Ibinaba ni Klau ang phone sa gilid ng kama matapos kausapin ang mama niyang nasa probinsya. Kaagad rin siyang tumingin sa oras, alas-onse na ng gabi. Gusto na niyang matulog, pero mukhang hindi niya magagawa dahil sa problemang kinahaharap ng mga ito.
Kung tutuusin, kapadadala lang niya noong isang araw, ngunit hindi naman inaasahan ang mga pangyayari dahil nasunog ang kusina ng karinderyang pagmamay-ari ng pamilya nila. Hindi sinasadya ng papa niya na makaligtaan ang piniprito nito na dahilan para sumiklab ang apoy. Alam naman niyang walang may kasalanan, aksidente naman, pero hindi na alam ni Klaudine kung saan pa siya kukuha ng panggastos sa mga susunod na araw.
Pabiling-biling na siya sa higaan kung saan nakakalat ang ilang unan sa gilid niya. Klau couldn't sleep with just one pillow; she had to have at least three. Hindi na niya alam kung anong puwesto ng pagtulog ang gagawin. Tumihaya si Klau at tumitig sa kisame na mayroong sinag ng ilaw mula sa balkonahe ng kuwarto niya.
Maayos naman ang pamilya nila, wala naman siyang problema roon. Pero minsan kapag panganay, palaging ina-assume na maayos lang ang lahat. Ang akala ng mga ito, wala siyang problema, palagi siyang masaya, masarap ang buhay niya.
Kasalanan din naman niya iyon. Hindi siya nagra-rant sa mga ito, hindi siya nagsasabi tungkol sa problema, dahil ayaw rin naman niyang mag-isip pa ang mga ito. Pero may mga pagkakataon talagang iiyak na lang siya sa sulok dahil pagod na siya.
Pagod, sobra . . . pero lalaban para sa sariling pangarap.
Imbes na matulog, bumangon si Klau at bumaba papunta sa kusina. Nakaramdam siya ng gutom kaya naman naisipan niyang magluto kahit dis-oras na ng gabi. Mabuti na lang at may dalawang pakete pa ng Pancit Canton galing sa grocery niya noong isang linggo, dalawang itlog na nakalagay sa ref niyang puro bote ng softdrinks ngunit tubig ang laman, at nagpainit din ng tubig para sa kapeng 3-in-1.
Napabuntonghininga si Klau habang nakatitig sa kumukulong tubig para sa Pancit Canton. Nag-iisip na siya ng posibleng alternatibo simula bukas lalo na at magpapadala siya ng pera, mauubusan siya ng allowance. Ipinagpapasalamat niyang hindi siya ma-eyebags, kundi, pagkakamalan na siyang zombie sa dami ng iniisip niya lalo na't hindi naman sapat ang tulog niya sa gabi.
Kung tutuusin, puwede siyang manghiram ng pera kay Harri, pero nahihiya siya. Ayaw niyang magkaroon ito ng pag-iisip na kinakaibigan niya ito dahil sa pera . . . kahit hindi naman talaga.
At sa dalawang taong pagkakaibigan nila, kahit minsan, hindi nanghiram si Klaudine ng pera kay Harriet kahit na sinabi naman nito na ayos lang. Madalas na kusa itong nagdadagdag lalo na kapag maraming project o research ang gagawin.
Pancit Canton was Klaudine's favorite, no doubt about that, but she couldn't even swallow any of the food she just cooked. Aside from the coffee, she couldn't eat properly. After the semester, one more year, and she was done.
On graduation day, she would have more time to look for a job. She needed to.
"I need to." Klau let out a loud sigh while talking to herself. "Kaso hindi na tayo makakapag-law school niyan? Hindi na natin . . . matutupad ang pangarap?" mababa ang boses niyang kinakausap ang sarili. Nakapangalumbaba siya habang iniikot ang noodles sa tinidor. Nakatingin din siya sa umuusok na mainit na kape na parang nandoon ang sagot sa mga katanungan niya.
