Chapter 16
Trigger warning: Sexual Abuse – Skip the chapter if needed.
⋯
As much as he could, Henry wanted to deny what Ylena said, but he couldn't. Klaudine was smiling from ear to ear while she was talking to Ylena's landscaper as they talked about flowers.
Nakasandal si Henry sa hamba ng pinto ng backdoor kung saan may malaking swimming pool, garden na maraming bulalak, at patio.
Nakikinig siya sa conversation ni Klau at ng matanda. The way Klau laughed and smiled was something he would love to see everyday . . . but shouldn't.
"Now tell me I'm wrong," Ylena whispered and walked towards the garden. "The flowers are blooming, Kuya Estong!"
"Opo, Gov.! Maganda po ang lupa rito sa nabili ninyong hacienda. Magandang taniman ng maraming bulaklak," magiliw na sambit ng matanda. "Tuwang-tuwa nga itong batang ito, nagtatanong kung paano bumuhay ng rose!"
Ngumiti si Ylena kay Klaudine. "Are you into roses?"
"Kahit anong bulaklak naman po." Klau brightly smiled. "Kaso po, medyo allergic po ako sa kanila kaya iwas na iwas po ako."
Henry was still listening. Ang buong akala niya, sa matatapang na pabango lang may allergy si Klau, pero hindi pala. Naririnig niya na sa kahit na anong matatapang na amoy, hindi ito puwede.
"Nasabi ko na rin pala kay Henry 'yung bagong order ko para sa balcony area," nakangiting sabi ni Ylena kay Klaudine. "I hope you enjoyed the place, hija."
"Opo, maganda po ang lugar ninyo at sobrang peaceful." Ipinalibot pa ni Klau ang tingin. "Maganda po itong retiring place para sa inyo ng asawa ninyo."
Ylena smiled and breathed but didn't say anything.
Biglang naalala ni Klau ang sinabi ni Henry tungkol kay Ylena. Gusto niyang bawiin ang sinabi, pero mukhang huli na. Isa pa, ayaw niyang maisip ng ginang na ipinagkakalat ni Henry ang tungkol sa nakaraan nito.
Hindi man sinasadya, inobserbahan ni Klaudine ang katabing ginang. Naaamoy rin niya ang matamis nitong pabango.
Malungkot ang mga mata nitong nakatingin sa kawalan, sa mga kabayong nagtatakbuhan sa buong hacienda. Ni hindi alam ni Klau kung ilan ba dahil bukod sa nasakyan niya, mayroon pang limang nagtatakbuhan sa kung saan.
Iniisip ni Klau na siguro, naiisip nito ang dating kasintahan. It was the perfect example of the one that got away o TOTGA.
Simula nang makapasok si Klau sa buhay ni Harriet, ni Henry, ngayon naman ay nakilala niya ang gobernadora na produkto ng arranged marriage, naisip niya na lahat ng nababasa niya sa libro, totoo.
"Klaudine," kuha ni Henry sa atensyon nito.
Sabay na lumingon sina Klau at Ylena.
"We have to go. Hindi ko alam kung traffic o anong oras na tayo makararating ng Manila. Mas okay kung bibiyahe na tayo." Nakapamulsa si Henry habang nakatingin sa dalawang babae. "Are you gonna be okay here, Ylena?"
Ylena chuckled. "Babalik din ako sa bahay namin maya-maya. May kailangan lang akong ayusin dito sa bahay, uuwi na rin ako and yes, I suggest na bumiyahe na kayo." Hinawakan ni Ylena ang braso ni Klau. "Thank you so much again, hija."
"Thank you so much din po sa lunch." Klau tucked her hair again to hide her shyness. "Ingat po kayo palagi."
Pumasok na si Klaudine sa loob ng mansion at kinuha ang mga gamit. Nakasunod ng tingin si Henry sa dalaga nang lumapit sa kaniya si Ylena para yakapin siya nang mahigpit and Henry did the same.
He hugged his best friend tightly.
"Ang pangit ng friendship goals natin, Henry," bulong ni Ylena habang nakalapat ang ulo nito sa dibdib ni Henry. "Bakit ganito ang nangyari sa atin?"
