Chapter 11
Henry woke up when he heard groans from the other room. Dahil sliding door lang naman ang pagitan nila ni Klaudine, naririnig niya ito.
Last night, before going to sleep, he had to make sure that Klaudine drank her medicine, ate some food, and was feeling well. But based on the sobs he heard, Klau wasn't okay.
Kaagad na isinuot ni Henry ang bathrobe at binuksan ang partition para tingnan si Klau. Hindi siya nagkamali nang makitang ginaw na ginaw ito base sa pagkakayakap sa comforter, mahinang umiiyak, at panay ang singhot.
"Hey." Henry walked towards Klau. Hinaplos niya ang noo nito para pakiramdaman kung mainit pa.
Wala na itong lagnat dahil uminom na ng gamot, kaya hindi niya maintindihan kung bakit ito humihikbi at parang may iniinda. Naupo siya sa gilid ng kama at tinanggal ang ilang buhok na nakaharang sa mukha nito.
"Ano'ng masakit?" tanong ni Henry. "Klaudine, wake up. What's wrong? Kailangan ba kitang dalhin sa ospital?"
"H-Hindi po." Humikbi ito. "P-Puwede po bang pakipatay ang ilaw? H-Hindi po kasi ako makatayo, m-masakit po ang ulo ko."
Kaagad na pinatay ni Henry ang ilaw sa kuwarto ni Klaudine at hinayaang nakabukas naman ang bedside lamp sa kuwarto niya.
"Do I need to bring you to the hospital?" Henry worriedly asked.
"H-Hindi po. Kailangan ko lang po ng gamot ko sa bag, puwede po ba?" pakisuyo ni Klaudine kay Henry. "Pasensya na po talaga kayo, h-hindi po ako makabangon kasi po masakit."
Henry didn't say anything and looked for Klaudine's bag and it was inside the bathroom. Kinuha niya ang sinasabi nitong gamot. He wasn't familiar with it, but the other one was a pain reliever. Wala siyang alam sa sakit ng babaeng kasama. Kumuha na rin siya ng tubig bago bumalik sa kwarto nito bitbit ang bag.
"Can you sit?" Henry asked.
Maingat na bumangon si Klau, pero inalalayan ni Henry. Nakakunot ang noo ni Klau at nakapikit ang mga mata.
"Here." Iniabot niya ang dalawang gamot na sinasabi nito at ang baso ng tubig. "Care to tell me what's happening?"
Hinayaan na muna ni Henry na inumin nito ang gamot. Nakabagsak ang mahabang buhok ni Klau at sumandal ito sa headboard ng kama.
"Sinusitis and migraine po," bulong nito habang nilalaro ang hinlalaking kuko. "S-Sa tuwing sinisipon po ako, ito na ang kasunod. Dalawang araw na rin po kasi akong may sipon."
"Why didn't you rest instead of going to Batangas?" Henry breathed. "It's too late now. Next time, kapag may nararamdaman ka, rest. I am not pressuring you into anything, Klaudine."
Klau smiled and tried to open her eyes. Masakit na masakit ang ulo niya, ang pisngi, at ang ilong. Hindi na ito bago, pero nakakahiyang sa harapan pa mismo ng boss niya.
"Magpahinga na po kayo, sir. Pasensya na po talaga kayo," aniya habang nakatingin dito. Blurred, pero naaaninag niya ang mukha ng boss na kagigising at medyo magulo ang buhok.
Henry stared at Klaudine's face. Her eyes were half opened and squinting while looking at him.
"Please, take care of yourself, Klaudine. I can't lose you. Y-You're a valuable asset to the company. If you need to rest, please do so." Tumayo si Henry at kinuha ang baso ng tubig. "You should lie down. Do you need anything?"
"W-Wala na po, sir," Klau responded and carefully laid down. Ramdam niya ang pagkirot ng ulo at hindi maidilat nang maayos ng mga mata.
Madilim ang kuwarto niya, pero naaaninag na may ilaw at nanggagaling iyon sa katabing kuwarto. Klau just rested her head and waited for the pain reliever to take effect.
