72

[ s h o r t n a r r a t i o n ]

Kean's POV

"Fa, may tatanong na ako." agad na sabi ko pagkaupo na pagkaupo namin ni Theron.

"Ano ba yan at parang naaatat ka?"

"Teka lang, mag-order muna tayo. Can we have some wine, miss?" sabi ko at tumingin ulit kay fa.

"Ano na?"

"Fa, ano na sa tingin mo nakakaattract sa akin?" tanong ko at umayos ng upo. I cleared my throat and wait him to answer pero tinitigan niya lang ako. "Hoy fa! Ano nga?"

"Pwede bang bigyan mo ako ng 5 minuto para isipin ang sagot sa tanong mo?" Aish!

"Oo na!" uminom na kami at dumating na rin ang limang minuto kaya tinanong ko ulit siya.

"Fa, ano nakakaattract sa akin?" sabay pikit kunwari ng mata para malupet pero tinitigan niya lang ulit ako. "Huy fa! Wala bang nakakaattract sa akin? Sa mukha ko? Sa kakayahan ko? Sa ugali ko?"

"Bigyan mo ko ulit ng 20 minutes fa. Nahihirapan akong hanapan ng sagot 'yang tanong mo." napanganga na lang ako. Napakaimposible niya!

"Miss, 10 bottles of wine pa nga. Salamat!"

***

"Fa *hik*nahanapan mo *hik* na ba ng sagot *hik* yung tanong *hik* ko?"

"Fa, hirap naman ng tanong mo." Naiiyak na ako letche. Tatlong oras na ang binigay ko pero wala pa rin siyang sinasagot ni isa at naka 30 wine na rin kami.

"Fa, hayop ka. Wala kang kwenta huhu." sabi ko. "Nilibre kit para lang sa tanong na yan tapos tinitigan mo lang ako ng tatlong oras? Isa kang alamat!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top