PROLOGUE

*Haysss sa wakas 1st year college na ako* nakangiting, habang sinasabi ni bia sa kanyang isip. Tuwang tuwa siya dahil sa wakas pagkatapos ng anim na taon sa high school ay makakapasok na siya sa school na kanyang matagal nang pinapangarap.

Nakangiting pumasok sa loob ng university si bia, habang ang kaibigan niya ay kanina pang naghihintay sa kanya sa loob ng building.

"NEW SCHOOL NEW LIFE BWAHAHAHA!" Hindi niya napigilan ang sarili na hindi mapasigaw kaya lahat ng tao ay napatingin sa kanya. Napatawa nalang siya at sabay takbo.

AFTER TWO MONTH

"Ha....ha....ha... Ta-tapos na prelim natin sa wakas" tila gusto nang umalis ng kaluluwa niya sa kanyang katawan dahil sa pinagdaanan niya nitong week. Isa siya student ng BS ARCHITECTURE.

Ang akala niya na madali lang ang buhay niya sa course na ito pero duon siya nagkakamali hindi naman sa tamad na tao siya. Napasubok lang talaga siya.

"Bwahahahhahahaha" ayan nanaman siya sa kanyang pagtawa kaya agad siyang binatukan ng kaibigan niya.

"Ano ba bia nakakahiya ka!" Pagrereklamo nito. Nagpaawa effect naman si bia na parang binubully siya ni Yuu. Agad siyang lumapit kay Ren para magsumbong.

"Kuya ren oh si yuu inaaway nanaman ako" Hindi nalang eto makapaniwala na college na talaga ang kaibigan niyang si Bia dahil sa inaasta niya ngayon. Well ganon naman talaga si Bia noon pa pero nasa utak ni Ren na mag mamature na kahit kaunti ang kaibigan niya ngunit nagkakamali ito.

"Ano ba iyan bia! Tama na nga iyan. Alam mo stress ka lang sumama ka saamin!" Ngumiti ang binata sa kanyang kaibigan at sumenyas na iinom sila.

Agad naman nilayo ni yuu si bia kay ren dahil sa binabalak nito kay bia.

"Hehehehehe maganda yan" at ayun nadem*nyo naman siya ni ren.

"Ano ba bia, mapapagalitan ka ni tita pati isa pa kailan kapa nagumpisang uminom?" Nagtatakang tanong ni yuu.

"Ha? Hindi naman ako iinom eh ako ay MAGTATAKAWAN YES YES! YOU HEAR IT!" Sabi niya habang nagsasayaw pa siya ng kung ano ano na para bang proud pa siya na magtatakawan siya.

Sumama nalang si yuu para masiguradong na ligtas si Bia kay Ren. Dahil alam nito na isa ding g*go ang kaibigan nilang lalaki.

4 HRS LATER

"HEK! HEK! HEK!" Isang bia na pagewang gewang habang nagsasayaw nanaman.

Habang ang dalawang niyang kaibigan na nanunuod lang sa kanya mula sa likod niya.

"Akala ko ba pipigilan mo siya?" Nakangising sabi ni Ren sa kanya.

"Kasalanan ko pa? Nagcr lang ako saglit tapos ano pagkabalik ko ayan at lasing na! Bat kasi hinayaan mo siya eh!" Nakataas na ang dalawang kilay ni yuu dahil sa inis niya kay Ren. Kahit magkaibigan sila hindi parin sila ganon kaclose or sabihin nalang natin na hindi talaga sila magkaibigan kundi kaibigan nila si bia.

Kung hindi lang kasi kay bia ay hindi sila magtitiis na makita ang isa't isa.

"Ano ba iyan! Bia saglit lang!" Sigaw niya, dahil masyado nang nakakalayo si bia.

"Huy bia magsorry ka nga, hindi ka nagiingat yan tuloy may nabangga kana!" Napabisangot naman ang kaibigan niya sa kanya.

"S-sorry po hekhek" sabi niya ngunit nasa kabilang direksyon siya kung saan wala naman yung nabangga niya. Agad naman siyang hinarap ng kaibigan niya para sabay sila mag sorry.

"Okay lang" sabi ng binata sa kanila at saka siya umalis.

"Sa susunod wag ka nang sasama kay Ren! Yan napainom ka ng hindi oras, hindi ka naman sanay!" kahit anong putak niya kay bia ay hindi naman eto nakikinig sa kanya dahil abala ito sa kanyang sariling mundo at tuluyan nang nawalan ng malay dahilan para mapahiga sila sa lapag.

------------

To be Continue...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top