Chapter 20

Klaudine requested if they could just stay on the balcony. Inayos ni Henry ang lugar at naglagay ng coffee table, naglatag ng kutson, at hiniling na sana huwag umulan.

The sky was full of twinkling stars and Henry couldn't help but stare at it. Hindi niya alam kung ano sila ni Klau, wala silang napag-usapan tungkol sa kanila. They both knew something was going on between them but chose not to talk about it.

"Sure ka bang okay na 'tong pasta na pinainit?" tanong ni Klau na may hawak na bowl. Nakasuot pa ito ng pot holder. "Nilagyan ko na lang ng cheese sa ibabaw tapos medyo nag-melt dahil sa pagkakainit sa microwave."

Henry chuckled and immediately took the bowl from Klau. Naka-ready na rin ang mga utensil na gagamitin nila, juice na si Henry na mismo ang nagtimpla, at ang garlic bread na silang dalawa mismo ang gumawa.

Nakasalampak sila sa sahig habang kumakain. Pinag-uusapan nila ang ilang movies na napanood na nila. Nagsa-suggest din si Henry ng mga movie na puwedeng panoorin ni Klaudine.

"Wala rin naman kasi akong time." Uminom si Klau ng juice bago nagpatuloy, "After class kasi, gumagawa ako ng thesis ng iba. Tapos magtatrabaho naman ako. Nakanonood lang ako kapag rest day."

"W-We could watch some movies together, if you want to." Mayroong pag-aalangan sa boses ni Henry.

Nagtama ang tingin nilang dalawa at walang isinagot si Klaudine.

Kinabahan si Henry na baka pagkatapos o pag-alis nila sa bahay na ito, maglalaho na rin ang kung anong mayroon sa kanila ni Klaudine. Nagkaroon siya ng takot na baka tumalikod ito at hindi na lumingon, dahil na rin pareho nilang alam na mali ang kung anong mayroon sila.

"Okay ka lang?" tanong ni Klaudine nang mapansing yumuko na lang si Henry nang hindi siya sumagot.

Henry nodded. "I-I was just wondering if, after tonight, we'll forget everything."

Inikot-ikot ni Klau ang tinidor at tinitigan ang pinggan. Kinagat niya ang ibabang labi bago tumingin kay Henry. "Gusto kong lumayo sa 'yo dahil iniisip ko si Harriet. Mali kasi, Henry." Naramdaman niya ang bigat ng dibdib kaya bahagya niyang hinaplos ang lugar kung nasaan ang puso. "Ang bigat dito, pero parang gusto ko na lang maging maramot."

"Y-You and I both." Henry stuttered. "A-Ayaw ko na pag-alis natin dito, wala na ito."

"Ang damot, Henry." Klaudine faltered. "Kung itutuloy natin ito, ang damot natin. Magiging madamot tayo k-kasi . . . ."

"Kasi kakalimutan natin ang mundo." Yumuko si Henry at pinaikot ang wedding ring na suot. Ramdam niya ang pagtagis ng panga dahil hindi alam ang isasagot bago nag-angat ng tingin. "Pero bakit gusto kong maging maramot, Klaudine? B-Bakit ayaw ko nang kumawala kahit na hindi pa tayo nag-uumpisa?"

Hindi alam ni Klau ang isasagot. Tinitigan niya si Henry ngunit paulit-ulit na pumapasok sa isip niya si Harriet.

"M-Mahal ko si Harriet, Henry."

Henry sighed and nodded. "Ako rin."

Sapat na ang rason para subukan nilang itigil ang lahat. Iisang tao ang iiniisip nila, iisang tao ang magiging dahilan para magpigil sila. Yumuko si Klau para itago kay Henry ang luhang itinatago, ganoon din si Henry na tumayo para kumuha ng tubig sa loob ng bahay.

Kaagad na sinundan ni Klau ng tingin si Henry. Naramdaman niya ang pagbigat ng dibdib kasabay ng pagdaloy ng luhang ayaw niya sanang kumawala. May mga bagay na hindi puwedeng ipilit. Gusto niyang maging maramot. Mahal niya si Henry, alam niya iyon sa sarili . . . pero hindi puwede.

