Prologue
❤️❤️❤️
"Hi, everybody! My name is DZ. On behalf of Marina Hope Tours, I'd like to welcome you all to Redemption Island!"
"Kuya Pogi, Cathy! Ako si Cathy! Single, taga-West Rembo Makati!"
Kusa nang nagpakita ang ngiti ko dahil doon sa sumigaw. "Hello, Miss Cathy. Good afternoon."
Tiningnan ko ang lahat ng turistang sakay ng sightseeing boat mula sa kabilang isla. Ang sabi ni Bev, sila na raw nina Hugo ang susundo sa ibang batch at ako na ang bahala rito sa Batch 3 ngayong araw.
Day off ko naman bukas, e 'ka ko baka puwedeng rumelyebo para kay Hugo. Sayang din naman kasi ang tip mula sa mga turista.
"The boat ride to the island will take about twenty minutes. Right now I'd like to take a minute to familiarize you with the area and discuss some brief safety precautions."
Kahit komportable naman sa loob ng Sea Lounge, kailangan ko pa rin silang paalalahanan para sa safety. Pinagsuot naman silang lahat ng life jackets as basic protocol.
Kumpara sa ibang travel agency, mas maganda ang gamit na sightseeing boat ng Marina ngayong araw. Cushionedseat at may throw pillows pa. Madalas gamitin nina Boss Tommy kapag may meetingat gustong nasa gitna ng dagat kaya mukhang living room ang interior kahit simple lang. Glass window pa at bahagya lang na bubuksan kapag nais ng hangin sa labas. Sa ibang bangkang gamit namin, kapag lumiyad lang ang isang turista, paniguradong mahuhulog sa tubig bago pa kami makarating sa isla. Kaya mas kaunti ang paalala ko ngayon.
"I promise you are going to enjoy your stay here in Redemption Island. This is a beautiful paradise where you can relax, sit by the beach, enjoy great meals, go for a camp and hiking, and feel very safe—"
"Kuya, ang pogi mo!"
Napangiti agad ako sa sumigaw sa likod. "Thank you, ma'am," patango-tango kong sagot sa kanya.
"Are you a foreigner, hijo?" tanong ng ginang na sa kanan ko lang nakaupo. "Do you speak Tagalog?"
"Half lang ho, ma'am. Laking Maynila ho ako."
"Hala, nagtagalog!"
Natawa na lang ako. Hindi naman bago sa akin ang tanungin ng mga turista kung marunong akong managalog. Sundalong Amerikano ang tatay ko sa Olongapo, kaso binuntis lang ang nanay ko saka iniwan. Bago ako mapunta rito sa isla, lumaki muna ako sa 'Gapo bago kami lumipat sa Maynila ni Nanay. Tisoy pa ang tawag sa akin doon dahil nga raw mestizo at anak ng kano. Dito lang ako tinatawag na DZ ng lahat para sa tour guide slash travel agent name ko. Although, Denzell pa rin naman ang tawag ni Penny, sa akin.
"We're going to land on the island in just a few minutes. Please sit back and enjoy the view of the sea as we board on the island port. I ask that you remain in your seats until we have come to a complete stop. Diego will be meeting us at the port to help you with your bags. Please double-check to make sure your bags have been taken off the boat. On behalf of Marina Hope Tours, have a wonderful vacation in Redemption Island and I hope to see you tomorrow at the information session."
Saktong paglabas ko sa cabin, nakaabang na sa daungan si Diego. Kumikinang sa araw ang pawis niya. Halos manikit na ang katawan sa polo. Napapagpag tuloy ako ng akin kasi baka pareho kami. Nakakahiya.
"Brad, punas kang mukha muna, baka maalibadbaran yung mga tourist, puro pa naman babae."
"A! 'Ge!" Kumuha agad siya ng puting tuwalya bago ko binuksan nang malawak ang pinto ng bangka sa deck.
"Ingat ho tayo, ma'am. Wala hong magtutulakan," paalala ko habang isa-isang kinukuha ang kamay nila para alalayang bumaba ng malaking bangka.
Nakangiti silang lahat sa akin. May ibang kumikindat pa.
"Kuya, pogi mo talaga."
Tinawanan ko na lang nang mahina ang kanina pang pumupuri sa akin. "Salamat ho, ma'am."
Ang sabi sa memo, may travel promo raw ngayon sa beach camp mula sa kabilang agency. Ang paliwanag ni Sir Ted, Batch 1 to 6 daw. Pero marami yatang na-delay kasi nagkaproblema sa ibang bangka. Kaya nga nailabas itong sea lounge para sumundo sa kabilang isla. Napagsalo-salo na nila ang nasa promo at sa regular tourist lang.
Kukulangin nga raw ng tour guide kay maraming batch. E 'ka ko baka maaaring tumao na lang ako kahit mag-OT pa. Para nake-cater ang mga turista—at para na rin dagdag sahod. Hindi pumayag si Boss, e di natoka sina Hugo.
"Brad, pa-picture daw sa 'yo!"
"Ha?" sigaw ko habang takip-takip ang noo mula sa sinag ng araw. May naghihintay na grupo ng mga babae sa daungan. "Saglit 'ka mo!"
Mamaya ko na lang titingnan ang loob ng bangka kung may naiwan. Hindi naman matagal ang picture-taking.
Tumalon ako sa deck at nagpagpag ng uniform nang lumapit sa kanila. Namamawis na ako, nakakahiyang tumabi sa mga turista.
"Kuya, tabi tayo, ha!"
"Ay, saglit lang ho, ma'am!" May humatak agad sa kanang braso ko at niyakap iyon. Nangilag agad ako habang naiilang na tumatawa.
Ayoko talagang nahahawakan nila nang ganito. Nangingilo ako.
Tatlo lang silang tumabi sa akin. Ang dalawa ay taga-picture din kasama ni Diego.
"Kuya, bilang ka!" sigaw ng nasa kaliwa ko nakadikit.
"Brad, smile ka naman nang maayos!" utos pa ni Diego.
Paano ba naman ako makakangiti nang maayos nito, panay ang dunggol ng dibdib ng mga ito sa braso ko. Ayoko namang ma-report ulit ng sexual harrasment kahit wala akong kasalanan.
"One, two, three!"
"Kuya, isa pa! Isa pa!"
"'Ge, 'ge. Smile, ha! Smile! One, two, three!"
"Ayan!"
Kapag ako ang tour guide, hindi na bago sa akin ang nagpapa-picture. Hindi na bago ang makarinig ng "Ang pogi mo" o "Ang guwapo mo" na sa totoo lang ay isa sa naging malaking problema ko sa Maynila. Iyon din ang dahilan kaya ako narito sa isla para magtrabaho.
Gusto kong lumayo roon sa magulong lugar na iyon. Gusto kong kalimutan ang lahat ng masasamang alaala ko roon. Mga pagkakamali ko, mga bagay na pinagsisisihan ko. Nag-stay ako rito para magbagong-buhay, makapagsimula ulit. Kasi dito, hindi ako mahahabol ng mga bangungot ko sa siyudad. Masaya lang, payapa, walang mabigat na problema.
"Ibang klase ka, brad. Ano'ng sabon mo? Pahingi naman, o!"
Tinawanan ko na lang nang mahina si Diego. "Brad, kung puwede lang makipagpalit ng mukha sa 'yo, ginawa ko na."
Katamtaman lang ang taas ni Diego, sakto sa leeg ko. Kayumanggi ang kulay kaya kapag natatao sa beach o kaya sa pool ng White Tides para mag-lifeguard, palaging sinisipulan ng mga babae kasi ang ganda ng tama ng araw sa balat niya. Mas gusto ko nga ang kulay niya kaysa sa kutis kong maputi. Kahit anong bilad ko sa araw, namumula lang ako, magkaka-sunburn pa, hindi naman umiitim.
Sanay kami ni Diego na tagtag sa trabaho. Kung muscle lang ang bilangan, magpapantay pa kaming dalawa. Araw-araw ba namang bumuhat ng kilo-kilong bagahe, kung hindi ka ba naman tubuan ng muscle sa katawan. Walang-wala ang mga nagdyi-gym sa trabaho naming dalawa.
Pagkatapos naming i-check ang loob ng sea lounge para sa mga naiwang item—na wala naman kaming nakuha, salamat sa Panginoon—ay deretso na kami sa pagkuha ng mga bagahe at maleta ng mga turista mula sa compartment para dalhin sa waiting shed. Doon kami tutulungan ng mga staff ng tutuluyan nila kung saan-saan iyon dadalhin. Deretso na dapat kami sa camp site kaso ayun nga, nagkagulo sa delay.
"Excuse me, where is your restroom?" tanong ng isang turistang babae—malaking babae. Foreigner at may dalang videocam. Mukhang vlogger.
"This way, ma'am," sagot ko, at itinuro sa kanya gamit ng kanang palad ang hilera ng mga comfort room para sa mga camper. "The first door on the right is the ladies' comfort section."
"Thank you so much."
"You're welcome, ma'am."
Ang daming tao, naging effective ang promo ng kabilang agency. Lalo lang sisikat itong lugar.
Kulang ang salitang maganda para i-describe ang buong isla. Asul ang dagat, white sand beach, may mga puno sa camp site; dalawang kilometrong lakaran lang, nasa paanan na ng bundok, may zipline doon, may cabin din, puwedeng mag-hiking, may spring resorts sa kabilang bahagi ng isla na karugtong ng bundok; ang daming activities na kine-cater sa palibot ng island, sobrang accomodating ng lahat ng staff ng iba't ibang hotel and other establishments dito. Unang tapak ko rito, sabi ko sa sarili ko, sana bakasyunista na lang talaga ako.
Araw-araw kong nakikita ang dagat. Palaging payapa. Kalmado. Ito ang buhay na ipinagpalit ko sa siyudad. Ito ang buhay na pinili ko matapos ang lahat ng nangyari doon. Sinabi ko sa sarili ko na ayoko nang bumalik pa roon.
Wala nang dahilan para bumalik pa roon.
Ayokong balikan ang lugar na magpapaalala sa akin na hindi magiging payapa ang mundo sa kamay ng mga maling taong akala mo, tama na para sa iyo.
"Hey, Den!"
Biglang lumapad ang ngiti ko nang salubungin ako ng general manager ng Marina. Mukhang working din siya ngayon kasi naka-uniform. Simpleng yellow polo na may print ng Marina Hope Tours sa kaliwang dibdib, denim jeans, at rubber shoes. Kamukha ng suot ko.
"Hi, Penny!" bati ko sabay kaway nang matipid. "Ang gulo ng policy ng kabilang travel agency. Buti tinanggap mo 'tong iba galing sa kanila?"
"Yeah. I told the office nga na saluhin muna. Congested na kasi yung kabilang port. It's okay naman for Sir Tommy na i-borrow yung Sea Lounge. How's your day so far pala?"
"Ayun! Hmm . . ." Nginitian ko na lang siya nang matamis.
Alam naman na niya kapag ngumingiti ako sa tanong na iyon. Kung may isang taong nakaiintindi sa bawat kibot ko, malamang na siya na iyon.
Penelope Sevelleno is a great woman. Wala ako rito kung wala siya. Naging paraiso sa akin ang paraisong ito dahil sa kanya.
I may have a wrecked past, at hindi lingid sa kaalaman niya iyon, at nagpapasalamat ako kasi lahat ng nakikita ko sa mga sandaling ito . . . lahat, utang ko sa kanya.
"May susunduin ka pa ba?" pagbabago niya ng usapan.
Mabilis akong umiling. "Ayaw ngang ipasundo sa akin ni Boss yung ibang turista bukas. Gusto ko na ngang magtampo. Sayang yung tip. Panlibre ko na sana sa 'yo ng milkshake 'yon."
"It's fine, ano ka ba?"
"Tubig na lang muna tayo ngayon tapos to follow na lang yung gatas saka yelo."
"Hahaha! Ang poor, Denzell, ha." Hinampas niya agad ako sa braso habang tumatawa. Hindi ko alam kung sinadya ba niyang hinaan o natagtag lang ako sa kabubuhat ng bag kaya hindi ko naramdaman ang lakas. "If I were him, hindi rin kita uutusang magsundo."
"Ayaw mo talaga akong magkapera, 'no?" biro ko sa kanya. Dinuro ko pa ang mukha niya habang nanliliit ang mga mata. "Matatalo ka kasi sa akin kapag lumaki ang net worth ko. Nananabotahe ka."
"Hahaha! How I wish matalo nga ako."
Sabi na nga ba, gusto rin nitong magpatalo sa pustahan namin.
"By the way, Den, tara sa camp. I have something to show you."
Nagkrus ako ng mga braso at sinukat siya ng tingin. Pinapupunta na naman ako sa camp. Noong nakaraan, napilitan akong maging guide ng isang grupo ng mga turista nang di-oras, baka ganoon na naman ang gawin ngayon. "And what is that?" tanong ko.
Nagtakip siya ng bibig habang nagpipigil ng tawa.
Lalo akong nagduda. "Penelope . . . isa."
"Hindi nga! Come on! As if I'm gonna devour you alive!"
"Ano nga muna ang gagawin sa camp?"
"The freedom wall."
"And?"
"I read something na makaka-relate ka."
Talaga? Ano kaya iyon?
♥ ♥ ♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top