1 ♧ Second Encounter
(VICTORIO)
*Pag nga naman minamalas ka!*
Napakamot nalang siya sa kanyang ulo habang nakatingin siya sa kanyang damit na nadumihan ng babae nakabangga sa kanya kanina.
*Hindi ko mahanap yung bahay ni tita tapos eto pa nangyari saakin haysss bwisit! Pasalamat siya at may kasama siyang magandang babae kung hindi yung lasinggerang iyon nailublob ko na sa malamig na tubig bwahahahhaha*
*Sa kasamaang palad nawalan pa ako ng load at mahina ang signal dito. Gabi na kaya anong gagawin ko?*
2 HRS LATER
"Oh Vic nandyan kana bakit ginabi ka ata" salubong sa kanya ng tita niya.
"Paano naman kasi ma naligaw ba, kung hindi sana ako lumabas edi sana hindi ko siya nakita" sabi ng kanyang pinsan.
"Ano nga pala sabi ng mama mo tungkol dito?" Sa pagkakaalam kasi ng tita niya na tutol ang nanay ni victorio sa pagtira niya sa bahay ng tita niya.
"Syempre hindi niya alam hahahha tumakas lang ako eh" proud pa siya sa ginawa niya, kaya may lumipad kaagad na libro sa kanyang mukha. Kaya napasigaw siya sa sakit ng impak nito sa kanyang mukha.
"Ano ba yan tita talagang magkapatid kayo ni mama. Pati dito may lumilipad eh" pagrereklamo niya habang chinecheck niya kung ayos pa ba ang kanyang ilong hahhahaha.
"Sumunod ka nalang saakin sa taas, dadalhin ko na ang mga gamit mo" sabi ng pinsan niya at saka siya pumunta sa taas. Naiwan siya dahil kakausapin pa siya ng tita niya.
------------
"So anong sabi sayo?" Bungad kaagad sa kanya ng makapasok siya sa loob ng kwarto ng kanyang pinsan.
"Okay lang daw basta magsabi daw ako kay mama. Eh paano ko nga sasabihin hindi ko nga nakakausap yung tao. Nga pala paconnect naman sa wifi ninyo. Naubusan na kasi ako ng load hahahhaha" Hinagis niya sa kanyang pinsan ang kanyang phone at saka siya pumuntang cr para makapag palit.
*Sana matanggal et...
Wait saglit lang....
Bakit parang...*
Inamoy niya yung damit kung tama nga ang hula niya.
"Sh*t*!" Napasigaw nalang ito dahil suka nga ang dumi na nasa kanyang damit. Hindi niya napansin kaagad ito dahil hindi naman nangamoy kanina.
"Oy! Vic okay ka lang dyan?"
"Ah oo, palabas na ako"
Hindi nalang niya sinabi kung anong dahilan kung bakit siya napamura kanina sa cr.
"O phone mo. Sinabi mo ba kay keya na nandito ka?" Napatigil si vic sa tinanong ng kanyang pinsan. Nagdadalawang isip siya kung sasabihin nga niya kag keya.
"Hindi pa" maikling sagot nito at sabay higa.
"Dapat nag sabi ka manlang sa kanya, pinagaalala mo yung tao" *pwede naman siya yung mag sabi, pati isa pa hindi naman mahilig mag chat ang babaeng yon*
Hindi nalang siya sumagot at nag fb nalang siya. Napakunot ang kanyang noo ng mapansin niya yung nag message request sa kanya.
*anong kalokohan ito?*
*kilala ko ba siya? Kailan pa naging V ang pangalan ko?*
"Stupid"
"Nagsasalita ka nanaman mag isa"
"Ano bang ginagawa mo? Gabing gabi na ah" *maiba naman ang topic heheheheh*
"Nagaaral syempre"
"Ah oo nga pala top studeng pala etong kausuap ko hahaahha" pagbibiro niya sa kanyang pinasan.
"Kung nagaaral ka kasi ng mabuti edi sana top student kadin. Ayaw mong tumino eh" ayan ang napala niya nasermonan pa siya.
"Oo na oo na, bukas aayusin ko na buhay ko tutal college na ako"
"Siguraduhin mo lang, mahirap ang buhay ng college" Mas matanda kasi ang pinsan niya ng isang taon at 2nd year na ito sa kursong Med tech habang siya naman ay 1st year student ng BS Archi.
"Opo heto na po oh tutulog na" Natulog nalang siya kahit ayaw pa niya kaysa sermonan pa siya ng kanyang pinsan.
---------
(BIANCA)
*ang sakit ng ulo ko ah*
Kinuha niya ang phone na nasa tabi lang niya para tignan kung anong oras na.
Napalaki nalang ang kanyang mata ng 10am na ng umaga.
Napatayo siya kaagad ngunit nahilo siya. Nakalimutan siguro niya na nakainom siya kagabi.
"Ano ka ngayon. Masakit pa ba ulo mo?" Napatingin siya duon sa nag salita at si yuu, sakalang niya napagtanto na nasa kwarto pala siya ni yuu.
"Hindi na po ako uulit, masakit sa ulo hahahha" napapatawa nalang siya. Ngunit kailangan niyang pumasok kahit may hangover pa siya.
"Tae seryoso ka ba na papasok ka sa kalagayan mo ngayon?" Nagaalalang tanong sa kanya ng kaibigan niya. Habang siya naman ay nakahawak lang sa kanyang ulo.
"Oo need ko pumasok ngayon huhuhuhuhu isang beses nga lang ako umattend ng club aabsent pa ba ako" pagpapaliwanag niya habang hinahanda niya ang mga gamit niya.
"Sabihin mo isang beses mo lang siya makikita" nakangising sambit ng kaibigan niya, kaya biglang namula ang tenga nito dahil alam niya ang tinutukoy ng kanyang kaibigan.
"Oy hindi kaya, talagang ayaw ko lang umabsent alam mo naman gaano ko kamahal ang art club" pagdadahilan niya at saka siya umalis, hindi na niya hinintay pa ang sasabihin ng kaibigan niya. Dahil kung ano pang pangasar ang sasabihin nito sa kanya.
Pagkababa niya ay nakasalubong niya yung kapatid ni yuu si leo.
"Hi!" Bati niya ngunit tumakbo lang ito. Hindi na bago kay bia ang ginawa ni leo dahil kapag nagkasalubong sila sa loob ng bahay ay tumatakbo na ito. Pag minsan naman hindi pa nakakapag salita si bia ay tumatakbo na kaagad ito, na para bang multo si bia.
--------
(VICTORIO)
"Ano baiyan insan ganto ba sa school ninyo. Parang ngayon lang sila nakakita ng pogi" pagmamayabang nito. Paano naman kasi kanina pa sila pinagtitinginan. Well ang kasama lang naman ni Vic ay ang top 1 hot student ng Med tech.
"Masanay kana, bilsan mo nga at baka malate pa ako sa first subj ko" pagmamadali nito.
*mukha na siyang libro. Lagi nalang seryoso, kung ako sa kanya ieenjoy ko muna college life ko*
-----
"Ha??? Walang pasok ngayon? Eh anong gagawin ko?" Tanong nito sa kanyang pinsan.
"Edi kung gusto mo hintayin mo ako o kaya umuwi kanalang alam mo naman kung paano umuwi diba. Sige na at baka pumasok na yung prof namin" magsasalita pa sana si vic pero nakapasok na sa loob ng classroom ang pinsan niya.
"Gumising pa ako ng maaga para sa wala" bulong niya sa kanyang sarili *anong gagawin ko nga? Makapag libot nalang muna*
Nakapamulsa habang nililibot niya ang university.
*Wala manlang bang maganda dito hahahahha. Mukhang kailangan ko nang masanay sa mga mata n-*
Napatigil siya saglit sa paglalakad dahil may bungga sa kanya.
"Ay sorry po sorry po!" Sabi nito at nagmadaling umalis na ikinainis naman si vic sa ginawa noong babae. Naalala kasi niya yung nangyari kagabi.
*mga bulag ba ang mga tao dito? Hindi maalam tumingin sa dinadaanan nila. Tsk*
Naisipan nalang niyang umuwi dahil nawalan na siya sa mood na tapusing libutin ang university.
---------
(BIANCA)
"Uy bat ngayon ka lang?" Bulong sa kanya ni anna, ang kaseatmate niya.
"Nalate kasi akong nagising" nahihingal na sabi niya. Buti nalang at kasabay niya ang prof sa pagpasok ng classroom.
Pagkatapos ipaliwanag ng prof nila ang gagawin ngayon, saka nila nilabas ang kanilang materials.
*bakit parang may mali?*
Tanong ni bia sa kanyang sarili habang kinakalkal niya ang loob ng bag niya. Saka lang niya napagtanto na hindi niya pala bag ito at kay yuu.
"Patay kang bata ka. Maling bag ang nadala ko" hindi manlang niya ito napansin kanina dahil sa pagmamadali at gawa narin sa sinabi ng kaibigan niya sa kanya.
"Uy bia bat hindi ka pa naguumpisa?"
"Nakalimutan ko kasi gamit ko he he he" nakangiting sabi niya kay anna. *mukhang hindi ako makakagawa ngayon*
"Eh paano yan wala kasi akong extra dito. Kaya hindi kita mapapaheram pasensya na" alam naman niya na kahit may extra ang ibang classmate niya ay bawal paring mangheram isa iyon sa rules ng prof nila si Miss Lin.
*titigan ko nalang ba ito hahahha*
"Hi!" Napatingin siya duon sa nagsalita kahit ang iba na naguumpisa nang gumawa ay napatigil para makita ang mkagandahan ng dilag na nasa harap ngayon ni bia.
"Bianca right?" Tumango lang siya.
"Napansin ko kasi na parang wala ka atang gamit. Heto oh pwede mong gamitin yung akin tutal tapos na ako sa pinapagawa ni Miss" tila ba parang nahulog na anghel si Mira para kay bia. Hindi na niya ito tinanggihan dahil kailangan na niyang magumpisa.
"Maraming salamat ibabalik ko kaagad ito sayo mamaya" nakangiting sbai ni bia kay mira at saka ito umalis.
"Uy buti nalang at pinahiram ka niya. Akalain mo close pala kayo?" Nagulat siya sa tinanong ni anna.
Kahit siya naman ay nagulat na pinahiram siya ni mira ng gamit, kahit alam naman ng lahat kung gaano kabait ni mira. Pero syempre ang ilan nag sasabi na mabait lang ito kapag close mo.
"Nako hindi halos ngayon lang kami nagusap eh. Buti nga kapag sa kanya hindi bawal mangheram o magpaheram siya. Iba talaga kapag magaling ka sa drawing" hindi naman sa hindi siya magaling magdrawing. Iba kasi ang level ni Mira pang professional na.
"Ah ganon ba.." yan lang ang nasabi ni anna, at saka nagumpisa si bia.
---------
"Hala! Ako nalang pala ang nandito" *tae mo talaga bia masyado kang nakafocus sa ginagawa mo hindi ko manlang namalayan na nakaalis na yung iba. Kailangan ko nang tapusin at ipapasa ko pa ito kay miss bago mag 5. Hala!!!! 30 min nalang*
Natataranta na si bia dahil hindi pa siya tapos sa ginagawa niya may 30 min nalang siya at ang layo pa naman ng faculty sa art club.
*okay let's do the bia magic*
Ang bia magic na tinutukoy niya ay ang 10 min na paspas sa pagagawa.
"Nice! Bwahahaahha tapos nadin ako. May 15 min pa ako" kinuha na niya agad yung canvas at saka siya kumaripas ng takbo ngunit sa paglabas niya ay may nabangga siya.
*bakit ba parang lagi nalang akong may nababangga*
"Sorry po sorry po" hindi manlang siya tumingun sa nabangga niya at saka uli siya tumakbo. *hindi naman siguto siya nasaktan* lumingon siya para icheck, napakunot nalang ang kanyang noo dahil sa nakita niya.
Hindi masyadong malinaw dahil nga sa tumatakbo siya pero parang masama ang tinggin ng taong nabangga niya.
----------
To Be Continue...
Nov 21 2020
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top