ibaba dahil nakalutang ang cabin niya sa tubig mismo. "Gusto ko ring makita ang buong lugar. It's been a while since I've been here."
Sumunod si Henry sa manager na nagkukuwento tungkol sa lugar. May ilang turista ngunit kakaunti lang dahil hindi pa peak season.
Niyaya rin siya nito na pumunta sa restaurant na mayroong buffet para kumain ng almusal kung gusto niya. Henry insisted on just getting a coffee while talking to the manager. May mga file na rin siyang tinitingnan tulad ng kung ano ang mabentang cabin dahil iyon ang priority.
"Sir Jonas." Lakad-takbo ang babaeng empleyado ng resort. "May naghahanap po sa inyo, babae. Kararating lang din po niya."
Kausap ng manager ang empleyado nang may pamilyar na bulto ng babaeng pumasok sa loob ng restaurant. Nakaputing T-shirt, simpleng leggings na itim, may suot na backpack sa likuran, at nakangiting nakikipag-usap sa isang lalaki habang hawak ang folder na kulay asul.
"Sir." Tumingin sa kaniya si Jonas. "Secretary n'yo raw po pala ang dumating."
"Yeah, I can see her," sagot ni Henry nang hindi inaalis ang tingin kay Klaudine.
Nakangiti pa itong nakikipag-usap sa staff. Apat na araw niya itong hindi nakita at nakausap. Hindi niya alam na magpupunta ito sa nasabing resort kaya naman kaagad niyang tinawagan si Girta.
Klaudine bit her inner cheek when her eyes met Henry's stare. Busy ito sa pakikipag-usap sa phone. Kung hindi lang importante ang itinawag ni Girta tungkol sa papeles na nasa kaniya dahil nabitbit niya noong umuwi siya, hindi siya pupunta.
Sa sobrang pagmamadali niya, nabitbit niya ang isang folder na ipinababasa sa kaniya ni Henry para sa proposal ng Ontario at kailangan iyon ng boss niya.
Magiliw na nakikipag-usap si Klau sa isang employee na pinipilit siyang kumain. Naupo sila sa isang dining table habang nag-uusap at wala siya sa mood dahil hindi maayos ang pakiramdam niya. Naisipan din niya na babalik na lang siya ng Manila para din hindi na sayang ang biyahe.
Klaudine was still talking to the receptionist about the place when a familiar scent invaded her nostrils. Hindi siya nagkamali nang umurong ang upuan sa tabi niya at kinuha ni Henry ang folder na nakalapag sa lamesa.
"Good morning, Klaudine." Mababa ang boses nitong nakatutok sa folder. "This could wait. Pinilit ka ba ni Girta? This can easily be discussed in the office."
Mababa ang boses ni Henry at mukhang hindi nito nagugustuhan ang nangyayari. Magkasalubong ang kilay na naging dahilan para maging speechless si Klaudine, literal. Nakade-kwatro ito habang nagbabasa na hindi rin tumitingin sa kaniya.
Mukhang naramdaman ng babaeng kausap ni Klaudine ang atmosphere kaya tumayo ito. "Ikukuha ko po kayo ng food, sir. Ano po ang gusto ninyo?"
"I'm good," Henry answered without emotion, without even looking at the woman.
Tipid na ngumiti ang babae bago bumaling kay Klaudine. "Ikaw, Klaudine, ano'ng gusto mo?"
"W-Wala, okay lang ako." Umiling si Klaudine.
The girl was about to leave when Henry spoke, "Give us your best breakfast menu. If you have pancakes, kindly give us, too. Hot chocolate, longganisa, and fried rice with lots of garlic. For two."
Tumango at ngumiti ang babae at nagpaalam na sa kanila.
Klaudine chose not to say anything. Tahimik siyang nakasandal sa upuan, nakapatong ang kamay sa lamesa, at inoobserbahan ang ilang guests na kumpleto ang pamilya. Sa naisip, ngumiti si Klaudine. Isa sa pangarap niya ang madala ang pamilya sa ganitong lugar.
"How are you?" Henry murmured without looking at Klaudine.
"Okay lang naman ako. Ikaw?" sagot ni Klaudine habang nakatingin pa rin sa kung saan at hindi tumingin kay Henry. "After kumain, aalis na rin ako, ha? Bibiyahe na rin kasi ako sa Manila. Sakto, Friday naman, makapagpapahinga pa ako para makapasok na ako sa Lunes."
Tumingin si Henry kay Klaudine. "Why did you leave without saying anything and without answering my messages?"
"Hindi pa ba obvious?" Klaudine whispered. "Umiiwas na ako kaya kay Miss Girta na ako dumidirekta."
Mataman siyang tinitigan ni Henry nang may sumilay na ngiti mula rito. "Not a good move, though."
Hindi na pinansin ni Klaudine ang sinabi ng boss niya at tumayo papunta sa malawak na balcony kung saan nakatapat ang malawak na kulay asul na dagat. Nililipad ng malakas na hangin ang buhok niya at nakaramdam siya ng pagkakuntento habang nakatingin sa kawalan.
Umalis siya sa bahay nila nang walang paalam. Mas mahihirapan lang siya. Isa pa, parang hindi naman masaya ang mga magulang niya sa pag-uwi at nakikita niya iyon araw-araw.
"I was hoping you won't do that again," ani Henry na nakapamulsang tumabi sa kaniya. "I was worried."
Nilingon ni Klaudine si Henry. "Mas mabuti na rin kasi 'yun, e. Pagkatapos ng nangyari, wala akong mukhang maiharap kay Harriet at sa asawa mo."
Hindi nagsalita si Henry hanggang sa tinawag na sila ng staff para kumain. Parehong tahimik, parehong piniling huwag magsalita.
Maganda ang lugar at tahimik. Natutuwa si Klaudine na ang ilan sa mga cabin, nakalutang sa mismong dagat. Pangalawang beses na niyang napuntahan ang lugar dahil kasama niya si Harriet noong una.
"You look unwell." Hindi napigilan ni Henry ang sarili habang nakatingin kay Klau. Nangangalumata itong nakatitig sa kinakain.
Klaudine didn't say anything.
Mula sa ilalim ng lamesa, dahil magkatabi naman sila ng upuan, hinawakan ni Henry ang kamay ni Klau. "You're cold. What's wrong?"
Nagulat si Klaudine sa nangyari ngunit hindi niya binawi ang kamay. Ipinalibot niya ang tingin sa lugar at may ilang staff na palakad-lakad, pero hindi makikita ang ginawa ni Henry dahil may tablecloth na nakatakip.
Henry was still holding Klaudine's hand below the table when it automatically intertwined. Both sighed but chose to hold each other's hand.
Malalim ang paghinga ni Klaudine at ayaw niyang bumitiw kaya naman hinarap niya si Henry. Nakayuko ito sa kamay nilang dalawa.
"D-Don't let go, please." Henry begged.
"Ito na naman tayo, e. Pinapahirapan mo na naman ako."
"Hindi lang naman ikaw," Henry murmured.
Maingat na binawi ni Klaudine ang kamay mula kay Henry at nagsimula na lang ulit kumain. Masarap ang pancake, pero walang-wala sa ginagawa nila ni Harriet kahit pa instant lang iyon. Bigla niyang naalala na kapag kumakain sila ni Harriet, imbes na syrup, mas gusto nito ng cheese.
Nang matapos kumain si Henry, lumapit sa kaniya ang manager at sinabing may papeles lang na papapirmahan sa mismong opisina kaya naman sinabi niyang susunod na lang siya.
Nilingon niya si Klaudine na seryosong nakasandal sa upuan at hinihiwa pa rin ang pancake na kinakain.
"Can you stay a bit?" Henry said. "May gagawin lang ako, may kakausapin lang ako, please . . . huwag ka na munang umalis."
"Kailangan ko nang bumiyahe pa-Manila para hindi ako gabihin," Klaudine coldly uttered.
Henry sighed. "Thirty minutes lang ang hihingin ko, Klaudine. Please, kindly wait."
Tumusok si Klau ng pancake at bahagyang tumango nang walang sinasabi.
"Thank you," Henry said and stood up.
