Chapter 13

Harriet was so happy and even jumped when Klaudine told her about Richie. Ni hindi niya maisip na susubok ang best friend niya dahil marami itong doubt sa buhay lalo na sa pagiging busy.

"I was actually shocked!" nakangiting sabi ni Harriet habang nakikipag-usap sa mommy niya. "Noong sinabi sa akin ni Klau three days ago, nagulat talaga ako, Mommy."

Leandra smiled. She was preparing Harriet's breakfast which was yogurt with lots of fresh fruits and nuts. "At least, Klaudine's getting out of her shell. Masyado rin kasing busy ang batang 'yun!"

"Good morning!" Henry smiled at Harriet and Leandra. "What's with Klaudine?" he curiously asked as he walked towards the dining area.

"Daddy, kasi Klauie has a boyfriend now!" Harriet squealed.

Natigilan si Henry sa sinabi ni Harriet, pero hindi nagpahalata. Instead, he started reading an article through his iPad and didn't bother asking more. Hindi siya interesado at wala siyang balak alamin pa.

"So, Daddy, nag-start na ang league, and I am asking Klau if she could come and watch with me. Boyfriend naman na niya si Richie so I told her, we should support our boyfriends together," Harriet said.

Nag-angat ng tingin si Henry sa anak at mukhang nakikiusap ito sa kaniya.

"Can you let Klau have time off on Saturday? I know na she won't leave work early or even ditch me, but, Dad? Please? First time niya manonood kay Richie?"

"Is the Richie guy . . . nice?" biglang tanong ni Henry. He wasn't expecting his question.

"Yes." Harriet scooped a spoonful of yogurt with berries. "We're friends since Ford and I started dating like two years ago. Wala akong problem kay Richie, the reason why it's fine with me that Klauie's dating him."

Henry didn't say anything and focused on some emails. Dalawang linggo na siyang hindi pumapasok sa opisina at mas madalas sa production area. For some reason, he wanted to release some stress by making some stuff he didn't even need.

"How's everything going, Dad?" tanong ni Leandra na hinawakan ang kamay niya. "Napapadalas ang stay mo sa production lately. Umaga ka na rin umuuwi. Are you even taking care of yourself?"

Henry nodded and looked at his wife. Ngumiti siya nang hawakan nito ang kamay niya.

"Everything's fine. Ikaw, kumusta ka sa opisina? Everything's good?"

"So far, so good. Wala rin naman akong masyadong problema lately, and I'm just chilling. The sales are good, and everything's going according to plan." Leandra smiled. "Harri, do you wanna go somewhere maybe next weekend?"

Harri squinted and thought of her schedule. "Not sure, Mommy. May mga laro si Fordy and you know naman I always wanted to watch him play. Maybe, sa ano na lang . . . hmm, semestral break!"

"Sure." Leandra giggled. "Parang gusto kong mag-tour sa Europe or something, bahala na. Let's shop!"

Nakikinig lang si Henry sa mag-ina niya habang nagbabasa ng reports. Panay pa rin ang pilit ni Harriet sa kaniya na payagan si Klaudine na hindi pumasok sa Sabado dahil opening ng league.

"Bakit ako ang tinatanong mo?" Henry sneered. "Kung papasok siya, go. She knows the rules, Harri. Puwede siyang mag-file ng leave kapag gusto niya. Just tell her to send an email to HR. That's it."

"Okay." Harri stood up and kissed Henry's cheek. "Thank you so much, Daddy! I'll get going na. I have quizzes today and I'll review pa with Klauie." Hinalikan din niya ang pisngi ng ina bago tuluyang nagpaalam.

Naiwan sina Henry at Leandra sa dining table at busy sa kaniya-kaniyang gadgets. Sa dami ng orders nitong mga nakaraan, hindi na muna tumanggap si Henry ng personalized dahil hindi na iyon mahaharap.

"Do you want me to bring you to the office?" Henry said without looking at Leandra. "Nandoon pa ang kotse mo, 'di ba?"

"Yup! Kung hindi ka busy, then please, bring me to the office." Leandra smiled from ear to ear.

Henry chuckled and stood up. "I'm ready whenever you are. Huwag ka nang magsuot ng heels. Baka sumakit na naman ang paa mo. You should practice wearing flats. We're not getting any younger."

