25
Venus' POV
"Ano ba kailangan kong suotin? Pakshet naman, wala akong dress sa closet ko. Nasa bahay lahat." bulong ko sa sarili ko. Wala na ring oras para bumili pa ako. Bakit ba kasi kailangan pang magdress kapag party? Gigil na ako.
Napalingon ako sa pinto ko ng bigla itong magring. Binuksan ko ang peephole at yung anim na pugo pala. Dali dali ko na lang sinuot yung pants at damit na nakalagay sa kama ko. Nang masiguro kong okay na lahat, binuksan ko na ang pinto at nakabusangot na mukha ang ipinakita nila sa akin.
"Oh, bakit?"
"Sinong nagsabi sayo na paghintayin mo kami ng 30 minuto sa labas ng room mo?" inis na saad ni Caleb. Sino ba kasi nagsabi na maghintay sila?
"Naligo kasi ako kanina, tsk. Oh bakit nandidito kayo? Hindi pa ba nagsisimula yung party? Tsk."
"Bakit ganyan suot mo?" tanong ni Phoenix. Napatingin naman ako sa salamin. Wala namang mali sa suot ko. Bagay ko naman ah?
"Aish, buti na lang talaga na pinuntahan ka namin dito." sabi naman ni Calix at napakamot pa ng ulo.
"Oh." napatingin ako sa paper bag na hawak ni Theron at inabot ito sa akin.
"Aanhin ko yan? Hindi ako ang may birthday, aba."
"Gago, syempre suot mo." inis na sabi ni Zander.
"Aba, minura kita? Minura kita?"
"Sige na, Ven. Mahuhuli na tayo oh. Pauwi na yung mama ni Kean fa." sabi naman ni Ethan.
"Mama niya? Darating ang mama niya?"
"Oo kaya dalian mo na."
"Ih, ayoko suotin 'to."
"Ang arte?" inis na sabi ni Caleb.
"Alam mo kung nandito si Kean fa? Binatukan ka na non. Sige na, ven." sabi naman ni Theron. Sinara ko na lang ulit yung pinto at nagpalit na.
Ang ganda nung damit pero hindi ko alam kung bakit nila nagawa yung bagay na yun. Nakabili sila ng mga damit na pambabae para lang sa party ni Kean? Wow, ganon na ba kagalante yung tao- haeup na yun?
[ A/N: check the multimedia to see Venus' outfit for Kean's party. Idk kung pang-party ba yon pero ayon nga. ]
-
"Kean fa!" sigaw ni Ethan at agad inakbayan si Kean. Nakasimangot itong nakatingin sa amin. Nakatago ako sa likod ni Phoenix kasi nakakahiya eh.
"Bakit ba ang tagal tagal niyo? Nakakainis na kayo." parang bata!
"Nagritual pa kami sa banyo kanina eh. Huwag ka na magalit, fa. Oh, happy birthday." sabi ni Theron at inabot niya ang regalo niya para kay Kean. Ganon din sila Caleb.
"Salamat mga fa. Nasaan na si tombs? Hindi ba makakapunta?" tanong nito.
"Hindi daw eh." sabi naman ni Phoenix na ikasimangot niya.
"Nakakainis talaga yung babae na yun. Akala ko pa naman makakapunta siya. Lagi na lang."
"Oh, ano drama mo?" sabi ko bigla pero hindi pa rin umaalis sa likod ni Phoenix.
"Tombs? Tangina, ano ginagawa mo diyan sa likod ni fa?"
"Wala!" sabi ko.
"Anong wala? Umalis ka nga dyan!"
"Ayoko nga eh!"
"Isa!"
"Dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam, sampu! Marunong ako magbilang."
"Tombs, naman."
Nahihiya akong umalis mula sa likod ni Phoenix at yumuko. Jusmiyo beh, yung suot ko kasi. Huhu, lamunin mo na ako please.
"Anong ngini-ngisi ngisi mo dyan?" inis kong tanong sa kanya. Para naman kasi siyang baliw, hays.
"Ang ganda mo sa suot mo ngayon, bagay mo." sabi niya at ginulo ang buhok ko. "Regalo ko?" sabi niya. Kaya naman pala.. hmm.
"W-Wala. Happy birthday na lang."
"Anong wala? Pumunta ka sa birthday ko tapos wala kang regalo? Nakakainis ka!"
"Huwag mo nga akong dramahan na parang babae dahil first of all, ikaw ang nagyaya sa akin dito. Uupakan kita." sabi ko pa. Eh kasi naman, meron talaga akong regalo sa kanya. Ayoko lang bigay kasi nakakahiya.
"Aish, itigil niyo na nga yan. Mamaya sumabog pa 'tong party kapag nagtalo lang kayong dalawa."
"May kaguluhan bang nangyayari?" napalingong kaming lahat sa nagsalita. Isang may edad pero maganda na babae ang bumungad sa amin.
"Hello po tita." sabay sabay na bati ng anim at tumango.
"Hello mga gwapong mga binata. Mabuti at nakarating kayo sa party ng anak ko."
"Ma naman, matanda na ako. Ano ba pumasok sa isipan niyo at nagpaparty kayo?"
"Magtigil ka Key. Talagang party ko naman ito dahil sa pag-uwi ko at hindi para sa kaarawan mo."
"HAHAHAHAHAHA" hindi ko na napigilan ang sarili ko at napatawa na lang ako.
"Sino ka, miss?" napahinto ako sa pagtawa at ngumiti.
"Ako nga po pala si Venu-"
"Siya si Venus, tita. Bestfriend po namin." sabi ni Theron. "Ito naman po si Samantha, girlfriend ko." dagdag pa nito at inakbayan si Sam.
"Napakaganda naman iyong girlfriend, Theron. I think she's nice."
"Ako po tita? Ano po masasabi niyo sa akin?" sabi ko at nagpapikit pikit pa ng mata. Pota, pakapalan na ng mukha, hehe.
"Hmm.."
"Ah ma, tara na at magsimula na tayo sa party." biglang pag-iiba ng topic ni Kean at inakbayan pa ang mama niya.
"Wait, Key."
"Ma naman, don't tell me magsisimula ka na naman ng gulo?"
"You're so cool, ija. Hindi ka ba nililigawan ng anak ko?" nagulat ako sa tanong nito at ipinulupot niya pa ang braso niya sa braso ko. Napatingin ako sa reaksyon nila at gulat na gulat sila. Why?
"Sus, hindi po. Ayaw po ng anak niyo sa mga ehem, hot at gwapo." sabi ko.
"Tomboy ka?"
"Hindi po pala hehe. I mean sexy and beautiful like me." sabi ko.
"I like you na." sabi nito na mas ikinalaki ng mata nila.
"Hala tita, ikaw po ata yung tomboy."
"Hay, whatever. Let's enjoy the party. Key, halika at mag-uusap usap tayong tatlo nitong si- what's your name again, ija?"
"Venus po."
"Oh yes. Let's talk with Venus." sabi nito at hinila na ako palayo sa barkada. Woah, akala ko mataray mama niya. May sapak din pala sa ulo. Alam ko na kanino nagmana si bads.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top