WRS: Candy

Redemption Island is more than a tourist attraction. The beach camp is not just a place with tents and marshmallows, the mountains are not just a landmass full of trees. When people felt they are guilty about something, they tend to run away from that feeling. Especially if they felt like they committed a sin they did not intend to do.

Some of the island's visitors went here to this island not only because they are lost, not only because they just want to be found. Most of the time, some of them want to escape—like me.

Naging tahanan na para sa akin ang isla, gaya ng ibang matagal nang naninirahan dito. Halos kalahating dekada na rin mula nang tumapak ako rito at iba't ibang kuwento na ang narinig ko sa mga nakasasalamuha ko mula pa sa port hanggang sa kabilang dulo ng isla.

Kung may isang bagay man akong hindi ginawa tuwing nakikinig ako sa kanila, iyon na malamang ang manghusga. Kilala ko ang mundo, mata lang kadalasan ang ginagamit ng karamihan sa panghuhusga ng ibang tao.

May summer treat sa isla at ipinatawag ang isang tour guide at isang receptionist para mag-assist sa field. Hindi available ang ibang tour guide kay busy sa pagsundo sa iba pang turista sa kabilang island kaya pagtapak ko north part ng beach camp, nagkakagulo na.

May isang kamay na tumaas sa dulo malapit sa stage. "DZ! Pa-assist naman!"

"Saglit, saglit!" Mabilis kong tinakbo si Candy na hindi alam kung ano ang uunahing asikasuhin.

Sa north ng camp ang activity and recreational area. Kadalasan, dito ginaganap ang mga special event na ino-organize nina Penny at ibang manager ng establishment around the island. This week, may offer naman para sa mga under ng promo ng kabilang agency. Wala namang bakod pero may mga puno ng niyog na nakahilera sa palibot para masabing kabilang area na ito.

Iyon nga lang, ang gulo na nila. Sobrang kalat ng mga tao, nagtatanong kung ano ang gagawin, may mga nangunguha ng item na display lang naman dapat, nakaririnig na ako ng nagpuputukang lobo, may mga nagrereklamo na bakit ang gulo-gulo raw. Umakyat na ako sa stage at isinaksak ang microphone doon saka humarap sa lahat.

"Hello, mic check." Tinapik-tapik ko pa ang wireless mic at mabilis na nag-register ang tunog sa speaker. "Good day to everyone! Welcome to Redemption Island Beach Camp!"

Sa lakas ng tunog ng speaker, kahit ang nasa labas ng recreational area, natigilan din para makinig sa akin.

Sa totoo lang, hindi ko alam ang gagawin. Kabilang agency ang may hawak nito pero hindi nila kami na-brief nang maayos sa itineraries kaya nangangapa ako ng sasabihin.

Yumuko ako para kausapin si Candy. Bahagya kong inilayo ang mic para hindi marinig sa speaker. "May ibinigay bang instructions sa 'yo si Miss Ana bago umalis?"

Umiling naman siya habang nagpupunas ng pawis sa noo. "Nakalimutan ko, hindi ko naitanong. Si Ma'am Penelope, may sinabi ba?"

"Wala rin. Hindi rin siya nabigyan ng kopya kaya hinihingi pa niya ngayon sa kabilang agency. Tour lang daw ang sinabi, hindi naman kasama itong activity. Ano ba ang meron ngayon dito?"

"Wala pa e. Pero may materials sa stock room, kukuha ako—"

"'De, ako na." Tumalon ako mula sa stage at iniabot sa kanya ang mic. Lumapit ako sa mga taong nagkakagulo sa gitna kanina at itinaas ang mga kamay ko. "Please form your line po, mga ma'am and sir! Behave po tayo, huwag pong magkakagulo!"

Sumunod naman silang lahat at pumila na nang maayos. Binalikan ko si Candy saka binulungan. "Mag-lead ka ng prayer para kumalma sila tapos ipapatawag ko sina Diego para mag-assist. Kukuha ako ng materials sa stock room. Kapag natagalan, sumayaw ka na."

Bigla siyang sumimangot sa akin. "'Katawa 'yon?"

Natawa naman ako nang mahina saka kinurot nang mahina ang tungki ng ilong niya. "Cute mo. Sige, alis na 'ko."

Tumakbo na agad ako nang mabilis papunta sa hall kung nasaan sina Lineli. Kinuha ko sa likuran ng belt ang two-way radio para tawagan ang mga nasa port.

"Diego? Brad, location mo?" tanong ko habang sinasalubong ang mga turistang papunta sa kabilang direksiyon ko.

"Sa bangka. Kasama ko si Ma'am Pen." Dinig na dinig ko ang static sa kabilang linya. "Pabalik pa lang kami. Bakit?"

