13
Kean's POV
"Hoy, mga mamshie!" sigaw ko bigla sa kanila na nakaupo't nagkwekwentuhan.
"Nagulat ako, bads!" sigaw bigla ni Venus at kinuha pa ang tinidor na nasa mesa at itinutok ito sa akin para sana ipampalo.
"Mas nagulat naman ako sa mukha mo. Humarap ka sa akin eh." sabi ko at umupo sa tabi niya. Wala na ring vacant seat eh.
"Bakit nalate ka?" tanong ni Theron at umakbay kay Sam.
"Wala lang. Gusto ko lang magpa-VIP, haha."
"Nasaan na si Marissa?" tanong naman ni Venus.
"Chismosa ka, wala siya." sabi ko at inirapan siya.
"Napaka-epal mo! Sabi mo ipapakilala mo, hmp!"
"Kayo ang nagdesisyon nun, hindi naman ako pumayag diba?"
"Kahit na! Usapan natin yon! Ipapakilala mo sa amin lahat ng syota mo!" sabi niya at hinampas hampas ako sa dibdib. Big deal?
"Teka lang. A-aray! T-teka lang nga, diba? Chumachansing ka na eh."
"Hala, chansing mo 'to."
"Wala na akong girlfriend diba? Ulyanin lang, tombs?"
"Ay, oo nga pala! Eh bakit ba kayo nagbreak?" napaiwas ako ng tingin sa kanya at tinignan ang tropa. Nakangisi sila at mukhang may plinaplano na hindi maganda. Tsk, huwag niyo ko ipahamak mga ulok.
"Wala yun."
"Hindi ka nalulungkot?"
"Hindi. One week palang kami, okay?"
"One week?! Woah, ang tagal nun ah!" sigaw naman bigla ni Theron.
"New break record!" gatong pa ni Caleb.
"Mga ulok! Syempre masarap siya, haha." sabi ko at kumuha na lang din ng makakain. Hinampas naman ako ng katabi ko. Problema nito?
"Kadiri kaaaa! Sex lang habol mo sa mga babae?!" tinakpan ko yung bibig niya dahil sa sinigaw niya at pinanlakihan siya ng mata.
"Gago ka, ang ingay mo. Nakakahiya, baka may makarinig."
"Sabi mo kasi masarap siya!"
"Eh ang dumi pala ng utak mo, tombs eh. Masarap kasi kasama yun. Tsk. Babae talaga."
"Hi, ako ba ang pinagtatalunan niyo?" Napalingon ako sa nagsalita mula sa likod namin at napagtantong si Marissa pala. Ano ginagawa niya?
"Oh wait— ikaw ba si Marissa?" tanong ni Venus dito at tumingin nman ito dito.
"Oh, you must be Venus. Am I right?"
"Woy, huwag mo ako maenglish english pero ako nga. Com'on, join us!" Nagulat ako sa sinabi niya at hinila niya pa ito papunta sa pwesto namin.
"Tombs, ano ba ginagawa mo?" inis kong bulong sa kanya.
"Nakikipagkaibigan. What's wrong?"
"Hi babe." napatingin ako kay Marissa at tumingin din agad sa iba. Tinignan ko ang tropa at mukhang nagulat din sa ginawa ni Venus.
"Huwag mo akong mababe babe dyan. Ano ba ginagawa mo dito?"
"Uhm, sumasama sa lakad niyo na dapat kasama talaga ako." nakangiti niyang sabi. Binatukan naman ako bigla ni Venus.
"Huwag mo nga siyang sinusungitan, hmp!" sabi nito at inirapan ako. Tinignan niya si Marissa at ngumiti naman dito. "Sige lang, kumain ka lang. Para naman magkalaman ka, haha."
"You're nice naman pala."
"Yas, of course. I'm always nice noh, lalo na sa mga ex ng boyfriend ko. Hindi ba, Kean?"
What did she just say? Nanlaki yung mata ko dahil sa sinabi niya. Bigla niyang kinuha yung braso ko at pinulupot yung kamay niya dito.
"W-What? Don't you ever try to fool me, Venus. Kaibigan ka lang ni Kean, diba?"
"Nah, I'm his legal girlfriend."
"No, you're not! Ako lang ang babaeng dinala niya sa kwarto!" sabi na nito. Puta, nakakagago yung nangyayari.
"Oh? Sa kwarto? Hahahahahaha! Masaya ka na niyan? Sorry pero ako lang ang babaeng pinakilala niya sa magulang niya eh. Magulang muna bago yung kama ha?" Anong ginagawa ni Venus? Gago, baka lumaki yung gulo.
"Teka nga, manahimik nga kayo—"
"Huwag mo kaming matahimik tahimik dyan, bads. Huwag kang mangielam."
"Answer me, Kean! Mahal mo pa ba ako?"
"Hindi ka na niya mahal."
"Pero may nangyari sa atin diba?"
"Hindi ako yung nagkama sayo kagabi, gago. Yung guard yun." sabi ko. Totoo naman eh. Babaero ako pero hanggang halik lang ako. Virgin pa 'to.
"See? Kaya iwanan mo na si Kean. Ginago ka lang niya kaya maaari ka na rin umalis kasi napakilala ka na niya sa amin. Bye." at nagwink pa ang loko kay Marissa. Nagwalk-out naman 'to.
"Woah, sunog na sunog siya!" sigaw bigla ni Theron at pumalakpak pa.
"Ahem, mukhang natagalan ang pagpulupot sa kamay ah?" natatawa namang sabi ni Calix. Napansin niya ito kaya inalis niya agad.
"Akala ko may sampalan at sabunutan ng magaganap kanina eh." sabi naman ni Phoenix at uminom ng tea.
"Gwapo mo fa. Pa-isa naman." gatong pa ni Zander.
"Parang totoo, Venus ah?" sabi naman ni Ethan.
"Huwag nga kayo! Nakakahiya yung ginawa ko, huhu."
"Bakit mo kasi nagawa yun?" tanong naman ni Samantha.
"Eh kasi, sure akong magi-iskandalo agad yun nung nakita ko siya kaya inunahan ko na. Buti hindi nga ako sinabunutan eh, hays." napangiti ako sa sinabi niya at tinignan siya. Hinawakan ko yung kamay niya na alam ko namang hindi makikita ng tropa.
"Salamat, tombs."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top