Klaudine grew up knowing that the right decisions would lead someone to a better life. Her grandmother taught her that. Hindi man sila mayaman, hindi man sila lumaki sa karangyaan, tinuruan siya ng lola niya na maging kuntento.
Nang makatanggap si Klau ng scholarship sa Manila, matagal niyang pinag-isipan iyon dahil marami siyang kailangang isaalang-alang. Klau needed to weigh in the pros and cons before deciding. Hindi puwedeng sarili na lang ang iisipin niya. Tatlo silang magkakapatid, siya ang panganay, at kailangan din niyang tumulong sa pagpapaaral sa mga ito.
Bukod sa pagiging estudyante, nakakuha siya ng trabaho sa school bilang student assistant ng isang dean. Nakahanap din siya ng ilang part-time sa gabi katulad ng bantay sa isang laundry shop o hindi naman kaya ay babysitter ng kapitbahay niya sa apartment na tinitirhan.
Malalim na nag-iisip si Klau habang nakaupo sa tabi ng bintana ng café. Madalas silang nakatambay roon ni Harriet, ang best friend niya.
Paulit-ulit na iniikot ni Klau ang ballpen sa daliri at nilalaro ang hawak na papel habang nag-iisip kung paano niya iba-budget ang pera niya dahil kailangan niyang magpadala sa pamilya niya sa isang araw.
Tumingin si Klau sa isinulat at minasahe ang sintido. Kailangang magbayad ng mga kapatid para sa projects na required sa school, kailangan din niyang magpadala ng allowance sa magulang para naman sa pang-arawang gastos ng mga ito.
Nagkalat din ang ilang files na pina-print niya sa kabilang computer shop para naman sa isang subject niya. Pinagsasabay niya ang pagba-budget at pagre-review. Iyon lang din kasi ang free time niya.
"Ang seryoso naman!" Yumakap sa likuran niya at ipinatong ni pa nga ni Harriet ang baba sa balikat niya. "Ano ba'ng ginagawa mo?"
Nilingon ni Klau si Harriet at nginitian. "Compute lang para sa ipapadala ko kina Mama. Ikaw, saan ka galing? Kanina pa kita hinihintay rito, e. Tapos ko na pala assignment mo. Nasagutan ko na rin 'yung para sa isang linggo."
Humiwalay sa kaniya si Harriet at naupo sa harapang upuan. "Kumain ka na ba? Ano'ng gusto mong food? Alam kong magsisinungaling ka lang sa akin, ano'ng gusto mo kainin?"
"Wala, busog pa ako. Kumain naman ako sa cafeteria ng school bago ako magpunta rito. Ikaw, baka hindi ka pa kumakain?" Inaayos ni Klau ang mga papel para tanggalin iyon sa lamesa. Iniabot niya rin kay Harriet ang asul na folder na naglalaman ng ilang assignments nito. "Ito, complete na. Nakahiwalay na rin ang para sa next week para wala ka na ring problema. I-review mo na lang para hindi ka mawala."
Bumagsak ang balikat ni Harriet habang nakatingin sa kaniya. Nakangiti ito ngunit mukha pa ring manunugod dahil matapang ang mukha, hindi katulad niya. Sa tuwing magkasama silang dalawa, si Harriet ang head-turner kaya naman minsan, ayaw niyang sumabay sa paglalakad kasama ito.
Sa totoo lang, minsan tinatanong ni Klaudine ang sarili kung bakit at paano ba sila naging mag-best friend ni Harriet.
Tumayo si Harriet, naiwanan naman siya sa table nang bumukas ang pinto ng café. Pumasok doon si Ford, ang boyfriend ni Harriet, at si Richie na kaibigan nito. Basketball varsity ng university ang dalawa at madalas din niyang nakakasama.
Dumiretso si Ford kay Harriet at inakbayan ito habang parehong nakatingala, naghahanap ng mabibili sa menu. Dumako naman ang tingin ni Klau kay Richie na naglalakad papalapit sa pang-apatang lamesang kinaroroonan niya.
"Hi, Klau." Naupo si Richie sa tabi niya at ngumiti. Ibinaba nito ang dalang backpack sa ilalim ng lamesa. "Kumusta? Kumain ka na ba?"
Klau nodded and gave Richie a faint smile. "Oo, tapos na." Kaagad din siyang yumuko. Nanliligaw ito sa kaniya, simula pa noong isang taon, pero hindi niya mabigyan ng pagkakataon dahil marami siyang priorities, hindi kasama roon ang pagkakaroon ng boyfriend.
Nangako siya sa mga magulang niyang mag-aaral siya nang mabuti para makatapos nang maaga. Busy rin siya kaya naman alam ni Klau sa sarili na hindi siya makakapag-focus sa ganitong bagay. Ayaw niyang pumasok sa isang relasyong walang kasiguraduhan. Ayaw niyang bigyan ng pagkakataon ang lalaking hindi niya alam kung kaya niyang panindigan.
Nakayuko lang si Klau at hindi nag-aangat ng tingin dahil alam niyang mahuhuli niya si Richie na nakatitig sa kaniya. Mabait naman ito, kilala rin sa campus dahil isa sa miyembro ng varsity team, at maayos din namang makipag-usap sa kaniya.
Ibinaling ni Klau ang tingin kay Harriet na masayang nakikipagkuwentuhan kay Ford. Nakaakbay pa ito at hinahalik-halikan ang gilid ng noo ng kasintahan habang magkasaklop ang mga kamay. Minsan, iniisip niya kung ano ba ang pakiramdam na may kasamang ganoon. Hindi naman siya naiinggit kay Harriet, may ilang sumusubok naman talagang manligaw sa kaniya, pero hindi pa siya handa.
"Here you go." Ibinaba ni Harriet ang binili nitong frappe para sa kaniya. "Strawberries and cream with extra fresh strawberries on top for my baby girl, Maria Klaudine!"
Naiiling na natawa si Klau habang hinahalo ang frappe na ibinigay nito at pare-pareho silang nagsimulang kumain. Nakikipagtawanan siya sa mga ito nang biglang may maalala si Harriet. Inilabas nito mula sa itim na Gucci bag ang isang papel at parang pamilyar sa kaniya iyon.
"Kasi nga, 'di ba, naglipat kami. So I was cleaning my closet when I saw this!" Harriet squealed and gave her the said paper. "Naalala ko na that was the first assignment you did to me. 'Yan ang naging start ng friendship natin until we became super best friends!" natutuwang sambit nito.
Hawak ni Klau ang papel na sinasabi ni Harriet. It was already crumpled, almost yellowish, but still smelled like Harriet's expensive perfume. Napangiti siya nang makita iyon. "Oo . . . naalala ko na umiiyak ka sa classroom kasi hindi mo maintindihan kung paano sasagutan."
"Yes!" Harriet nodded in response and took a sip. "I remembered how you told me that it's gonna be okay and started explaining the simplest way to solve the problem. Grabe talaga, babe." Tumingin ito kay Ford na kumakain ng donut. "Kung hindi ko nakilala si Klauie that time, bagsak ako at uulit ako sa subject na 'yun."
Magdadalawang taon na rin siyang personal tutor ni Harriet. Kapag hindi nito alam ang sagot sa kahit ano, siya ang gumagawa, pero pinipilit pa rin niyang matutuhan nito iyon. Isa naman sa ipinagmamalaki ni Klau na kahit hindi sila mayaman, top one siya sa lahat—isang rason kung bakit siya nakakuha ng malaking scholarship sa university.
Malaki ang ibinabayad sa kaniya ni Harriet kahit na minsan, ayaw na niyang tanggapin iyon. Ayaw nito na nagdodoble siya ng trabaho. Kapag may mga pagkakataong hindi na makabili si Klau ng pagkain dahil ipinadala na niya sa probinsya ang mga kinikita niya, magdadala ng groceries ang kaibigan. Hindi lang iyon, maging mga damit na hindi na nito ginagamit, ibibigay sa kaniya.
Nag-uusap-usap sila tungkol sa nakaraan nang lumipat sa tabi niya si Harriet at pinalipat si Richie sa tabi ni Ford. Kinuha nito ang sariling suklay at sinimulang ayusin ang buhok niya.
"I love your wavy hair talaga, Klauie," anito at sinuklay ang buhok niya. "Ako kasi, I still had to iron, 'no? Nakakainis lang talaga. Minsan iniisip ko, hindi talaga ako paborito ni God! Ako 'yung literal na maganda lang. Ikaw, beauty and brains!"
Nilingon niya ito at tinitigan sa mukha. Hindi maintindihan ni Klau kung ano ang sinasabi nito dahil kung tutuusin, matalino naman ang kaibigan niya, tamad lang talagang mag-aral. Galing ito sa marangyang pamilya, nagmamay-ari ng malaking furniture shop sa Pilipinas. Halos lahat ng kababaihan sa university, tinitingala si Harriet.
Medyo may katapangan ang mukha ng best friend niya. Palaging nakataas ng kilay kaya palagi nilang kinakantahan ng 'ang 'yong kilay mapagmataas at palaging namimintas', pero hindi ganoon si Harriet. Alam ni Klau dahil siya mismo, tinanggap nito. Harriet was the nicest person anyone could meet.
Sa school, palaging branded ang suot nito, may sarili itong sasakyan, palaging naka-glam, at talaga mararamdaman ng kahit sino ang pagiging sosyal nito. Ngunit hindi iyon naramdamaman ni Klau kay Harriet kahit katiting. Ipinaramdam nito sa kaniya na importante siya kahit na ano ang mangyari.
"Ang ganda-ganda kaya ng buhok mo!"
"Because I use expensive things, Klauie." Ngumiti ito at nagpatuloy sa pagsuklay sa buhok niya. "Richie really does like you. Bakit ayaw mo siya? He's nice naman and medyo matagal ka na rin niyang nililigawan. What's stopping you?"
Nilingon ni Klau si Richie na masayang nakikipag-usap kay Ford. Matangkad ito, may kahabaan ang buhok, at masayang kasama. Palagi itong nagpapatawa at masasabi rin naman niyang life of the party. Kilala ito sa university dahil bukod kay Ford, ito ang star player ng team kinabibilangan.
"Ni hindi ko nga alam kung bakit ako ang trip niya, e." Yumuko si Klau at tiningnan ang papel na noong isang araw pa niya kinakabisado para sa subject tungkol sa accounting. "Marami namang babae riyan, hayaan mo na lang siyang manligaw ng iba. Wala rin naman sa focus ko 'yun, e."
"Sa bagay, I know rin naman kung gaano ka ka-serious sa pag-aaral." Ngumiti si Harriet at hinaplos ang pisngi niya. "Basta, if you need help, I am here. Huwag kang manghihingi ng help sa iba 'cos I am here, okay? Magtatampo talaga ako." Sumibi pa ito at parang nagpaawa.
Klau smiled and snorted. "Si Harriet, minsan ang drama. Oo naman, 'no? Ang lakas mo kaya sa akin. After dito, kailangan kong pumasok sa next class, ha? Baka bukas na rin tayo magkita. Kapag may kailangan ka sa subjects mo, i-message mo lang ako."
Harriet nodded and opened a topic about a series and Klau was listening to her best friend's endless rants about things she didn't even understand. Minsan, bigla na lang itong magra-rant sa kaniya tungkol sa elite society na wala naman siyang ideya.
—
Finals na nila, malapit na ring matapos ang semester, at fourth year na siya sa susunod. Gustuhin man niyang umuwi ng probinsya para bisitahin ang pamilya, hindi niya magawa dahil may pasok siya sa university bilang student assistant kaya naman kumuha na rin siya ng summer classes para mabawasan na ang ibang subject sa susunod na semester.
Naisipan na rin niyang maghanap ng trabaho sa summer dahil apat na oras lang naman ang trabaho niya sa university at malamang na tatlong oras naman ang klase niya. May spare time siya lalo na at wala naman siyang masyadong gagawin.
Medyo may kalayuan sa school ang apartment na nakuha niya dahil mas makamumura siya roon. Kailangan niyang sumakay ng trike galing sa apartment papunta sa sakayan ng jeep papunta sa LRT station. Madalas na inaabot nang isa hanggang sa dalawang oras ang biyahe niya, depende pa sa traffic.
Hindi man ideal sa biyahe, wala naman siyang choice. May ilang pagkakataon naman na kapag hindi umuulan, nilalakad niya ang puwede namang lakarin para makatipid, at maipadala na lang sa probinsya. Kung tutuusin, kasya naman ang lahat, mas pinipili lang din niyang mag-ipon lalo na at pangarap niyang mag-aral ng law pagkatapos ng kolehiyo.
Hindi alam ni Klau kung posible ba ang pangarap niyang iyon, pero susubukan niya kahit na magkanda-kuba siya katatrabaho. Pagkatapos ng exam ni Klau sa marketing, nagmadali siyang tumakbo papunta sa dean's office kung saan siya nagtatrabaho.
"Paki-photocopy mo na lang ang mga papel na kailangan diyan, ha?" utos ni Ma'am Des, ang secretary ng dean kung saan siya naka-assign. Maamo ang mukha nito kahit na may-edad na. Noong unang araw niya bilang assistant, na-interview niya ito at sinabing thirty years na itong nagtatrabaho sa university. Mabait ito sa kaniya, madalas pa siyang binibilhan ng meryenda. "Medyo marami kasi 'yan, i-sort mo na rin. Kailangan din kasi nating ipadala 'yan sa PE Department dahil sa grades ng mga varsity."
"Sige po, ma'am, ako na po ang bahala." Kaagad na kinuha ni Klau ang mga papeles na nakapatong sa table ng dean at nagsimula nang magtrabaho.
Nagsisimula na rin siyang maglista ng mga kailangan niyang bayaran para sa susunod na buwan. At sa nakikita ni Klau, kakailanganin niyang magtrabaho pa o kaya naman kumuha ng ilang thesis na kailangan niyang gawin. Ipinagpapasalamat na lang din niya na nabiyayaan siya ng utak na puwede niyang gawing puhunan.
Natatawa si Klau nang makatanggap ng message galing kay Harriet. Nasa klase ito at gusto nang umalis dahil nabuburyo. Palagi namang ganito, palagi itong tinatamad pumasok. Minsan, nasasayangan siya sa ginagawa ng best friend niya. Her best friend had everything. Kahit na hindi nito hingin, nakalatag na. Nag-iisang anak kasi ng dalawang mayamang business people, kaya naman sunod sa layaw.
May sarili itong condo, pero nitong lamang isang buwan, lumipat na ito sa bagong tayong bahay na nasa Metro na dating nasa probinsya malayo sa siyudad lalo na at nag-expand na ang business ng mga ito.
Nang matapos na mag-print, inisa-isa niya ng stapler ang mga papeles na kailangan sa PE Department. Nakita niya ang grades nina Ford at Richie, matataas ang mga iyon lalo na at may reputasyong inaalagaan. Mahigpit din kasi ang university sa grades lalo na at matatanggal sa varsity kapag may bagsak.
Biglang napaisip si Klau. Hindi rin niya alam kung bakit hindi niya magawang bigyan ng pagkakataon o kahit isang date man lang si Richie. Bukod sa magaling ito sa basketball at academics, may itsura ito.
Nakarating si Klau sa PE Department ng university at madadaanan doon ang court kaya naman tumigil ang mga basketbolista sa paglalaro nang makita siya. Kaagad na tumango si Ford sa kaniya, naglakad naman papalapit si Richie.
"Hey." Ngumiti ito. Nakasuot si Richie ng jersey shorts at puting T-shirt. May headband rin itong kulay puti kaya naman mas kita ang mukha nito. Kung hindi ito basketball player, papasa itong artista. Pawisan na ito, pero malinis pa ring tingnan. "Ano'ng ginagawa mo rito? Akin na 'yan." He attempted to get the papers from her but she shook her head and slightly stepped back.
"Uy, hindi. Sorry, confidential kasi 'to," pagtanggi ni Klau sa alok nitong pagkuha sa dala niyang mga papeles. "Pinapadala lang naman sa akin para pirmahan ng department head. Thank you."
Richie smiled at her and it made her uncomfortable, the reason she immediately looked down. "Ayan ka na naman, palagi mo na lang akong iniiwasan," anito at pinagbuksan pa siya ng pinto.
"Salamat." Bahagyang tumango si Klau at pumasok sa loob ng opisina. Malamig sa loob lalo na't nakatapat ang aircon sa pintuan. Mula sa kaliwa, may malaking shelves na maraming trophy galing sa mga napanalunan sa loob ng ilang taon. Halatang alaga, mukhang puwede pa siyang manalamin. May family pictures din at ilang pictures ng mga nagdaang team. "Good afternoon po, sir." Pagbati niya at nginitian ito.
Ngumiti ito at tinigil ang ginagawa para ma-accommodate ang kailangan niya. May katandaan na rin ito at katulad ng dati, mahilig itong magkuwento tungkol sa mga anak na nakatapos na. Madalas din nitong sabihin na kamukha niya ang bunso nito na nakatira na sa ibang bansa.
Sa trabaho ni Klau, kilala na siya ng mga dean at department head kaya hindi na siya bago sa mga ito. Ang iba sa mga ito, tinutulungan pa siya sa professors na kailangan niyang kausapin kaya naman malaki ang naitutulong sa kaniya katulad na lamang sa pagpapalit ng mga schedule.
"All done." Lumabas ang ilang wrinkles nito sa gilid ng mga mata, gayon din sa noo at iniabot sa kaniya ang folder na naglalaman ng mga papeles. "Thank you again, Miss Gamboa."
"Thank you rin po, sir," aniya at bahagyang yumukod.
Paglabas na paglabas ni Klau ng pinto, kaagad niyang narinig ang malakas na sigaw ni Harriet. Palagi itong nakatambay sa court dahil kay Ford kaya hindi na siya nagulat.
"Klauie!" Patakbo itong lumapit sa kaniya sabay yakap nang mahigit na mahigpit. "I missed you today. So, gusto mo bang mag-dinner? Hindi ka puwedeng tumanggi, we'll have our girls night. Naiinis din kasi ako!"
Nakakunot ang noo ni Klau at bahagyang humiwalay sa kaibigan. "Ano'ng nangyari? Bakit ka na naman naiinis?" tanong niya.
Sumibi ito at suminghot na akala mo, kawawang bata. Nakasuot si Harriet ng Balmain T-shirt na alam niya ang presyo dahil kasama siyang bumili noon at simpleng skinny jeans na pinarisan pa ng Gucci na puting rubber shoes. Naka-ponytail din ito na may ilang bangs na nakabagsak.
"Kasi binebenta na ni Daddy 'yung condo ko! Naiinis ako! Wala na tayong tatambayan. Gusto niya, sa bahay na lang ako palagi matutulog. Hindi ko raw kasi inaayos ang pag-aaral ko. Sinabi ko naman na maganda naman ang grades ko!" singhal nito. Nagtatawanan pati na ang mga varsity player lalo na si Ford na naiiling habang nakatingin sa girlfriend nito. "Nakakainis kasi! Wala na, ang KJ!"
"Ano ka ba? Look at the brighter side na lang. At least, kasama mo ang parents mo. Ako nga, 'di ba? Kung puwede lang na umuwi na ako sa family ko, ginawa ko na." Sinusubukan ni Klau na pagaanin ang loob ni Harriet dahil totoo rin naman ang sinasabi niya. "Mas masaya kapag may kasama kang kumain sa dinner, Hari. Go na 'yan! Mag-e-enjoy ka naman. For sure, cool din naman ang parents mo."
Naka-cross arms ito na nakakunot ang dalawang natural na makapal na kilay. Isa iyon sa gusto niyang asset ni Harriet, ang makapal nitong kilay na akala mo, palaging nakataas. "Fine . . . oh, and by the way!" Excited ito na humawak sa braso niya. "Sumama ka kaya sa akin one day? You have to meet my parents! Almost two years na tayong magkaibigan, hindi nagtatagpo ang schedules nating lahat. This time, we'll make time. Tingin mo? I want you to meet my family!"
Nakaramdam ng kaba si Klau dahil natatakot siya sa posibleng itrato ng mga ito sa kaniya lalo na at malayo ang level ng buhay nila. "A, e, kasi . . . ."
"Hindi ka puwedeng tumanggi. I want you to meet my mom and my dad, okay?" excited ang kaibigan niya, halatang-halata sa boses. "I want you to meet them, lalo my daddy! Matutuwa 'yun na isa ka sa scholars namin."
Klau sighed and didn't bother arguing. "Okay, sige."
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top