Chapter 18

Harriet was still unmoving. Tinakpan ni Ford si Klau ng kumot at hinaplos ang noo nang makitang nakatulog ito. He badly wanted to vomit, too, because of what he just witnessed, but couldn't.

Lumapit si Ford sa kasintahang nakatulala sa matalik na kaibigan. Pinunasan niya ang gilid ng labi ni Harriet at hinalikan ito sa noo bago niyakap nang mahigpit na mahigpit. Harriet hugged Ford back and started sobbing.

Panay ang halik ni Ford sa gilid ng ulo ng kasintahan. Hinintay niya itong matapos sa pag-iyak at nang mahimasmasan, si Harri na mismo ang humiwalay sa kaniya.

Sinundan ni Ford ng tingin si Harri na dahan-dahang lumapit kay Klaudine. Naupo ito sa gilid ng kama, hinaplos ang buhok ng kaibigan, habang mahinang humahagulhol. Harri even turned on the bedside lamp.

Nanlaki ang mga mata ni Harriet nang makita ang malaking pasa sa leeg ni Klaudine. Maingat niya ring iniangat ang kamay nito at nakita ang pasa sa pulsuhan. Nangingitim pa at mayroon pang mapusyaw na . . . ibig sabihin, may katagalan na.

"B-Babe?" Harriet's voice cracked. "C-Can you get me some w-warm water w-with soap and cloth?"

No need to say another word. Hinawakan na muna niya si Richie at inlalayan ito pababa ng kwarto ni Klaudine. Pumunta siya sa kusina para magpainit ng tubig habang nakatitig sa phone niya.

Nanginginig ang kamay ni Ford dahil hindi niya alam ang gagawin ngunit kaagad niyang tinawagan ang daddy niya, nakatatandang kapatid, at ang assistant coach na malapit sa kanila. Wala siyang sinabing kahit na ano at basta na lang pinapunta ang mga ito sa apartment ni Klaudine.

Sumandal si Ford sa lababo habang hinihintay kumulo ang tubig nang dumako ang tingin niya kay Richie and this time, hindi na niya napigilang sumuka sa lababo. Paulit-ulit na nagre-replay sa kaniya ang nangyari, ang nakita, at hindi alam kung ano ang mararamdaman.

Tumayo si Harriet para kumuha ng suklay. She always loved Klaudine's curly hair. May katamaran ito sa pagsusuklay kaya minsan, siya na ang gumagawa. Hindi rin palaayos ang best friend niya but Harriet knew how beautiful Klaudine was.

Hindi nito kailangang mag-ayos para mapansin ng iba. Hindi lang si Richie ang kaibigan niyang may gusto kay Klaudine, dahil marami.

Nang maisip, bigla na lang humagulhol si Harriet habang sinusuklay ang mahabang buhok ng kaibigan. Hindi niya alam kung bakit ito nangyari. Pinagkatiwalaan niya si Richie, ipinagkatiwala niya ang isang taong pinahahalagahan niya, pero ganito ang nangyari.

Ford's heart broke when he heard how Harriet sobbed while taking care of Klaudine. She was wiping her body and Ford turned his back until Harri asked if he could get some clothes for Klaudine.

Wala pa ring malay si Richie nang iwanan niya. Malapit na rin ang mga taong tinawagan niya. It was midnight and Ford was cleaning Harriet's vomit. Wala na siyang pakialam dahil pareho na silang tulala.

Nang tuluyan nang mabihisan ni Harriet si Klau na mahimbing nang natutulog, maingat siyang nahiga sa tabi nito. Hinahaplos niya ang pisngi ni Klau na maaliwalas ang mukhang nakapikit.

Harriet was praying silently and hoping that once Klaudine woke up, she would be okay. It would be impossible. Siya mismo, parang binabaliktad ang sikmura niya dahil sa tuwing ipipikit niya ang mga mata, bumabalik ang mga nakita.

Bumalik si Ford sa taas para kumustahin si Harriet nang makitang natutulog itong nakayakap kay Klaudine. Alam niya kung gaano kamahal ni Harri ang kaibigan. His girlfriend would even give the world to Klaudine if she could.

Nag-ring ang phone ni Ford at nang lumabas, nakita niya ang dalawang sasakyan. Sabay nang pumunta ang daddy at kuya niya, dumating na rin ang assistant coach ng team nila.

Pinapasok niya ang mga ito at itinuro si Richie na nakaupo sa sofa. Nakasandal ito, walang malay, at puro dugo ang mukha.