Mabagal na naglakad si Henry papunta sa kusina para mas makahinga nang maayos. Tama si Klaudine, mali. At si Harriet, hindi niya kayang saktan ang anak. Naisip din niya si Leandra. Twenty-one years niyang kasama ang asawa, pero naisip niyang balewalain ang lahat dahil sa pagmamahal na walang kasiguraduhan.

Sumandal si Henry sa ref habang hawak ang pitsel. Pumikit siya at ilang beses inisip na tama ang magiging desisyon nila. Tama dahil maraming masasaktan, lalo ang anak niya.

"Here you go." Ibinaba ni Henry ang pitsel ng tubig sa tabi ni Klau. "May gusto ka bang kainin? May malapit na convenient store malapit sa paglabas ng subdivision. We can get some ice cream or whatever."

Tumango si Klau. "Sige, puwede naman after kong maghugas ng pinagkainan natin, punta tayo. Parang gusto ko ng chips, chocolates, and—" Bigla siyang nakaramdam ng kaba.

Henry saw how Klaudine struggled to breathe and stood up without saying anything. Hindi niya alam kung ano ang nangyari hanggang sa tumakbo ito papasok ng bahay. Sinundan niya ito na pumasok sa comfort room.

"Klaudine, what's happening?" Henry asked while knocking. "T-Talk to me. What's happening?"

Nakaharap si Klaudine sa salamin habang hawak ang dibdib kung nasaan ang puso. Nahihirapan siyang huminga dahil parang may nakabara sa lalamunan nang maalalang hindi pa siya dinadatnan. Pilit niyang kinukumbinsi ang sarili. Isang linggo pa lang naman ang nakalipas simula nang mangyari iyon, imposibleng mabuntis siya.

"Please," Klaudine whispered while shaking her hands to ease the panic. "W-Wala ito, hindi puwede. Wala . . . . "

"Klaudine," ani Henry. Mahinahon ang boses nito mula sa pinto. "Please, tell me what's happening so I can help you?"

Naramdaman ni Klau kung paanong nanginig ang tuhod niya. Sumandal siya sa pinto habang hawak ang dibdib habang mahinang humihikbi. Gusto niyang yakapin si Henry, baka sakaling gumaan ang lahat . . . pero naiisip niya pa rin si Harriet. Mas importante ito kaysa sa nararamdaman niya.

Gustong maging maramot ni Klaudine, pero hindi kay Harriet.

Nakasandal si Henry pader na katapat ng pintuan ng comfort room nang lumabas si Klaudine. Bagong hilamos ito, nakangiti, at nakaipit na ang buhok.

"Tara, punta na tayo sa convenience store. Mamaya ko na lilinisin ang pinagkainan natin." Ngumiti si Klaudine at naunang maglakad papunta sa front door.

Huminga muna nang malalim si Henry bago sumunod kay Klau na nakatingala sa langit habang naghihintay sa kaniya. Sa buong maghapong magkasama sila, hindi nito tinanggal ang jacket.

Henry was too observant not to notice that Klaudine's been fixing her jacket more often. Again, he didn't ask why. Ayaw niyang i-invade ang privacy nito, at alam niya sa sarili na kapag komportable na, magsi-share din naman.

It was almost ten in the evening and they were on the road going to the nearest convenience store. Lumingon si Klaudine kay Henry na seryosong nagmamaneho. Ilang beses na niya itong nakasama, pero iba ang sitwasyon nila sa kasalukuyan. Hindi alam ni Klaudine kung hanggang saan sila ngunit may mga bagay na kailangang isaalang-alang.

"Why?" Henry asked when he noticed that Klaudine was staring at him. "Something wrong?"

"Tayo." Klaudine bitterly smiled. "Tayo, we're wrong . . . pero puwede bang kahit hanggang bago sumikat ang araw, hindi ko isipin na mali?"

Henry didn't say anything and just grabbed Klaudine's hand. Without saying anything, he intertwined their hands together not minding the word or what lies ahead.

Klaudine was right. Maybe before sunrise, they could just forget the world and let it revolve around them. It might be wrong but for Henry, it was the feeling he was yearning. The waves of emotion he couldn't control and the feeling of contentment he wouldn't dare stop.

Pumasok sila sa isang kilalang convenience store. Nakapamulsa si Henry na nakasunod kay Klaudine. Dumiretso ito sa aisle ng chips, sumunod sa mga chocolate, sa drinks, bago pumunta sa counter para ibaba ang mga pinamili.

Henry was just observing and waiting. Nakangiti siya sa tuwing namimili si Klaudine ng bibilhin dahil bumalik ang ngiti ng mga mata nito.

"Gusto mo ng sandwich?"

Nakatingin si Henry kay Klau na may hawak na tong at nakaharap sa steamer na may hotdogs and bun. Tango ang isinagot niya habang nakasandal sa chest freezer. He couldn't look away and he didn't even know when the feeling started.

One day, Henry woke up wanting to see and converse with Klaudine even if it was for work. Klaudine's voice was soothing him and he was longing to hear it every single day.

He tried so hard to stay away, to not talk to Klaudine, to fight the forbidden, but it was too impossible if the love was there. It wasn't overnight. Again, Henry didn't know when and where it started.

"Okay na ba ito?" tanong ni Henry habang hawak ang dalawang plastic at naglalakad kasabay ni Klaudine papunta sa nakaparadang sasakyan. "I was quite worried na kulang pa sa 'yo ito."

Klaudine tucked some hair behind her ear and smiled without saying anything. 'That's Klau,' Henry thought.

"Okay lang bang magbukas lang ako ng bintana habang nagda-drive ka?" tanong ni Klaudine habang ikinakabit ang seatbelt.

Hindi na kailangang ulitin ni Klaudine ang pakiusap nang si Henry na mismo ang nagbukas ng bintana pati na ang radyo bago nagsimulang baybayin ang daanan papunta sa mabundok na lugar.

They were listening to After All by Peter Cetera.

Bahagyang inilabas ni Klaudine ang ulo sa bintana at dinama ang simoy ng malamig na hangin. Walang masyadong sasakyan kaya naman nakakuha si Klau ng pagkakataon para damhin ang gabi na posibleng huli na.

Nililipad ng malakas na hangin ang buhok ni Klau at hinahayaang mamanhid ang mukha dahil sa hangin habang ibinubulong ang kanta.

"I guess it's meant to be, forever you and me, after all . . . ," bulong niya sa sarili.

Si Klaudine na rin ang nagprisintang maghugas ng pinagkainan nila. Itinago ni Henry lahat ng kutsilyo mula sa kusina. Hindi pa rin niya alam ang tumatakbo sa isip ni Klaudine kaya hindi niya ito maiwanan na may mga ganoong bagay.

"I'm okay," Henry uttered while talking to Leandra who was still in Singapore. "Uuwi na rin ako bukas. Ikaw, kailan ka babalik?"

"Tomorrow," Leandra responded. "Matutulog na ako, ha? Ingat ka riyan and I love you."

Nakagat ni Henry ang ibabang labi habang nakapamulsang nakatitig sa kawalan. Ipinikit niya ang mga mata at huminga nang malalim. "I love you, too." Then dropped the call.

Narinig ni Klaudine ang huling sinabi ni Henry at nakaramdam siya ng kirot sa puso ngunit wala siyang karapatang magreklamo. Wala siyang karapatang masaktan dahil bawal. Kung ano man ang mayroon sa kanila ni Henry, pareho nilang alam na kailangan iyong kalimutan.

Lumingon si Henry at naabutan si Klaudine na nagsasandok ng ice cream sa isang tasa. Imbes na maupo sa harapan nito, naupo siya sa tabi ni Klau at parehong sumandal sa sofa habang nakaupo sa malambot na kutson.

Iniabot ni Klau ang ice cream sa kaniya. "Okay lang ba sa 'yo ang double dutch? Favorite ko kasi 'to, e," sabi nito na nagbukas chips.

"I eat anything," Henry responded in a low voice. "Hindi ba sasakit ang tiyan mo sa dami ng kinakain mo ngayon? You're eating hotdogs, ice cream, and chips."

Lumingon si Klaudine kay Henry at mahinang natawa. Her face lit up compared to what she looked like the past few days. "PMS yata . . . sana." Yumuko ito at hinalo ang ice cream na nakalagay sa bowl.

Hindi sumagot si Henry at nagsimula na lang kumain. It was too quiet. Both of them were just staring blankly at nowhere. May mga bituin, mayroong buwan, walang usapan, pero kalmado ang lahat.

Nakaramdam si Henry ng pagkakuntento habang nasa tabi niya si Klaudine, walang-wala sa naramdaman niya bago ito puntahan kung saan may bigat sa dibdib na hindi niya maintindihan.

"You'll graduate soon," Henry broke the deafening silence. "What are your plans after college?"

"Plano?" Bahagyang lumingon si Klau kay Henry at huminga nang malalim. "Magtatrabaho para sa pamilya. 'Yun naman ang role ko sa buhay, magtrabaho para tumulong sa kanila."

Magkalapit silang dalawa. Magkadikit ang mga baso at nagtatama paminsan-minsan ang mga kamay.

"T-Tumawag na ba ang family mo ngayon?" tanong ni Henry. Naalala niya ang naging hinanakit ni Klaudine na posibleng naging trigger kung bakit may muntik na itong gawin.

Umiling si Klau at sinalubong ang titig niya. "Kapapadala ko lang sa kanila noong isang araw. Wala naman silang kailangan sa akin, hindi sila tatawag. Sanay na ako roon."

Hindi nakasagot si Henry dahil nakangiti si Klaudine ngunit may lungkot sa mga mata nito. Muli niyang hinalo ang ice cream hawak.

"But what do you wanna do after graduation?" Henry asked. "Kung sakaling mabibigyan ka ng pagkakataon, ano'ng gusto mong gawin?"

Klaudine chuckled. "Maglo-law school ako. Isa 'yan sa pangarap ko sa oras na mapagtapos ko na ang tatlong kapatid ko . . . maglo-law school ako."

Ngumiti si Henry at ibinaba ang hawak na mangkok sa lamesa. He wiped his hands and took Klaudine's. Ipinagsaklop niya ang kamay nila at naramdaman niya na humigpit din ang pagkakahawak nito sa kaniya.

"Looking forward to it, future attorney."

Natawa si Klau habang nakatingin sa kaniya. "Malabo pa 'yun sa tubig ng Ilog Pasig, pero susubukan ko. I'll work hard for it. Siguro, darating ang pagkakataon na . . . hindi ko na iisipin ang ibang tao, p-para maging masaya."

"Do what makes you happy before it's too late." Henry sniffled. "I had some fair share of bad decisions in the past and never did once, you know, regret it. But at some point, you'd think that maybe, everything would turn out different if you followed your heart."

Nakikinig si Klau kay Henry habang nagsasalita ito. Henry's voice was deep, vibrating, and soothing. It was something Klaudine familiarized since she worked with him, na para bang kahit nakapikit siya, kahit na tumahimik ang mundo, mawalan ng kahit na ano, ito ang boses na alam niyang hahanap-hanapin niya.

"Muntik na, Henry," Klaudine said and rested her head on Henry's shoulder. Naramdaman niya ang paglapat ng labi nito sa noo niya, na naging dahilan para ipikit niya ang mga mata. "Pero noong tumawag ka, noong narinig ko ang boses mo, hindi ko itinuloy dahil gusto pa kitang makita."

Henry bit his lower lip.

"Ayaw ko na rin." Humikab si Klaudine. "Ayaw ko na ring malaman mo kung bakit, basta ang importante, itong gabi, kalilimutan ko ang mundo. Pero oras na sumilip ang araw, wala na ito. Mahal mo si Ma'am Leandra . . . mahal na mahal ko si Harriet."

Tahimik si Henry habang nakalapat ang labi niya sa tuktok ng ulo ni Klaudine, magkasaklop ang kamay nila na ayaw niyang bitiwan, habang pinakikinggan ang bawat salitang sasambitin nito.

"Pero ngayong gabi lang, hayaan mo akong mabuhay para sa 'yo," Klaudine said, almost like a whisper. "Ngayong gabi lang, ako muna."

Henry sniffed. "Ikaw at ako muna."

Hindi namalayan ni Klaudine na nakatulog na siya at nagising na nasa balcony pa rin sila. Madilim pa rin at wala pang pagsilip ang araw. Hindi alam ni Klau kung anong oras na at wala siyang balak alamin.

Naka-side view siya habang katabi si Henry na diretsong nakahiga. Naaaninag ni Klaudine ang kislap sa mga mata nito. Madilim ngunit may kaunting liwanag na nanggagaling sa loob ng bahay.

Hindi nagpahalatang gising si Klaudine kaya nakakuha siya ng pagkakataong titigan si Henry. Ilang oras na lang ang bibilangin . . . ilang oras pa.

Gising si Henry na nakatitig sa langit. It was almost four in the morning. Hindi niya magawang matulog dahil inalala na oras na sumikat na ang araw, wala na. Babalik na sila sa katotohanan.

And with that thought, Henry didn't know what to do. He wanted to finally fight for the love he wanted, but couldn't because it was wrong.

It wasn't his intention to fall in love with another woman other than his wife. Klaudine wasn't just a random woman. She was his daughter's best friend, who was also twenty-five years younger than him.

"Ang lalim ng iniisip mo," hindi napigilan ni Klaudine magsalita nang makita kung paanong huminga nang malalim si Henry. "Okay ka lang ba?"

Bahagyang lumingon si Henry at tipid na ngumiti. "You have a habit of asking if I'm okay when you don't even open up about what you really feel, what you're going through."

"Hindi naman kasi interesting." Dumiretso ng higa si Klau at tumingin sa langit. "Ang daming stars, 'no?"

Hindi sumagot si Henry. Tinitigan niya ang side profile ni Klaudine. Nakangiti ito habang nakatitig sa madilim na kalangitan ngunit kaagad na namuo ang luhang kaagad rin namang bumagsak.

"N-Naiinis ako sa sarili ko." Mahinang humikbi si Klaudine. "Naiinis ako, bakit may naramdaman ako sa 'yo. Naiinis ako kasi . . . kasi ang bigat na rito." Itinuro nito ang sariling puso. "Na alam ko namang hindi puwede, pero bakit ganito."

Henry stayed quiet while staring at Klaudine who was sobbing.

"B-Bakit ba nangyayari sa akin, 'to? Wala naman akong ginawang masama sa ibang tao, n-naging mabait naman ako sa mga magulang ko, masunurin. Bakit kahit saan tingnan, h-hindi a-ako maayos? B-Bakit ganoon?"

Inilalim ni Henry ang kamay sa may ulunan ni Klaudine para hilahin ito papalapit sa kaniya. Hinayaan niyang magdikit ang katawan nila, hinayaan niyang isubsob ni Klau ang mukha sa dibdib niya, at hinayaan na niyang tuluyang gumuho ang pader na ipinagitan niya sa kanilang dalawa.

Hindi alam ni Klaudine kung magpapasalamat siyang hindi nagtanong si Henry at hinayaan siyang umiyak. Amoy niya ang pamilyar na pabango nito na nagpapakalma sa lahat ng gulong nasa isip niya.

Klaudine knew from the very first day that Henry would make an impact. Hindi niya alam kung saan, kung bakit, pero hindi niya inasahang sa ganitong paraan.

"I-I love you," Henry whispered against Klaudine's forehead.

Humigpit ang hawak ni Klaudine sa T-shirt na suot ni Henry dahil sa narinig. Gusto niyang sumagot, pero mas pinili niyang manahimik. Mas mahal niya si Harriet, alam niya iyon sa sarili.

Bago pa man tuluyang sumilip ang araw, nasa daan na silang dalawa. Mas pinili na lang nilang umalis at salubungin ang liwanag habang binabaybay ang daan patungo sa katotohanan.

Pareho silang tahimik habang nakikinig sa pamilyar na playlist ni Henry. Si Klaudine mismo ang nagturo kay Henry para ayusin ang account nito sa isang music streaming application. Inilagay nila sa isang folder lahat ng paboritong kanta at iyon ang paulit-ulit nilang pinakikinggan.

Umaga na nang makarating sila sa apartment ni Klaudine. Mahigit dalawampung minuto nang nakaparada si Henry ngunit pareho silang hindi gumagalaw.

Nakatingin si Klaudine sa bahay na sumira sa kaniya, sa bahay na akala niyang magiging dahilan ng bagong simula, ngunit naging dahilan kung saan sarili niya ang naiwala.

"I-Ingat ka sa pag-drive." Tinanggal ni Klaudine ang seatbelt. "Papasok na rin ako sa opisina bukas. Maglilinis lang ako sa apartment, babalik ako sa office bukas."

"You can still rest if you want to, take a leave," Henry uttered.

Tumingin si Klaudine kay Henry. "Nasa opisina ang dahilan kung bakit buhay pa ako, Henry." She smiled. "I-Ingat k—"

Hindi na pinatapos ni Henry ang sasabihin ni Klau nang yakapin niya ito nang mahigpit na mahigpit. No words but he closed his eyes, inhaled Klaudine's familiar perfume, and kissed her shoulder.

"I'll wait for you, Klaudine," Henry whispered. "Tomorrow, in the office, I'll wait for you. We'll have breakfast together like we used to before all of this, we'll talk about designs, everything. We'll be back to normal, to what we're supposed to."

Hinaplos ni Klaudine ang buhok ni Henry habang nakayakap ito sa kaniya. "Hindi na tayo magiging normal pagkatapos nito, pero isipin na lang natin si Harriet."

Henry closed his eyes. He didn't want to let go of Klaudine but had to. Ito na rin mismo ang humiwalay sa yakap, bahagyang tumango, at ngumiti.

"I-Ingat po kayo sa pag-drive . . . sir." Klaudine smiled and didn't bother waiting for him to speak. Bumaba na ito nang hindi lumilingon.

Ilang beses munang nagpakawala ng malalim na hininga si Henry bago umalis. Tulala niyang binaybay daan pauwi. Hindi alam ni Henry kung paano siya magsisimula sa bukas na alam niyang pareho sila ni Klau.

Henry arrived around nine in the morning and a maid immediately walked towards him. Worry was written on the old woman's face.

"What's wrong?"

"S-Si Harriet po kasi, iyak nang iyak." Sabi ng kasamabay nila. "Pagkagising pa lang po, iyak na nang iyak. Kararating lang din po ni Ford pero hindi pa rin tumitigil si Harriet. Walang nakakaalam kung bakit."

Nagmadaling umakyat si Henry papunta sa kwarto ng anak para tingnan kung ano ang nangyayari. Sa pinto pa lang, naririnig na niya ang boses nito, pati ni Ford na pilit pinatatahan si Harriet.

"What's happening?" Henry asked upon opening the door. Kaagad siyang lumapit kay Harriet na nakahawak sa dibdib habang humahagulgol. Naupo siya sa kama at inalo ang anak. "Ano'ng nangyayari, Harri?"

Humikbi si Harriet. "D-Dad, k-kasi . . . ." Every word came with a sob. "I'm not supposed to tell you. Kasama mo ba si Klaudine kahapon? Is she okay? Nag-phone ba siya?"

Henry frowned and shook his head. "N-No. We're busy with w-work," he said. "What's wrong?"

Binuksan ni Harriet ang laptop at tumambad sa kaniya ang isang news website kung saan kita ang varsity players ng university na pinapasukan ng mga ito, kasama ang boyfriend ni Klaudine.

"D-Dad." Harriet sobbed and hugged Henry tight. "D-Dad, Klaudine was raped and I saw it and . . . . "

Nakatitig si Henry sa news article kung saan sumuko ito sa kasong may kinalaman sa drugs at rape.

"D-Dad." Harriet stuttered. "Klaudine, w-we need to see Klaudine."


T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys