Send: 97 °

Thalia Chou

Puro kulitan lang ang naganap sa biyahe kanina! Wala talagang natulog sa biyahe lahat sila excited e! And finally! Nandito na kami sa Enchanted Kingdom!

Pinark na agad ni Alex 'yung sasakyan namin sa parking lot, siya kasi 'yung nag-drive. Excited na akooo!

Pumasok agad kami sa loob, at marami-rami na ring tao kahit 11 am palang. Syempre busog na kami, kumain ba naman kami habang nasa biyahe. So it means, rides na agad!

So unang pinuntahan namin ay ang carousel! Nai-excite ako, kahit mga dalaga't binata na kami nagc-carousel parin, hahaha! Ganyan talaga kalakas ang trip namin, tutal umaga palang din naman, wala pang masyadong mga bata ang sumasakay.

'Yung pinili ko ay 'yung white horse na may touch of blue, ang cute niya. Kaso na-stuck siya sa taas. Ang hirap naman maka-akyat dito.

Akala ko ba, pang-bata 'to ba't ang taas t---- "Ayy, si Sadako!" Jusko, akala ko kung sino. May humawak kasi sa bewang ko bigla.

"Let me help you," sabi ni James, then inalalayan ako maka-upo sa sit.

"Thank you."

Nag-start nang umikot ang carousel mahina, pero palakas ng palakas. Nakaka-hilo ah. Akala ko naman pang-bata talaga 'to. HAHAHAHAHAA.

Pagka-baba namin, "Sus, easy naman ng first ride natin! Walang thrill!" sabi ni Jasper.

"Jusko, Jasper! Dami mong reklamo! Maaga pa kaya masasakyan natin 'yan lahat! HAHAHA," sabi naman ni Denisse. Ang cute talaga nila, bagay na bagay sila. Silent shipper nila ako, hahahahaha.

Naramdaman ko nalang na may humawak ng kamay ko.

Napatingin ako kay James at nginitian nya lang ako. Ba't may hawak effect 'to si James? Hindi niya ba alam 'yung nararamdaman ko! Yumuko nalang ako kasi feeling ko namumula na 'yung mukha ko e. Kasi naman!

Pumunta naman kami du'n sa bumper car ba 'yun, since hindi naman masyadong mahaba 'yung pila. Napuno na tawanan ang place dahil halos nakaka-bungguan lang kami! Wala kaming pakialam, kung 'di kami marunong basta masaya! Ang nakakainis lang dahil trip nila kong banggain.Fishteaaa.

After ng ilang rides na sinakyan namin, kumain muna kami ng lunch since 3:00 pm na hindi pa kami kumakain.Masyado kaming nasiyahan! Mga 4:00 pm pumila na kami sa rio grande, dahil parami-rami na ang tao baka hindi kami maka-sakay.

Habang nasa-pila kami, nakakainis 'yung mga babaeng malapit sa amin! Masyado silang pa-cute akala mo naman mapapansin sila ng mga boys.

Nai-excite na ako, turn na namin! Buti nalang saktong walo kami kaya sama-sama talaga kami. 8 sits lang kasi ang meron sa isang ride. So bago magsimula, may photographer muna na nag-picture sa amin.

"Ready na ah. 1... 2... 3..." Binitawan na yung tali at omyghad!

"WAAAAAAHH!" First falls palang ako na agad 'yung basaaa!

"HAHAHAHAHA," lakas nilang maka-tawa shems! Next falls na! "WAAAHAHAHAHA!" Si Shane naman 'yung nabasa, sunod ay si Jasper, and si Denisse.

Puno ng tawanan ang tropa! Namamaos na ako kakasigaw! Pero 'yan na talaga 'yung pinaka-malaking alon!

"Sino kaya ang matatamaan ng falls na 'yun", sabi ni Shane, sabay turo ng isang kamay dun sa falls na yun.

Ayaaan na! SPLAAAAAASHHH!

"WAAAAAAHHHHHHHHHHH! BASANG BASA NA AKOOOO! HUHUHU AYOKO NAAAA!"

"HAHAHAHAHAHA"

Kung sinu-swerte ka nga naman! Ako lang naman ang nabasa ng tuluyan! Huhu, pati sapatos at medyas ko basa!

Buti nalang 'di namin dala 'yung gamit namin nakisuyo nalang, muna kaming ipa-bantay 'yun sa isang staff.

Binili namain 'yung picture kanina. Tigi-isang-kami bawat isa. Mahal din siya ah, 250 pesos isa! Pero richkid naman sila e. HAHAHA.

"Oh, Thalia okay ka lang? HAHAHA," sabi ni Shane. Ang daya talaga! Nabasa sila pero 'di naman masyado! 'Yung sa akin talaga 'yung malala!

Sinamahan ako ni James sa CR para maka-pagbihis ako. Buti nalang naisipan kong magdala ng gamit. Kasi 'yun talaga 'yung expected ko may mababasa! Pero 'di ko naman in-expect na ako 'yun! Peste. Kanina naka-pants ako ngayon nag-short nalang ako, basang- basa kasi 'yung pants ko eh
. Napaka-swerte ko ba naman.

Pagkalabas ko si James, nalang ang natira du'n.

"James, nasaan na sila?"

"Ahmm nag-solo na hehe."

"Ahhh."

Umupo kami sa may bench. Tiningnan ko lang saglit 'yung cellphone ko, pero...

"James? James? Nasaan na yun?"

Tiningnan ko ang buong paligid pero wala akong makitang James. Nasaan na kaya sila? Okay, sabi ko nga solo flight ako ngayon. HAHAHA.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top