119

MESSENGER
November 9, 2021 | 11:06 AM
Blaise Emmett Figueroa

Blaise:
Ate?

Naomi:
Ano yon Blaise?

Blaise:
Di ba sabi mo noong nakaraan na gusto mong magbakasyon?

Naomi:
Oo, bakit?

Blaise:
Kasi...

Naomi:
Ano??

Blaise:
Kasi kausap ko si kuya Kenzo kanina lang tapos niyayaya niya tayo na sumama sakanila mag Boracay

Naomi:
HA???!

Blaise:
Ayon nga ate nagulat din ako sa biglang pagyaya ni kuya
Sabi niya sasama rin daw sila Ate Madz at iba pang friends niyo
Sama tayo ate, pleaseeee
Miss ko na yong Boracay 🥺🥺🥺
seen

11:11 AM

Blaise:
Ate sige na, pumayag kana
Sayang naman yon
Sabi rin pala ni kuya Kenzo, sila na raw ang bahala sa lahat ng gagastusin kaya wala na tayong iintindihin

Naomi:
Hindi ko alam Blaise
Pag-iisipan ko muna
At saka baka hindi rin ako payagan mag leave nang matagal dahil madami pa kaming paperworks na kailangang tapusin

Blaise:
Dahil ba kay Boni ate?

Naomi:
Matagal na kaming hiwalay ni Kenzo
Kung magkakaroon man siya nang bagong girlfriend, karapatan niya yon

Blaise:
Hindi ka ba nagseselos?

Naomi:
Selos? Hindi
Pero nanghihinayang, oo

Blaise:
Malay mo ate mas madali kang makapag-move on kapag sumama ka sa Boracay tapos makita mo silang dalawa

Naomi:
Hindi naman kasi ganon kadali yon
Tatlong buwan kong pinilit kalimutan siya pero araw-araw ko pa rin siyang namimiss at naiisip

Blaise:
Ikaw ate... pag-isipan mong mabuti
Malay mo eto na talaga yong pagkakataon para makalimot

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top