Mahinang natawa si Leandra at naglakad papalapit kay Henry. Inayos niya ang tie nito at hinalikan sa pisngi ang asawa. "I know. It's making me sad that we're getting old, but I am happy we're getting old together." Then kissed his lips.

Ngumiti si Henry at hinalikan ang noo ng asawa habang nakapikit. He sighed heavily. "Let's go."

Sa sasakyan, pagbukas pa lang, napatitig na si Henry sa screen nang tumugtog ang In Your Eyes na paulit-ulit niyang pinakikinggan nitong mga nakaraan. Paulit-ulit, araw-araw . . . kahit sa mismong opisina sa factory o sa production.

Bahagyang nilingon ni Henry ang asawang busy sa phone nito. Parang may gusto siyang sabihin dito, pero hindi alam kung ano. Maraming tumatakbo sa isip niya, pero hindi alam kung saan ang simula at dulo.

Maraming katanungan, pero lahat ng iyon, walang kasagutan.



It was a Saturday and Klaudine was busy creating memos for some orders. Siya na rin ang nag-aayos ng ilang kailangan ng mga employee lalo na at dalawang linggo nang hindi pumapasok ang boss nila.

May mga kailangang pirmahan, pero hindi ito tumatanggap ng kahit na ano.

Walang tao sa opisina dahil Sabado, pero may pasok siya. Thursday at Sunday ang kinuha niyang off dahil fully loaded siya sa school tuwing huwebes. Sabado siya pumapasok at ginagawa pang walking distance ang opisina sa bahay.

Klau was busy typing an email when she heard footsteps. Akala niya, janitor iyon at handa na siyang batiin nang magtama ang tingin nila ni Henry na natigilan nang makita siya. Kaagad siyang tumayo at bahagyang yumukod.

"I-I thought hindi ka papasok," Henry uttered. Hawak nito ang iPad na palaging dala. "H-Harri told me you're going to watch the opening game?"

"Hindi po ako nakapag-file ng leave." Ngumiti si Klau. "Gusto n'yo po ba ng kape? May gusto po ba kayong kainin? Bibili po kasi ako ng lunch sa ibaba, baka po gusto ninyo?"

Henry stared at Klaudine for seconds and breathed. "Why don't you take a leave instead? Your work, memos, and emails can wait till Monday. Go ahead and watch your boyfriend's game."

Itinuro ni Klau ang iPad kung saan nanonood siya ng live opening ng nasabing liga. "Hindi na po. Nanonood naman po ako rito sa iPad habang nagtatrabaho. Baka hindi na rin po ako umabot since medyo may kalayuan po ang arena."

Henry didn't push it. Tumango lang siya at naglakad papunta sa opisina habang nakatayo si Klau at balak sanang lagpasan lang ito, pero hindi niya nagawa.

Nilingon ni Henry si Klau. "Kung bibili ka ng lunch, pasabay na lang din ako. Thank you, Klaudine."

"Sure po." Klau nodded and smiled before going back to work.

Mahigit dalawang linggo niyang hindi nakita o nakausap man lang ang boss niya dahil hindi ito pumapasok. Wala ring sinabi si Girta tungkol sa pagpasok ng boss niya, pero given naman dahil bigla na lang din itong dumarating kapag gusto.

Bumili na lang din si Klau ng pagkain sa malapit na restaurant sa Metrovilla. Walking distance lang ito at madalas na lang niyang ginagawang exercise.

Pagdating sa opisina, nagtimpla siya ng kape bago dinala ang pagkain ng boss niya. Pagbukas ng pinto, maingat na pumasok si Klau dala ang isang tray, pero sinalubong siya ni Henry at ibinaba ang tawag.

"I'll eat outside," ani Henry na kinuha ang tray mula kay Klau. "Ikaw, kumain ka na ba?"

Umiling si Klau dahil nakahain na ang pagkain niya sa pantry. Doon siya palagi kumakain dahil masyadong maraming papel sa lamesa niya.

"Hindi pa po. Kakain pa lang din po ako sa pantry," Klau said.

"Sa labas na lang din ako kakain," ani Henry habang nakatingin kay Klau. "Nanonood ka pa rin ba ng game? May laro ba sila ngayon? Turn on the television, puwede tayong manood sa pantry."

