Chapter 19
Henry wasn't sure if what he heard was correct but he didn't care about it anymore. He was holding Klaudine's hand as she cried. Hinahaplos niya ang buhok nito at hinahalikan ang noo.
"I'm here," Henry whispered. "I'll be here."
Naramdaman ni Henry kung gaano kahigpit ang pagkakahawak ni Klaudine sa kamay niya at wala siyang balak bumitiw. Holding Klaudine's hand made him feel better. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari, kung bakit naisipan nitong gawin ang hindi dapat, at wala siyang balak magtanong.
Eventually, Henry knew that Klaudine would open up. Hinayaan niyang umiyak si Klaudine. Her sobs were breaking his heart. Ni hindi niya magawang ibaling ang tingin sa upuan na may lubid dahil hindi niya kaya.
Nakadikit ang noo ni Henry sa noo ni Klaudine habang hinahaplos niya ang mahabang buhok nito. Nakaluhod siya sa sahig habang nakadantay sa gilid ng kama.
"B-Bakit ka nandito?" Klaudine whispered and sniffed.
"I-I don't know." Umiling si Henry dahil siya mismo, hindi alam kung bakit gustong-gusto niya itong makita. "Hindi ako mapakali, gusto kitang makita. Alam kong may mali, pero . . . hindi ko alam na ganito kalala."
Humikbi lang si Klaudine kaya tiningnan ni Henry ang mukha nitong nakatitig sa kisame habang nagmamalabis ang luha sa gilid ng mga mata.
"Come with me, I wanna show you something," Henry whispered. "G-Gusto mo bang makakita ng sunrise? I know a place. We can go there now."
Lumingon si Klau kay Henry kasabay ng pagbagsak ng malaking butil ng luha mula sa kanang mata nito. "P-Puwede ba?"
Henry nodded and smiled. Wala siyang sinabing kahit na ano kung hindi hinalikan lang ang noo ni Klaudine.
"S-Sige, gusto ko." Klaudine smiled and slowly got up. "M-Magbibihis lang ako sandali."
Tumayo si Henry at tumango. Pasimple niyang kinuha ang lubid mula sa upuan nang tumalikod si Klau para kumuha ng damit at inilagay iyon sa likuran niya.
"I'll wait downstairs, okay?"
Tumango si Klau nang hindi humaharap sa kaniya.
Nagmadaling bumaba si Henry at lumabas ng apartment para ilagay ang nasabing lubid sa trunk ng kotse niya. Mabigat na mabigat ang paghinga niya dahil sa nakita at paulit-ulit na tumatakbo sa isipan niya na paano kung hindi siya dumating . . . o late na siya dumating, ano ang madadatnan niya?
With that thought, Henry bit his lower lip and clenched his fist.
Bumalik siya sa loob ng apartment ni Klau, eksakto namang pababa ito ng hagdan habang nakatingin sa kaniya. Iniabot nito ang sweatshirt na isinuot niya dahil naka-jacket ito na nakasuot pa ang hood.
"Ready?" Henry asked.
Klaudine nodded without saying anything.
Lumabas sila ng apartment. Henry even had to make sure the door was locked. Hindi niya alam kung bakit nakabukas iyon nang pumasok siya ngunit ipinagpapasalamat niya dahil nakapasok siya.
Pareho silang tahimik habang binabaybay ang maliwanag na daan ng Manila. Buhay pa rin ang lugar kahit na madaling-araw dahil sa mga sasakyan at ilaw na pumapalibot sa lugar.
Paminsan-minsang nililingon ni Henry si Klaudine na nakatitig sa kawalan. Nakatago ang mukha nito sa hoodie na suot ngunit sapat para makita niya ang mga mata nito.
Klaudine's eyes were blankly staring at nowhere. It looked restless, resigned, and pensive. Gone the hopeful and cheerful eyes that Henry always loved.
Gusto rin niyang marinig ang boses nito na sasabayan ang kantang tumutugtog sa kotse niya, pero wala. Nabibingi si Henry sa katahimikan ngunit ayaw niyang puwersahin itong magsalita.
"S-Saan tayo pupunta?" Lumingon si Klau nang makarating sila sa isang area na mayroong kaunting bundok. "A-Akala ko sa sunrise tayo?"
