WRS: Samantha

♦ ♦ ♦

Redemption Island is not just an island with good amenities and welcoming staff. It is more than the white sand beach and dreamy blue sea. The view is just a bonus. Because beyond the picturesque paradise resides the dreary life of people walking on every inch of this island.

May kung ano pa sa isla kung bakit narito ako—kami.

Kapag nawawala ang tao, hinahanap nila ang sarili nila sa lugar na wala silang idea kung saan. Hinahanap nila ang pakiramdam na para silang nagsisimula ulit. But most of the time, it's not that feeling of being lost kaya dinadayo ang isla. Minsan, they just want to be found by those who genuinely care for them.

Papunta kami ni Penny sa Freedom Wall pero pinatawag kami sa waiting area kung nasaan iniwan ang mga bagahe. Ilang metro din ang layo sa port, mas malapit sa cottages. Isa lang iyong malaking hall na apat ang hilera ng mga booth. Open ang front desk sa lahat kaya hindi na kailangang pumasok pa sa malaking building gaya ng sa mga hotel.

Hindi available si Diego kay nagsundo pa sa ibang batch. Si Penny, napilitang i-accomodate ang ibang turista dahil occupied na ang ibang guide. Nagkarga naman ako ng mga bagahe ng iba. Kasabayan namin ang iba pa papunta sa panibagong hall.

Nagbitbit naman ako ng maleta ng isang babaeng turista. Simple lang siya at maganda—klase ng ganda na mapapansin agad ng kahit sinong lalaki dahil classy. Pero pansin ko rin sa aura niya na mayaman siya. Naka-shades pang Gucci na kamukha ng kay Penny. Naka-tsinelas lang siya at white sundress gaya ng madalas ipamporma ni Penny kapag day off namin.

Mahilig akong tumingin sa reaksiyon ng mga tao kapag natatapak sila sa isla.

Gusto kong malaman ang dahilan kaya sila narito.

Gusto kong malaman ang reaksiyon nila sa islang ito.

Ang layo ng tingin niya sa daanan namin. Mas madali kong nakita ang mata niya gawa ng paglalagay niya ng salamin sa ulo imbes na sa mata.

Malalim ang iniisip. Kung hindi ako nagkakamali, isa siya sa mga nasa sea lounge kanina. Isa sa mga ngumiti lang sa akin at nagpasalamat sa pag-alalay, pero hindi gaya ng iba, hindi siya nagpapansin.

"First time n'yo ho rito, ma'am?" pag-uusisa ko.

Matipid lang siyang ngumiti saka tumango.

"Marami ho kayong mapupuntahan dito. Hindi masasayang ang oras ninyo. Pagdating sa front desk ng resort, may ibibigay ho silang map ng island. Kung kailangan ho ninyo ng tour guide, proceed lang kayo sa front desk, we will accomodate you ho."

Saglit siyang sumulyap sa akin saka matipid na tumango. "Thank you."

Kakaiba ang pakiramdam ko sa kanya. Ang bigat kausap. Mukhang malaki ang problema.

"Kung wala ho kayong mapaglabasan ng kung ano man iyang mabigat sa inyo ngayon, may Freedom Wall ho sa north part ng island."

"I know. I heard about it before I came here."

"Oh." Biglang tumipid ang ngiti ko. "That's . . . nice to hear . . . ma'am."

Malambing naman ang boses niya at may matipid na ngiti pero parang nangingilag siya sa akin.

Hindi na lang ako nagsalita. Hinayaan ko na lang siyang tumanaw sa paligid para makita pa lalo ang ganda ng isla.

Pagtapak namin sa hall, naabutan ko roon sina Candy at Lineli sa front desk. Wala halos pila sa puwesto nila at hindi natatambakan ng turista kahit na nagkakagulo na sa waiting area sa may port.

Naka-uniform naman nang maayos si Lineli pero si Candy, balot na balot na naman. Siya lang ang kilala kong nagja-jacket dito sa lugar na halos lahat, gustong naka-bikini lang.

"Good afternoon, welcome to Redemption Island!" masiglang bati ni Lineli paglapit namin.

Saglit kong ibinaba ang mga maletang dala ko sa isang tabi at pumuwesto sa dulo ng counter. Tinitingnan ko ang mukha ng babaeng kasama ko.

Parang mahiyain, pero tingin ko, hindi.

"Hi, I'm Samantha. I made my reservation online."

Samantha. I see.

Pakiramdam ko, pinipilit lang niyang ngumiti kahit hindi niya kaya. Parang pagod.

Napagod ba siya sa biyahe?

"Ah, sure, one moment," sagot ni Lineli habang nakangiti nang matamis. "Let me double-check your booking, Miss Samantha. May I request an ID please?"

Nalipat naman ang tingin ko sa babaeng humahangos sa linya ni Candy.

"Hi, do you—"

"Napanalunan lang ng friend ko ang promo rito," putol niya agad kay Candy kahit na hindi pa tapos magsalita.

Palipat-lipat ang tingin ko kay Miss Samantha at dito sa babaeng bagong dating. Mukhang bata pa itong isa, mukhang college student. Pero kung titingnan ko ang hinhin ni Miss Samantha at itong isa na parang aawayin si Candy, napakalayo.

"Ma'am, may I have your gadgets or any devices? Including phones, laptop, tablets, or smartwatch?"

Tinitigan ko si Miss Samantha habang nagsu-surrender ng mga hinihingi ni Lineli.

"What?! No way!"

Napaigtad ako sa tinatambayan ko nang sumigaw itong dalagang kausap ni Candy.

"Walang sinabing gan'on ang friend ko," sagot pa nito.

"But that's part of our protocol, Miss Sambrano."

Sambrano? Yung artista?

Lalo ko pang tinitigan itong nagdadabog sa harapan ni Candy.

Baka kaapelyido lang siguro.

Hindi naman bago ang reaksiyon niya kapag naririnig nilang bawal ang gadget sa isla. Narito sila para lumayo sa mundo sa labas. At kailangang samantalahin ang pagkakataon ng pananatili rito para lang hindi kumonekta sa kahit sino o ano roon sa pinanggalingan nila.

Nabigyan na ng map si Miss Samantha kaya kinuha ko ulit ang mga maleta niya.

"DZ, pakidala naman sa Hut 307 itong baggage ni Miss Samantha," utos ni Lineli. "Doon siya sa resort, ha. Baka kung saan mo dalhin."

"Copy, madame!" nakangiti kong sagot at Nag-isang tango lang ako sa ihahatid ko sa kubong tutuluyan niya rito sa isla.

Sa resort pala siya, akala ko sa camp. Sayang, uunahan ko sana si Penny roon sa Wall.

Tahimik pa rin si Miss Samantha habang dumaraan kami sa hilera ng mga tent at hut papasok sa resort. Maraming tao pero may aura siya na parang mag-isa lang siya sa lahat ng ito.

Weird lang siguro akong mag-isip.

"May bar ba rito?" bigla niyang tanong pagsulyap sa akin.

Napaderetso tuloy ako ng tayo at nagtanong ulit. "Uh, bar na inuman, ma'am?"

"Yes."

May problema nga. Naghanap ng alak.

Mabilis akong umiling. "Sorry ho, ma'am, pero sa part na 'to ng island, prohibited ho ang alcoholic beverages. But we're serving pure fruit juices ho. Better than alcohol ho, healthy pa."

Nagbuntonghininga lang siya sa sagot ko. Dismayado pa yatang bawal ang alak sa pinuntahan niya.

Pagkarating namin sa tapat ng hut, huminto agad siya at nagpasabi. "Dito ka na lang, I can handle everything here."

"Ho?" Tiningnan ko ang mga dala kong maleta niya. "Sigurado ho kayo?"

"Yes." Kinuha niya agad ang dala niya sa akin. "Thank you, DZ."

Naiilang naman akong tumango. "You're welcome ho, ma'am. Feel at home ho, enjoy your stay!" sabi ko, at mukhang hindi na ako pinansin. Dumeretso na sa loob e.

"DZ!"

Napalingon agad ako sa kanan at nakita si Penny na nag-jo-jogging palapit sa akin.

"I'm exhausted!" natatawa niyang pasabi sa akin pagtalon sa harapan ko. "There are so many of them! Ang daming queries, oh my Lord!"

"I know!" sagot ko agad. "O, e di haggard ka ngayon. Sabi na sa 'yo, huwag mo nang kunin sa kabilang agency e."

Hinihingal pa rin siya habang nagpupunas ng pawis sa noo. "How about the other tour guides? Grabe, I'm shookt!"

"Buti nga sa 'yo," biro ko.

Pinalo na naman niya ako sa braso. "Bad! I hate you!"

Tinawanan ko na lang siya. Ang tigas kasi ng ulo. "So, what now? Deretso sa Wall?"

Bigla siyang ngumiwi at tumanaw sa paligid. Marami pa rin kasing tao.

"I think we need to go back to the port muna. So dami! I didn't expect this, ha. Akala ko, flop yung promo."

Inakbayan ko agad siya at iginiya pabalik sa hall. "Cute mo kasi. Ayan, e di pawisan ka ngayon." Hinawi ko ang buhok niyang dumidikit na sa pisngi. "Ano? April Fools! Hahaha!"

"Bad ka talaga. I don't like this April 1 of my year. The tourists are getting annoying na sa repetitive question na kasasagot ko pa lang. Buti, ang haba ng patience mo sa ganito. I can't even talk properly, they always cut my words!"

"Tara na nga! Doon muna tayo sa kitchen, tatakas tayo ng juice para di na mainit ulo mo." Kinuha ko agad ang kamay niya at bumuwelo na ako ng takbo.

"Denzell!" tili niya nang hatakin ko.

Marami pang susunduingturista. Mukhang magiging busy ang buong araw ko ngayon.


♦ ♦ ♦

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top