Madalas naman siyang ganoon, na kinakausap ang sarili lalo sa salamin. May mga bagay kasi na hindi na niya sinasabi kahit kanino. Tinuruan siya ni Harri tungkol sa mirror technique para matulungan siyang ma-build ang confidence niya. Araw-araw, walang palya niya iyong ginagawa tuwing umaga o bago matulog. Sabihin lang niya sa sariling 'you did great today!' habang nakangiti o kahit anong positive remarks na puwedeng makatulong sa kaniya.
It became a practice for Klau, thanks to Harri. Natulungan noon na ma-boost ang confidence niya lalo sa mga panahong walang-wala siya sa sarili dahil sa ilang financial na problemang kinahaharap.
—
During her break, Klaudine decided to stay at the cafeteria and read some books. Des would usually let Klau borrow some books from the deans. Iyong ibang libro pa nga, mga gusto niyang bilhin noon kaso masyadong mahal. Kaya kapag walang masyadong trabaho, nagbabasa siya sa cubicle niya.
Klau smiled while reading The Fault in our Stars by John Green. Ilang araw na rin siyang naghahanap ng librong puwedeng magpaiyak sa kaniya dahil pakiramdam niya, mabigat na.
She wasn't suicidal or anything. She was just pressured and sad that her life didn't turn out the way she wanted. Maraming kailangang isaalang-alang, maraming kailangang isipin.
Hindi siya puwedeng maging makasarili lalo na at may mga umaasa sa kaniya. She couldn't just run away and live her best life. Gustuhin man niya, hindi puwede dahil sa pamilya niya. Gustuhin man niyang subukang makipagrelasyon, hindi niya magawa dahil naiisip niyang hindi niya ito maaalagaan.
Mawawalan siya ng time para sa kasintahan, kung mayroon man. It was either kawawa ito sa kaniya o iwanan siya. Alin lang sa dalawa, wala nang iba.
Nakatutok siya sa binabasa nang marinig niya ang boses ni Harri. Nag-angat si Klau ng tingin at hindi nga siya nagkamali. Harri was wearing a red, above-the-knee sundress paired with simple cream flats while holding a Louis Vuitton bag.
"I texted you!" Her best friend frowned while walking toward her. "Bakit hindi ka nagre-reply? Nakakainis ka!"
Klau closed the book, kept it in her bag, and looked at Harri. "Bakit hindi ka na naman naka-uniform? Mapapagalitan ka na naman ng professor mo. Sasabihin na naman, entitled ka. Alam mo naman na mainit na ang mata sa 'yo ng student council," kalmadong paninita niya sa kaibigan.
Harri just giggled and sat beside her. Ni wala itong sinabi tungkol sa paninita niya sa hindi nito pagsusuot ng uniform. Harriet's family was one of the shareholders of the university. Halos lahat ng furniture ng mga office at ang mga upuan sa classroom ay galing sa company ng best friend niya. Harriet was the heiress of Metrovila Furniture at nag-iisang anak ito.
Sunod sa layaw, hindi tinatanggihan sa kahit na anong hilingin nito. Mahal man o mura, ibibigay. Halos papalit-palit ito ng sasakyan. Mabait din naman ito, wala siyang problema . . . isa lang. Tamad talaga mag-aral.
Pero hindi alam ni Klaudine kung blessing bang tamad mag-aral ang best friend niya. Muntik na itong bumagsak at ayaw nang bigyan ng pagkakataon ng professor dahil makailang beses na itong hindi um-attend sa exams kaya naman nagkakilala sila. Iyong ibinabayad nito sa kaniya para sa personal tutorial, iba pa para sa mga task or project, or thesis na kailangan niyang gawin.
It was wrong, Klau knew about it, but she needed the money.
Malaki ang ibinabayad sa kaniya ni Harriet kaya hindi siya makatanggi. Nakababayad siya ng apartment, nakapagpapadala sa mga magulang niya, ibang bills, at needs sa school. Minsan naman, nakatatanggap siya ng mga damit galing dito.