Nag-aalangang tumango si Klau ngunit kaagad na lumabas at sinunod ang utos ng boss niya. Sa pantry ng opisina, mayroong mahahabang malambot na sofa na puwedeng tambayan ng mga emplyeado bukod sa mga lamesang kainan.

Mayroong malaking TV na nakadikit sa pader, may mga gaming console na puwedeng gamitin, at kung ano pang entertainment tools tulad ng billiards, pingpong table, at darts.

Isa iyon sa magandang handling ng Metrovilla pagdating sa mga empleyado. Lahat pantay at may entertainment area para hindi palaging focused sa trabaho. Sa mga nakita ni Klau, ni wala pang resignation na natatanggap ang nasabing kumpanya.

Inaayos ni Klau ang pagkain sa lamesa nang lumabas si Henry. Ito na mismo ang nagbukas ng TV at hinanap ang channel ng opening ng university league.

"I hope they'll get the championship this time," ani Henry at naglakad papalapit sa lamesa. "Last year na rin pala ni Ford."

"Opo, silang dalawa po ni Richie. Kaya todo practice rin po silang dalawa, e." Tumingin si Klau at nagsisimula na ang opening. May mga sumasayaw sa gitna at nakadepende ang theme sa school na nakaatas para sa opening.

The university assigned a mythological theme wherein a representative from each school would wear something like a god or a goddess.

Klau knew that Ford would portray Zeus, and Richie would be Poseidon. Kaya naman nang lumabas na ang dalawa, may usok pa . . . napangiti siya.

Na-i-imagine na niya si Harriet na sumisigaw na naman dahil proud na proud sa boyfriend nito. Hindi alam ni Klau ang mararamdaman, pero masaya siyang nakikita ang kasintahang si Richie sa TV. Hawak nito ang trident na ipinakita sa kaniya noong nakaraan bilang props para sa nasabing opening.

Naupo si Klau, ganoon din si Henry at parehong nagsimulang kumain habang nanonood. Parehong tahimik, parehong nagpapakiramdaman. Dalawang linggong hindi nakita ni Henry si Klau dahil mas pinili niyang mag-stay sa production.

"How was the office these past few days?" tanong ni Henry.

Kaagad na lumingon si Klau at tiningnan ang boss niyang sumisimsim ng kape. "Maayos naman po." Ibinaba niya ang tinidor. "Medyo tambak na rin po pala ang mga kailangan ninyong i-review, pero nilagyan ko na po ng label ang mga priority at 'yung puwede po kahit medyo matagal pa."

Henry nodded without saying anything and focused on the television.

Nagmadaling kumain si Klau dahil marami siyang trabaho. Puwede naman niyang panoorin si Richie sa phone kaya naman nauna siyang magpaalam sa boss niya na tumango lang.

Nararamdaman ni Klaudine na hindi siya masyadong kinakausap nito. Sa tuwing may kailangan ito sa opisina, si Girta ang tatawagan, si Girta rin ang mag-uutos sa kaniya.

Ayaw gawing big deal iyon ni Klau. Hindi naman siya ang main executive secretary, assistant lang siya, pero pagkatapos ng nangyari sa Tagaytay, hindi na niya ito nakausap nang matino.

Natapos ang opening ng liga, sumunod naman ang laro. Isa ang university nila sa opening games kaya naman napanonood niya kung paano maglaro sina Richie at Ford. Magagaling ang mga ito, palaging tandem sa mga basketball move na bihirang makita ng iba.

For some reason, Klaudine felt proud while watching Richie play. Simula nang maging opisyal silang dalawa, mas naging malapit sila at mas nakilala ang isa't isa. Mas nakita ni Klau ang dedikasyon ni Richie sa laro lalo na at kabi-kabila ang nag-scout para sa professional league.

Busy siya sa pare-review ng mga dokumento habang nakikinig at minsang nanoood hanggang sa natapos ang laro at nanalo ang university nila.

It was five in the afternoon and Klau was still working when Henry went out of his own office. Napatitig siya kay Klau na nakasandal sa swivel chair nito at nagbabasa ng papeles.

"You can go home now, if you want to." Sumandal si Henry sa hamba ng pinto. "Wala naman akong ipapagawa, those documents can wait till Monday. Aalis na rin ako maya-maya."

