104

Kean's POV

"Nasaan ang girlfriend mo, apo? Aba eh paalis na ako niyan pero hindi niya man lang ako nabibisita. Ikaw ba Kean eh pinagbabawalan siyang ipunta dito?" napatingin ako kay lola dahil sa tinanong niya. Hindi naman kasi siya yung naglilinis nung kabilang kwarto eh, hays. Nakakaiyak si lola kasi parang hindi niya ako apo. Galit na galit talaga siya sa mga gwapo.

"Hindi po, la. Actually pupunta po siya ngayon dito." Totoo ang sinasabi ko ha? Pinapunta ko talaga si tombs dito para maglandian kami sa harap ni lola at mama. Joke. Alam niyo naman na hindi ako malandi eh, diba?

"Mabuti naman dahil namimiss ko na ang luto niya." singit naman ni mama sa usapan. Ang bastos talaga ng manners ni mama.

"Ma naman, naggirlfriend ako para maging prinsesa ko hindi para maging katulong."

"Aba Key, kailan ka pa natuto sumagot ng ganyan?!" napatikom na lang ako ng bibig dahil sa biglang pagtaas ng boses ni mama. Nakakatakot magalit 'to eh. "Oh, sumagot ka dahil tinanong kit—"

"Ma naman! Kaninang sumasagot ako, nagagalit kayo! Tapos nung hindi naman ako umiimik, nagagalit parin kayo! Ano ba talaga? Gulo na isip ko—"

"Huwag mo kaming lokohin dahil wala kang ganon." Napasampal na lang ako sa noo ko at napailing. Ang kukulit. Bigla ng nagring ang cellphone ko at nakita ko ang bahang baha na chats at calls galing kay tombs. Nako, lagot..

"Hoooooy!"

"Napakatagal mo naman kumain!"

"Nag-oopen ka sa rp account mo noh? Sino nililigawan mo dun?"

"Hoy, dalawang oras ka ng hindi nag-oonline! Sabi mo kakain ka lang!"

"Anyare? Nabulunan ka ganon?"

"Tsk, mr. buenaventura, umamin ka nga sa akin"

"Tao 'yang kinakain mo noh?"

"Hindi ka rin sumasagot sa calls ko."

"Sabi na nga ba."

"Hindi na ako tutuloy dyan sa bahay niyo."

"Pakisabi na lang sa lola at mama mo na nakulong ako dahil may nasaksak ako na lalaking maharot."

"Kapag tinanong ang deadly weapon na ginamit ko, sabihin mo baba."

"Ano? Wala pa rin?"

"K. Bahala ka na. Magpakasarap ka."

Napakahirap pala maging manliligaw ng babaeng 'to. Nakakabaliw! Buti natiis ni Kiro? Tsk, napakadaming datdat. Hindi pa kasi ako diretsuhin na kaya niya ako tinadtad ng ganyan eh kasi miss niya ako.

Chinat ko na lang siya na susunduin ko na lang siya sa bahay nila at hintayin niya lang ako. Ayun, ang dami munang tinanong bago pumayag. Bagay sila ng pamilya ko. Pare-pareho silang abnormal :(

***

Pagkababa na pagkababa ko sasakyan ay nagulat ako ng bigla niya ako nilapitan at hinila ang kwelyo ng damit ko. Inilapit niya ang mukha niya sa leeg ko at tumingkad pa para magawa niya ito.

"Para kang asong kalat na amoy ng amoy. Bakit ba? Namiss mo amoy ko noh?" sabi ko at sinundot sundot ang tagiliran niya.

"Hoy, naligo ka noh?"

"Aba syempr—"

"Sinasabi ko na nga ba! Kakatapos niyo lang ng babae mo na magkainan kaya naligo ka muna para kapag sinundo mo ako, hindi ka amoy babae!" Napanganga ako ng tuluyan sa sinabi niya. Ang lawak ng utak ng babae na 'to. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahagalpak ako ng tawa.

"A-aray naman, t-tombs! H-hindi nga a-ako nambabae!" sigaw ko. Piningot ba naman ako bigla.

"Huwag mo akong tawanan dahil seryoso ako. Sumagot ka, nakipagkandungan ka sa iba o hindi?!"

"Hindi nga!"

"Aba at sumisigaw ka na sa akin?"

"Eh kasi napakakulit mo!"

"Umamin ka na hangga't nasa katinuan pa ako." O_O matino pa pala siya nyan?

"Aish, wala akong aaminin sayo dahil wala naman akong tinatago. Pumasok ka na sa sasakyan dahil hinihintay ka ni lola."

"Ayoko. Hindi ako pupunta."

"Huwag mo hintaying buhatin pa kita papasok sa sasakyan?"

"At tinakot mo pa ako." sabi niya at umirap. Tumalikod na siya at papasok na sana sa loob ng bahay nila ng bigla kong hinawakan ng mahigpit ang kamay niya at binuhat siya na parang sako.

"Huwag ka magtangkang bumaba ulit dahil hahalayin talaga kita." sabi ko na nakapagpatahimik sa kanya. Ayan, kung laging ganyan edi sana hindi ako nagmumukhang bakla dahil sa takot daw ako sa kanya. Hindi kaya. Bakit naman ako matatakot dyan? Ako pa ba?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top