53
Kean's POV
Nandito ako ngayon sa isang napakaruming kwarto at naglilinis. Ano ba kasalanan ko kay lola at pinapahirapan ako ng ganito? Galit ata siya sa mga pogi eh, hays.
Binuhat ko na yung ilang box na medyo maalikabok at dinala sa storage room. Madami pang aayusin, hays. Ayaw din naman ni lola na tulungan ako ng mga katulong kesyo gawaing lalaki daw ito.
"Ang tagal mo naman linisin yan apo?"
"La naman, ang laki laki nung kwarto. What do you expect?" maarte kong tanong. Magmukha na akong bakla pero nakakalaro na ako ng lol kaya ko ginagawa 'to.
"Alam mo apo, kung mahal mo talaga ang girlfriend mo or I should say 'siya', kakayanin mo lahat. Madali man o mahirap. Naggirlfriend ka diba? Ginusto mo yan kaya kayanin mo." sabi ni lola at hinagis sa akin yung bimpo na sumapol sa mukha ko. Si lola talaga eh. Damang dama ko pagmamahal niya, putsa.
"La, patulong na ako sa mga katulong? Anong oras na rin oh. Maliligo pa po ako para sunduin si Ven." sigaw ko na ikinatango naman ni lola. Naeexcite na naman siya kay Ven. Ano kaya ginawa ni Ven dito at naging ganito kabait ang lola ko? Samantalang dati eh hindi mo man lang magawang kausapin siya kasi akala mo nangangain ng maganda at gwapo kagaya ni mama.
***
"Hoy, papunta na ako." chat ko kay Venus bago tuluyang umalis sa bahay. Biglang tumunog yung phone ko kaya napatingin ako dito.
"Okay. Keep your eyes on the road. Huwag puro sa babae nakatingin, hindi ikakahaba ng junior mo yan. Ingat ingat sa daan, kawawa naman yung mababangga mo kung sinasakali." Napakasweet na babae. Napakaimposible niya talaga, siya lang ang nakikipag-usap sa akin sa ganyan paraan. Sus, panigurado gusto rin ako nito eh.
***
"You're so gorgeous tonight, ija." nakangiting papuri ni lola kay Venus. Ngumiti naman si Ven kaya siniko ko siya ng palihim at bumulong.
"Bakit ganyan ang suot mo? Ayokong nakadress ka ng ganyang kaiksi. Hindi ka naman sexy para magsuot ng ganyang klase ng damit."
"Pakelam mo ba? First of all, katawan ko 'to kaya manahimik ka na lang. Narinig mo ba sabi ng lola mo? Ang gorgeous ko daw kahit gwapo naman talaga ako. Huwag ka ng pumalag."
"Wala lang talagang taste si lola kapag dating sa fashion." inis kong bulong at uminom ng wine.
"Ano ang pinagbubulungan niyo? Masyado bang private?" tanong naman ni mama.
"Hindi naman ma. It's just.. about our works. Kinakamusta ko lang siya." at inakbyan si Ven. Siniko niya naman agad yung tyan ko ng hindi napapansin ni lola. Aish, nakakailan na siya. Kanina pa siya sa sasakyan.
Sumubo na lang ulit siya ng pagkain habang ako naman ay umiinom nang biglang nagtanong si lola. "Ilan ang balak niyong maging anak?"
And the boom, nasamid kaming dalawa. Nakakabigla si lola. Wala man lang pasegway segway, hays.
"Ano ba naman yan la, nakakaano naman yang tanong mo." at hinimas himas ko yung chest ko. Nasamid ako eh.
"What? Wala ba kayong plano para sa gagawin niyong anak?"
"Uh, hindi pa po namin napag-uusapan ang bagay na yan, hehe." nahihiyang sagot ni Ven. Namumula ba siya?
"Then pwede niyo na pag-usapan ngayon. Don't worry, we'll listen." ginatungan pa ni mama, wtf?
"Isa lang po sana kung ako ang tatanungin." sabi naman ni Venus. Ano ba yan, isang anak lang? Isang beses na ag-agan lang, ganon? Joke. May respeto naman ako sa babaeng yan kahit ganito ako.
"Ikaw ba Key?"
"Hmm, tatlo sana ma kaso isa daw gusto niya eh. Dibale apat lahat." sabi ko at sumubo ng pagkain.
At ayun, nasapok na naman ako pero ni tombs na. Ano ba mali sa sinabi ko? You know naman, I love math. Tama naman ang computation ko ah?
"So Venus, kung tapos ka na kumain at gusto mo na magpahinga, pwede ka na matulog sa taas. Nakaayos na ang higaan mo." sabi ni lola dito na ikinatango naman ni tombs.
"La."
"Oh?"
"Samahan ko na lang siya."
"Saan ka matutulog?"
"Sa kwarto niya."
"Hindi pwede." :(
"Dun naman po ako sa sahig eh."
"Hindi nga daw pwede, bads. Respect your lola's decision, okay?" sabi ni tombs at binelatan pa ako.
"Hays, gagapangin kita mamayang gabi. Akala mo ha— A-aray! T-taena, m-masakit!"
"Ah, ma'am and tita? May we excuse us? May tutuli po kasi sa tenga si Kean so tatanggalin ko lang po saglit. We will be back din po agad." paalam ni tombs at hinila ako hawak ang tenga ko, Gago, masakit. Bakit ba napakaamazona niya?!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top