"Magpapa-assist sana ako, pero sige, salamat! Ingat kayo!"

Mukhang wala akong makakatulong dito.

Napataas ang dalawang kilay ko nang makasalubong si Mia, kapatid ni Candy. Mas bata lang sa akin nang limang taon pero mukhang teenager pa rin.

"Huy, kulit! Tara dito," utos ko.

"Kuya DZ! Bakit?"

Hinawakan ko siya sa bandang likod sa may balikat saka itinuro ang direksiyon ng beach camp. "Puntahan mo si Ate mo Candy doon sa activity area, tapos dalhan mo ng towel saka tubig. Pawis na pawis na e."

"Ngi? Ba't ako?"

Kinunutan ko agad siya ng noo. "Sige na, ililibre kita ng mango shake mamaya. Yung large."

"Saka hamburger saka shawarma!"

"Bakit ang dami mong request?"

"Sige na, Kuya. Mayaman ka naman e."

"Sino'ng may sabi?"

Ano ba naman 'tong batang 'to? Uutusan lang, ang dami pang bayad.

"Sige na, mamaya," pagsuko ko. "Basta tulungan mo yung ate mo roon."

"Yiiee!" Naniningkit ang mga mata niya nang ituro ako. "Sabi na, crush mo si Ate Candy e!"

Pigil ang pagngiti ko nang mahinang tuktukin ang ulo niya. "Puntahan mo na lang."

"Oo na! Oo na!"

Ito si Mia, siya ang madalas katuwang ni Candy rito sa isla. Hindi ko pa nakikita si Ate Lori ngayong araw pero sila ang madalas na magkakasama.

Pumunta agad ako sa stockroom at kinuha ang madalas gamitin sa camp kapag may pa-games ang mga organizer. Kung ano na lang ang nadampot ko, iyon na ang kinuha ko. May isang di-kalakihang box na puno ng novelty items ang dinala ko na rin.

Pagbalik ko sa activity area, nagpapatugtog na sila roon nang malakas na music.

Doon pa lang sa arko ng entrance sa activity area, nakakakabog na ng dibdib ang lakas ng beat ng Copines sa background.

"Ah mes copines, ah mes copines . . . tu veux tout bombarder, bom-bom, bombarder, hey!"

Naparahan ang paglakad ko habang pinanonood sina Candy sa stage na sumasayaw. May mga kasama na siyang backup dancer. Yung ibang staff sa resort na dancer din tuwing may event. Tinuturuan ang mga bisita namin dito sa activity area.

Nagbibiro lang naman ako kanina pero mukhang sineryoso nga.

Magaling sumayaw si Candy, sa totoo lang. Kapag may pa-zumba sa isla para sa morning exercises, madalas siya ang lead. Tingin ko nga, dating dancer 'to sa Maynila. Kaso wala naman siyang sinasabi. Ang alam ko lang, hobby niyang sumayaw.

Maganda si Candy, dito na nga siya naging tanned—ewan ko. Naalala ko sa kanya yung dati kong asawa. Parehas kasi ng ngiti. Noong unang tapak ko nga rito sa bahaging ito ng isla para magtrabaho, kung hindi pa ako tatapikin ni Penny, hindi ko pa malalamang tinititigan ko na pala siya.

"DZ!" Kinawayan agad ako ni Candy pagkakita sa akin habang papalapit ako sa stage.

Ang lapad ng ngiti ko nang ibaba ko ang mga dala ko sa gilid ng stage. Bumaba agad siya at patalon-talong lumapit sa akin.

"Inutusan mo pala si Mia," bungad niya pagtabi sa kanang gilid ko.

"Sumunod naman ba?"

"Yeah. Ililibre mo raw siya ng dinner."

"Dinner?!" gulat kong tanong, kasi ang alam ko, meryenda ang usapan namin hindi hapunan. "I didn't say that. Sabi ko, shake saka burger yata and shawarma."

"Bakit mo naman kasi inutusan?"

"Concern lang, sobra ka naman."

Nagpatulong na akong ilatag ang mga dala ko at may staff nang nag-announce sa stage na may activity na raw na susunod maliban sa intermission number nila.

"Cuando yo la vi (Dimelo, baby girl) . . ."

Pagsulyap ko kay Candy, sinasabayan na niya nang bahagya ang beat ng Dura ni Daddy Yankee. Ito kasi ang madalas nilang patugtugin tuwing umaga kapag nagkakasiyahan sila sa hall, maliban sa Taki Taki.

"Dije, si esa mujer fuera para mi . . . Perdoname, te lo tenia que decir . . ."