"What the hell happened to your hands?" Ford's dad asked. "And to Richie?"

Ilang beses muna huminga si Ford bago ikinuwento ang naabutan nila ni Harriet. Nagulat ang mga ito, lalo ang assistant coach nila. These people knew Richie at wala sa isip nilang lahat na mangyayari iyon.

His brother, who was a doctor, checked Richie's stats. "His pupil were dilated and Richie's showing signs of being high on drugs. Tatawag ako ng ambulansya . . . pero kailangan n'yo ring tumawag ng pulis. If this is . . . rape, then—" Umiiling itong nagpaalam na aakyat sa itaas.

Naiwan sa living area ang assistant coach nila para tumawag sa manager ng team, sa coach nila, dahil sa nangyari. Hindi simpleng kaso itong nangyari.

Umakyat si Ford sa itaas. Naabutan niyang tinitingnan ng kuya niya ang mga visible na pasa ni Klau at mahinang nakikipag-usap sa daddy nila na isang abogado.

"Some bruises were old, maybe around three days old. But this," itinuro nito ang malaking pasa sa braso ni Klau. Mahina silang nag-uusap para hindi magising ang dalawang babaeng mahimbing na natutulog, "this is new. Sabi mo, naabutan n'yo ni Harri si Richie na—"

Hindi na nito itinuloy ang sasabihin dahil pare-pareho na nilang alam iyon. Naupo si Ford sa kama at hinahaplos ang buhok ni Harriet at paminsan-minsang tinitingnan si Klau.

"Kami na ang bahalang umasikaso kay Richie, sasabihan ka na lang namin kung ano ang mangyayari." Hinawakan ng daddy niya ang balikat niya. "He might go to jail for this, Ford. I'm sorry . . . stay here with your girlfriend and Klaudine. We might need her to talk soon."

Ford nodded without saying anything. Dumating na rin ang ambulansya para sunduin si Richie. Ginamot na rin muna ng kuya niya ang kamay na nagsugat at puro pasa dahil sa pagkakabugbog niya kay Richie.

Never in his life thought that this would happen. Alam niyang hindi ito basta-basta gagawin ni Richie. Kilala niya ang kaibigan at alam niyang may respeto ito kay Klaudine.

Richie was even planning a dinner with Klaudine! Ford knew about it because his best friend was excited about it. He even bought a necklace as a gift.

Hindi namalayan ni Ford na nakatulog siya nang makarinig ng ingay. Maaga na at nakita si Klaudine na nasa kusina at nagluluto. Tiningnan niya ang suot na relo at alas-otso na ng umaga.

"Klau?"

Humarap si Klau sa kaniya ngunit nakabagsak ang buhok nito. Wala itong reaksyong nakatingin sa kaniya, ni hindi nagsalita.

"Si Harriet?"

"Tulog pa siya," sagot nito na halos bulong pa bago tumalikod at nagpatuloy sa pagluluto.

Umakyat si Ford para gisingin sana si Harriet nang maabutan itong nakaupo sa kama at mahinang umiiyak. Kaagad niyang nilapitan ang kasintahan, lumuhod sa harapan nito at hinalikan sa pisngi.

"I can't face her, babe," Harriet said. "B-Babe, how?"

"J-Just act normal, babe," Ford said. Wala naman siyang magagawa, wala silang choice. Hindi nila puwedeng biglain si Klau dahil baka mas makasama pa iyon. "Hindi natin alam ang tumatakbo sa isip niya ngayon so w-we need to be careful, okay?"

Sunod-sunod ang pagtango ni Harriet at pilit na kinalma ang sarili bago sila sabay na bumaba. Nakahain na si Klau, nagluto ito ng kanin, hotdog, itlog, at may noodles pa.

"A-Almusal tayo," Klau said.

Harriet didn't say anything and walked towards Klau. She gave her best friend a hug who didn't hug her back.

"A-Are you okay?" Harriet asked.

"P-Puwede ba akong humingi ng pabor sa inyo?" Yumuko si Klau at itinago ang mukha sa buhok. "A-Ayaw kong pag-usapan, ayaw ko nang alalahanin, gusto ko n-na lang matahimik."

Huminga nang malalim si Harriet habang hinahaplos ang buhok ni Klau. "We need to go t-to the police, Klau."