Henry tried searching about Klaudine's case. Tiningnan niya kung para saan ang gamot na ininom nito at kung ano ang puwedeng gawin. It was three in the morning and he couldn't sleep.
Iniwan niyang nakabukas ang sliding partition at nanood ng TV kahit na nasa pinakamahinang volume para lang masigurong maayos ang lagay ni Klaudine.
Klau woke up feeling a little bit refreshed. May kadiliman pa rin ang kuwarto niya, pero aninag ang ilaw na nanggagaling sa living room. Naririnig din niya ang mahinang TV mula sa kwarto ng boss niya at nakabukas ang lampshade.
Pinakiramdaman ni Klau ang sarili at bumangon. Maingat siyang naglakad at sumilip sa kuwarto ng boss niya. Natutulog itong nakadapa at nakaharap sa kaniya.
Nakaramdam siya ng hiya dahil hindi ito dapat ang kasama niya. Nakakahiya, sobra. Boss niya ito at hindi dapat ginagawa ang mga ganito.
Pumasok si Klau sa bathroom at nagdesisyong mag-hot shower. Guminhawa ang pakiramdam niya dahil sa ininom na gamot at tulad ng inaasahan, nagdugo ang ilong ni Klaudine.
Nagmadali siyang tapusin ang pagligo at pinunasan ang tumutulong dugo sa ilong. Wala siyang damit at bathrobe lang, natuluan pa ng dugo.
Meanwhile, Henry heard Klaudine from the bathroom. Naalimpungatan siya nang makarinig ng malakas na kulog.
Alas-otso na ng umaga, pero madilim pa rin at base sa news, signal number three ang lugar kung nasaan sila. Naramdaman din ni Henry ang lamig ng lugar. Sumilip siya sa bintana, it was foggy and he couldn't see anything.
Nag-order ng pagkain si Henry para sa almusal nila ni Klau. He made sure to get some soup for Klau to have something warm.
Paglabas ni Klau, nagkatinginan sila ni Henry. He then saw the blood on Klau's robe.
"What happened?" Henry frowned.
"Dumugo po ang ilong ko dahil sa sinus," sagot ni Klau. "Hindi pa po ba tayo makakauwi? Pasensya na po kayo, sir. Hindi ko naman po inaas—"
Natigilan si Klau sa pagsasalita nang may kumatok. She opened the door and it was a hotel staff bringing them food. Gusto na rin niyang magtanong kung puwede ba siyang mag-request ng extra robe.
Tumango ang babae at sinabi na puwede rin silang magpa-laundry na kaagad naman nilang ginawa ni Henry.
Habang kumakain, pareho silang tahimik. Hindi alam ni Klau kung paano aakto sa harapan ng boss niyang nagbabasa ng diyaryo at sumisimsim ng kape. Nakakahiya ang nangyari, ito ang sumundo sa kaniya, nasa iisang hotel room sila, at may awkwardness na hindi niya maintindihan.
Nakaupo siya sa mahabang sofa, nasa pang-isahan naman ito habang nasa maliit na coffee table ang mga pagkain. May fried rice, bacon, hotdogs, egg, at soup. Typical na almusal.
"I had someone buy an extra medicine for you. Pinadala ko na lang sa kaniya 'yung katulad ng gamot mo. Make sure you'll drink it round the clock. Wala ka ng fever, but still," Henry said when he looked at Klau.
Klau nodded. "Salamat po. Pasensya na po ulit kayo."
Henry chuckled. "No more sorry, Klaudine. It's okay. No problem. If you need something, let me know or call the hotel staff if you're not comfortable with me. Naghahanap na rin ako ng kwarto na magkahiwalay, para magkaroon ka ng privacy."
Hindi nakasagot si Klaudine dahil wala rin naman siyang karapatang mag-demand pa. Sobra-sobra na ang naitutulong ng boss niya kahit paulit-ulit na sinasabing kasalanan din naman ng kumpanya ang nangyari.
