116
Venus' POV
"Hmm, ang bango.." sabi ko at kumuha na ng lalagyanan para sa ibibigay kong pagkain kay bads. Magugustuhan niya kaya ito?
Binalot ko na ito at naligo na ako. Wala akong work ngayon at napagdesisyunan kong puntahan naman siya sa trabaho niya. Nagsuot lang ako ng usual na sinusuot kong damit at nagsimula ng magmaneho papunta kay Kean.
Kean's POV
"Sir Kean, may naghahanap pong babae sa inyo sa baba." Itinigil ko ang pagtatype ko sa laptop at napatingin sa relo ko. Walang pasok ngayon si tombs, baka siya yun. Kaso bakit babae daw? Joke.
"Bakit ako hinahanap?"
"Gusto niya daw po kasi kayo makausap, sir." Sus, miss niya na naman ako. Kakakita palang namin kahapon.
"Sige, papasukin mo." sabi ko at itinuloy muna ang pagtatype ko. Narinig kong bumukas ang pinto kaya napalingon ako dito. "Oh tombs— Marissa?!" napatayo ako dahil sa gulat at lumapit sa kanya.
Nginitian niya ako at lumapit din sa akin. "Hi babe, miss me?" sinamaan ko siya ng tingin at hinawakan siya sa balikat ng mahigpit.
"Anong babe tsaka miss miss ang pinagsasabi mo?! Ano ginagawa mo dito?!"
"Kean, I told you last time that I want us to have a closure, right? Atsaka bitawan mo nga ako dahil nasasaktan ako!"
"Bagay lang sayo ang masaktan. Closure ba ang gusto mo? Edi ayan, okay na tayo. Pinapatawad na kita. Umalis ka na dahil nakakaistorbo ka." sabi ko at binitawan siya. Bumalik ako sa inuupuan ko at itinuloy ang ginagawa ko pero mas nagulat ako ng bigla siyang tumayo mula sa likod ko at inilapit ang mukha niya sa tenga ko.
"Labag ata sa kalooban mo yung forgiveness na binibigay mo. Mahal mo pa ako hindi ba?" napasapok ako sa noo ko at inis na tumayo.
"Pwede ba Marissa?! Wala akong oras makipaglandian sayo!"
"Kean, aminin mo na kasi na mahal mo pa rin ako. Don't worry I still love you the way you do." and she starts wrapping her arms around my neck. Putsa, sineseduce niya ba ako? Pwes hindi ako naaakit, nandidiri ako.
Tatanggalin ko na sana ang kamay niya sa leeg ko ng biglang bumukas ang pintuan sa office at nanlaki ng mata ng makita ko kung sino yun.
"Tombs..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top