63

Kean's POV

Pota, naeexcite ata ako? Hindi ko alam pero habang nasa trabaho ako eh parang gusto ko na agad matapos yung ginagawa ko? Normal pa ba ako nito? Tapos ngayon naman, mukha akong tangang nakangiti habang nagmamaneho dahil sa hindi ko malamang dahilan.

Papunta na ako kila tita Vanessa kasama ang binili kong pagkain para sa kanila. Nakakahiya naman kung makikikain na lang ako basta basta. May good manners ata 'to. Gwapo pa.

Nagpark lang ako saglit at agad ng bumaba. Kumatok ako sa bahay nila at bumukas naman agad ang pinto. Iniluwa nito si tita Vanessa.

"Oh ijo, ikaw pala." bati ni tita.

"Haha, tita tala—"

"Ma, sino yan?!" napatingin kami pareho sa nagsalita at nakita ko si Venus na nakapajama at nakalongsleeve na pangtulog. Napatigil naman siya bigla. "Bads?!" gulat niya tanong.

"Hi tombs." sabi ko at kinindatan siya. Agad agad itong lumapit sa akin sa gate at tinignan ng masama ang mama niya.

"Ma, pinapunta mo ba siya dito?!" nagdadabog niyang tanong. Hays, ang cute niya. Mukha siyang bibe.

"H-Hindi ah! Nagulat nga rin ako at nandito siya eh. T-Teka, ikaw siguro nag-imbita sa kanya noh? Akala ko ba anak ayaw mong maistorbo siya sa work niya? Ikaw ha, hindi mo man lang pinagpahinga yung kaibigan mo. Pinadiretso mo agad dito." hindi ko maintindihan yung mga nangyayari. Napanganga naman si Venus dahil sa sinabi ni tita.

"Hindi ko nga chinat yan ma eh."

"Eh sino nag-imbita sa kanya? Aba, hindi ako."

"Ako na lang po nag-imbita sa sarili ko para hindi nakakahiya." pagsingit ko sa usapan nila. Tumingin naman sa akin ni Venus.

"Sino ba nagpapunta sayo dito?"

"Wala. Masama bang dumalaw?"

"Bakit? Regla ka ba para dumalaw— A-Aray naman ma!"

"Ganyan ka ba magbisita, anak? Ang baboy mo."

"Hindi naman ikaw ang dinalaw ko tombs, okay? Si tita kaya."

"Ayie, ako daw! Halika ijo at pasok ka. Ano ba yang dala mo?" at hinila na ako ni tita papasok sa bahay nila. Naiwan namang tulala si Venus sa labas.

"Pagkain po para sa inyo."

"Nako, salamat."

"Bads, hindi ka pa uuwi? Baka hinahanap ka na ni lola mo."

"Nagpaalam ako, huwag ka mag-alala."

"Baka pagod ka?"

"Kaya nga ako pumunta dito kasi pagod ako eh." sabi ko at sumandal sa sofa. Tumabi naman siya.

"Ano connect?"

"Kapag nakikita kita nawawala pagod ko." At ayun, binato niya sa mukha ko yung unan.

"Sinusumpong ka na naman ng sakit mo." sabi nito at nagwalk-out. Nanlaki naman ang mata ni tita.

"May sakit ka ijo?! Ano?!"

"Kalandian, ma." singit ni tombs at nag-ayos na ng pagkain sa kusina. Pota, bakit masakit kapag siya na ang nagsabi?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top