WRS: Klau
I was definitely lost when I first landed here in Redemption Island. Lost in a sense that I started questioning my whole life and my decisions. Did I do something wrong? Did I make something unforgivable kaya parang pinahihirapan ako ng Panginoon? I was questioning myself, ano ba ang nagawa kong kasalanan kaya kailangan kong tumakas sa pinanggalingan ko?
Escaping is the only option I had that time. I was trying to reflect on all of my mistakes in life kasi sabi nga ni Inay, hindi ka parurusahan ng Panginoon kung wala kang ginawang kasalanan. Pero sinasabi rin niya na kadalasan, ang iniisip kong parusa, hindi pala talaga parusa. May ipinaliliwanag lang ang Panginoon na dahilan kung bakit kailangan kong tumahak ng ibang daan kasi nasa mali akong landas na dinaraanan. And I only understood what that really means after my stay here. I only learned everything the hard way.
When reality is so hard to bear, may point talaga na kailangan na nating lumayo for a breather. And when the waves are too huge to catch, we need to go back to the bay to avoid the worst case scenarios. Not all opportunities are meant to catch, especially kung maraming masasaktan sa proseso.
"Ma'am Klau, bubuhatin ko na ho kayo. Kanina pa kayong nanlalambot. Masusubsob ho tayo sa daan."
"Okay lang. Kaya ko pa naman."
"Sige na ho, ma'am. Mapagagalitan ho ako kapag hinayaan ko kayong ganito."
Nakailang tanggi siya pero sa huli ay binuhat ko pa rin. Magaan lang naman siya, pero parang naiilang yata sa alok ko.
Nakailang hinto kami kasi naduduwal siya. May pagkakataong nabubunggo na niya ako kasi hindi deretso ang lakad niya. Minsan, mapapahawak sa braso o kaya balikat ko. Nasa kabilang panig ng hall ang clinic at medyo malayo pa kami roon.
"Denzell!" Pagtapak ko sa hall, nasalubong ko agad si Penny na may dala-dalang folders. "What happened?"
"Nasusuka si Ma'am saka nahihilo. Dadalhin ko muna sa clinic."
"Okay? Uhm, I'll follow after this." Ipinakita niya ang folder at dali-daling naglakad papunta sa kabilang side ng hall kung nasaan papasok sa opisina niya.
Sa kanang panig ng hall, pagkaliko sa dulong hallway sa kaliwa, naroon ang clinic pinakamalapit na clinic namin sa area.
Pagkalapag ko sa kanya sa hospital bed, lumapit na agad ako sa lalaking medic na nag-a-assist doon.
"Klaudine Gamboa ang name niya, brad. Hindi pa ako nakakapagtanong ng ibang details, ikaw na lang ang mag-check."
"Hi, DZ!"
"Hello, Steph!" Napangiti agad ako nang pumasok sa loob ang assisting nurse dito sa clinic aside pa sa ibang medic galing sa ibang resort na nagre-report dito. "Pa-assist naman." Itinuro ko si Ma'am Klau na nasa hospital bed. "Kanina pa kasi siya suka nang suka sa daan. Mukhang nahihilo rin." Tumingin ako sa writswatch ko. "May pitong minuto na rin ang nakalipas bago pa kami makarating dito. Hindi ako sigurado kung anong eksaktong dahilan, baka hindi rin kasi niya alam."
May mga itinanong kay Ma'am Klau ang lalaking medic na naabutan ko habang kinukuhanan siya ng blood pressure.
Mukha pa siyang bata, baka kaedad lang ni Zera. Nakailang hawi na siya ng kulot niyang buhok habang patakip-takip ng bibig saka ilong.
"Sorry, sensitive kasi ako sa amoy," depensa niya sa mga kilos.
Napansin ko ring amoy gamot talaga sa clinic tapos may air freshener pang matapang na green apple.
Hindi naman siguro ako amoy-pawis. Kapapalit ko lang ng damit gawa ni Zera. Napaamoy tuloy ako sa balikat ko.