Tumango si Henry. "Trust me on this, will you?"
Klau gave Henry a faint smile. "Umpisa pa lang naman, pinagkakatiwalaan na kita."
Hindi nakasagot si Henry sa sinabi ni Klau na humarap kaagad sa daanan. Palihim siyang ngumiti at mas humigpit pa ang hawak sa manibela. Pasilip na ang araw kaya mas binilisan niya ang pagmamaneho hanggang sa makarating sila sa isang pribadong subdivision na nasa itaas ng bundok.
Wala pang masyadong bahay sa lugar at maganda ang view ng sunrise sa umaga. May guwardiyang nagtanong kung sino sila ngunit kaagad na nakilala si Henry kaya pinapasok sila.
Napansin ni Henry na palinga-linga lang si Klaudine. Tumigil sila sa isang malaking bahay na may magandang view na siya mismo ang namili.
"We're here." Henry smiled at Klaudine.
Klaudine faced him and looked confused. "Nasaan tayo?" Mahinang-mahina ang boses nito.
"I'll show you the place." Naunang bumaba si Henry kaya sumunod si Klau.
Nakaharap sila sa bahay na binili ni Henry ilang buwan na ang nakalipas. Tumabi si Klaudine sa kaniya, may safe space pa rin, pero malapit na malapit.
"Let's go inside." Henry smiled.
Wala pang gate ang nasabing bahay. It was a modern three-story type of house. There were glass walls, a huge garden, and a nice view. Matagal pinag-isipan ni Henry kung bibilhin ba niya ang buong bahay at inuunti-unti na rin ang furniture sa loob.
Walang ilaw sa loob ng bahay at imbes na buksan iyon, hinawakan ni Henry ang kamay ni Klaudine. Wala siyang pagtutol na narinig mula sa dalaga na humigpit pa ang hawak sa kamay niya.
Ngumiti si Henry at maingat silang naglakad papunta sa hagdan, paakyat sa rooftop kung saan may magandang view.
Madilim pa at kita ang mga ilaw mula sa lalawigan na nasa ibaba, pero iba na ang kulay ng langit na hudyat ng pasikat na araw.
"Binili ko itong bahay at lupa six months ago," basag ni Henry sa nakabibinging katahimikan. "Fully furnished na ito, sinisiguro ko na lang na magiging maayos ang lahat. This house is still a secret."
Lumingon si Henry kay Klau na tumingin din sa kaniya. Wala itong sinabi ngunit malamlam ang mga matang nakatingin.
"Graduation gift ko 'to kay Harriet." Henry smiled. Ipinalibot din niya ang tingin sa buong rooftop. "Kulang pa ang mga gamit, but I am working on those. I don't know if Ford and Harriet will end up together, but I hope they will."
Nag-iwas ng tingin si Klau at tumitig sa kawalan. May ngiti sa labi nito ngunit malungkot ang mga mata. "Wala ka namang dapat ipag-alala kay Ford. They both love, respect, and deserve each other."
As the sun rose, both were staring at how the sky changed its color from dark to light. Henry couldn't help but look at Klaudine. The way her eyes brightened upon seeing the sunrise, how her skin accepted the rays of sunshine, and a tear fell down her eyes.
"Ayaw kong magtanong, hindi ako magtatanong . . . but I'm here, Klaudine."
Nilingon siya ni Klaudine na puro luha ang mga mata. "Bakit nga ba, Henry? B-Bakit ka nga ba pumunta sa apartment ko? Wait, bakit ka tumawag?"
"I-I don't know."
Humarap si Klaudine kay Henry na may munting ngiti, pero malungkot pa rin ang mga mata nito na para bang hindi umaayon sa ngiting ibinigay sa kaniya. "Tumawag ako kay Mama kasi ang bigat-bigat na. Hirap na hirap na ako, gustong-gusto kong sumuko."
Henry didn't say anything but remembered the scene he witnessed.
"Tumawag ako kay Mama kasi nami-miss ko na sila. Umiyak ako, Henry, kasi ang bigat." Hinaplos nito ang puso kasabay ng mahinang paghagulgol. "P-Pero alam mo kung ano ang sinabi ni Mama?"
Hindi alam ni Henry kung gugustuhin pa ba niyang mapakinggan, pero hindi niya ito pinigilan.