Hinalikan ni Henry ang tuktok ng ulo ni Ylena, pero wala siyang sinabi. Mahal niya si Leandra, alam niya iyon. He wouldn't justify the emotional cheating and he was trying to fight it. Mali . . . maling-mali.
"I don't wanna die alone, Henry. Ayaw kong mamatay mag-isa," sabi ni Ylena. "Pero mukhang ganoon na ang mangyayari."
"Silly!" Humiwalay sa pagkakayakap si Henry. "You're like my sister. Kung pakiramdam mo, mag-isa ka na lang, kukunin kita, pupuntahan kita. We promised, right? Kahit ano'ng mangyari, we'll stick together, okay?"
Ylena smiled. "Good luck, Henry. You're gonna need those two words."
Nagpaalam na sina Henry at Klau kay Ylena na ipinagbalot pa sila ng cake. Natatawa si Klau habang hawak ang box dahil may pangalan pa talaga niya. Mayroon siyang kakainin lalo na at craving siya sa sweets dahil sa PMS.
Sa abot ng makakaya, hindi nililingon ni Henry si Klaudine. Iniisip at paulit-ulit pa ring nagre-replay ang sinabi ni Ylena sa kaniya. He definitely needed to fight it, to weigh everything, and to think about his family.
Ylena was again right when she said that some love was better hidden to avoid conflict. Some love could ruin years of companionship, a family, and even a friendship.
Henry didn't want that. As much as he could, he would . . . fight it.
'I needed to.'
Hindi alam ni Klau ang nangyayari, pero natatakot siya kung paanong magkasalubong ang kilay ni Henry habang mahigpit itong nakahawak sa manibela. Badtrip? Masama ang pakiramdam? Pagod? Hindi niya alam.
Gusto man niyang mag-open ng conversation, nahihiya siya kaya naman ibinaling na lang niya ang tingin sa magandang tanawin ng Batangas.
It was almost four in the afternoon. Malayo pa sila sa kabihasnan, basta ine-enjoy lang ni Klau ang kapaligiran. Dadaan din sila sa Tagaytay at bigla niyang naalala ang unang beses kung saan nakaramdam siya ng pagkailang sa boss.
Hindi niya maintindihan kung bakit, basta may mali.
Sa sobrang tahimik, ultimo paghinga ni Henry, naririnig ni Klau. Panay ang buntonghininga nito na mas lalong nagpapabigat sa atmosphere ng sasakyan. Ipinagpapasalamat na lang niyang may tugtog dahil kung wala, malamang na pati tibok ng sariling puso, marinig na niya.
Inihilig ni Klau ang ulo sa headrest ng upuan at mahinang kumanta sa isipan. Sinabayan niya ang kanta. It was Through the Eyes of Love by Melissa Manchester.
'And now I do believe that even in a storm, we'll find some light . . . knowing you're beside me, I'm all right,' Klau sang inside her head and sighed heavily.
Muli niyang naalala ang kuwento ng gobernadora. How hard love could be?
Naisip ni Klau, mahirap bang magmahal? Masakit ba? Makasasakit ba? Magkakasakitan ba tulad ng mga magulang niya? Gusto rin niyang isipin na kung mayroon bang pagmamahal na hindi kailangang masakit o makasakit?
Kung oo, gusto niya iyon.
Hanggang sa makarating sila sa Manila, walang nagsasalita. Nagsabi si Klau na sa opisina na lang siya ihatid ng boss niya dahil may mga papeles siyang kailangang iwanan, pati na rin ang company laptop, pero dumiretso ito sa mismong apartment niya.
"T-Thank you po sa paghatid," mahinang sabi ni Klau habang tinatanggal ang seatbelt. "Ingat po sa pag-drive at pag-uwi."
Henry slightly nodded. "Go rest. Thank you so much for today, Klaudine."
"Thank you rin po." Klau smiled while looking at Henry who was staring at the road. Hindi niya gustong bumaba, pero bakit? "I-Ingat po ulit."
"Lock your doors." Henry glanced at Klau.
Ngumiti si Klau at bumaba. Akala niya ay aalis na si Henry, pero hindi. Hanggang sa makapasok siya ng apartment, nasa labas pa rin ito kaya naman palihim siyang sumilip sa bintanang katabi ng pinto nang umalis si Henry.
Sumandal si Klau sa may pinto at nakaramdam ng pagkahapo. Bigla niyang naramdaman ang pagod, ang pananakit ng paa, ng pang-upo dahil sa tagal ng biyahe, at ang sakit ng ulo.
Umakyat si Klau para sana ipahinga ang sarili bago maligo, pero hindi niya magawang idilat pa ang mga mata. Gising ang diwa niya, pero nakapikit. She was trying to think about a lot of things without realizing she fell asleep in an instant.
Naalimpungatan si Klau nang makarinig ng sunod-sunod na pagkatok. Hindi niya alam kung nananaginip ba siya o dahil sa sobrang pagod, kaya hindi kaagad siya bumangon. Kaysa tumayo, niyakap ni Klau ang malaking unan at ipinikit ang mga mata.
Pero muling may kumalampag ng pinto at ang pag-ring ng phone niya. It was Richie calling.
"R-Richie?" inaantok niyang sagot sa phone. Tiningnan din niya ang orasan at alas-dos na ng madaling-araw. "M-Madaling-araw na, bakit?"
"Nasa labas ako," nauutal at mahinang sabi nito.
Kaagad na napabangon si Klau sa narinig. Si Richie nga ang kumakatok na akala niya, panaginip lang. Kaagad niyang inayos ang magulong buhok, nahihiya pa na kagigising lang niya, pero panay na rin ang katok nito at nakakahiya sa kapitbahay.
Nagmamadaling bumaba si Klau nang ma-realize na kung ano ang suot. Hindi na siya nakapagpalit. Pantalon pa rin at puting T-shirt na suot kahapon, pero naisip na maiintindihan naman siya ng kasintahan.
Binuksan ni Klau ang pinto at naabutan si Richie na nakasandal sa gilid. Nakayuko ito, amoy na amoy ang alak at sigarilyo. Naalala niyang nag-message nga pala ito na sasama lang muna sa ilang kaibigan para magkasiyahan.
"R-Richie? Okay ka lang?" Hinawakan ni Klau ang braso ng kasintahan.
Humarap si Richie sa kaniya. Namumungay ang namumulang mga mata nito. Nakita ni Klau ang butil-butil na pawis ng kasintahan pati na rin ang pagtagis ng panga habang nakatitig sa kaniya.
"O-Okay ka lang ba?" tanong niya.
Richie nodded before entering her apartment without saying anything. Hindi alam ni Klau ang nangyari kaya sumunod siya kay Richie na nakaupo sa sofa. Nakayuko itong nakatitig sa sahig kaya kumuha siya tubig sa kusina. Mabigat ang dibdib ni Klau, pero hindi niya alam kung bakit.
Binalikan niya si Richie na ganoon pa rin ang position. Tahimik na panay ang galaw ng mga daliri na parang hindi mapakali.
"Richie, tubig." Iniabot ni Klau ang baso ng tubig na kaagad namang tinanggap ni Richie. "Okay ka lang ba? Ano'ng nangyari sa 'yo?"
Hindi sumagot si Richie at basta na lang inihiga ang ulo sa sandalan ng sofa. Napatitig si Klau sa kasintahan. Pawis na pawis ito at nang hinawakan ang kamay, mainit iyon na parang nilalagnat. Mabilis din ang paghinga nito na para bang tumakbo.
"Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?" tanong ni Klau kay Richie na nakapikit ang mga mata. "A-Ayos ka lang ba?"
Panay na rin ang bahing ni Klau dahil sa amoy ni Richie. Napakalakas ng amoy ng alak at sigarilyo mula rito. . . pero natakot siya nang dumilat ang mga mata ng kasintahan at tumitig sa kaniya. Dahil sa ilaw na nanggagaling sa kusina, nakita niya kung gaano ka-dilated ang mga mata nito.
Nakaramdam ng takot si Klau. Hindi ito ang Richie na kilala niya.
SKIP THIS SCENE IF UNCOMFORTABLE
TRIGGER WARNING: SEXUAL ABUSE
Klau was about to stand up when Richie grabbed her arm. Naramdaman ni Klau ang higpit ng pagkakahawak nito na naging dahilan para mapaigik siya sa sakit.
"R-Richie, nasasaktan ako," mahinang sambit ni Klau at sinubukang pumiglas, pero mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak nito sa kaniya.
Nakatitig lang ito sa kaniya na para bang hindi siya kilala.
"R-Richie." Klau's voice started to crack because of nervousness. "S-Sandali lang, kukuha lang ako ng pamunas m-mo."
Walang sinabi si Richie, pero mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya. Sinubukang pumiglas ni Klau ngunit malakas ito at hinila pa siya papalapit na naging dahilan para bumagsak siya sa sahig habang hawak pa rin nito ang braso niya.
"P-Please," pagmamakaawa ni Klau dahil iba na ang titig sa kaniya ni Richie. "Richie, please."
Nagulat si Klau nang sipain ni Richie ang coffee table hanggang sa dumikit iyon sa bookshelves na mayroong TV na naka-fix sa pader. Regalo ni Harriet ang coffee table na iyon pati na ang shelves at matibay na gawa talaga sa kahoy. Gumawa ng kaunting ingay ang pagdikit ng lamesa roon na naging dahilan din para umuga ang ilang librong nakaibabaw.
"Richie." Tinitigan niya ang kasintahan. "M-Magpahinga ka na m-muna."
Kita ni Klau ang malalim na paghinga ni Richie at panay ang singhot habang nakatitig sa kaniya, malayong-malayo sa kasintahan niyang malambot ang tingin sa kaniya.
Sinubukang tumayo ni Klau at lumayo kay Richie, pero mas humigpit ang paghahawak nito at hinila pa siya papalapit. Patalikod na dumikit ang katawan ni Klau sa may legs ni Richie nang bitiwan nito ang braso niya, pero dumako ang kamay sa leeg niya at walang sabing hinila siya.
No words, Richie kissed the top of her head. Gustong sumigaw ni Klau at pumiglas ngunit mas inunahan siya ng takot. Her breathing became ragged especially when Richie's lips reached her ear.
"Let's fuck," bulong nito.
"R-Richie, bitiwan mo ako." Nanginginig ang boses ni Klau na may kasamang pagmamakaawa. "P-Please."
Lumuwag ang pagkakahawak ni Richie sa leeg niya at kinuhang pagkakataon ni Klau iyon para sana tumakbo, pero muli siyang hinawakan ni Richie sa braso at itinulak sa lamesang nasa harapan.
Mula sa likuran, hawak ni Richie ang braso niya sa at ang isang kamay nito ay nasa batok.
Panay ang hinga nang malalim ni Klau dahil sa kaba. Gusto niyang tumakbo ngunit mahigpit ang pagkakahawak ni Richie sa kaniya. Mahigpit na mahigpit na siya makagalaw, lalo nang pumuwesto ito sa likuran niya.
"R-Richie, p-please."
Wala itong sinabi, pero binitiwan ang braso at leeg niya . . . kasabay ng pagkakapunit ng T-shirt niya mula sa likuran. Hindi alam ni Klau kung paano gagalaw, kung paano tatakbo, kung ano ang gagawin habang nakatitig siya sa librong nasa lamesa.
Gusto niyang sumigaw, pero parang pati boses ay ipinagkakait sa kaniya. Gusto niyang pumiglas, pero hindi alam kung paano. Sinubukang bumangon ni Klau ngunit mas malakas si Richie. Nakadagan ang katawan nito sa kaniya. Richie even grabbed a handful of her hair.
Wala siyang naririnig na kahit ano kay Richie kung hindi ang mabigat na paghinga nito mula sa likuran niya at hinahalikan siya sa batok.
"Klau," Richie whispered to her ear.
Klau sobbed and whispered. "Please, t-tama na," she pleaded.
Instead of letting her go, Klau felt Richie's fingers around the waistband of her jeans. Her hands clenched when Richie unbuttoned her jeans in front.
Again, Klau pleaded and said please.
But Richie wasn't listening. Pumiglas si Klau nang maramdaman niya ang kamay ni Richie sa waistband ng pantalon niya, pero mas malakas ito. Walang sabing ibinaba ang pantalon kasabay ng underwear hanggang sa marinig na lang niya ang tunog ng belt nito.
"Richie, please, nagmamakaawa ako . . . ," umiiyak na sabi ni Klau. Hindi na niya alam ang gagawin, mahigpit na mahigpit ang pagkakahawak nito sa buhok niya na nagsisimula nang mamanhid dahil sa sakit, pero gusto pa rin niyang makawala. Sinubukan niyang kumawala dahil sa takot ngunit hindi niya magawa.
Panay ang tawag niya sa pangalan ng kasintahan, panay ang pagpiglas, ngunit sa bawat pagpiglas, kapalit noon ay higpit ng pagkakahawak lalo nang hawakan nito ang pulsuhan niya at ilagay sa likuran.
Klau pleaded and fought but failed when she felt the pain as Richie violated her.
Nakakuyom ang dalawang kamay niya habang sinusubukang humingi ng tulong ngunit kahit anong sigaw niya, walang nakaririnig dahil wala namang lumalabas sa bibig niya.
Ramdam niya ang bawat paggalaw, ang sakit, at ang pakiramdam na para siyang basura habang nasa ibabaw ng lamesa ang kalahati ng katawan, lumuluha, at pilit na lumalaban.
Sa bawat paglaban, kapalit ay mas marahas na paggalaw. Masyado siyang maliit kumpara kay Richie. Walang nagawa si Klaudine kung hindi titigan ang libro na nasa harapan, isipin ang bawat tawang pinakawalan noong kabataan, pati na ang bawat kantang gustong pakinggan.
Klaudine stopped fighting, she even stopped crying, and let Richie finish. Wala na siyang magagawa, wala na siyang kayang gawin. She was too weak to fight, her mouth was too dry to shout, and her mind was already floating somewhere dark.
She had no choice but to close her eyes.
Klaudine saw a field full of flowers and it was raining. She started running to nowhere, feeling the raindrops on her skin, and smiling knowing no one could hurt her again. She was happily running when a cliff with a dark and lonely sea with violent waves appeared.
Without thinking twice, Klaudine jumped off the cliff only to welcome the pain once again as Richie stopped moving. Naramdaman din ni Klau ang pagluwag ng hawak nito sa buhok niya, sa pulsuhang nangingitim na, at pag-alis sa likuran.
Nakatagilid pa rin si Klau na nakatitig sa libro. Her eyes already dried up and she couldn't feel any pain.
Klau stayed in that position since she could remember until slowly, she got up.
Sira ang T-shirt niya mula sa likuran, putol ang strap ng bra niya, nakababa ang pantalon hanggang tuhod, at wala siyang maramdaman. Maingat siyang humarap kay Richie na nakaupo sa sofa, natutulog, na para bang walang nangyari.
Nakabukas ang butones ng pantalon nito na kaagad niyang inayos, maingat na ipinahiga sa throw pillow na ito rin ang bumili, at binalikan ang pagkakaayos ng lamesa. Ni hindi niya nagawang ayusin ang sarili dahil gusto muna niyang maging maayos ang living area niya, ayusin ang mga librong bumagsak, bago pumasok sa banyo.
Napatitig si Klaudine sa sarili. She was staring blankly at herself. No tears . . . nothing.
—
Maingat na tinanggal ni Klau ang sirang mga damit at ang paborito niyang pantalon para itapon sa basurahang nasa loob ng banyo. Kahit malamig, pumwesto si Klau sa ilalim ng shower at dinama ang pag-agos ng tubig mula sa mukha niya.
Wala ng luha, wala siyang boses. Para siyang nauupos na kandila hanggang sa matapos siyang maligo. She made sure to remove any traces of what happened but it was impossible.
Her neck, arms, and wrist were badly bruised.
Lumabas siya ng bathroom at dumiretso sa itaas kung nasaan ang kwarto at closet niya. Nagbihis siya ng pantalon, paborito niyang T-shirt, at jacket. It was just 2:30 in the morning, but Klau decided to leave without looking at Richie.
Naglakad siya papunta sa opisina. Ramdam niya ang lamig ng simoy ng hangin, may ilang mga sasakyan pa ring nagbabaybay sa highway, may ilang tao na parang pauwi pa lang, at may ilang papasok naman sa trabaho.
Dumaan si Klau sa likuran ng opisina kung saan puwedeng dumaan ang mga employee kapag sarado ang showroom. Alam niyang may ilang empleyado, pero kaagad siyang dumiretso sa opisina.
Alas-tres y medya ng umaga, nagtatrabaho na si Klau. She wanted to make herself busy because if not . . . she would jump off the building without looking back.
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top