Sumunod si Henry sa manager ng resort at pumunta sa opisina nito. Pinakita sa kaniya ang blueprint ng buong resort na ni-request niya mismo kay Arnaldo dahil may mga suggestion siya na posibleng makapag-improve sa lugar. Hindi naman siya architect, pero may alam siya dahil sa self-study.
"The place is actually good, Arnie," ani Henry habang tinitingnan din ang ilang pictures para sa amenities. "But some can be worked out. I have some ideas, and I'll list them down and share them with you."
"Thanks, Henry. Sige lang, feel free to suggest, and we'll see if I can work it out," sagot nito. "By the way, Jonas said your secretary is also there. We can reserve a room for her if you want."
Hindi alam ni Henry ang isasagot. "I'll ask her first."
"Go ahead. The cabin beside you is free, she can stay there if she wants to," sabi ng kaibigan niya. "Henry, thanks for taking time to check the resort and I'm sorry I wasn't around."
"No worries, Arnie. Ako na ang bahala. Thank you so much!" Then both dropped the call.
Nagpaalam na rin si Henry sa manager at bumalik sa restaurant para hanapin si Klaudine ngunit wala na ito. He tried to call her, but she wasn't answering, and he was starting to get pissed that she left again and he was worried until a staff walked towards him.
Inabot nito ang panyo na may initial ni Klaudine at sinabing naglakad ito papunta sa beach area. The person even offered to bring him to the beach, but he declined.
Kalmado ang dagat, pero si Henry mismo, hindi. Ramdam na ramdam niya ang pag-iwas sa kaniya ni Klaudine. Kung tutuusin, dapat na mas matuwa pa siya dahil mas makatutulong iyon para mas mapigilan nila ang kung ano ang mayroon sila.
Pero sa tuwing lumalayo ito, mas nahihirapan siya . . . mas lumalalim pa nga.
Nang makarating sa beach area, ipinalibot ni Henry ang tingin sa lugar at nakita si Klaudine na nakahiga sa isang inclined chair. Nakatagilid ito at mukhang hindi namalayang nakatulog na.
Henry walked towards where Klaudine was lying and sat beside the inclined chair, staring at the woman who broke all the walls. Ayaw mang aminin ni Henry, Klaudine was a sin . . . a sin he would gladly commit.
Tinanggal niya ang buhok na nakaharang sa mukha nito at tinitigan. Her eyes were puffy and dark circles were showing. After everything the girl went through, all Henry wanted was to protect her. But how could he protect her if it really was impossible for them to be together?
Nakaramdam si Klaudine nang pagginaw kaya bigla siyang bumangon. Hindi niya inasahang makatutulog siya. Nakita niya si Henry na nakaupo rin at nagbabasa ng papeles sa katabing inclined chair.
"Hey." Henry looked at Klaudine. "Are you okay?"
Tumango si Klau at sinapo ang ulo. "Oo. Okay ka na ba rito? Puwede na ba akong umalis?" Tumingin siya sa relo. "Almost 11 na rin kasi, para h-hindi ako gabihin."
"Arnaldo said you can stay," Henry said. "May cabin na naka-provide para sa 'yo kung gusto mo. It's near my cabin."
Ibinalik ni Klaudine ang tingin sa dagat. Ang kalmado . . . tulad ng puso niya, tulad niya sa tuwing nasa tabi niya si Henry. Nahihirapan siya dahil hinahanap-hanap na niya ang presensya nito sa tuwing mabigat ang lahat. Alam niya sa sarili na mali, ito ang unang beses na nakaramdam siya na maayos lang ang lahat, magiging maayos ang kahit ano.
"Am I making you uncomfortable?" Henry asked. He was hoping for a positive answer until she looked at him with her eyes pooling with tears. "A-Am I?"
Klaudine nodded without hesitation. "Oo. Nahihirapan na nga ako, e. Gusto ko nang lumayo, Henry. Nahihirapan na ako . . . pero sa tuwing lumalayo ako, hinahanap kita. G-Gusto kitang makasama." A little sob escaped from Klaudine's voice and it even cracked. "G-Gustong-gusto kasi ang gaan. Ang kalmado, pero . . . mali."
"Gusto ko ring lumayo," Henry said and stared at nowhere. "Ito ang unang beses na nagkamali ako. Pagkakamali ito, oo. Masakit tanggapin para sa ating dalawa dahil palagi mo rin sinasabi na mali . . . pero ito lang ang maling gusto kong panindigan."
