82 ¦ eighty-two

JISOO'S POV

My body instantly felt weak after the first extreme ride that all 11 of us rode together. Pakiramdam ko tuloy parang masusuka ko na yung bituka ko sa sobrang hilo kanina doon sa rollercoaster. Sila Taehyung, Namjoon, Jungkook, at Lisa lang naman yung mga nag-enjoy sa pesteng ride na yun. Partida, first ride palang namin yun. Jusko talaga...

Tahimik kong minamasahe ang sintido ko ngayon habang naka-upo sa isa sa mga bakanteng bench nitong amusement park dahil sa nangyari.

Nagpa-iwan muna ako at minabuting hindi muna sumama sa mga rides na balak nilang sakyan dahil nahihilo pa talaga ako. Bwisit sila, bakit kasi gusto agad nila ng mga extreme rides? Paano ako mag-eenjoy nito? Tss...

"Water?"

I instantly looked at my left side when I heard my boyfriend's voice.

Wow, shet. Boyfriend... Ang sarap pakinggan.

Agad kong kinuha at ininuman ang bottled water na ino-offer nya. I heard his soft chuckles so I stopped for a while and looked at him.

"Ang saya mo ah?" I said and drunk into the bottle again.

"Ang cute mo kasi."

Because of what he said, agad tuloy akong nabilaukan sa iniinom kong tubig dahilan para mabasa ng kaonti ang suot kong shirt.

"Hey, are you alright?!" Nag-aalala nyang sabi at kita ko kong paano nag-panic ang facial expressions nya nang lumapit pa sya saakin para punasan ng tissue ang braso at hita ko.

Sandali akong natulala dahil sa ginagawa nya. He's so caring talaga. Ang cute nya, gosh!

"I'm fine don't worry." Natatawang sabi ko at kinuha yung tissue na hawak nya at ako na ang nagpunas sa sarili ko.

"Nabilaukan ka pa tuloy. Tss..." I heard him whispered to himself. Oo, ikaw kasi!

Nagulat ako nung bigla nyang kinuha yung bottled water sa kamay ko at ininuman rin iyon ng walang pag-aalinlangan.

D-Did we just... kissed indirectly?

"Bakit ka nandito? Akala ko sumunod ka sa kanila doon sa anchors away?" Tanong ko na lang.

He suddenly stopped drinking and closed the bottle cap as he placed it beside him.

"Ayoko naman iwanang mag-isa yung girlfriend ko dito no." He answered as he crossed his arms above his chest.

Girlfriend... Okay, kinikilig ako ha.

"Sus, kunwari ka pa. Ginagawa mo lang akong rason kasi ayaw mo rin sumakay sa mga ganun diba?" I teased and bumped his shoulder.

Napa-pikit lang sya at bahagyang napa-ngiti. See? I knew him already. Tama ako.

"Pwedeng parehas lang na gusto kitang samahan at ayoko doon kaya nandito ako?" Sabi pa nya saka sya tumingin ulit sa akin.

"Pwede naman." I smiled.

He smiled back and leaned his back at the chair. "Saan mo gustong pumunta?"

"Uh... Can we eat something first?"

"Kakain nanaman? Kakakain lang natin kanina ng lunch diba?" Naguguluhan nyang tanong.

"Edi merienda na lang. Please?" I said in the most cutest tone of my voice.

Kita ko kung paano nya ako inirapan kaya natawa na ako dahil alam ko na ang sasabihin nya.

"Okay, fine. Anong gusto mo?"

"Let's eat ice cream, can we? Yung may cherry!" Excited kong sagot sa kanya.

He nodded and stood up from his seat.
He offered his hand in front of me and said "Let's go?" Then I gladly intertwined our hands together and stood up too as we started walking.

JIN'S POV

"Love, dito naman tayo! Daliiiii!"

Wala nanaman akong nagawa at kusang nagpahila na lang kay Jisoo nang mapadpad kami sa isang photobooth.

Halos dalawang oras na rin kami magkasamang gumagala dito sa amusement park at hanggang ngayon, wala parin akong balita kung nasaan na yung siyam naming mga kaibigan.

Okay na rin 'to. Atleast naso-solo namin ni Jisoo itong pagkakataon.

"Let's wear these." Excited nyang sabi at sinuot sa ulo ko ang mickey mouse headband at minnie mouse naman ang kanya.

Tumunog na yung timer nitong booth kaya pumwesto na kami sa harap ng camera. We made 8 different cute poses for each shots at nang na-print out na yung dalawang kopya ng pictures, agad kong binayaran 'yon.

"Oh my gosh! Bakit naka-pikit ako dito?!"

Natawa ako nang marinig ko ang reklamo ng girlfriend ko.

"Patingin nga." Inagaw ko yung isang kopya sa kanya at tinignan 'yon. "Hindi ka naman naka-pikit ah." Sabi ko.

"Are you blind? My eyes are really close. Nakakainis naman. Bakit kasi timing pa yung pagkurap ko!"

"Hindi ka naman naka-pikit kasi natutulog ka na." Biro ko at natawa.

At dahil doon, agad akong nakatanggap ng hampas sa braso ko mula sa kanya.

"Joke lang naman love eh." Sabi ko at hinawakan ulit ang kamay nya kahit pinipigilan ko lang matawa.

"Love my ass." She whispered and rolled her eyes.

"I already do."

Lalo lang tuloy akong natawa dahil sa naging reaksyon nya sa sinabi ko. "Nagbibiro lang ako HAHAHA. Ulitin na lang natin yung sa photobooth mamaya." Sabi ko na lang.

"Mamaya? Bakit mamaya pa?"

"Because we're here already." Sabi ko at binitawan ang kamay nya.

Napatingin sya kaagad sa booth na nasa tapat namin. It's a basketball game booth na may premyong malaking chicken-designed stuffed toy.

JISOO'S POV

Mahigpit kong niyakap ang stuffed toy na napanalunan ni Jin sa booth kanina na agad nyang binigay sa akin. Of course it's a sure win that he'll get this. He's a good basketball player and a mvp of our university for Pete's sake!

Nakakainis lang ng konti dahil habang naglalaro sya doon sa booth, ang daming mga babae ang nakikinuod sa kanya kanina. Like, hello? Hindi ba obvious na boyfriend ko sya sa mata ng mga babaeng yun? Tss...

"Bat naka-busangot ka dyan?"

I snapped out of myself when I heard Jennie's voice.

"Wala, gutom lang ako." Palusot ko.

"Echoserang 'to..." Lisa said. "Kanina ka pa nga daw kain ng kain. Sumusunod ka na ba sa yapak ni Rosé sa pagiging matakaw?" Sabi pa nya at nagtawanan sila ni Jennie.

"Nadadamay talaga pangalan ko basta usapang pagkain no? Tsk!" Rosé shook her head as she sips on her shake.

Kasalukuyan kaming nandito sa open food court netong amusement park. Naka-bukod ang table namin sa boys dahil hindi kami kasya doon.

Kami pa talaga nag-adjust no? Hays...

Jin, Taehyung, Jimin, and Jungkook was the one who's ordering for our foods. Habang sila Namjoon, Yoongi, at Hoseok naman ang naiwan sa table nila.

Rosé was seating beside me while drinking on her shake while in front of us is Jennie who is busy taking selfies on her phone and Lisa who is busy fixing her eyeliner.

Malapit na mag 6 pm ngayon kaya napag-desisyonan na naming lahat na mag-early dinner muna para mamaya ay medyo maaga rin kami makauwi.

When our food arrived, kumain na kaming lahat kaagad. We even took a lot of selfies together with the whole squad.

Halos yung row namin yung pinaka-maingay sa lahat ng tables but we don't give a damn because we are really enjoying each others company so much.

Matapos naming kumain ay gumala nanaman kaming lahat at hindi na kami naghiwa-hiwalay. Huling ride na sinakyan namin ay yong ferris wheel. Gabi na ngayon kaya tiyak kong super ganda ng night view pagkadating sa tuktok.

And guess what? Tama nga ako.

"Gosh, super ganda talaga ng view." Excited kong sabi habang kinukunan ng short video ang view namin dito for my social media accounts.

"You're right. Sobrang ganda talaga."

I put my phone down and instantly looked at Jin. He was staring directly at me na para bang ako yung magandang view na tinutukoy nya.

"Are you referring to me?" Pabiro kong tanong sa kanya.

"Yup. You're way more beautiful than our view right now." Sabi nya at iniwas ang tingin sa akin na may naka-ambang ngisi sa labi nya.

Tignan mo nga naman 'to... Ang galing talaga magpa-kilig. Jusko!

"Love?" Tawag ko sa kanya habang nakatingin sa harap namin.

"Hmm?"

"How long do you think our relationship will last?"

I heard him scoffed kaya napatingin ako sa kanya. He was looking at me confused and amused at the same time.

"Saan mo naman nakuha yang tanong na yan?" Sabi nya at bahagyang natawa. I looked away from him.

"Wala lang. Curious kasi ako eh. Hindi ko alam kung magtatagal ba tayo or what. Alam mo yung feeling na yun? Yung parang excited ka malaman kung ano ang ending ng relationship nyo kung happy or sad ending ba. Nakakatakot na kasi eh. Baka masaktan lang ako sa dulo kahit sobrang daming magaganda at masasaya ang nangyari sa atin." Sabi ko at muling napatingin sa kanya. He was squinting his eyes on me kaya nag-panic ako.

"Wala naman akong sinasabing wala akong tiwala sayo at sa relasyon natin ah? Sadyang over-thinker lang talaga ako this past few days kaya wag mo masyadong isipin yung mga sinabi ko." I defended and chuckled nervously.

Nagulat na lang ako nung bigla syang natawa na para bang may sinabi akong joke sa kanya.

"Love, come here." Nakangiting sabi nya at tinapik ang upuan sa tabi nya gesturing for me to sit beside him.

At dahil nga nasa ferris wheel kami, mabagal akong tumayo habang inaalalayan nya ako. When I sat beside him, agad nya akong inakbayan kaya hiniga ko ang ulo ko sa balikat nya.

He intertwined our hands together at naramdaman ko ang mahigpit nyang paghawak roon.

"Stop over thinking about our relationship in the future. Wag kang mag-alala, sigurado naman ako na happy ang ending nating eh." He said while softly caressing my hair.

Umayos ako ng upo at muli syang tinignan. "How sure are you with that?"

And because of that, he quickly kissed me at my lips that made me so flustered.

"I love you enough that's why I'm sure."

I smiled at his answer and hugged him tightly. Gosh, I love this man so much!

_______________________________________

[A/N]: SORRY SA SUPER DUPER LATE UPDATE HEHE. SEE YOU ALL NA LANG SA EPILOGUE MGA SISMARS! (●´з')♡

update: DI PA AKO READY TAPUSIN TOH SAGLIT LANG GUYS, PENGE ULIT NG ONE WEEK JEBAL HAHAHAHAHA

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top