"G-Gusto ko na lang matahimik, Harriet. K-Kung hindi niyo kayang pagbigyan ang hiling ko, kung puwede lang, umalis na kayo." Tumalikod si Klau sa kanila at pumasok ito sa banyo.

Harriet didn't know what to do and she started crying silently until Klau went outside the shower, newly bathe.

Naupo ito sa dining table at nagsimulang kumain nang hindi sila inaaya ni Ford. Naupo na lang din sila at sinabayan ito. Tama si Ford, nasa state of shock pa ito, malamang na ayaw munang ungkatin ang kahit na ano.

Tahimik lang si Klau na kumakain, iyon ang obserbasyon nina Harriet at Ford. Nakayuko ito. Nakasuot ng T-shirt kaya naman kita lahat ng pasa sa braso, leeg, at pulsuhan. May mga gasgas ito sa balat at alam ni Harri na dahil iyon sa matinding pagkuskos.

"Papasok ba kayo sa school?" nakayukong tanong ni Klau sa kanila. "Ako papasok na ako sa office. Kung gusto n'yo pang mag-stay rito, maauna na akong umalis."

"W-We'll bring you to the office before we'll go," Harriet responded.

Walang sinabi si Klau na tumayo na lang at hinugasan ang sariling pinagkainan. Sinabihan din sila ni Klau na iwanan na lang ang ginamit nila at magbibihis lang ito.

But Ford washed the dishes as Harriet waited.

Maya-maya, bumaba si Klau. Nakasuot ito ng slacks na itim, long-sleeved na blouse at naka-tuck in, na pinarisan ng jacket na itim. Sobrang hindi bagay ang jacket, pero na-gets ni Harri na pantakip iyon.

Hindi na nagsalita sina Harriet at Ford. Hinintay na lang nilang matapos si Klau sa mga ginagawa, hindi nila alam kung paano ito kakausapin, kung paano ia-approach.

Sa sasakyan, nagkakatinginan sina Ford at Harriet. Nakabibingi ang katahimikan. Ito rin ang unang beses na sa passenger's seat umupo si Harri dahil kapag kasama nila si Klau, sa backseat siya nakaupo para makakuwentuhan ang kaibigan.

Hinawakan ni Ford ang kamay ni Harriet nang mapansin niyang hindi ito mapakali at tinatanggal ang nail polish gamit din ang sariling kuko. His girlfriend was having anxiety and all he could do was hold her hand.

"Thank you sa paghatid," mahinang sambit ni Klau nang makarating sila sa Metrovilla. "H-Hindi ka muna bababa, Harri?"

Ngumiti si Harriet at umiling. "N-Nope. Uuwi na rin muna ako. Ikaw, are you sure you don't wanna rest muna?"

Klau shook her head and waved. Naglakad na rin ito papasok nang hindi lumilingon sa kanila.

The moment Ford started the car, Harriet started crying.

Nakatanggap si Ford ng tawag galing sa kuya niya at sinasabing gising na si Richie. Nilingon niya si Harriet.

"Ihahatid muna kita sa house ninyo, babe. I need to go to the hospital. Pinapapunta ako ni Kuya," Ford said. "Are you gonna be okay at home?"

"Y-Yes." Harriet sniffed and wiped her tears. "I want to sleep, babe. Bring me home muna."

Buong biyahe silang tahimik. Hinihintay lang ni Ford na magsalita si Harriet dahil alam niya na nahihirapan ito.

"G-Gusto mo bang mag-stay na lang muna ako?" tanong ni Ford habang papalapit sila sa bahay ng mga Avila. "Bukas na lang ako pupunta ng hospital."

Harriet looked at Ford with a tear on her eyes. "Go to Richie. Gusto kong alamin mo kung bakit niya 'yun ginawa. I-I can't face him, babe. Please, do it for me. I wanna know why . . . gusto ko ring malaman from Richie. I wanna know why he did that." She started sobbing.

When Ford pulled up in front of Harriet's house, he immediately hugged his girlfriend who was still sobbing. No words, he just wanted to hug Harriet until she was calmed.

"Go rest, okay?" Ford kissed Harriet's lips. "Pupunta kaagad ako rito after sa hospital. May gusto ka bang food?"

Harriet shook her head and hugged Ford before finally going out of the car. Hindi na bumaba si Ford at nang makitang nakapasok na ang kasintahan sa bahay nito, kaagad rin siyang umalis.

Dumiretso si Ford sa ospital. Maraming tumatakbo sa isip niya hanggang sa maabutan makarating sa floor ng kuwarto ni Richie kasabay ng paglabas ng assistant coach nila.

"Ano na po ang nangyari?" tanong ni Ford.

Pumasok sila sa isang bakanteng kuwarto na pinayagan ng isang nurse para mag-usap. Tumingin si Ford sa bintana kung saan kita ang parking area ng ospital.

"You're gonna have to do the drug testing, Ford," sabi ng assistant coach kaya naman lumingon siya at seryoso itong nakatingin sa kaniya. "Half of the team is positive in drugs. Richie, Arnold, Randy, John, Oscar, and Isaac are positive."

Hindi nakasagot si Ford. Sinabi sa kaniya ng kuya niya ang resulta ng test ni Richie kaya hindi na siya nagulat, pero sa ibang teammates niya na madalas pa niyang kasamang maglaro sa court ay ikinagulat niya.

"Magiging malaking gulo ito, Ford. Possible na ma-suspend ang team at ma-disqualify lalo na kapag nagsalita si Klaudine sa nangyari. Gusto ni coach na protektahan sila, they will be monitored, and you guys will still pla—"

"Iniisip n'yo pa rin talaga 'yun?" Ford squinted and couldn't believe what their assistant coach said. "R-Richie r-raped his girlfriend because he was high on drugs. They were positive which is grounds for disqualification, pero . . . pero poprotektahan n'yo sila?"

Hindi na hinintay ni Ford ang sasabihin ng assistant coach nila. Lumabas na siya at dumiretso sa kuwarto ni Richie. Noong una, ayaw pa siyang papasukin ng police na nakabantay ngunit pinapasok siya sa utos ng assistant coach nila.

Naabutan ni Ford na nakaupo si Richie habang nakatingin ito sa bintana. May dextrose ito at malamlam ang mga mata nang tumingin sa kaniya.

"How are you feeling?" Ford asked.

Richie slightly shook his head and breathed heavily. "H-How's Klau?"

Hindi sumagot si Ford habang nakatayong nakatitig sa matalik na kaibigan. Kita niya ang pagbagsak ng luha sa mga mata nito na bahagyang pinunasan.

"S-Sinabi sa akin ni Kuya Ross a-ang nangyari. W-Wala kasi akong maalala, Ford. Wala akong maalala. Tangina, hindi ko alam ang ginawa ko. H-Hindi ko alam ang nangyari," mahinang sabi ni Richie at yumuko. "A-Ano'ng nangyari?"

Kahit mahirap, ikinuwento ni Ford ang nakita nila ni Harriet. Buo niyang ikinuwento ang naabutan at patuloy rin ang paghagulhol ni Richie dahil doon. Kita ni Ford ang pagsisisi sa mga mata ng kaibigan.

"Hindi ko alam." Richie sobbed and sniffed. "Kumusta si Klaudine? P-Puwede ko ba siyang makausap?"

"I think that would be a very bad idea," Ford said. Kinuha niya ang phone kung saan kinuhanan nila ni Harriet ng pictures ang mga pasa ni Klau.

Nang makita iyon ni Richie, mas lalong lumalim ang paghinga nito kasabay ng sunod-sunod na paghagulhol. Hindi alam ni Ford kung ano ang gagawin habang nakaupo sa dulo ng kama ng kaibigan.

"Tangina," Richie bawled. "Bakit ko ginawa 'to? Tangina . . . wala akong maalala."

Tahimik si Ford na nakatitig sa sahig. Hindi niya magawang tingnan ang kaibigan habang nakatitig ito sa picture ng kasintahan. The picture showed Klaudine sleeping with visible bruises.

"G-Gusto ko siyang makausap." Humikbi si Richie. "C-Can you arrange it?"

"I don't know, Richie." Ford breathed. "Sinubukang kausapin ni Harriet si Klau tungkol sa nangyari, pero hindi siya interesado. She was actually not talking at all. The look s-she gave last n-night." Tumikhim si Ford dahil naramdaman niya ang pag-angat ng sikmura. "Dude, you raped your girlfriend."

Richie didn't say anything but a tear dropped.

"Hindi ko alam kung ano'ng naisipan mo. Bakit ka nag-drugs? Dude, that's not you! H-Hindi mo magagawa kay Klaudine 'yun kung . . . kung hin—" Hindi na napigilan ni Ford ang luha. "Dude, pinagkatiwalaan ka ni Harriet. My girlfriend trusted you and you know how much she loves Klaudine! B-Bakit ganito ang nangyari? Hindi ito issue ng girlfriend ko dahil mas malaki ang kasalanan mo kay Klaudine, pero . . . Richie, hindi ko alam ang sasabihin ko."

