100

Venus' POV

Bakit.....

"BAKIT MO KO DINALA DITOOO?!" Inis kong tanong kay Kiro at sinamaan siya ng tingin. Hindi ko alam mararamdaman ko. As in surpresa nga talaga. Nandito lang naman kami sa venue kung saan gaganapin ang surprise ni Kean para kay Vienne.

Napatingin ako sa mga tao at nakita ko sila Theron na nakangiti sa akin. Binelatan pa nila ako ng sabay sabay. Aba?!

"Ayaw na daw kasi ituloy ni Kean yung surprise dahil wala daw yung taong nag-isip lahat lahat ng bagay na 'to kaya pinakiusapan ako ni Theron na ipunta ka dito." sabi niya at nagkibit balikat. Wala nga siya.

Lumapit ako kila Caleb at tinignan sila. "Nasaan si bads?" tanong ko.

"Tinawagan ko palang." sagot naman ni Zander.

"Nasaan si Calix? Hindi ata kayo kumpleto ah?" nagtataka kong tanong dahil napansin kong lima lang sila. Nagkibit balikat naman silang lahat maliban kay Ethan kaya tinignan ko siya.

"Ewan ko." sagot niya na ikinaduda ko.

"Yung totoo?"

"Sinundo si Vienne." sabi niya ng walang expression at apat na sapok ang natanggap niya sa barkada. Bakit nila sinapok?

"Ingay mo fa, kingina." badtrip na sabi ni Caleb at napakamot ng ulo.

"May tinatago ba kayo sa akin?"

"Wala, baka lang kasi umalis ka kapag nalaman mong pupunta si Vienne dito." walang gana namang sagot ni Zander. Buti alam nila..

"Ayan na siya.." napalingon kami kung saan nakatingin si Theron at nakita namin si Vienne na nakasuot ng napakagandang damit. Nakatakip ito sa mata katulad ko kanina at walang kaalam alam sa nangyayari.

"Ano ba 'to? Haha." nakangiti niyang tanong. Lumingon na lang ako ulit sa lima at nagkibit balikat.

"Kailangan ko ng umalis. Marami pa akong gagawi—"

"Mamaya ka na umalis. Napaka-killjoy mo naman. Taena, samahan mo naman kaming tignan ang kabaduyan ni Kean fa. Tutol kami sa pangyayaring 'to eh." angal ni Phoenix at inakbayan ako. Ponyita, hindi ba nila alam na nasasaktan ako?!

Bigla na lang namatay ang ilaw at nagkaroon ng tulakan sa venue. Hindi ko alam saan ako pupunta.

"Aray ko! Boobs ko yan!" rinig kong sigaw ng isang babae na nakapaan ko ata ng dede. Shet, nainggit ako bigla. Joke.

"Oo na, ikaw ng may bubz! Huwag mo ng ipagsigawan!" sigaw naman ng isang babae sa hindi kalayuan sa pwesto ko.

"May nakakapa ako!" sigaw pa nung isa.

"Asan ba si Phoenix?!" sigaw din nung isa. Mahaharot sila, ponyita. Nagtutulukan na sila nang bigla na lamang kaming makarinig ng kanta.

[ A/N: PLAY THE SONG AND DAMHIN NIYO MABUTI YUNG LYRICS. ]

Biglang bumukas ang ilaw at nakita namin si Kean na nakatayo sa harap ni Vienne na nasa harap ko lang at nagtutogtog ng gitara. Nagsialisan ang mga tao na nakaharang sa dadaanan ni Kean.

Hindi ko magalaw ang mga paa ko. Bakit hindi ako makaalis sa pwesto ko? Hindi ba parang ang sakit sakit lang na makita sila?! Tinanggal ni Vienne ang nakalagay sa mata niya at ngumiti kay Kean. Patuloy lang sa pagkanta si Kean.

Ang sakit. Ang sakit makita na masaya siya. Mahal na mahal niya nga siguro si Vienne kaya nagagawa niya 'tong bagay na 'to. Kaya ba niyaya niya ako pumunta dito para pagselosin ako? Kung oo, epektib na epektib. Anong busted ang sinasabi ba niya? Eh ayan si Vienne oh, todo ngiti. Hays, bagay sila.

"Mahal kita pero hindi mo lang alam.."

Teka! Tama ba ang nakita ko? S-si Kean tinignan ako?! Ngumiti siya sa akin na ikinagulat ko at nakapagpabilis bigla ng tibok ng puso ko. Alam niyo ba yung mini heart attack? Parang ganon.

Nagulat ako ng naglakad muli si Kean palapit kay Vienne pero bigla itong gumilid. Dibale ako na ang nasa harap ni Kean ngayon.

Nanlaki ang mata ko at tinignan si Vienne. Nakangiti siya at nagthumbs up bigla sa akin. Ha......

Napatingin ako kay Kean at patuloy lang siya sa pagkanta pero this time, ako na ang tinitignan niya. Ibinaba niya ang gitara na hawak niya ng matapos ang kanta at hinawakan ang kamay ko.

"Tombs.."

"Ahhhh!! Pakasal na kayo fa!" sigaw ni Zander.

"Kean fa, kilig itlog koooo!" sigaw naman ni Phoenix na ikinatawa ng mahina ni Kean.

"Sogo na yaaan!" sigaw ni Ethan.

"#VeAn talaga akooo!" sigaw naman ni Calix.

"Magbebreak din kayoooo!" natatawang sabi ni Caleb.

"Eut eut!" sigaw naman ni Theron na naging dahilan bakit napatawa ng malakas ang mga bisita.

"Pinaghandaan ko talaga 'tong araw na 'to, alam mo ba yun? Nakailang plans kami ng gawa ng tropa para mapapunta ka sa surprise na 'to at si Kiro lang pala ang katapat mong impakta ka." sinamaan ko siya ng tingin na ikinangisi niya. "Tombs, lahat sila kinuntyaba ko para sayo. Inamin ko kay Vienne na hindi ko naman talaga siya mahal at sinabi niya na tutulungan niya akong makaamin ng nararamdaman ko para sayo. Lahat ng nangyari ay malaking pagpapanggap. Pati si Kiro ay kinaibigan ko para sayo. Lahat lahat ginawa ko."

"Drama lang namin lahat kanina." sabi naman ni Vienne at ngumiti siya. Ako? Nganga pa rin. Hindi ko magets ang mga nangyayari. Basta ang alam ko, kinikilig akoooo.

"Venus Camreigh aka tombs ng buhay ko, naintindihan mo ba yung kanta kanina? Hays, lalakasan ko na ang loob ko para sabihin 'to sayo."

"Ang alin?" sa wakas, may lumabas din na salita mula sa bibig ko.

"Mahal kita... pero hindi mo lang alam." sabi niya na tuluyang nakapagpahina sa katawan ko. Putsa, pakigising na lang ako kung sakaling panaginip lang 'to.

"Tombs, hindi ko alam na ikaw lang pala yung babaeng mahal ko. Ikaw yung right one para sa akin. Ikaw ang babaeng gusto kong pakasalan. Ikaw ang babaeng gusto kong maging prinsesa. Venus, hindi ako ganito kabaduy pero wala eh. Tinamaan ako ng lintik na kalandian kaya gusto ko lang sabihin na mahal na mahal na mahal kita."

....

.....

.......

"Huwag mo akong titigan! Sumagot ka naman!" inis niya ng sabi na ikakunot na bigla ng noo ko.

"Aba, inuutusan mo ako?!"

"Eh kasi naman, napakaeffort ko tapos tititigan mo lang ako?" Inalis niya na ang gitara nakasukbit sa likod niya at saktong pagharap niya sa akin ay ang kasabay ng pagyakap ko sa kanya.

"Mahal din kita pero hindi mo lang alam.." bulong ko sa tenga niya. Naramdaman ko bigla ang pagyakap niya ng mahigpit sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top