"Tigilan mo 'yang pag-iinarte mo, Klaudine. Tigilan mo 'yang kaartehan mo. Magpatulog ka ng mga tao." Klaudine smiled and sniffed and even hugged herself. "Alam mo, ang sakit lang. Ang sakit kasi . . . ni hindi man lang niya ako kinumusta? Ni hindi man lang nagtanong kung bakit ako umiiyak? Na magpatulog ako ng mga tao . . . pero noong panahong galing ako sa trabaho, patulog pa lang, pero tatawag sila para humingi ng pera, nagreklamo ba ako?"
Ramdam ni Henry ang hinanakit sa boses ni Klau sa bawat salitang binibitiwan nito. Wala siyang sinabing kahit na ano. Naglakad siya papalapit kay Klaudine at niyakap ito nang mahigpit na mahigpit.
Bawat paghikbi, bawat hagulhol, ramdam ni Henry.
And the moment Klaudine encircled her arms around Henry to accept his hug, all the walls Henry built to control what he felt for Klau crashed in an instant. This time, he didn't mind the world . . . because all he cared about was the woman crying inside his arms.
Henry had been controlling what he was feeling since he could remember. Ni hindi na alam ni Henry kung anong iwas pa ang gagawin niya . . . ngunit nang simulan niyang lumayo, mas lalo siyang napalapit kay Klaudine.
He could smell Klaudine's hair, her body against his, and he even hugged her tighter.
"Nagugutom ka ba?" tanong ni Henry. "Walang pagkain dito, but we can grab some food nearby. May gusto ka bang kainin?"
Tumingala si Klaudine sa kaniya. Nakapalibot pa rin ang braso nito sa baywang niya. This was the closest they had been. Kita niya ang mga luha kahit sa pilikmata nito.
Nakaramdam ng lungkot si Henry nang hindi makita ang kasiyahan sa mga mata ng dalaga. Palagi niya iyong nakikita lalo na kapag may kausap ito o kahit nagkukuwento lang.
"I don't know what's going on and I won't ask. I don't wanna push you." Iniangat ni Henry ang kamay at tinanggal ang mga buhok na nakaharang sa mukha ni Klaudine. "Whenever you're ready, I'll listen."
Walang isinagot si Klaudine. Nakatitig lang din ito sa kaniya.
Henry closed his eyes and leaned to kiss Klaudine's forehead. Maraming what-ifs, ngunit mas nangibabaw ang kagustuhan niyang makasama ito, ang kagustuhang maramdaman ang presensya ng dalaga na paulit-ulit niyang iniiwasan.
Humiwalay si Klaudine sa pagkayakap sa kaniya at humarap sa kawalan. Tuluyan nang sumikat ang araw kasabay ng pagbasak ng mga luha sa mga mata nito.
Walang sinabi si Henry. He just stayed beside Klaudine until she turned around and walked towards the sofa by the balcony. They could see the entire city, the clouds, and the sun finally rose.
Naupo si Klaudine kaya naman sumunod si Henry. Naupo siya sa tabi nito at walang espasyo. Dikit na dikit ang baso nila nang bumaba ang tingin niya sa kaya ni Klau dahil panay ang laro nito ng kuko.
Without saying anything, Henry took Klaudine's hand to stop her from fidgeting. Kung sakali mang itulak siya palayo ng dalaga, maiintindihan niya. Hindi niya ito pipilitin sa kahit na ano, pero hindi rin niya pipigilan kung ano ang nararamdaman.
Mula sa pagkakatitig sa kamay ni Klaudine, ibinalik ni Henry ang titig sa kawalan nang marinig niyang mahina itong kumakanta. They were too close so the song was almost like a whisper.
It was an old song . . . Where Do Broken Hearts Go by Whitney Houston.
"Where do broken hearts go, can they find their way home?" Klaudine whispered and Henry heard a subtle sniff. "Back to the open arms of a love that's waiting there . . . ."
Binitiwan ni Henry ang kamay ni Klaudine at ipinalibot ang braso sa balikat nito. Inakbayan niya ito at mas inilapit ang katawan sa kaniya, hinayaang ipahinga ang ulo sa balikat niya, at hayaang umiyak.