"Henry, hindi puwede." Klaudine sobbed. "Hindi puwede kasi ang layo natin. Hindi puwede k-kasi may masasaktan, may masasagasaan."
Henry smiled and wiped a lone tear dropped. "I know. I don't wanna hurt my wife. She's been with me for decades, we share a daughter and I love Harriet, you know that. It wasn't my intention, Klaudine, to feel this way. Hindi ko rin ito ginusto."
"B-Bakit ba kasi nangyayari ito?" Humarap si Klaudine sa dagat at mahinang humikbi. "Ang kalmado ko kapag kasama kita, pero ang bigat din kasi alam kong hindi puwede. Hindi puwede kasi maling-mali, e."
Hindi sumagot si Henry habang nakatitig sa kawalan. Alam niyang mali, pero ayaw niyang pakawalan. Nahihirapan siyang pakawalan.
Tumayo si Klau nang hindi magsalita si Henry, "Bibiyahe na ako papuntang Man–" Natigilan siya nang hawakan nito ang kamay niya. "Henry naman, e."
"Stay." Henry breathed while looking up at Klaudine. "Stay. Sabay na tayong umuwi ng Manila. Can w-we have this time? Kahit ito na lang. After this, we'll let go. We'll try to let go. J-Just please . . . make me think this is just fling. Please, Klaudine."
"Henry naman." Klaudine's brow furrowed. Her heart was pounding while staring at Henry. Naramdaman niya ang sunod-sunod na pagbagsak ng luha dahil sa tingin nito sa kaniya.
Gone the powerful Henry Avila, gone the class, gone the intimidating aura. Henry Avila was begging for her to stay and Klaudine wanted to, but she thought about one person . . . Harriet.
"Harriet." Klaudine sobbed like a child. She was trying so hard to refrain from crying but couldn't stop. "Henry, si Harriet."
Yumuko si Henry at binitiwan ang kamay niya. Si Harriet ang safe word nilang dalawa, dahil pareho nilang ayaw itong saktan.
Ibinalik ni Klau ang tingin sa dagat.
Simula pagkabata, palaging iniisip ni Klaudine ang ibang tao. Sa mga magulang niya, sa mga kapatid, sa lahat. Wala siyang naging sariling desisyon dahil ayaw niyang makasakit o ma-disappoint ang ibang tao sa kaniya. She was raised to be perfect, pero simula nang mangyari ang mga bagay na hindi niya inaasahan, dahil sa pilit niyang pagkokontrol, dahil palagi niyang iniisip ang iba . . . naranasan niya ang hindi dapat.
"Pagkatapos ba natin dito, w-wala na?" tanong ni Klaudine habang nakatingin sa kawalan. "Pag-alis natin dito, tapos na?"
"Hindi ko alam," Henry answered truthfully. "Hindi ko alam."
Nilingon ni Klaudine si Henry na nakatingin sa kaniya. "Hindi ko rin alam, pero puwede bang habang nandito, kalimutan ko ang lahat? Puwede ba akong maging makasarili?"
"Nagiging makasarili na rin ako, Klaudine."
—
Pumasok sila sa cabin ni Henry. Magkatabi lang ang cabin na ibinigay sa kaniya at sa cabin ni Henry. Dalawa ang kuwarto, maluwag ang living area, at mayroon pang kusina. May mga libro din na naka-display ngunit nang makita niya ang libro sa coffee table, kaagad na bumilis ang tibok ng puso niya dahil mayroon siyang naalala.
"Are you okay?" Henry asked when he saw how Klaudine breathed and started having an attack. Nakatingin ito sa libro sa lamesa at nakayakap sa sarili.
Kahit hindi alam ni Henry ang nangyayari, tinanggal niya libro sa mesa.
Tumalikod si Klaudine at nagpunta sa balcony ng living area para huminga. Nakaharap siya sa dagat. Walang ibang makakikita sa kaniya dahil nasa dulo ang cabin at nakaharap sa karagatan.
"Matulog ka na rin muna ulit. Lalabas kasi ako dahil kailangan kong puntahan ang ilang cabin. Kailangan kong i-check ang mga lugar na gagawan ng furniture. Magiging maayos ka lang ba rito?" tanong ni Henry.