Nanonood si Klau ng TV sa kuwarto niya nang kumatok si Henry. Iniabot nito ang paper bag na may lamang damit niya galing sa laundry. Tinanong din nito kung nagugutom na ba siya.
"Hindi pa naman po, kayo po? Magpahinga na rin po muna kayo, sir. Nagbabantay po ako sa news kung kumusta na po para kung sakali, makabalik na po tayo ng Manila." Klau smiled at Henry. "May gusto po ba kayong kainin? Puwede po akong bumaba sa restaurant."
"No, I want you to rest. Don't think about me," sagot nito. "If you need something, you can just knock."
Klau nodded and closed the door. Nakapagpalit na rin siya ng bagong robe at bumalik sa pagkakahiga. Ipinagpapasalamat din niyang hindi na sumasakit ang ulo at sinus niya dahil kung hindi, pahirapan na naman.
Ilang beses na siyang nananalangin na sana, tumigil na ang ulan. Bukod sa wala siyang damit sa loob, hindi siya komportable sa nangyayari.
Mula sa kwarto ni Henry, naririnig ni Klau ang tugtog galing sa TV. Hindi siya sigurado, pero parang nakikinig ito ng music. Napapangiti siya dahil kung ano ang tumutugtog, alam niya lahat. Songs were old and her style, too.
Sa panahong nakahiga siya, maraming pumapasok sa isip niya, lalo na ang pamilya. Ilang araw na siyang naghihintay ng messages mula sa mga ito, pero wala. Kung hindi pa siya mauuna, wala siyang mapapala.
Lumabas si Klau ng kwarto para magtimpla ng kape. Binuksan niya ang TV ng living room nila at naghanap ng movie na mapanonood. Malakas na malakas pa rin ang ulan at hapon na ulit. Ni hindi siya nakapag-lunch dahil nakatulog siya sa lakas na rin ng gamot.
Bumukas ang pinto ni Henry at nagtama ang mga mata nila ni Klau. Kaagad na tumayo si Klau at ngumiti.
"Gusto n'yo po ng kape?"
Henry nodded without saying anything. Dumiretso ito sa bathroom.
Klau made her own version of coffee. Nagustuhan din naman iyon ng boss niya at nang makalabas ng bathroom, naupo ito sa pang-isahang sofa.
"How are you feeling?" Henry asked. Lumingon ito sa may bintana kung saan malakas ang bawat hampas ng ulan. "Looks like we're still staying for another night. Tumawag na rin ako sa reception area, wala pa ring bakanteng kuwarto, I'm sorry."
"A-Ayos lang po," Klau responded. Iniabot na rin niya ang kapeng itinimpla para sa boss. "Kayo po ang inaalala ko."
Henry frowned and shook his head. "Don't think much about me. Sanay akong tumira sa hotel room. I travel a lot, kaya sanay ako. Ikaw ang iniisip ko."
"Okay lang po ako, choosy pa po ba ako." Mahinang natawa si Klau. "Ako na po pala mag-o-order ng pagkain. May gusto po ba kayo?"
"Ikaw na bahala," Henry said and faced the television.
Henry wasn't sure what was the movie, but it was funny. Naririnig din niyang mahinang natatawa si Klau which was rare for him. Bukod sa trabaho lang niya ito nakakausap, ito ang ikalawang beses na magkasama sila dahil ang una ay nang samahan siya sa production ilang linggo na ang nakalipas.
Mahinang natawa si Klau sa pinanonood nang marinig ang pangalan ng kapatid niya. Bigla niyang na-miss ang mga kapatid na ilang buwan na niyang hindi nakikita.
"Sir, kakapalan ko lang po mukha ko." Napangiwi si Klau sa sariling sinabi. "Kapag po ba bagong employee, usually po, kailan po puwedeng manghingi ng leave? Sorry po, sa inyo na ako nagtanong."
"It's fine." Henry chuckled. "You need a leave? Go send an email to the HR for filing purposes, ako na ang bahala sa iba."
