Send: 73
Unknown Prince's
James:
Huyy patulong naman~
Jasper:
Ay wow. Akala ko ba gusto mong ikaw lang ang gagawa ng paraan?
Theo:
Kaya ngaa. Wala, wala.
Alex:
Ano ba 'yun?
James:
Nakakainis naman, nakakahiya!
Theo:
Takte, ano ba 'yun?
Jasper:
Straight to the point mo na kasi.
James:
Ano kasi, ano.
James:
Paano ba manligaw?
Theo:
HAHAHA TAKTE NAGBIBINATA NA SI JAMEEEES WOOHOOOO!
Jasper:
Akala ko kung ano na! Magpapatulong lang pala manligaw. Hina mo talaga, ligaw lang 'di ka pa marunong.
James:
Ok grabe naka-tulong kayo.
James:
Kahit tips lang o, sige na.
Alex:
Iba tama mo kay Thalia ah.
James:
e, kasi naman e.
Alex:
Pero manganda 'yan dapat ligawan mo siya. Hindi porket alam mo na gusto ka niya mapapa-sayo na agad siya.
James:
Kaya nga nanghihingi ako ng tips e.
James:
Ano ba 'yan! Huwag na nga nakahiya na talaga!
Jasper:
Sa amin ka pa talaga nahiya ah. Kami lang 'to.
Jasper:
Tulad ng sinabi ni Alex. Hindi porket gusto ka nya 'di ka na mag-eefort.
James:
Alam ko naman 'yun. :)
Theo:
Ipakita mong intresado ka sa kanya.
Theo:
Huwag mo na ulit gagawin 'yung pa-snob effect mo! Dami mong alam e, foul 'yun bro.
Alex:
Kadalasan gusto ng mga babae ang hinaharana sila, pwede mong gawin 'yun tawagan mo siya, pero mas maganda kung real life mo gagawin.
Alex:
Dapat sa gawa ka magaling hindi sa chat!
Jasper:
Huwag puro yabang!
James:
Grabe naman kayo sa akin! Mabait ako 'no!
Theo:
Talaga ba?
James:
.
Jasper:
Theo! Huwag mo ngang ni-aaway 'yan si Santiago! Manliligaw na nga e!
Jasper:
Joke lang, pero dapat 'wag kang maiinip dahil malay mo sa paghihintay mo worth it naman pala diba?
Theo:
Huwag kang susuko agad. Lahat naman kasi halos ng lalaki nanliligaw talaga bago napasa kanila 'yung gusto nila. :)
Alex:
Pero kahit anong mangyari. Tiwala lang!
James:
Salamat mga hyung! Ang bait niyo ngayon! HAHAHA.
James:
Ps. Gwapo ko talaga. ;)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top