Ngumiti si Klau. "Okay lang po, hinihintay ko rin naman po si Richie kasi susunduin niya po ako after ng game. On the way na rin naman daw po siya."

Tumingin si Henry sa suot na relo at kumunot ang noo. "Arena was about two hours away from here. Gagabihin ka rito sa opisina, wala kang magiging kasama. It's a weekend, Klaudine."

"Okay lang po, nandito naman po si Manong Berto. Hihintayin ko na lang po si Richie, wala naman pong problema, marami rin po akong matatapos na trabaho," sagot ni Klau sa boss niyang nakatitig sa kaniya.

Henry didn't push it. Bumalik siya sa sariling opisina para tingnan ang mga naka-prepare na papeles para pirmahan niya. Ayaw niyang pilitin si Klau sa hindi nito gusto at kung naisipan man nitong mag-stay sa opisina, hindi siya aalis hangga't hindi rin ito umaalis.

Naalala ni Klau ang tungkol sa order ng best friend ni Henry na governor ng Batangas nang mabasa niya ang isang papeles tungkol doon kaya naman kumatok siya para makausap ito nang personal.

Busy si Henry na pumipirma, pero pinapasok pa rin niya si Klau. Tiningnan nya ang papel at mahinang natawa. "She ordered a lot," he said.

"Opo, sir. Next week po ang schedule ko sa mansion na pinapagawa niya para po mabilang ko kung tama na po lahat. Iniutos po sa akin 'yun ni Miss Girta." Klau smiled.

"When?" Henry frowned. "It's not your job."

"Naka-leave po kasi si Miss Shane." Klau was referring to the quality control head. "Sabi rin po kasi ni Miss Girta, medyo choosy raw po si Governor Ylena, siya raw po sana ang pupunta, pero tinanong po kung puwedeng ako na lang."

Henry sighed without looking at Klau. "And you're fine with it?"

"Oo naman po, wala naman pong problema. Baka kausapin ko na lang po si Manong Cleofe na ipag-drive po ako. Natakot na po kasi ak—"

"I'll be at Ylena's home next week, too. She invited me for a tour. Kung gusto mo, sumabay ka na lang sa akin sa araw na 'yun," pag-alok ni Henry nang maalala ang usapan nila ng kaibigan. "Para isang lakaran na lang."

Napaisip si Klau, wala rin namang masama. Mas makabubuti pa, isang lakad na lang. "Puwede naman po. Sige po. Kung bakante po kayo sa araw na 'yun, sasabay na nga lang po ako."

"Better. Para mas makita ko rin kung kumusta ang magiging delivery." Henry chuckled. "Might as well surprise the boys. Ikaw na ang bahalang mag-reschedule ng delivery, ako na ang bahala kay Ylena."

Klau nodded and left her boss' office.

Saktong paglabas ni Klau, nag-ring ang phone niya at sinabi ni Richie na malapit na ito. Klau smiled and said okay before timing out. Nilinis na rin muna niya ang desk, sinigurong walang maiiwang papel at itinago lahat sa drawer, bago tinalian ang mahabang kulot na buhok.

Nakaupo si Henry sa sofa nang makarinig ng katok. Bumukas ang pinto at sumilip si Klau. Nakasukbit na rito ang bag.

"Sir, hindi pa po ba kayo uuwi? Magpapaalam na po sana ako sa inyo. N-Nandiyan na po kasi si Richie sa baba," pagpapaalam ni Klau kay Henry. "M-Mauuna na po ako."

Henry nodded. "Take care," tipid niyang sagot nang hindi nag-aangat ng tingin.

Ngumiti si Klau. "Kayo rin po," sagot niya bago isara ang pinto.

Nagmadaling bumaba si Klau at naabutan pa ang janitor sa showroom at inaayos ang ilang gamit. Nagpaalam siya rito bago dumiretso sa harapan ng Metrovilla.

Wala pa si Richie, pero saktong titingnan niya ang phone nang may sasakyang pumasok sa loob ng parking area. Huminto ito sa harapan niya kasabay ng pagbaba ng bintana.

"Hey." Richie smiled at Klau. Bababa pa saan ito, pero sumenyas si Klau na huwag na.

"Hi." Ngumiti si Klau at nakita ang pagod sa mga mata ni Richie. Namumungay ito, pero nagawa pa ring ngumiti.

"Saan mo gustong kumain?" tanong ni Richie sa kaniya. "May gusto ka bang puntahan?"

Nag-aalangang umiling si Klau dahil wala naman talaga. "Gusto mo bang mag-drive thru na lang tayo riyan sa may fast-food para hindi na tayo lumabas? Sabi ko naman kasi sa 'yo, bukas na lang tayo magkita."

"Okay lang naman ako." Richie started driving to the nearest fast food.

Bumili lang sila ng meal at nagdesisyon na sa apartment na lang ni Klau magpunta. Nagkuwento si Richie tungkol sa laro, pero iba na ang boses nito.

"Napanood ko kayo kanina. Ang taas mong tumalon nang mag-dunk ka. Medyo pabida ka nang kaunti roon. Ano nga ulit tawag doon sa ginawa ninyo ni Ford? Hindi ko kasi masyadong narinig," Klau said while fixing the table.

Richie smiled. "Alley hoop," sagot nito at naglakad papalapit sa kaniya. "Sana nanood ka, pero okay lang naman."

"Next time," Klau said. "Kain ka na. Gusto mo na rin munang umidlip bago ka bumalik sa quarters ninyo? Buti hindi ka pinagalitan na umalis ka kaagad?"

"Pagod ako, e." Naupo si Richie at tinanggal naman ang pabalat ng kanin. Inayos din niya ang pinggan ni Klau. "Kain ka na. Ikaw, kumusta trabaho mo kanina?"

Naupo na rin si Klau. "Okay naman, medyo marami akong natapos dahil naghintay rin ako sa 'yo, kaya medyo bawas na gagawin ko sa Monday."

"Na-miss kita kanina." Richie chuckled. "C-Can I hug you?"

Kumunot ang noo ni Klau habang nakatingin kay Richie. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya dahil nagtatanong ito o malulungkot dahil kailangan pa nitong magtanong. She was too reserved that her boyfriend needed to ask something basic.

"O-Oo naman."

Without saying anything, Richie stood up, kneeled in front of Klau, and hugged her waist while she was sitting. Klau was stunned, but didn't bother saying anything.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Klau.

"Okay lang naman, pagod lang," Richie whispered. "Wait lang, ha? Thirty seconds."

Mahinang natawa si Klau at hinaplos ang buhok ni Richie. "Sige lang, wala namang time limit. Magpahinga ka na rin muna mamaya sa taas. Doon ka na lang sa kama, dito lang ako sa sala kasi may tatapusin akong thesis. Okay lang ba sa 'yo?"

Nag-angat ng tingin si Richie. Namumungay nga ang mga mata nito kaya hinaplos ni Klau ang pisngi ng kasintahan.

"Mukha kang pagod na pagod," Klau whispered. "Matulog ka na muna pagkatapos kumain."

"Ikaw, magtatrabaho ka ulit?" Richie smiled. "Ang sipag mo, grabe ka. Magpahinga ka rin maya-maya. Magpapahinga lang ako sandali."

Tumango si Klau habang sapo ang mukha ni Richie.

Nagpatuloy sila sa pagkuwentuhan tungkol sa laro at kung ano-ano pa. Base sa pagkuwento ni Richie sa kaniya tungkol sa basketball, kita niya ang dedikasyon nito sa sports, at ang kagusutuhang makapasok sa professional league.

"I would literally do anything to be in a professional league," Richie said without hesitation. "Anything."

"Support ako." Klau smiled and awkwardly cheered. "Go, R-Richie!" Nahihiyang sabi niya. "Sorry, ang awkward. H-Hindi ko pa kaya ang ginagawa ni Harriet."

Mahinang natawa si Richie at ngumiti. "Okay lang, we'll get there," he said and leaned to kiss Klau's forehead.

Klau was stunned. Hindi pa rin siya sanay sa ganoong gesture, pero mukhang kailangan na rin. May boyfriend na siya at hindi puwedeng para siyang tuod palagi.

Without saying anything, Klau leaned to kiss Richie's cheek.

"Kaya mo 'yan. Basta, support ako."


T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys