90
Venus' POV
"Ma.." sabi ko at nagpadyak padyak papunta sa sofa. Tumabi ako kay mama at humiga sa lap niya. Hinagod hagod niya naman yung buhok ko.
"Ang pangit mo, nak. Kapangitan lang talaga ang namana mo sa tatay mong ungas, hays."
"Ma naman.."
"Ano ba drama mo nak?"
"Ma kasi.."
"Ano nga? Mama mo ako, huwag ka mahiya sa akin. Maiintindihan naman ni mama kung wala na ang iyong pagkabirhen, you know."
"Ahh! Mama naman! Hindi ganon!"
"Eh ano nga?"
"Kasi ma.. hindi ko alam bakit kailangan ko masaktan ng ganito.." ewan ko ba bakit naiiyak ako, ponyemas.
"Masaktan? Saan? Doon ba sa status relationship ni Kean? sus, kita ko nga comment mo dun eh."
"Ma.. iniwasan niya na lang ako bigla. Hindi ko alam yung dahilan o hindi lang ako sigurado na iniiwasan niya talaga ako. Ma, hindi niya na ako chinachat simula nung nagsyota siya.."
"Oh? Ano problema dun? Hayaan mo siya magpakasaya nak."
"Ma naman ih! Mahal ko na siya!" sabi ko at nagpapadyak padyak sa sofa. Ayun, pinalo ni mama yung noo ko. Masakit..
"Ayan! Tanga tanga mo kasi! Ay nako!"
"Alangan namang sabihin kong mahal ko siya, ma? Eh hindi naman ako sigurado kung mahal niya rin ako.. atsaka isa pa.. may girlfriend na siya tapos lagi niya pa binibisita sa offic—"
"Ka-office mate moooo?!"
"Aray naman ma! Opo.."
"Ay sobrang tanga ka talaga nak. Gigil mo talaga ako."
"Ma naman, damang dama ko na yung pagiging tanga ko. Huwag mo na ho ipamukha." sabi ko at napaiyak na naman.
"Alam mo nak, kung una palang kasi ay inamin mo na edi sana ikaw na yung girlfriend ngayon. Aish, ewan ko ba at pati katangahan ng tatay mo eh namana mo."
"Ma, ang sama mo kay papa.."
"Totoo naman eh. Alam mo ba yang tatay mo eh ang dami daming babae bago tumino?! Tanga tanga din kasi pinagpalit ako sa iba." Hays, nakakaiyak talaga si mama, pisti. Pero ano na gagawin ko? Wala, tutunganga na lang kasi wala namang mangyayari kahit umamin ako.
Kahit pa gaano mo kamahal ang isang tao, kung hindi naman ikaw ang kanyang mahal, balewala pa rin lahat. Walang mangyayari. Aasa't aasa ka sa wala. Hindi mo pwedeng pilitin ang isang taong mahalin ka lalo na kung pagmamay-ari na ng iba.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top