"You are nagging me again, little missy!" Nakanguso itong yumakap sa kaniya. Naamoy kaagad niya ang pabango nito na kaagad ikinakati ng ilong niya. Klau scratched her nose and sniffed. "But I don't like wearing uniforms. Wala naman silang pakialam kung gusto kong mag-civilian. If I'm being entitled sa paningin nila, I don't even care at all."
Nakasubsob ang mukha ni Harriet sa braso niya habang nakayakap nang patagilid. Madalas naman itong ganito, palagi nitong sinasabi sa kaniya na nakahanap ito ng kapatid sa katauhan niya. Hindi niya alam kung magiging masaya ba siya roon dahil sobrang layo nila.
Harriet loved Klaudine so much. Klauie was the first person who didn't take advantage of her. The first time Harriet met Klauie, the girl helped her without asking for anything in return. She helped her with her studies and the things she needed in academics. Hindi naman kasi siya matalino, tamad pa, so Klauie was there. Not only to help her with her studies but also to make sure she wasn't too much at everything like impulsive buying, being too entitled, and Klauie would really tell her if she was wrong.
Only Klau could do that. Everyone was not fond of talking to Harri; students didn't like her, there was even a time that she thought that Klau might be using her, but no. Klau never asked anything in return; Harri just volunteered to pay until their friendship deepened.
"So." Harriet got up and stared at Klau. "Sa Friday ng gabi na 'yung dinner natin with my parents. I'll bring Ford, too, pero ikaw . . . you'll sleep sa new room ko. I am so excited to show you my new room kahit na medyo naiinis pa rin ako kasi binenta na nina Daddy 'yung condo ko. But like what you said—"
Klaudine immediately interrupted Harriet and smiled. "Na look at the brighter side at mas marami kang damit na mailalagay sa walk-in closet mo," naiiling na sambit niya. "For sure, bibili ka na naman ng mga bago."
Klauie laughed when Harriet squealed like a child, sat down on her right, and started planning. Naglabas pa ito ng laptop, na sigurado siyang bagong bili na naman dahil iba na ang brand, para lang maghanap ng branded clothes na puwede nitong bilhin. Nagsimula itong mag-check out hanggang sa isara niya ang laptop nito at nakita ni Klau kung paanong kumunot ang noo ng kaibigan.
"Impulsive ka na naman." Isinara niya nang tuluyan ang laptop nito at inilagay iyon sa bag ni Harriet. "Sure ka na ba talagang dadalhin mo ako roon? Hindi ba nakakahiya sa parents mo na pupunta ako sa bahay ninyo?"
"Not at all!" Matining ang boses ni Harriet na tumingin sa kaniya. "My dad's even excited to meet you lalo n'ong sinabi ko na scholar ka ng company namin. He wants to meet you. Si Mommy rin 'cos I was telling her about how you are helping me. So, yup! They're excited."
Tumango-tango lang si Klaudine at hindi na nagsalita. Nakikinig lang siya sa mga rant ni Harriet tungkol sa mga party na pinuntahan nito. Natatawa siya kung paanong hindi nito makasundo ang kahit sino sa society na ginagalawan. Kung tutuusin, may mga kaibigan naman itong elite, ka-level ng buhay, pero mas madalas na pinipiling mag-isa.
Sabay silang napatingin sa pinto ng cafeteria nang pumasok sina Ford at Richie na naglakad palapit sa kanila. Varsities were entitled, that was for sure. They could wear whatever they wanted. Mahahalata kaagad na varsity ang mga ito dahil naka-civilian sa loob ng school.
Ford was wearing a simple, gray T-shirt paired with dark jeans, while Richie was wearing his army green hoodie and simple blue jeans. Nakasuot pa ang pang-ulo ng hoodie na suot nito. Richie automatically smiled at her and she did the same. Halos anim na buwan na rin noong manligaw ito sa kaniya. Paulit-ulit niyang iniisip na mabait naman ang binata, siya lang talaga ang may problema. Malamang na hindi niya ito gusto o sadyang hindi siya ready na pumasok sa isang relasyon.
"So, Ford and I are planning to ditch class na, Klauie." Humarap sa kaniya si Harriet at tinanggal ang buhok na nakaharang sa mukha niya. "Iiwanan na kita, but if you need anything, let me know, okay?"
Klaudine faintly smiled and nodded. "Sige lang, enjoy ka. Huwag kang bumili ng mga hindi mo kailangan." Tumingin siya kay Ford na natawa. "Ford, bantayan mo, ha? Alam mo naman 'yan."
Naningkit ang mga mata ni Ford habang nakatingin sa kaniya. "Oo, ako na bahala." Inakbayan nito ang girlfriend, hinalikan sa gilid ng noo bago tumingin sa kaniya. "Ikaw, gusto mo ihatid ka muna namin pauwi?"
Kaagad na tumanggi si Klaudine at sinabing may kailangan pa siyang puntahan dahil totoo naman. Kailangan niyang pumunta sa malapit na mall para bumili ng ilang stock para apartment at bibili ng librong nakita niya sa internet . . . bilang regalo sa sarili niya.
"Ikaw, saan ka?" tanong ni Ford kay Richie na nakaupo sa harapan ni Klau. "Aalis na kami ni Harri, ikaw?"
"I'll stay." Tumango ito kay Ford bago humarap sa kaniya. "Okay lang ba?"
Tumango si Klaudine. Wala naman siyang magagawa kung gustong mag-stay ng tao at sobrang bastos naman kung itataboy niya ito. Dumako ang tingin ni Richie sa librong inilabas niya dahil wala pa rin siyang balak umalis ng school. Tapos na rin naman ang duty niya, kaya magbabasa na lang siya.
"May ibibigay pala ako sa 'yo," ani Richie at may kinuha sa bag na nakapatong sa lamesa. Sinundan niya ito ng tingin at laking gulat nang makita ang librong gusto niyang bilhin. It was Paper Towns by John Green. "Nakita ko kasi na ni-like mo 'yung post ng bookstore about this book. Sakto naman na nasa mall ako that time . . . so binili ko na."
Kung tutuusin, mura lang naman ang libro ngunit sa dami ng kailangan niyang isaalang-alang, mahal na sa kaniya ang presyo noon kaya pinag-ipunan niya. Nag-angat ulit siya ng tingin at napatitig sa mukha ni Richie, kagat nito ang pang-ibabang labi at may munting ngiti. She was speechless, she wasn't able to say anything. She was . . . frozen.
"I hope you'll like it," sabi nito at bahagyang tumango. "May klase pa ako. Maiiwanan na kita rito, pero sana talaga, magustuhan mo 'yang librong 'yan."
Klau gave Richie a warm smile and thanked him before he left. Kaagad niyang kinuha ang librong nakapatong sa lamesa. Naamoy pa niya ang pamilyar na pabango nito mula roon. Maingat niyang tinanggal ang plastic at nakangiting inusisa ang libro. It was brand new and it was the book she had been wanting for months.
—
Hindi malaman ni Klau kung anong damit ang isusuot para sa dinner ng mga Avila. Natatakot siya na baka hindi bumagay ang mga damit na mayroon siya. Hindi naman kasi ganoon karami ang formal dress na pag-aari niya, may ilang casual naman siya na galing din kay Harriet na hindi niya masuot dahil baka makilala ng mga magulang nito, kung ano pa masabi sa kaniya.
She knew she was overthinking.
Dalawang taon na silang magkaibigan, ito ang first-time kaya iba ang pakiramdam niya. Ang daming tumatakbo sa isip ni Klau na baka katulad ng mga nasa libro at pelikula, matapobre ang mga ito, o hindi kaya naman ay mamatahin siya.
Kung tutuusin, hindi dapat siya nag-iisip nang ganoon lalo na at hindi naman niya kilala ang mga ito. Naalala niya ang sinabi ng lola niya na huwag manghuhusga hangga't hindi kilala ang isang tao. Walang karapatan ang sinuman na mag-isip nang masama laban sa iba kung wala namang ipinakikitang hindi maganda.
Nakakuha si Klau ng casual dress na nabili niya noong nakaraang buwan. It was a simple, white dress with green leaves print. She was about to use it for a job application next week, but she decided to use it for dinner with the Avilas. Klau fixed her long, curly hair into a ponytail, put on lip and cheek tint, and sprayed her favorite cologne. It was just a cologne from Bench. Iyon lang ang pabangong nagustuhan niya na hindi siya nahihilo. . . the baby bench bubble gum cologne.
Yes, cologne.
Klau had been allergic to any strong perfume ever since she could remember; it would make her feel dizzy, so she opted to use mild cologne, and the best one for her was the one used by adorable babies. One reason Harriet wouldn't spray her perfumes near her was that she would sneeze, that was for sure. Harriet would let her perfume evaporate from her clothes first before hugging Klau.
Gusto ni Harri na sunduin pa sana si Klauine, pero hindi na siya pumayag. Nag-MRT siya papunta sa pinakamalapit na lugar nina Harriet kaya naramdaman kaagad niya ang pamamawis ng katawan niya. Hindi nakatutuwang impresyon lalo na kapag nangamoy siya. Pagkatapos naman sa MRT, sumakay siya ng taxi papunta sa street na medyo malapit sa exclusive subdivision ng mga ito bago siya naglakad at umabot nang fifteen minutes bago nakarating sa gate.
"Good evening, Kuya," bati niya sa guwardiyang lumabas nang makitang papasok siya sa gate. Maamo ang mukha nito, nakasuot ng uniporme, at may baril pa sa kanang bahagi ng pantalon. Nakaramdam si Klau ng kaba dahil baka magsungit ito, ngunit ngumiti ito sa kaniya at mukha namang welcoming. Klau smiled, too. "Harriet Avila po."
Bahagya itong tumango. "Opo, natawagan na po kami kanina. Pahingi na lang po ako ng ID, pasensya na, for security purposes lang."
Kaagad niyang iniabot ang school ID for identification at naghintay sa labas dahil nag-input pa ito sa system, nag-photocopy, at kinuhanan pa siya ng picture. Naintindihan naman niya lalo na at mukhang mayayaman lang talaga ang mga nasa looban.
Nang matapos, kaagad siyang pinapasok ng mga ito. Nanlula siya sa laki ng mga bahay. Aware naman si Klau na ang lugar ay para lang sa mga mayayaman, pero hindi niya inasahang may ilang bahay na mala-mansion sa laki. Kung tutuusin, hindi niya kailangang magtaka. Mayaman ang mga Avila.
Sinunod niya ang directions na ibinigay sa kaniya ni Harriet. Nasabi nitong katapat ng bahay nito ang isang malaking puno na mukhang pine tree. Nagdidilim na rin dahil alas-sais na ng gabi, pero ang ganda ng daanan lalo na at bukod sa poste ng ilaw, may mga ilaw rin sa gilid ng sidewalk. Malinis ang buong lugar at makahihinga nang maayos dahil sa mga puno. Para itong maliit na probinsya sa gitna ng city.
Sa street naman kung nasaan ang bahay ng mga Avila, walang masyadong bahay, tatlo pa lang. Nakita kaagad ni Klaudine iyong parang puno ng pine tree at kaagad na dumako ang tingin niya sa bahay na may modern design. Malapit na rin siya sa bahay ng mga ito, pero nagpabagal siya ng lakad. She was breathing the clean air and it made her miss the province.
Klau was casually walking, admiring how clean the place was, when a white range rover passed and stopped in front of the modern, black and white house. She walked towards the house, and at the same time, a man in white long-sleeved polo, black slacks, and expensive Italian shoes stepped out of the car.
Nagtama ang mga mata nila at bahagya nitong ibinaba ang suot na necktie bago naglakad papalapit sa kaniya. Naningkit ang mga mata nito nang ngumiti, naamoy niya ang mamahaling pabango mula rito na dahilan para mangati ang ilong niya. The man in front of her looked professional and expensive.
"Hi, you must be Klaudine?" The man raised his hand and offered a handshake. "I'm Henry."
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top