117
Kean's POV
"Tombs.." tangina naman. Naitulak ko si Marissa at agad lumapit kay Venus. "Tombs, let me explai—"
"Huwag ka na magexplain dahil uupakan kita kapag ginawa mo. Hawakan mo 'to." nagulat ako sa pagputol niya ng sinasabi ko at inabot sa akin ang hawak hawak niyang paperbag. Hindi niya ba ako sasampalin?
Pumunta siya sa pwesto ni Marissa at laking gulat ko ng sinampal niya ito ng malakas sa magkabilaang pisngi. Gago, muntikan ng matanggal yung ulo..
"Ikaw, malandi ka! Lulubayan mo 'yang boyfriend ko o hahayaan mo akong kaladkarin ka pauwi sa bahay niyo?!"
Tumingin sa kanya si Marissa ng may luha sa mata at hawak hawak ang pisngi niya. "Hindi ko siya nilalandi kaya pwede ba?! Si Kean ang nagyaya sa akin pumunta dito!"
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niyang kasinungalingan at tinignan ako ni Venus ng masama. Ibinaba ko ang hawak kong paperbag sa mesa at lalapit na sana sa kanila para magexplain pero sinenyasan niya ako na huwag akong lumapit.
"Ponyeta ka Kean, manahimik ka dyan sa kinakatayuan mo!"
Umurong ang dila ko dahil sa sinabi niya at napatigil sa kinatatayuan ko. "S-sabi ko n-nga.."
"Ikaw babae ka. Lalandi landi ka tapos ngayon iiyak iyak ka dahil nasampal ka! Pasalamat ka dahil sampal palang yan. At talagang tinuro mo pa ang boyfriend ko? Kilala mo ba yan? Hindi yan lalandi dahil takot niya lang sa akin kaya pwede ba, huwag mo akong gaguhin dahil mas gago ako sayo."
"S-sorry Venus.. aalis na ako." sabi nito at agad agad tumakbo palabas sa opisina ko.
"Hoy, yung bag mo!" habol pa ni Venus at tumawa tawa. Nakahinga ako ng maluwag at bumalik sa upuan ko. "Atsaka ikaw na lalaki ka, sa susunod kapag nilandi ka, depensahan mo naman yung sarili mo. Gusto mo rin eh!"
"Tsk, grabe ka. Hindi mo man lang ako hinayaan mag-explain bago mo sinampal yung tao."
"Bakit? Tao ba siya? Atsaka ano gusto mo? Ikaw ang sampalin ko? Ano? Sagot." Napasabunot nalang ako sa buhok ko at niyakap siya sa likod niya.
"Huwag ka ng maabnormal. Ano ba ginagawa mo dito?"
"May dala akong pagkain para sayo. Sabay tayo maglunch."
"Luto mo?"
"Yup at dahil naamoy ko na may kalandian ka, may lason na yun."
"Pota.."
"Joke lang. Halika na at kumain na tayo." sabi niya at inilabas ang tupperware mula sa paper bag. Napangiti naman ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top