Hindi siya nagkamali nang sunod-sunod ang paghikbi ni Klaudine. Walang kahit na anong salita kung hindi pag-iyak na paulit-ulit na nagwawasak sa puso niya. Bawat singhot, bawat galaw ng balikat, ramdam ni Henry, at wala siyang magawa kung hindi suklayin ng sariling daliri ang buhok ng dalaga.
Ininda ni Henry ang bawat hagulhol ni Klaudine hanggang sa kusa na itong tumigil. Hindi siya gumalaw at hinayaan itong dumantay sa kaniya. At ang masakit, nakatulog ito kaiiyak.
Pumikit si Henry at bahagyang nilingon ang dalaga. Hindi niya nakikita ang mukha ni Klaudine, pero kinuha niya ang pagkakataon para halikan ito sa tuktok ng ulo kasabay ng mahabang paghinga. Hindi na niya alam ang ginagawa . . . pero ayaw niyang humiwalay kay Klaudine, hindi na ulit.
Nang maramdaman mabigat na mabigat na ang paghinga ni Klaudine, maingat na humiwalay si Henry para ipangko ito sa guest room malapit sa puwede kung nasaan sila. At sa himbing ng tulog ni Klau, ni hindi na nito namalayan ang ginawa niya. He made sure Klau was comfortable and he covered her with a soft duvet.
Lumuhod si Henry sa gilid ng kama para titigan si Klaudine. Nakatakip pa rin ng hoodie ang ulo nito, mahina pa ring humihikbi kahit tulog na, at namamaga ang mga mata. Henry also chuckled when he saw how red Klau's nose was.
He leaned to kiss Klaudine's forehead and closed all the blinds to make the room darker.
Bago siya lumabas ng kuwarto, napaisip siya. 'Am I ready to ruin everything?'
Klaudine woke up feeling refreshed. Hindi niya alam kung anong oras na. Madilim sa kuwarto kung saan siya nakahiga ngunit may kaunting liwanag na sumisilip. Ito ang unang tulog na ginawa niya sa loob ng ilang araw.
Hindi kaagad bumangon si Klau at tumitig sa madilim na kisame. Dinama niya ang malamig na pakiramdam na bumabalot sa katawan kahit na naka-jacket pa rin siya. Hindi niya magawang tanggalin dahil baka may makakitang iba.
May alam na sina Harriet at Ford sa nangyari sa kaniya, at kung puwede lang ibaon sa limot, ginawa na niya. Pero hindi niya magawang ipikit ang mga mata nang hindi naaalala o nararamdaman ang ginawa ni Richie. Ngunit nang makasama niya si Henry, gumaan ang lahat.
Lumabas si Klau ng kwarto at narinig na may tao sa ibaba. Mula sa hagdan, nakaamoy siya ng pagkain. Hindi niya alam kung ano iyon, pero kaagad na kumalam ang sikmura niya sa gutom. Ilang araw na rin siyang hindi kumakain kaya naman pakiramdam niya, gutom na gutom na siya.
Pumasok siya sa kusina at nakita si Henry na nakatalikod. Nakasuot ito ng simpleng sweatpants at puting T-shirt na mukhang pantulog pa.
"A-Anong oras na?" tanong niya.
Lumingon si Henry nang marinig si Klau. Namamaga pa rin ang mga mata nito. "It's almost eleven in the morning. Good you're awake, we can eat lunch."
"Akala ko ba, walang pagkain dito?" Sumandal si Klau sa counter at ipinagkrus ang mga kamay. "Umalis ka?"
Henry nodded. "When you fell asleep, I had a quick run. Nagluto lang ako ng pasta, hindi ko alam ang gusto mo . . . this is the best I can do since I don't really cook."
"S-Sana bumili ka na lang ng takeout." Klaudine chuckled.
Natigilan si Henry sa paghahalo ng pasta nang marinig ang tawa ni Klaudine at hinarap ito. Tumitig siya sa mukha ng dalaga na kaagad nawala ang ngiti dahil sa naging reaksyon niya.
"S-Sorry." Henry shook his head. "I-I just missed you . . . your laugh."
Yuyuko sana si Henry para iwasan ang tingin ni Klau nang ngumiti ito, tipid pero naroon. Walang sinabing kahit na ano ngunit lumapit para kunin ang hinahalo niyang pasta.
