Send: 66 °

Thalia Chou

Mag-isa akong naglalakad ako ngayon palabas ng school. Kasi napaka-sipag naman nila Shane at Denisse gumawa ng output hindi nila tinapos ng maaga, si Mina naman may valley class pa 'yan tuloy solo flight ako ngayon.

Sa paglalakad ko, biglang pumasok si James sa isip ko.

'Bakit kaya hindi na siya nagpaparamdam?'

'May nasabi kaya ako sa kanya na masama?'

'Narealize niya ba na panget talaga siya para makipag-usap sa katulad kong maganda?'

"Myghad," napabuntong hininga nalang ako, dahil sa mga naiisip ko.

'Siguro naiinis na rin siya sakin kasi gustong-gusto ko na makipagkita sa kanya?'

'Or nainis siya sakin dahil sa MeThal thingy na 'yun. Kagagawan din naman kasi nina Shane e, daming learn.'

Kailan ko kaya siya makikita?

Habang naglalakad ako pauwi naramdaman ko na may napatak na tubig sa balat ko. Tumingala ako at omyghad, paulan na! Agad kong binuksan 'yung bag ko at hinanaap 'yung payong ko. Hala, kung minamalas ka nga naman, wala akong dalang payong!

Agad kong binuklat ang panyo ko at sinubukang panlaban sa ambon. Tumatakbo na ako ngayon at sinusubukang mag-hanap ng waiting shed kung meron 'man, pero parang sa pag-takbo ko lalo pang nalakas ang ulan, hala!

Narealize ko na kahit anong takbo ko at hanap ko ng waiting shed ay basa na ako. Wala na! Since basa narin naman ako ngayon maliligo nalang ako.

Ngunit hindi ko alam sa sarili ko parang sa pag-buhos ng ulan ay siya ring pag-buhos ng luha ko. Bakit ba lagi nalang akong nasasaktan? Bakit ba binabalewala nalang lagi ang feelings ko. Nakakatawa naman, ngayon pa ako nag-drama, sumabay pa sa ulan. HA, HA, HA, nakaka-peste lang.

"Magkakasakit ka sa ginagawa mong 'yan," dali dali kong pinunasan ang luha ko, kahit basang basa na ako. 'Wa epek.

Narinig ko na nag-salita 'yung lalaki, pero tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad nang biglang hawakan ng lalaki ang braso ko at hinila ito palapit sa kanya.

Napatigil ako sa ginawa niya at bigla akong pinayungan.

"Huwag ka ng aalis."

Magkatabi kaming dalawa ngayon habang ako ay basang basa na nakikisilong sa kanya. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya, nang bigla niyang sabihin...

"Uso kase magdala ng payong," hindi agad ako nakapagsalita at napatitig na lamang sa kanya.

Namumukhaan ko siya. Siya 'yung lalaki na kasama ni Theo sa UTMT. Mas gwapo pala siya sa malapitan 'how to be yours po' joke lang.

Myghad ang gwapo pala talaga niya. Ang tangos ng ilong, matangkad, maputi, tapos yung lips niya... omyghaaad! Kamukha rin siya ni Jungkook! 'Yung asawa kooo~ Charought.

"Ganon na ba talaga ako ka-gwapo para titigan mo?" sinabi niya 'yun sabay nag-winked siya sa akin. Aba mahangin, pero ang cute niya banada du'n.

"Excuse me sino ka ba?" nai-iritang tanong ko sa kanya.

This time siya naman itong nakatitig sa akin at parang baliw na tumatawa sakin ng mahina.

Parang nahiya naman ako dahil nakikisilong na nga lang ako tapos nag-iinarte pa ako. Sorry naman.

"Hindi ako sino ka, inire ako," natatawa niyang sagot sakin. Takte! Nagulat ako ng literal, hindi ko in-expect.

"Aba barbero ka ah!" sabi ko sa kanya. Hindi ko napigilang sumigaw kahit ang lakas lakas na ng ulan.

"Student palang po ako," sabi niya ng naka-ngisi. Nakaka-inis! Ang pilosopo.

"Oh?"

"Opo, opo," sabi nya na parang tuwang tuwa na naiinis ako.

"Tama na nga!"

"Hindi naman po tayo naglalaro~"

"Ano ba naman 'yan nagtatanong ako ng maayos."

"Sumasagot din naman po ako ng maayos."

"Aba sa tingin mo maayos na 'yang sagot mo?" hindi ko alam kung ano na ang magiging reaction ko ngayon sa pagka-sarcastic ng lalaking 'to. Ano na kayang itsura ko ngayon?

Badtrip expression, plus basang basa pa, myghad!

"Opo. Opo," nakangiting sagot niya sa akin. Mukhang proud na proud pa siya na pabalang siya sumagot, ayoko na aalis na ako!

"Shut up! Nakaka-inis ka, aalis na ako!" Aalis na sana ako nang marinig ko siyang nagsalita.

"Mianhae Thalia," wait, what?!

"Wait kilala mo ako? Excuse me do I know you? Please this time sumagot ka naman ng maayos," naiinis na talaga ako. Naulan na nga, tapos bina-badtrip pa ako ng stranger na ito, kung saan nakikisilong pa ako.

"I'm James Jeon," natulala ako sa sinabi niya at natigilan. James Jeon? 'Yun 'yung ka-chat ko na ngayon hindi na nagpaparamdam. 'Yung ka-chat ko na gwapo daw 'kuno'. 'Yung ka chat ko na--- nevermind. Omyghad! Masyado akong nagulat sa kanya.

"James?!" nag-nod siya bilang pagsang-ayon.

"As in?! JAMES?!" gula
at na gulat kong sabi. Ang OA, pero nagulat talaga ako!

"Yes. Hi Thalia," nag-wave, tapos ngumiti na akala mo wala nang bukas.

"T-teka uyy, James hindi ka naman nang-iinform. Kilala mo akooo!"

Tinawanan nya lang ako at sinabing...

"Tara na uwi na tayo baka magkasakit ka pa diyan. Oh, dalhin mo na 'tong payong," sabi niya sa akin. Hindi ko pa sana aabutin pero hinawakan niya na mismo 'yung kamay ko.

Bumilis bigla 'yung tibok ng puso ko, masyado akong na-freeze to think na basang basa pa ako. Bakit ganito?

Nakita kong kinuha niya ang isa pang payong sa bag niya at nagpaalam sa akin. Naiwan akong naka-tulala dahil sa mga mabilis na pangyayari. Myghad, hindi ko ini-expect na makikita ko siya dito.Napahawak ako ng mahigpit sa payong at napangiti nalang.

Napasulyap ako sa kanya. Totoo nga, gwapo nga siya,naniniwala na ako. Bonus pa, kamukha pa ng asawa ko na si Kookie baby~

"Kamsahamnida~" bulong ko at nag-simula ng maglakad. Hindi ko maiwasang ngumiti ng todo, wala parang kanina lang ang lungkot ko, tapos sa isang iglap, feeling ko ang saya ko na.

Bakit ganito? Ang lakas naman ng impact.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top