"Oh! Buntis pala kayo, ma'am," sabi ni Steph na dahilan kaya napahinto ako sa pag-amoy sa sarili ko. Gulat na gulat akong tumingin kay Ma'am Klau dahil doon.
Lalo ko pa siyang tinitigan. Hindi halatang buntis siya kaya hindi ko rin naisip. Maong na shorts at berdeng sando lang ang suot niya kaya akala ko, baka masama lang ang pakiramdam. Baka nasa unang buwan pa lang.
"Wala pa naman kayong extreme activities na na-e-encounter sa island, 'no?" Pumaling agad sa direksiyon ko si Steph habang nagsusulat siya sa notes na nasa hawak na clipboard. "DZ, pa-monitor nito sa tourist's record ni Miss Gamboa. Pakisabi rin sa mga guide sa island na i-check medical record ng mga turista kasi baka magkaroon tayo ng case ng miscarriage, mahirap na. Doon sa zipline din saka kayak."
"Walang problema, ako'ng bahala."
Hinayaan ko muna si Ma'am Klau sa clinic para maasikaso siya roon.
Paglabas ko, naabutan ko si Penny na naghihintay sa akin sa dulo ng hallway.
"Diego said may kaaway ka raw na tourist kanina? Even Lineli and Candy said so. What about that?" bungad na bungad niya habang nakakrus ang mga braso.
Nagtaas lang ako ng magkabilang kilay at pilit na pilit ang ngiti kay Penny bago pa ako makalapit. "Hindi naman kaaway. Sobra naman sila. Pinagpapaliwanagan ko lang about sa rules and guidelines ng island."
"I'm not blaming you, though. I already know who's at fault kapag ikaw ang involved. What happened?"
Pagtapat ko sa kanya, inakbayan ko agad siya at iginiya papunta sa malaking hall ng reception area.
"May bisita lang tayong gustong makuha ang phone niya, iyon lang. Kumusta pala ang araw mo?"
"Today is a busy day, really. And I didn't expect the number of tourist na kailangan nating i-cater. I already told the other hotels and resorts to double their team kasi may susunduin pa tomorrow."
"Sabi ko na kasing sasama ako sa magtu-tour guide bukas, ayaw mo pa?"
"That's your day off! Ano ka ba? Sobrang workaholic mo na, that's not okay, ha."
Idineretso ko siya sa daan papunta sa beach camp. Kanina pa nauudlot ang ipakikita niya sa akin.
"Ano naman kasing gagawin ko rito, manonood lang?"
"Mag-relax ka! Mia is looking for you rin pala, a. I said, nasa clinic ka."
Ay, oo nga pala. Ililibre ko dapat 'yon ng shake saka burger. Balikan ko nga mamaya.
"Bibilhan ko lang naman ng meryenda si Mia. Kailangan ko pang suhulan iyon samantalang kapatid naman niya ang inasikaso niya."
May madidilim talagang parte ang camp na hindi lubusang inaabot ng mga ilaw sa bawat poste o kaya puno. Kung maabot man, madilim pa rin. Aninag lang ang maaari.
Nakakalat na sa paligid ang mga tent na may kanya-kanyang ilaw sa loob. Isang buong hilera ito sa isang panig ng camp na maraming matataas na puno pero hindi ganoon kalago ang mga dahon.
Wala na halos maiingay na tugtog galing sa mga speaker. Karamihan na ay puno ng tawanan at sariling kantahan. May ibang nakakapaggitara pa sa gitna ng camp fire.
Kumpara sa ibang beach resorts o isla na umaasa sa mga bar at night parties, mas prayoridad ng Redemption Island ang recreational tourism. Mas nilalapit namin ang mga turista sa kalikasan, sa katahimikan, sa payapang gabi kung maaari. Binibigyan namin sila ng pagkakataong makakilala ng bagong kaibigan sa isla na maaaring gaya nila ay may pinagdaraanan din.