Tumango si Klaudine at naglakad papunta sa kusina. Kumuha siya ng tubig at ng gamot sa bag niya.
"What's that?"
"Paracetamol," sagot ni Klaudine habang hinuhugasan ang basong ginamit. "May dysmenorrhea kasi ako."
"Go rest, then." Henry walked towards Klaudine and without saying anything, he hugged the woman he was with. "Babalik ako after ng mga gagawin ko. You can sleep or have fun. You can even walk around if you want to. Just do whatever you want."
Hindi sumagot si Klaudine at pumikit habang nakayakap sa kaniya si Henry. Ang pader na pilit itinayo, tuluyan nang bumagsak . . . at sa pagbagsak ng harang, tuluyan nang pinapasok ni Klaudine ang mali na alam niyang makapagpapagaan ng bigat sa dibdib niya.
"Mag-iikot na lang muna ako. Magtrabaho ka na."
Henry smiled and kissed the side of Klaudine's head. "I'll be back as soon as possible."
Nang makalabas si Henry, ibinalik ni Klaudine ang tingin sa karagatan. Sobrang kalmado, walang alon, kumikislap dahil sa tumatamang araw, at maaliwalas . . . tulad ng pagtibok ng puso niya.
Kalmado at masaya.
Isinantabi muna ni Klaudine ang mali para sa sayang minsan lang niya mararanasan. Gusto niyang maging madamot kahit ngayon lang.
—
Hindi inasahan ni Henry na aabutin siya ng hapon. Hindi niya alam kung kumain na ba si Klaudine. Alam niyang may mga pagkain sa cabin niya na puwede nitong lutuin, pero hindi ito sumasagot sa tawag niya. It was almost four in the afternoon and he felt tired.
Pagpasok ni Henry sa loob ng cabin, tahimik, at kaagad niyang nakita ang nakahain na pinggan bago dumiretso sa living room.
Ngumiti si Henry nang makita si Klaudine. Natutulog ito at may libro sa dibdib. Mukhang nakatulugan ang pagbabasa.
Naupo siya sa pang-isahang sofa at tinitigan ito. She looked peaceful while sleeping. Malayong-malayo sa malungkot na itsura nito sa tuwing magkausap sila. At habang nakatitig kay Klaudine, alam ni Henry na hindi biro ang ginagawa niya.
Henry stood up, went outside the balcony, and dialed someone's number. He badly needed to talk to that person.
"I fucked up," bungad ni Henry nang marinig ang boses ni Ylena. In-explain niya ang nangyayari. "Ylena, I fucked up."
"Sinabihan na kita." Henry heard Ylena sigh. "I told you I saw it. Sinabihan kita kasi akala ko, pipigilan mo. What the hell happened, Henry? This isn't you. You are a family man . . . you l-love Harriet."
"Ano'ng plano mo, Henry? What you're doing is wrong, and you know I won't tolerate you," dagdag ng kaibigan. "Henry, I know this is the first time you loved someone wholeheartedly. But please, think of all the consequences."
"I am t-trying," sagot ni Henry at pumikit. "Sinusubukan ko, Ylena."
"You're not," Ylena responded as if she was sure about it. "You're not trying, Henry. May isang salita ka. Kilala kita. Kapag sinabi mong gagawin mo, gagawin mo. Now, tell me . . . bakit hindi mo magawang umiwas? You know it's wrong. Bakit hindi mo gawin?"
Henry bit his inner cheek and breathed. "Mahal ko."
Ylena let out a small laugh. "Dapat nagagalit ako sa 'yo ngayon, e. But the fact that this is your first love, hindi ko magawang magalit. I wanted to be happy, Henry . . . but it's still wrong. You're married, she's twenty five years younger than you . . . and your daughter . . . si Harriet ang isipin mo."
"I wanted to be selfish, Ylena."
"Hirap kapag first love, 'no? I feel you," Ylena uttered. "Ayusin mo 'yan, Henry." Then dropped the call.
Tumingin si Henry sa kawalan. "Ang daya mo," bulong niya sa sarili. "Bakit huli na?"
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top