Tumango si Klau. "Parang gusto ko lang po kasi sanang umuwi sa probinsya kahit three days lang po. Wala naman po kasi akong klase next week. Thursday to Monday po, wala akong klase . . . balak ko po sanang umuwi sa probinsya."
"Go ahead, I think your family misses you, too," sagot ni Henry.
Kaagad na nagbago ang expression ng mukha ni Klau dahil sana nga, nami-miss na siya ng mga ito, pero alam din niyang tatawag lang ang mama niya kapag kailangan ng pera.
"S-Sana po." Tumingin si Klau sa boss niya na nakatitig sa kaniya. "Minsan nga po, sa totoo lang, iniisip ko kung naaalala pa ba nila ako . . . kahit na wala silang kailangan."
Henry stayed quiet, wanting to hear Klau.
"Sorry po, nag-o-open up ako sa inyo. Wala rin naman kasi akong mapagsabihan and for some reason, komportable ako sa inyo."
"Of course," Henry uttered.
Yumuko si Klau dahil nahiya siya bigla, pero totoo naman. Naiilang siya sa boss niya, pero alam din niya sa sarili na komportable siya rito. Sa tuwing kausap niya ito, kahit sa simpleng paraan, magaan ang lahat.
"Dumadating po ba talaga lahat sa punto na parang ang bigat ng lahat?" biglang tanong ni Klau. "Four years naman na po akong nabubuhay mag-isa, kaya ko naman . . . pero may mga pagkakataong parang ang lungkot?"
Henry didn't say anything and just stared at Klaudine who looked hesitant to say anything.
"Sa loob ng apat na taon, wala po akong ginawa kung hindi mag-aral at magtrabaho para sa pamilya. May mga pagkakataon po na—" Klau stopped talking when she felt a warm liquid on her cheek. "M-May mga pagkakataon po na gusto ko na lang magpakalayo-layo kasi pagod na ako.
"Na parang nakakulong po ako sa pagkakataon o buhay na hindi ko naman ginusto," pagpapatuloy ni Klau habang mahinang humihikbi. "Minsan po, gusto kong magpunta sa lugar na hindi pamilyar sa akin at hindi na babalik."
Mahabang katahimikan dahil hinintay ni Henry na magpatuloy si Klau sa pagsasalita. Tumigil naman si Klau dahil sa hiya sa boss niya. Hindi dapat siya umiiyak, hindi dapat nagsasabi ng kahit na ano sa boss niya, pero hindi niya napigilan.
"It's okay to cry. Crying sometimes makes everything feel better," sagot ni Henry. "At times, it's okay to feel it. Personally, sa tuwing nararamdaman kong hindi ako okay, tuwing pagod ako, I do something I love. Nakita mo naman ang ginagawa ko noon sa production, right? Bihira ako sa lugar na 'yun, pero sa tuwing nandoon ako, mabigat na ang lahat para sa akin."
Nilingon ni Klau si Henry at nakitang nakatitig ito sa kaniya.
"May mga pagkakataon din na gusto ko nang takasan ang buhay na meron ako at magpakalayo sa lugar na ako lang ang nakakaalam, kaya alam ko ang nararamdaman mo." Henry tried to smile, trying to remember something. "I-I always wanted to live a simple life, but I couldn't."
Tahimik si Klau na nakatingin sa boss niya.
"Kailangan ko ring alagaan ang kumpanyang iniwan sa akin. K-Kailangan kong magtrabaho nang maayos para sa anak kong gastadora." Pareho silang natawa at nagkatinginan dahil alam ni Klau kung gaano kagastador si Harriet. "A-And . . . I never had the chance to know or even find the love that I wanted."
Naguluhan si Klau sa huling sinabi ni Henry. Napansin niyang iniikot-ikot nito ang singsing sa daliri, pero wala siyang karapatang magtanong.
"I'm just happy that Harriet came into my life. Masaya ako sa kaniya kahit at times, sobrang sakit niya sa ulo," natatawang sabi ni Henry habang inaalala ang anak. "I would give anything for my daughter to be happy. Kahit ano."
Ngumiti si Klau dahil naisip na sobrang swerte ni Harriet sa daddy nito. Napansin din niya na nakuha ni Harri ang pagiging matulungin ng ama. Sa pagiging sekretarya nito, nakita niya ang kabi-kabilang charity works nito kasama ang asawa.
"So, are you feeling better now? May clinic din daw sila rito kung gusto mong magpa-check up lalo na at dumugo ang ilong mo kanina," Henry said. "Puwede kitang samahan doon."
"Okay lang po, ganoon naman talaga kapag may sinusitis po ako." Klau smiled. "Mag-order na po ako ng dinner natin? Ano po ba ang gusto ninyo? Ako na po ang magbabayad, nahihiya na po kasi ako sa inyo."
"Silly." Henry laughed. "It's all on me. Order whatever you like. Parang gusto ko ng cake, try if you could order one, mag-shower lang ako."
Nag-order si Klau base na rin sa mga na-observe niyang paborito ng boss dahil minsan, siya ang pinabibili ni Girta ng mga pagkain ni Henry. Nakabili rin siya ng cake para dito. Hindi niya alam ang flavor, pero kumuha siya ng tatlo; chocolate, strawberry shortcake, at vanilla cake with berries on top.
They had dinner and both were laughing because of the movie they were watching. Surprisingly, both loved action-comedies. Pareho nilang hindi gusto ang mga love story na movie.
Naririnig pa rin nila ang malalakas na hampas ng hangin, ang kulog at kidlat, pati na ang malakas na buhos ng ulan.
It was almost midnight and Klau stood in front of the window and breathed. Sinabi sa news na palabas na rin ang bagyo at posibleng wala nang ulan kinabukasan.
"Kumusta ka naman pala sa bagong apartment mo?" tanong ni Henry na tumayo malapit kay Klau. Pareho na silang nakatingin sa kadiliman.
"Maayos naman po." Klau smiled.
Narinig niya rin ang malalim na paghinga ni Henry kaya nilingon niya ito. Hindi maintindihan ni Klau kung bakit nakaramdam siya ng kaba nang magtama ang mga mata nila.
Halos araw-araw naman niya itong nakakausap at nakakasama, pero parang hindi siya masanay sa presensya ng boss niya. Parang nakararamdam siya ng kaba at pagkailang, kahit na nararamdaman din niya ang pagiging komportable rito.
"A-Are you okay?" Henry asked. "May masakit ba sa 'yo?"
Umiling si Klau. "P-Parang gusto ko lang pong magpahinga. Mukhang pahina na rin naman na po ang ulan, puwede na po siguro tayong umuwi bukas."
"Yeah. I hope so, too, so you could properly rest. Huwag ka na rin munang pumasok. You deserve to rest and you did a great job about closing the deal." Henry smiled. "You're a great asset to Metrovilla, Klaudine. Thank you for your hard work."
"Pasensya na po talaga kayo. Kayo pa po tuloy ang sumundo sa akin."
"It's nothing, really. You're my responsibility, you're my employee. Hindi ako mapapakali knowing you're alone," sabi ni Henry. "Mas mapapanatag ako kapag sure ako na maayos lang ang lahat."
Ngumiti si Klau dahil hindi alam ang isasagot sa boss niya. Nagpaalam na siya rito para magpahinga, pero bago pa man siya makalayo, her boss held her arm and stared at her.
Nagulat siya nang paupuin siya nito sa sofa. "Your nose is bleeding again." Kumuha ito ng tissue. "Upo ka lang nang maayos. Pagdating natin sa Manila bukas, didiretso tayo ng hospital."
"O-Okay lang po ito, ganito po talaga."
Walang sinabi ang boss niya at bahagya nitong pinisil ang malambot na parte ng ilong niya habang may hawak na tissue. Klau was unmoving, didn't know what to do. She could even hear her heartbeat through her ears because of nervousness.
They stayed in that position until her bleeding stopped.
"There, feeling better?" Henry stood up.
Dumilat si Klau at sinundan ng tingin ang boss niya na kumukuha ng maligamgam na tubig at iniabot sa kaniya ang baso. Ramdam pa rin ni Klau ang bilis ng tibok ng puso dahil sa nangyari na pilit niyang itinatago.
Nakaupo si Klau sa mahabang sofa, naupo naman si Henry sa pang-isahan at binuksan ang TV sa living room.
Hawak ni Klau ang baso ng tubig at tinititigan iyon na para bang naroon ang sagot. Hindi niya alam ang nangyayari, kung bakit siya kinakabahan, kung bakit parang may mali na sa kaniya. The feeling was foreign, it was new to her.
"P-Pasok na po ako," paaalam niya kay Henry. "Salamat po ulit."
Henry nodded and didn't bother saying anything. Nakatitig lang ito sa TV habang naghahanap ng channel na posibleng panooran.
Nahiga si Klau at pinatay lahat ng ilaw. Hinaplos niya ang puso dahil may mali. She kept on closing her eyes, trying to sleep, but failed. Nariring niya rin ang TV mula sa living area dahil mukhang gising pa ang boss niya.
"Klau," she whispered to herself.
—
Ipinagpapasalamat ni Klau na umayon na ang panahon sa kanila. Tumigil na ang ulan at pagkatapos ng tanghalian, nasa daan na sila ni Henry pauwi ng Manila. Pinakuha na rin daw nito ang sasakyan niya isang tauhan ng Metrovilla at ipadadala na lang sa opisina.
Nasa kalagitnaan na sila ng daan, pareho silang tahimik. Hindi alam ni Klau kung paano magbubukas ng conversation, mukhang wala rin namang balak ang boss niya kaya mas minabuti niyang manahimik.
Panay ang hikab ni Klau dahil hindi na siya natulog. Sinubukan niyang magbasa ng libro, pero lumilipad ang isip niya sa mga bagay na hindi naman dapat pagtuunan ng pansin. She was just overthinking.
Nakatingin si Klau sa daanan. Paminsan-minsan pa ring umaambon at may lugar na may lumalakas ang ulan.
Tahimik, pero nakabukas ang speaker kaya naman hindi pa rin nakabibingi. The song was In Your Eyes by George Benson
In your eyes, I can see my dream's reflections . . . in your eyes, found the answers to my questions.
For some reason, napaisip si Klau. Posible kayang ganoon? Dahil sa isang tao, magkaroon ng pangarap, magkaroon ng maraming katanungan, at magkakaroon ng kasagutan ang lahat?
Klau have never known love, she haven't felt it yet because she was too busy. Hindi si Richie ang unang manliligaw niya. May mga katrabaho, mga kaklase, at maging ilang nakilala dahil sa paggawa niya ng thesis noon sa iba. They were trying to pursue her, but she was afraid of commitment.
Takot siyang pumasok sa isang relasyon lalo na at alam niya sa sarili ang goal na gusto. Klau knew it would be a risk because she was too much to handle. She was a busy person.
And sometimes, genuine love was hard to find.
After three hours of rumbling dark skies and misty roads, they arrived in front of Klaudine's apartment.
"Are you sure you're okay?" Henry looked at Klau. "Huwag ka na munang pumasok. Sick leave and be sure to go to the hospital and have yourself checked."
"Okay lang po ako, hindi naman po kailangan. Papasok po ako bukas." Klaudine smiled. "Maraming salamat po ulit sa pagsundo at paghatid. Pasens—"
Henry breathed and that stopped Klau. "Stop with the sorry, I care for you because you're my employee, and . . ." kumunot ang noo ni Henry at napansin iyon ni Klau, "you're my daughter's best friend. J-Just please," Tumingin ito sa kaniya, "please take care of yourself."
"Yes po." Bahagyang yumukod si Klau. "Maraming salamat po ulit."
Henry slightly nodded. Bumaba si Klau at nang masiguro niyang nakapasok na ito sa loob ng apartment, sumandal siya sa headrest at walang sabing pinaharurot ang sasakyan.
Klau, on the other hand, leaned behind the front door, sighed, and closed her eyes.
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top