Richie looked down and bawled.

"R-Rich, enlighten me . . . why did you do it?"

"It was making me energetic and I can play more minutes." Richie shook his head. "Hindi ko napansin na naaadik na ako. H-Hindi ko napapansin na napapadalas ang take ko. It was my—" Natigilan ito at hindi alam ni Ford kung bakit. "I-It was my second time using an ecstasy. L-Last night was the second time."

Natigilan si Ford. "W-When was the first time?"

"F-Four days ago. 'Yun 'yung araw na paggising ko, nagulat ako nasa apartment ako ni Klau at wala akong k-kasama." Richie faced Ford. "D-Did I—"

Ford shook his head and closed his eyes. "Maraming nakitang pasa si Kuya kay Klaudine. Ang ilan ay bago pa . . . pero sa braso, leeg, at ibang part," hinarap ni Ford ang kaibigan, "they were three to four days old, Richie."

Tahimik si Richie na nakatitig kay Ford.

"So you mean to t-tell me that what happened last night wasn't the first time?" There was anger on Ford's voice. "Hindi ko alam kung ano'ng plano mo, Richie . . . pero lalaban ako kung kailangan. You're my friend, but Klaudine . . . ." He shook his head.

Richie gave Ford a faint smile. "Don't worry, I'll turn myself in, Ford. Malaki ang kasalanan ko, I'll pay for it."

Tumalikod si Ford dahil gusto na niyang umalis, gusto na niyang puntahan si Harriet. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa nito sa kasalukuyan at gusto niyang makasama ang kasintahan.

"Ford," kuha ni RIchie sa atensyon niya kaya lumingon siya. "One favor. Alam kong hindi ko na kailangang makiusap . . . but please, take care of Klaudine. I love her." Suminghot ito at yumuko. "Please, take care of her."

Hindi na sumagot si Ford at basta na lang umalis. Nilagpasan niya ang assistant coach nila na nakatayo sa labas ng kwarto ni Richie kasama ang isang employee ng sports department.

Ford didn't bother saying anything. He just left.






Alas-onse na nang gabi dumating si Henry sa bahay nila. Hindi pa siya kumakain dahil malalim na malalim pa rin ang iniisip niya. Buong maghapon pa rin na hindi nagsasalita si Klaudine.

Nagkaroon sila ng company meeting, katabi niya si Klaudine, pero nakatulala lang itong nakikinig, at minsang nagsusulat tungkol sa napag-uusapan.

Henry tried so hard to make a conversation with Klaudine the whole day, but she was zoning out. Madalas lang itong nakatitig sa kawalan, tumatango, at hindi pa nga sumasagot. Girta was even worried because the past few days, Klaudine wasn't communicating with everyone.

And Henry had enough.

He decided that he would talk to Klaudine in the office to ask if she was okay. He would make it a casual boss-to-employee conversation so it wouldn't be awkward.

Napansin din niya na palagi itong naka-jacket. Palaging hinihila ang manggas at madalas pang nakasuot ang hood ng jacket kahit nasa loob ng opisina. Wala silang problema sa dress code, it was just unusual.

Mag-isa si Henry sa kwarto dahil nasa Singapore si Leandra para sa isang conference. Sinabi rin sa kaniya ng katulong na nasa kwarto si Harriet kasama si Ford.

Personally, wala siyang problema sa kasintahan ng anak. Mabait na bata si Ford at kakilala niya ang pamilya nito. Ford's father was even his own personal lawyer.

Nakakailang ikot na si Henry sa kama ngunit hindi pa rin siya makatulog. May kakaiba sa dibdib niya, may mali. Masyadong mabigat at hindi niya maialis sa isip si Klaudine. Gusto niya itong kausapin, kaya naman sinubukan niya itong tawagan.

Klaudine's phone was ringing but she wasn't picking up.

Mas lalong nakaramdam ng kaba si Henry. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya mapakali kaya naman kaagad siyang nagbihis at umalis.

Tumingin si Henry sa orasan habang papalabas ng village at nakitang alas-tres na ng madaling araw. Wala na siyang pakialam kung weird ba o ano, gusto lang niyang sigurudahing maayos si Klaudine.

Again, Henry tried to call Klaudine's phone but it was just ringing . . . until she answered.

"S-Sir?"

Henry sighed and was relieved upon hearing Klaudine's voice. "Hi, thanks for answering my call."

No answer from the other line but Henry could hear her breathing.

"A-Are you okay?" Henry bit his low lip. He sounded pathetic, he knew.

Walang sagot si Klaudine hanggang sa marinig ni Henry na mahina itong kumakanta at sinasabayan ang tugtog sa stereo niya. It was In Your Eyes . . . because Henry never changed his playlist.

"Klaudine?"

No answer.

May kalayuan pa si Henry papunta sa apartment nito. Mabuti na lang at madaling-araw na. Walang traffic, walang masyadong tao.

The call was still on and Henry didn't bother ending it. Hinayaan lang niyang nakabukas ang tawag hanggang sa makarating sa apartment ni Klaudine. Hindi alam ni Henry kung nakatulog na ba ito o pagbubuksan man lang ba siya ng pinto.

Henry was wearing a sweatshirt. It was the closest he could get and inside it was a white T-shirt paired with  black sweatpants. Ni hindi na siya nakapagsapatos. He was just wearing his flops, that was it.

Gusto niyang matawa sa sarili. Sa kagustuhang makita at makausap si Klaudine, alas-kwatro ng umaga, nasa tapat siya ng apartment nito.

Pinatay ni Henry ang tawag para subukan kung sasagot ulit si Klau, pero wala. He tried to knock but to his surprise, the door was partially opened. May kaunting uwang.

Binuksan ni Henry ang apartment ni Klaudine. Tahimik at madilim, pero mula sa pinto, nakikita niya ang kaunting ilaw mula sa itaas.

The subtle light looked like the night sky. The walls had stars and even a moon.

Something wasn't right and Henry caressed his own chest. Mabigat na mabigat ang pakiramdam niya at mas lalo niyang gustong makita si Klaudine.

Without asking for permission, Henry entered Klaudine's apartment and closed the door. Pinag-isipan niya kung aakyat, pero para siyang hinihila pataas. His heart was pounding too fast and every step towards Klaudine felt heavier.

It was heavy as it is until he saw a rope and a chair near the bed where Klaudine was lying . . . naked.

Henry's heart sank and immediately removed his sweatshirt. No words, he dressed up Klaudine using his own clothing while still in shock. His heart almost stopped beating after seeing the rope. He wasn't stupid not know what might happen if he didn't come.

Kinumutan niya si Klaudine nang matapos siyang bihisan ito. Natulala si Henry at naupo sa kama ng dalaga. Sumandal siya sa headboard nang hindi binibitiwan ang kamay nito habang mahimbing na natutulog.

Alas-kwatro y medya ng umaga, hawak niya ang kamay ng babaeng gumulo sa sistema niya.

Nakatitig si Henry sa kawalan nang gumalaw si Klau. Dumilat ang mga mata nito at tumitig sa kaniya na ikinangiti niya.

"Hi," Henry whispered but his voice cracked. "Sorry for barging in but—"

Kita ni Henry kung paanong bumagsak ang luha sa mga mata ni Klau habang nakatagilid ito. Lumuhod si Henry sa sahig para magpantay ang mukha nila. Hawak pa rin niya ang kamay ni Klaudine habang nakatitig sa mukha nito habang hinahaplos naman ng isa pang kamay ang buhok ng dalaga.

"Please, don't do this." Henry's voice quivered. "Please don't. I d-don't wanna lose you, Klaudine. N-Not like this. Please, don't do this," he begged. "Please I am begging you."

Klaudine was staring at him but tears were gushing down her eyes.

"N-Not like this, please." Henry sobbed. "Live."

Kita ni Henry ang panginginig ng baba ni Klau habang nakatitig sa kaniya. "G-Gusto ko. Pero pagod na ako, Henry."

Henry was shocked to hear his name from Klaudine. It was the first time he heard her call him without sir.

"Then live!" Ipinagdikit ni Henry ang noo nilang dalawa ni Klaudine. Wala na siyang pakialam.

Alam ni Henry na kalaban na niya ang mundo, ang lahat sa nangyayari, pero hindi na puwede dahil hindi na niya kayang pigilan ang nararamdaman.

"F-For me." Henry kissed Klaudine's forehead. "Please, live for me . . . I am begging you."

Klaudine started sobbing and gripped his hand. "P-Paano ako mabubuhay para sa 'yo kung hindi ka naman sa akin?"


T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys