79

Kean's POV

"You look pale, Key. Are you okay?" tanong ni mama at kakapain sana ang noo ko pero nilayo ko agad ito.

"Huwag mo ko hawakan ma. Mainit talaga yan dahil hot ako." sabi ko na lang at sinubo ang pagkain.

"Klaire, saan ba nagmana ang batang ito?" tanong naman ni lola.

"Sa inyo talaga ako nagmana la eh."

"Ang pangit mo kaya, apo."

"Kaya nga sa inyo ako nagmana eh."

"Oh ma— awat na." pag-awat naman ni mama kay lola. Babato kasi sana sa akin ni lola yung ubas na nakahapag sa mesa.

"By the way, how's Venus? Hindi na ata siya napapalagi sa bahay." tanong bigla ni lola na ikinasamid ko.

"Busy siya, la. Sige po, tapos na ako kumain. Goodnight ma and la." at tumayo na ako. Pumunta na ako sa higaan ko pumikit.

***

"

Key, open the door."

"Open yan ma!"

Tinignan ko lang ang pintuan at bigla itong bumukas. Ano kaya sadya ni mama? Nagulat na lamang ako ng makita ko si Venus sa likod niya.

"T-tombs?" paninigurado ko kasi baka mamaya napapraning na lang ako.

"Sige po tita, salamat po. Maiwan niyo na lang po muna kaming dalawa." rinig kong sabi nito kaya napaupo ako sa kama ko. Nandito nga siya, hala! Umalis naman na si mama at iniwan kami ni Venus sa kwarto ko.

"Ano ginagawa mo dito?"

"Binibisita ka. Sabi mo kasi masama ang pakiramdam mo—"

"Hindi mo naman kailangan eh. Mamaya napano ka pa sa daan, tsk."

"Pakita nga kung nilalagnat ka— ang arte mo." inilayo ko kasi yung noo ko ng sasalatin niya sana ito.

"Huwag mo na hawakan. Hindi naman lagnat 'to, natural na sa akin ang hot."

"Eh kung sakalin na kaya kita? Sige na kasi." Sumasakit na rin ang ulo ko kaya inilapit ko na ang noo ko. "Kita mo, ang taas taas ng lagnat mo. Teka lang, kukuha lang ako ng bimpo sa baba."

Hinawakan ko yung kamay niya kaya napatingin siya agad sa akin. "Bakit? May ipapakuha ka pa ba?" tanong niya.

"Hindi ka pa ba uuwi? Baka gabihin ka."

"Dito na lang muna ako matutulog. Niyaya din kasi ako ni tita dito kanina bago kita ichat. Sandali lang."

Bakit ba pumunta pa siya dito? Ang kulit ni mama, hays. Hindi ko rin alam kung bakit bigla akong nilagnat. Siguro dahil naulanan ako nung isang araw.

Humiga na lang ako ulit at pumikit kaso biglang tumunog ulit ang pinto kaya nadilat na naman ako ng mata. May dala siyang bimpo at maliit na palanggana na may lamang tubig. Umupo siya sa gilid ko at pinagmasdan ko siya sa ginagawa niya.

Hindi ko alam pero bakit nagagandahan ako sa kanya? Bakit biglaan? Eh dati lang pangit na pangit ako sa mukha niya. Wala pang hinaharap.

"Huwag mong aalisin ito sa noo mo ha?" bilin niya at inayos ang bimpo sa noo ko. Tinitigan ko siya kaya naman napatigil siya sa ginagawa niya. "Bakit mo ako tinitigan? Nagagandahan ka na naman sa akin, tsk."

Wala akong sinagot kundi ang malalim na titig lang sa kanya. This the first time I stared a girl. Mali, hindi nga pala siya babae. Pero kahit na. She's beautiful and I find her attractive. Puta, ako pa ba 'to? I think someone's controlling me.

I held her chin and looked at her eyes. Hindi rin niya tinatanggal ang titig sa akin and bigla niya na lang pinalo ang kamay ko. "Gago ka, huwag mo akong titigan! Kinikilabutan ako!"

"You're so gorgeous and you're driving me crazy. Sh*t, you're lips are turning me on." She was about to complain but I hissed. I held again her chin and let my lips kiss her.

I can see it on her face na para bang nagulat siya sa ginawa ko. Hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa ang bagay na 'to. Hindi kaya natukso lang ako? Mali ang ginawa ko. Hinalikan ko ang taong hindi deserve ang bagay na yun. A girl like her deserves to be respect.

Inalis ko din ito agad at nilihis ang tingin sa ibang side. Napansin kong ganun din naman siya. Katahimikan ang bumalot sa kwarto kaya binasag ko din 'to.

"I'm sorry— I thought you're Natadia." palusot ko na lang. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"A-ayos lang. Uhm sige bads ah? Punta na ako sa kabilang kwarto niyo. Magpagaling ka." sabi nito at agad lumabas sa kwarto. F*ck, bakit ganon? Iba yung naramdaman ko nung hinalikan ko siya? Hindi siya basta halik lang eh. Magkaibang magkaiba sa nararamdaman ko sa ibang babae. Lahing impakta talaga siya, hays.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top