"Harriet was looking for you," Henry said while looking at Klau who was grating some cheese. "I told her na meron akong business meeting, out of town, and I brought you with me."
Klaudine didn't say anything but subtly nodded.
Habang kumakain sila, pareho silang tahimik. Henry was actually waiting for Klaudine to open up but failed. Natapos silang kumain, silang dalawa ang naglinis ng kusina, pero hindi nagbukas ng topic si Klaudine tungkol sa nararamdaman o naranasan nito.
Bumalik sila sa balcony kung saan papalubog naman ang araw. Pareho silang nakaupo sa sofa ngunit may safe space. Nakataas rin ang paa nito sa sofa habang pinanonood nila ang paglubog ng araw.
"Gusto mo na bang umuwi?" Henry asked. "Ihahatid na kita."
Lumingon si Klaudine. Nililipad ang buhok nito ng malakas na hangin. Malamlam ang mga matang nakatingin sa kaniya. "P-Puwede bang mag-stay kahit na hanggang bukas lang? Please, kahit ito lang."
"Of course, no worries at all," Henry said without hesitation.
"G-Gusto ko munang huminga." Klau closed her eyes to feel the breeze. "Gusto ko ang pakiramdam na ang gaan ng lahat, na alam ko sa sarili ko na safe ako . . . na . . . na makakatulog ako nang maayos."
Henry closed his eyes and trying not to ask. Hindi niya alam ang sasabihin. May gusto siyang itanong, pero hindi alam kung paano magsisimula.
"A-Alam kong nakita mo ang sitwasyon ko. Mas mabuti na hindi mo na lang alam kung ano ang nangyari, mas gusto ko 'yun. Mas gusto kong wala kang alam . . . mas gusto kong kasama lang kita kasi magaan, Henry." A lone tear dropped from Klaudine's eyes. "Alam kong mali, pero . . . gusto kitang kasama. A-Alam kong hindi ka sa akin, pero . . . ."
"I won't . . . care," Henry uttered. Lumapit siya kay Klaudine at hinaplos ang pisngi nito. "W-Wala na rin akong pakialam." Ipinagdikit niya ang noo nilang dalawa.
Ipinikit ni Henry ang mga mata. Alam niya na magiging kalaban niya ang mundo sa mangyayari, pero sa unang beses, gusto niyang sundin kung ano ang gusto niya. He would never justify cheating or what he was doing, but he couldn't stop it.
For the first time, Henry felt the love he always wanted . . . but it was just too complicated and he didn't know what to do. The consequences, the challenges, everything.
"S-Sinubukan kong pigilan, Klaudine," bulong ni Henry. "I stayed away from you but it was the worst decision I've made since it grew even more."
"A-Akala ko, ako lang," Klaudine whispered. "Akala ko ako lang. Alam kong mali, pero . . . bakit tayo humantong sa ganito? Hindi ko 'to gusto, Henry. Maling-mali, hindi ko gusto . . . pero maraming pero."
Kumuyom ang kamao ni Henry dahil pumapasok sa isip niya sina Leandra at Harriet. Mahal niya ang pamilya niya at ayaw niyang sirain iyon, pero iba ang pagmamahal na nararamdaman niya kay Klaudine.
"H-Hindi ko na alam kung kailan nagsimula." Humiwalay si Henry kay Klaudine at tinitigan ito. Yumuko siya at umiling. "Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang lahat, hindi ko alam kung paano, hindi ko alam kung ano'ng kahihinatnan nito . . . pero merong isang bagay na sigurado ako."
Malamlam ang mga matang nakatitig si Klaudine kay Henry. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Mabilis ang tibok ng puso niya sa tuwing kausap niya si Henry, pero kalmado ang pakiramdam na para bang magiging maayos lang ang lahat. Maling-mali dahil hindi puwede . . . pero maraming pero.
"I-I don't want this to stop," Henry mumbled. "Sigurado akong ayaw ko nang tumigil, Klaudine. I don't wanna stay away from you, I don't wanna unlove you . . . I don't wanna stop this."
"Henry." Hinaplos ni Klau ang pisngi ni Henry. "Pero mali."
Henry shook his head and blubbered. "Klaudine, you're twenty-five years too late. I finally found you . . . but you're too late."
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top