Pagdating sa chorus, sabay pa kaming kumembot kaliwa't kanan gaya ng step na nakabisado ko na sa morning exercises.

"Hahaha! Sira ka talaga!" Napahinto lang ako sa paggalaw nang bigla niya akong paluin sa kaliwang braso.

"Why?!" tanong ko pa habang tinatawanan din siya nang mahina. "Nagpa-participate lang ako sa activities!"

"Ayusin mo na nga 'yan!" singhal niya pero hindi naman nawala ang ngiti.

Mabuti na lang talaga at bawal ang phone dito sa loob ng camp, hindi ako mag-aalalang may nagre-record ng mga kalokohan namin dito sa loob.

Bawal ang gadgets dito sa loob ng island kaya kailangang i-surrender sa front desk bago mag-check in. Kaya naman may mga activity talaga kaming dapat i-provide para hindi ma-bore ang mga turista.

May mga staff galing sa resort na pumunta para mag-assist sa amin. Maliban sa board games gaya ng chess at scrabble, may in-offer din kaming materials para sa mahihilig sa arts. Karamihan sa staff sa isla, tattoo artist talaga sa dating workplace nila. Pero dahil bawal ang henna o kaya permanent tattoo sa island, may mga nakahanda na silang face paint and tattoo stickers na matatanggal naman agad kapag kinuskos ng tubig.

"Nakakapagod," sabi ni Candy nang magtabi kami sa sulok ng stage habang pinanonood ang buong activity area na may kanya-kanya nang ginagawa. Mas tahimik na ngayon kumpara kanina na nagkakagulo ang lahat.

Napatingin ako sa langit na unti-unti nang tumitingkad ng pagkaka-kahel ng kulay. Pagtingin ko sa relos ko, quarter to 4 na ng hapon.

Naibaba ko ang tingin kay Candy at ako na ang nag-ipon ng lahat ng buhok niyang pumapasok sa loob ng jacket na suot bago iyon iladlad palabas.

"Di ka ba naiinitan?" tanong ko.

"Mainit nga e."

"Baka puwedeng alisin yung jacket mo. Di ka ba hihimatayin diyan?"

"Ayos lang naman ako, ano ka ba?" Nakangiti niya akong inirapan bago bumalik sa mga naglalagay ng face paint.

Hindi ko inuusisa si Candy sa dahilan niya kung bakit ba siya laging balot na balot sa lugar na walang magtatanong kung kulang sila sa saplot. Kung ano man ang dahilan niya, tingin ko, wala ako sa lugar para mag-usisa.

"Hala, oh my God! Sorry, Ate!"

"Tsk tsk tsk," palatak ko nang magkatapon-tapon na ang mga pintura sa kanila.

Nag-aagawan pa kasi, hindi na lang magbigayan.

Lumapit na ako roon para tumulong na ring mag-imis ng natapong mga pintura. Puno ng pag-aalala ang mukha ng dalawang dalagang mukhang kaedad lang yata ni Mia habang nakatingin kay Candy na natapunan ng asul at pulang pintura sa damit.

"Sorry po talaga. Sorry po."

"Okay lang po, ma'am," sagot ni Candy kahit na mukhang hindi siya okay habang pinupunasan ng tissue ang mantsa sa damit niya. "DZ, pupunta lang ako sa restroom."

"Sure. Ako na'ng bahala rito."

Hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya. Masayahing tao naman si Candy, pero may mga pagkakataon talagang nararamdaman kong gaya ko, meron din siyang tinatagong ayaw niyang malaman ng lahat.

Sinabihan ko na lang ang ibang mga bisita namin na mag-ingat palagi at mag-enjoy. May iba kasi talagang turista sa isla na narito lang para magsaya, hindi para sa kung ano pang mabigat na dahilan gaya ng iba.

"Kuya, gusto ko nito," pagturo ng dalagang kausap ko sa pinapipili kong design sa kanya.

Cute ang mga tattoo sticker na meron sa box. May mga Hello Kitty, may unicorns, may flowers. Sina Matt naman ang nagdo-drawing sa pisngi ng iba ng gusto nilang design. Medyo marami na rin silang nalalagyan ng face paint kay kada lingon ko, may mga design na ang pisngi na mga nasa activity area.

Pagbalik ni Candy, hindi na siya naka-jacket pero pansin ko ang pagkailang niya habang himas-himas ang kanang braso. Naka-polo na siyang kulay dilaw at black skirt. Hindi naman siya nakahubad pero parang ganoon siya kumilos.

Sinalubong ko na lang siya kay mukhang hindi nga talaga siya komportableng walang suot na jacket.

"Uy! Ayos ka lang?" Pumuwesto agad ako sa kanang gilid niya at saka siya inakbayan para itago sa ibang taong nasa activity area.

"Okay lang ako. Grabe, ha. Hanggang mamaya pa raw 6 p.m. itong activity tapos proceed na labas para sa camp fire."

May kulang-kulang dalawang oras pa pala kami rito.

"Gusto mo, ako muna rito?"

Umiling agad siya. "Huwag na. Baka pagalitan ako nina Ma'am. Sabihin, nakatambay lang ako e pinag-a-assist ako rito."

Pagpuwesto namin sa isang sulok, napansin ko agad ang matagal na naming napapansing lahat sa braso niya. May dalawang peklat doon—marka na sapat na para magtanong ang makakakita kung ano ang nangyari para magkaroon siya ng ganoon kalaking uka sa balat.

Tingin ko nga, iyon ang gusto niyang itago sa jacket niya mula pa noon.

Hindi ko naman siya puwedeng akbayan buong oras namin dito kay baka pagalitan kaming dalawa.

"Ah! Alam ko na." Pumunta agad ako sa malapit na table at dumampot doon ng mga tattoo sticker.

Pagbalik ko, nananahimik pa rin si Candy sa sulok habang takip-takip ang braso niya.

"Akin na 'yan." Hinawakan ko agad siya sa braso pero mabilis niyang binawi.

"Huy! Ano ka ba?" Nanlalaki ang mata niya nang tanungin ako. "Para saan 'yan?"

"Tatakpan natin."

"Eh? Huwag na! Nakakahiya, may ganyan ako sa braso."

"Meron din naman ako! Look. Puwede na nga akong gangster e." Ipinakita ko ang tattoo sticker ko sa kaliwang braso na penguin naman saka rainbow at sunflower. "Ang astig, di ba?" Kinindatan ko agad siya saka ako ngumiti.

Bigla siyang tumawa nang malakas at nagtakip agad ng bibig nang makaramdam ng hiya.

Kinuha ko ulit ang braso niya pero hindi na siya pumalag this time.

Itinapal ko ang malaking mukha ng puting pusa sa peklat niya—bandang itaas ng siko—at sakto lang para matakpan ang dapat matakpan. Sunod naman sa isa pang peklat pero sunflower din gaya ng nasa braso ko.

"Buti di ka nagtatanong, 'no?" tanong niya kaya napasulyap ako bago ko pa alisin ang naiwang papel ng sticker sa balat niya.

"Nagtatanong saan?"

"Tungkol diyan." Itinuro niya ng tingin ang peklat niya na tinapalan ko ng design.

Nginitian ko na lang siya saka ako umisang iling. "Di naman lahat ng bagay kailangang hanapan ng sagot."

"Pero hindi ka curious?"

"Curious din. Pero ayoko rin naman ng tinatanong ako ng mga bagay na ayokong sagutin. Ayan, match na tayo ng braso!" Pinagtabi ko ang kaliwang braso ko at kanang braso niya na may parehong sunflower na tattoo.

Nanunukat pa ang tingin niya, gusot ang dulo ng labi. Pero tumango-tango rin naman. "Puwede na rin."

Mukhang nagtawag ang ibang nag-participate mula sa labas at dumami ang nagpapalagay ng face paint at sticker tattoo dito sa activity area. Lalo lang kaming naging abala para i-assist silang lahat.

Tingin ko rin naman, komportable na si Candy dahil nakakakilos na siya nang maayos para asikasuhin ang mga pumapasok sa activity area.

Alam kong hindi permanente ang tattoo sa braso niya, at mabubura din iyon kalaunan. Ayokong sabihing dapat maging proud siya sa peklat niya dahil naka-survive siya sa buhay matapos makuha iyon. Pero hindi naman kasi habambuhay, maitatago niya iyon sa lahat. Kung ako rin naman ang nasa kalagayan niya, wala rin naman akong ibubunyag na parte ng kahapon ko dahil ikakahiya ko rin naman kung sakali.

"Candy!" Napatayo ako nang deretso nang may tumili sa direksiyon niya. Biglang lumapad ang ngiti ko nang makilala kung sino ang sumalubong kay Candy at yumakap agad dito.

Tumakbo agad ako papalapit sa kanila saka ko kinalabit sa balikat ang pamilyar naming bisita bago nagtago sa likod nito.

"Sino 'yon?" Napalingon agad siya sa likuran at tumili na naman habang takip-takip ng mga kamay ang bibig. "DZ!" Naglahad agad siya ng mga braso kaya niyakap ko agad siya nang mahigpit at halos iangat sa lupa.

"Shan!" malakas kong banggit sa pangalan niya.
I missed you! Welcome back!"



♦ ♦ ♦

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top