Sa gitna ng camp, may mataas na pader doon. Iyon ang Freedom Wall. May mga naka-ready na roong papel at ilang panulat saka ididikit sa pader pagkatapos. Kung ano man ang nais isulat ng mga turista, doon nila inilalagay bilang parte na rin ng release nila sa pagpunta rito sa Redemption Island.
Kayang-kaya kong hawakan ang tuktok ng pader, pitong talampakan lang ang taas at sapat na para malagyan ng sulat ng mga bisita roon. Binabawasan namin kung minsan ang mga nakalagay sa pader kada pagtatapos ng buwan. Para hindi tumatambak. Iniipon iyon at inilagay sa kahon sa ibaba ng pader para maaari pa ring mabasa ng iba.
Pagdating namin doon ni Penny, gaya ng sabi niya, may gusto raw siyang ipabasa sa akin. Pero mukhang kahit siya, hindi na makita iyon.
"That's written on a green note. OMG. Bakit wala na rito?"
Gumamit pa siya ng flashlight kahit naaabot naman ng liwanag sa malapit na poste ang freedom wall.
"Tungkol saan ba?"
"About sa isang guy na pumunta rito for soul searching. Mas gusto kong mabasa mo personally e. Where is it na?"
Nagbuntonghininga na lang ako at inawat si Penny sa paghahanap ng note. Nalalaglag na ang iba e.
"Okay lang kung hindi mo makita. Basahin na lang ulit natin lahat ng note dito next month."
"Hmm." Dismayado siyang tumingin sa akin saka nagbuntonghininga rin. "Sana dito muna pala tayo pumunta kanina, 'no?"
"Okay lang talaga, Penny. Hayaan mo na. Ganito na lang." Inakbayan ko ulit siya at inaya ulit pabalik sa reception area. "Since nagpapalibre si Mia, ililibre na rin kita para sabay na."
♦ ♦ ♦
May mga gabi sa isla na sobrang tahimik, may mga gabing sobrang ingay naman. Hindi kami sobrang higpit maliban na lang kung hindi na puwedeng hayaan ang turista, lalo na kapag apketado na ang kapakanan ng iba. May mga turistang nanakit dahil lang sa inis o galit. Hindi maiiwasang magkapikunan. May mga naiinis sa management dahil nga naman gusto nila ng memories pero bawal ang gadget sa loob ng area.
Alas-onse ng gabi, rumoronda pa ako para mag-check ng mga turista sa camp. Iikot pa ako hanggang sa kabilang resort kasi nga hawak na rin sila ni Penny. Kahit ang mga nasa cabin sa mountain top, kailangan ko pang daanan kasi nailipat ang iba sa handling ng Marina Hope. Trumiple ang trabaho ko pero ayos lang naman kay wala rin naman akong gagawin sa isla kundi magtrabaho lang din.
Nasakto lang na pagdaan ko sa cabin sa may bundok, naabutan ko si Shan na may dala-dalang baso.
"Hi, DZ! Good evening, saan ka?"
"Ha? Bababa na sana."
"May trabaho ka pa?"
Umiling naman ako. "Tapos na. Last stop ko itong sa mountain top."
"Uy, tara! Doon ka muna sa camp namin! Hindi tayo nakapag-usap kanina e! Nandoon din si Candy, inaya ko."
"Talaga?"
Si Shan na ang nag-aya kaya hindi na ako tumanggi. Kung hindi ko lang talaga pinagpaliwanagan si Zera, malamang na nagtagal ang usapan namin.
Na-miss ko si Shan. Matagal na rin ang isang buwan. Hindi nga niya kasama si Mikmik ngayon. Kung sakali man, baka maingay na sa camp na sinasabi niya.
Pumunta kami sa likod ng dulong cabin. Malayo pa lang, naaaninag ko na ang apoy roon.
Ang kaibahan ng simoy ng hangin sa may baybay-dagat at dito sa bundok, mas lamang ang amoy ng dahon dito. Mas malamig din ang daloy ng hangin sa gabi. Kaya siguro naka-jacket si Shan.
"DZ!"
Pagliko namin sa kanan, bago ko pa malibot ang tingin ko sa paligid, pagtawag na agad ni Candy ang narinig ko. Nakaupo siya sa habang kahoy katabi ang hindi ko inaasahang makikita roon.
"Ma'am Klau!" sabi ko bago ilipat ang tingin kay Candy. "Nakaakyat siya rito?"
"Malapit lang dito ang cabin niya."
"Oh! I see."
Paglipat ko ng tingin sa iba, mas lalong napataas ang magkabila kong kilay sa dalawang lumingon.
"Aba! Narito si cool guy."
"Zera," sabi ko habang palipat-lipat ang tingin sa kanila ni Miss Samantha sa kabilang gilid niya.
"Upo ka, DZ! May space pa roon sa tabi ni Phoebe."
Nagtataka ang tingin ko sa kanilang lahat na may kanya-kanyang hawak na inumin sa baso at water jug.
"Kumutan n'yo si Ma'am Klau, baka mahamugan," utos ko kahit pa may suot naman itong bonnet.
"Okay lang. Hindi naman ganoon ka-foggy rito," sagot niya bago pa ako makaupo sa tabi ng kasamahan nilang babae na parang nakita ko yata sa bangka kanina o sa port.
Inakbayan agad ni Candy si Ma'am Klau saka hinagod-hagod ang balikat.
"Uy, by the way, this is Sam pala, DZ," pakilala ni Shan sa akin sa katabi niya. "Nakausap ko na siya dati sa school. Nagulat nga ako, nakita ko siya ngayon dito."
Nginitian ko lang si Miss Samantha saka matipid na tumango.
"I know him. Siya ang naghatid sa akin sa hut ko," sagot ni Miss Samantha kay Shan.
"Ay, talaga?" Hindi yata inaasahan ni Shan na pamilyar na ang iba sa akin sa mga narito.
"Ako, kilala mo pa rin?" paningit ni Zera habang umiinom sa baunan niya ng tubig.
"Sana hindi na magulo ang guidelines ng isla para sa iyo," sabi ko na lang.
"Sabi nila mabait ka raw. Totoo ba? Parang di naman!"
Nagbuntonghininga lang ako sa kanya kasi mukhang balak na naman yatang makipagtalo kahit hatinggabi na.
"Huwag mo namang awayin si DZ. Nabuhusan mo na nga ng pintura kanina e," pag-awat ni Shan.
"Ay, kasalanan ko?" Uminom na naman si Zera at ipinasa niya ang lalagyan kay Shan. "Uy, pero seryoso, ang ganda ng katawan mo, ha."
Tumango lang ako habang nakikiramdam kay Zera. Siya lang kasi ang maingay sa kanila.
"Oo, macho talaga 'yan si DZ," gatong pa ni Candy. Hindi ko alam kung tatawanan ko ba at sasakyan ang biro niya o aawatin ko.
"Saka ang ganda ng angel wings tattoo niya sa likod. Kapag nag-flex ng muscles, wow! Mahilig ka sa angel?"
Umiling ako. "Alaala lang ng isang mabuting kaibigan. Oo nga pala, kayo ho, ma'am? Malapit lang din ho ba ang cabin n'yo rito?" tanong ko sa katabi ko bago pa mapunta sa akin ang usapan.
Matipid din siyang ngumiti sa akin at parang nahihiya pa. Napahimas siya ng kanang braso at biglang nag-iwas ng tingin.
"Siya pala si Phoebe," pakilala ni Shan. "Sa school din kami nagkakilala kasama si Sam."
"May thesis din ba siya?" tanong ko na kay Shan kasi mukhang nahihiya si Phoebe na sumagot.
"Oo nga. Phoebe, bakit ka pala nandito ulit?"
At mukhang sa aming lahat na nakapalibot sa apoy, itong katabi ko lang ang hindi pa namin alam kung bakit ba talaga naririto sa isla.
♦ ♦ ♦
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top