X-sent LOVE



Treasure's POV


Two years ago, hanggang tanaw lang ako sa kanya. More likely taga cheer niya tuwing may pa-Liga si Chairman sa basketball.


Nangangarap na ako 'yong nakatayo sa harapan niya habang masuyong tinutuyo ng towel ang pawis niya sa mukha.


Teka muna, sadyang certified taga-hanga niya lang naman ako na tuluyan na yatang nahulog sa kanya.


Pero in real life?


Ako lang naman 'yong taga-cheer niya sa malayo tuwing makakatatlong puntos siya ng shoot. Ako 'yong babaeng lihim na kinikilig sa tuwing makakasalubong siya.


"Beep."


W-H-A-T-?!


Hanggang sa dumating ang isang pagkakataon at bigla na lamang nagbago ang lahat.


"Seth added you on messenger."






"Kyah!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"






"Hi Treasure. Kapatid ka ni Luis right?"


Tama ito. Nakakatandang kapatid niya si Luis na siya namang katropa din ng mga ito.


Gosh! I need some fresh air. Konting konti na lang, mahihimatay na yata ako sa kilig.



Inistalk niya ito, napansin niyang hindi ito masyadong nagpopost sa account nito. Well, nagustuhan niya naman ang pagiging low key nito.



Lumipas ang mga araw, mas naging close si Treasure at Seth sa chat. Hulog na si Treasure e, ngunit mas nahulog pa tuloy siya.



Nabalitaan niya na may laban na naman sila Seth mamaya sa basketball kaya naman chinat niya ito.



To Seth: Good luck! Galingan mo po.


Napangiti siya ng kaagad itong magreply.



From Seth: Sige ba sinabi mo e.






"Kyah!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"





****




"Go SETH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" Nitong mga nakaraang araw ay mas tumaas yata ang energy niya sa pagche-cheer sa lalaki. Hindi niya pinapansin ang mga katabing babae kung masama man ang tingin ng mga ito sa kanya.



Natapos ang laban at panalo sila.



Masaya siya para sa mga ito.  Lakas loob siyang lumapit sa mga ito pagkatapos ng laban.


Nagtama ang mga mata nila ni SETH.



Siya ang unang ngumiti rito. Bumilis ang tibok ng puso niya ng ngumiti ito pabalik sa kanya.


Lalapitan sana niya ito para i-congrats ng harapan kahit sobrang kinakabahan ng harangin siya ng isang bulto ng tao.


Napakabango naman ng pabango na gamit ng taong 'to.


'Pagtaas niya ng kanyang paningin, isa pang napakaguwapong nilalang ang nasa kanyang harapan at nakangiti pa sa kanya.


"B-blythe." Nakangangang sambit niya.


Sino ba namang hindi makakakilala sa lalaking ito? Siya lang naman ang nag-iisang kambal ni Seth. Naging kaklase niya na ito noon at laging nangunguna sa klase pagdating sa sports at katalinuhan.


Napakamot ito sa buhok nito sa ulo.


"K-kumusta?" Tanong nito sa kanya.


"Mabuti naman." Sagot niya rito bago palihim ma sinulyapan muli si Seth na ngayon ay may kausap ng ibang tao.


"Uy! Congrats nga pala kanina ha?" Tinapik niya ang balikat nito. Kahit naman titig na titig siya kay Seth the whole game, masasabi niya namang si Blythe ang MVP ng laro.


"Ows? Napanood mo talaga 'yong 3 point shoot ko?" Tanong nito sa kanya na tila ba hindi makapaniwala.


"Oo naman. Ang galing mo yata." Puri niya rito. Palihim naman na namula naman ang lalaki.



****


To Seth: Uy! Congrats ulit. Sayang, 'di kita na-i-greet in person.


"Beep..." Excited na binuksan niya ang message mula dito.


From Seth: Thank you. Okay lang 'yon. At least I got to see you naman.




Kyah!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!




****



"Nililigawan ka na ba niya?" Tanong sa kanya ni Lily. Ang best friend niya.


Malungkot na umiling ako.



"Well, we make a good friends." Matamlay na paliwanag niya rito.



"Good friends. E patay na patay ka nga sa kanya, tigalan mo ako diyan sa friends friends mo Treasure." Pagtataray nito sa kanya.



"Ewan ko ba friends, nalilito na ako. Para bang mas nainlove ako sa Seth na kachat ko kaysa sa Seth na kilala ko. Sana naman di'ba hindi lang hanggang friends diba?" Malungkot na pagtatapat niya.






*****




To SETH: Hi Seth. Gusto ko lang magpa-salamat sa lahat lahat. Goodluck sa laban mo mamaya. Usap naman tayo mamaya. Aasahan ko 'yan.



I was there.



Cheering for him.


Well, without knowing that I am cheering for the wrong person.


That I am dreaming for happy ending with  a wrong person.


Kasi sa chat lang pala may "kami".


Ito 'yung unang pagkakataon. Na nakita ko siyang seryoso sa paglalaro ng basketball. Na para bang alam na alam niya ng talo na siya. Salubong ang mga kilay niya at hindi niya na ipinapasa pa ang bola sa mga kasama niya.



Si SETH?


Nope.


Kalmado lang si SETH.



Siya ang tinutukoy ko.


Si BLYTHE.


One last minute. Tumingin siya sa akin bago pinagpapawisang inihagis ang bola sa may ring.


"Prrrt."


GAME OVER.


Natalo sila sa laban.


Kaya pala. Kaya pala. Kaso nagfocus lang ako kay Seth na nagawa pang pasagutin si Zyra.


Kitang kita ng kanyang dalawang mata ang pagluhod ni Seth sa harapan ng maraming tao.


Seth: Zyra, will you be my girlfriend?


Sabi ko na nga ba e.


Pakiramdam niya ang tanga tanga niya. Patakbo niyang nilisan ang lugar na iyon kasi ang sakit-sakit na.


Sana pala hindi siya nagtiwala ng basta basta. Umasa siya e. Umasa siya.


False alarm lang pala ng tadhana.


Ang tanga lang!



Blythe's POV


"Bro. Chinat mo si Treasure?" Salubong ang kilay ni Blythe ng makita ang chat ni Seth na naki-log-in lamang sa cellphone niya.


"Nagreply ba bro? May itatanong lang sana kasi ako e. Kaso nagreply naman na si pareng Luis." Sabi nito.


Napaismid naman siya sa sinabi nito.


Sana siya na lang ang kachat ni Treasure.


"Bro, nagreply. Anong sasabihin ko?" Kinakabahang tanong niya sa kambal.


"Bahala ka na. Hindi ba patay na patay ka naman kay Treasure? Magpanggap ka nalang na ako muna." Suhestiyon nito na kinagat niya rin.


That was the start.


Hindi niya naman sinasadyang manloko pero nagawa niya na.


Torpe kasi talaga siya.


Pero masakit pala kapag nalaman mong masaya siya hindi dahil sa'yo kundi dahil sa ibang tao.


Aaminin ko na sana talaga e, kaso huli na ng nabalitaan kong sumama na siya sa mama niya sa abroad.


That was the sad ending of my biggest lie.


I love you Treasure.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: