75 ¦ seventy-five

[A/N]: please don't forget to give this chapter a vote and comments/feedbacks if you guys liked this chapter. enjoy reading! (●´з')♡

____________________________________________

JISOO'S POV

Agad akong na-upo sa isang bakanteng table for two pagkapasok ko sa pizza restaurant na syang napili kong lugar bilang meeting place namin ni KJ.

He sent me another text message earlier and asked me if saan ko daw gustong mag-dinner at sinagot ko ang tanong nya nang walang kahiya-hiya.

Grab the opportunity, libre daw nya eh.

Bago ako pumunta dito, inaya ko pa ang mga kaibigan ko na samahan ako ngayon dahil baka mamaya may ibang mangyari sa akin pero lahat sila ay tinanggihan ako dahil wala daw silang time at bahala na raw ako dahil malaki na ako.

Ang gagaling talaga ng tatlong yun. Tsk!

Honestly speaking, hindi ko alam kung bakit may iba akong nararamdaman dito sa biglaan nyang pag-aya sa aking makipag-kita dahil nako-confused talaga ako sa iba nyang mga messages sa akin kanina. Isa pa, hindi ko rin talaga alam kung bakit ako pumayag na makipag-kita sa kanya sa dami kong pinoproblema at iniisip ngayon.

Ewan ko ba, bahala na...

It has been more than a week ever since I started not talking to Jin. Sa totoo lang, nakakapanibago talaga dahil noon ay halos araw-araw kaming nagkikita at nagkakausap pero hindi na ngayon dahil panay ako iwas sa kanya.

Syempre no, pagkatapos nung nakita ko duon sa coffee shop akala ba nya gugustuhin ko pa syang maka-pasok sa buhay ko? No way.

Galit ako sa mga manloloko at ngayong isa na sya sa mga 'yon, I don't want to have any business with him.

Mabilis akong napatingin sa suot kong relo para tignan ang oras doon. Malapit na mag 6 pm kaya pala nagugutom na ako.

I'm staring at my phone which is placed above the table while waiting for KJ's calls and messages. Mahigit isang oras na rin kasi ang nakaraan mula nong huli nya akong tinext.

And now, he's already late for 3 minutes!

Gosh, nasaan na kaya ang lalaking 'yun?

"Jisoo..." Agad akong lumingon sa gilid ko nang marinig ko ang pamilyar na boses.

What the hell is he doing here?!

"Anong ginagawa mo dito?! Sinusundan mo ba ako?!" Mahina pero galit kong giit sa kanya.

My eyes widened when he suddenly sat at the vacant chair in front of me.

"Jin ano ba?!" Mahinang usal ko at mas lalo syang sinamaan ng tingin.

"Just give me 5 minutes, Jisoo. Limang minuto lang." Seryoso nyang sabi nang hindi inaalis ang tingin sa akin.

"I don't have time to listen to your bullshits. Sinabi ko na sayo na ayaw na kitang maka-usap at makita, diba? Hindi mo ba naiintindihan 'yun?" Mataray kong sabi.

"Hindi na kita guguluhin ulit once na hayaan mo lang akong mag-explain sayo ngayon." He said and sighed. "Please..."

"Jusko, ano ba yan. Dito pa talaga nag-away yung mag-jowa na yan."

"Ang iingay naman ng mga 'to."

Napa-tingin naman ako sa paligid namin nang makarinig ako ng bulong-bulungan ng ibang mga customers dito sa restaurant.

Gosh, nakakahiya!

Napa-buntong hininga ako at muling tinuon ang tingin kay Jin na hanggang ngayon ay hindi parin inaalis ang tingin sa akin.

"Follow me." I commanded and rolled my eyes at him as I stood up from my seat.

Agad kong binulsa ang phone ko at dire-direchong lumabas ng restaurant. I grabbed my car keys and pressed it.

Nilingon ko si Jin sa likuran ko at lalo lang akong na-irita nang makita kong nakasunod sya saakin. Bakit ko ba kasi sinabi yon?! Shit lang talaga! Bahala na nga!

Inis kong binuksan ang pinto sa driver's seat at duon na-upo. Sumakay na rin si Jin sa passenger's seat kaya binuksan ko ang makina ng sasakyan para mabuksan ang aircon.

"You have five minutes to say everything that you want and after this, promise me that you are never gonna come near me ever again." Banta ko at tumingin sa kanya.

Iniwas nya ang tingin sa akin at tumango.

I looked on my watch. "Go." I said.

"Alam kong mali na hindi ko sinabi sayo yung totoong rason kung bakit ako biglang umalis noong gabi na magkasama tayo. Yung babaeng nakita mo na kasama ko doon sa parking lot ng coffee shop is my bestfriend. Her parents will be separated so she asked me if I could be with her. Maniwala ka sa akin, tumanggi ako nung sinabi nya yun pero naguilty ako dahil noong naghiwalay rin ang parents ko, sya lang yung taong nakatulong sa akin noong mga sandaling iyon. Naisip kong unfair naman yata kung hindi ko sya sasamahan kaya ako umalis." He said.

"Hindi kita niloko, Jisoo. Wala akong intensyon na lokohin ka mula noong nagkagusto ako sayo. Hindi kita masisisi kung bakit inisip mo o hanggang ngayon ay iniisip mo parin na hindi ako seryoso sayo at niloloko lang kita sa nakita mo at ginawa ko noon." Sabi pa nya at nakita ko sa gilid ng mga mata ko na humarap sya sa akin.

"Sa totoo lang, ayaw kong isuko yung nararamdaman ko para sayo. Pero kung hindi na talaga magbabago yung tingin mo sa akin at gusto mo talaga akong ipag-tulakan palayo, hahayaan kong gawin mo 'yun para mapanatag yang loob mo." Ramdam ko ang lungkot sa mga sinasabi nya kaya napaharap na ako sa kanya.

"I'm really really sorry for making you feel that way, Jisoo." Iyon ang mga huling salitang narinig ko mula sa kanya bago nilamon ng katahimikan ang paligid naming dalawa.

His five minutes has passed already and now, we're already sitting here inside of my car for almost thirty minutes ever since we got in.

Parehas lang kaming nakatingin ngayon sa harapan namin at walang nag-sasalita ni-isa sa aming dalawa.

I suddenly feel guilty about what he said earlier. I jugged him so awful that made him a bad guy in my perspective even though I know that he's a really good person.

"Parehas lang tayong may mali." Pagbasag ko sa katihimikan saka sya nilingon. "I'm really sorry too, Jin." I said.

Magkaharap na kaming dalawa ngayon kaya kita namin ang ekspresyon ng isa't-isa. He shooked his head. "No, don't be sorry. Kasalanan ko rin naman kung bakit nagsimula 'tong away natin eh."

Yup, he's right.

"So.... Uhm... A-Are we good now?" Nag aalin-langan kong tanong sa kanya.

Kita ko kung paano sya bahagyang nagulat sa tinanong ko. "Huh? Ako nga dapat yung nagtatanong sayo nyan eh." He said.

"Uh... Okay na siguro yun... Kalimutan na natin yun at tanawin na lang natin yun as a lesson sa nangyari sa ating dalawa. " Sabi ko pa at nag-iwas tingin sa kanya.

"Thank you dahil pinagbigyan mo akong maka-usap ka ngayon, Jisoo."

Muli akong lumingon sa kanya nang may maalala ako. "Are you really gonna stop talking to me and ignore me after this? Sabi mo kasi kanina hindi mo na ako guguluhin once na-explain mo na ang side mo." I nervously asked.

"Kung ikaw ang tatanungin ko. Yan ba ang gusto mo?" Seryoso nyang tanong.

Hindi ako nakapagsalita at dahan dahan lang na umiling. Jusko naman, bakit ba ang rupok ko?!

He lightly chuckled. "Mabuti naman kung ganon. Ayoko naman talagang gawin yun sa totoo lang. Ang hirap mo kayang lubayan. Masyado na tayong maraming napagsamahan no."

At dahil sa sinabi nyang iyon, tila bumalik lahat sa isip ko ang lahat ng mga alaala ko na pinagsamahan naming dalawa.

And as easy as that, bigla ko na lang ulit natandaan kung bakit nga ba ako nagkagusto sa lalaking 'to.

"Jisoo, may aaminin nga pala ako sayo."

Kumunot ang noo ko. "Ano yun?"

Huminga muna sya ng malalim kaya kinabahan ako. Ano kaya yung sasabihin nya? Iiyakan ko nanaman ba kaya sya pagkatapos nito? Sa naman hindi.

"Ako at yung KJ na nakaka-usap mo ay iisa."

Halos bumuka na nang sobra ang bibig ko sa sobrang gulat sa sinabi nya. "S-Seryoso ka ba?!" Hindi makapaniwala kong tanong.

He nodded and held my hand. "I'm sorry kung nagsinungaling ako sayo at ngayon ko lang inamin sayo 'to." He started to explain again.

"The day that you sent my number a wrong message, wala sa balak kong makikilala pala kita. I got interested in you when I saw a break up post about you and your ex. Pinagtugma ko yung post at yung messages mo sa akin at doon ko na kumpirmang iisa lang ang babaeng yun. Gusto ko lang talaga kulitin ko noon pero hindi ko inexpect na magkakagusto na pala ako sayo. Mula doon sa unang beses natin pag-uusap, sa sportsfest ng university natin, sa mga sandaling tayo lang dalawa, sa mga gala natin, at lalong-lalo na nung nahalikan kita, alam ko nang gustong-gusto na kita." He continued.

"Kaya naman noong araw na binlocked mo ang account ko, I was left with no choice but to text you with the KJ thingy dahil yun na lang ang nakikita kong paraan para kahit papaano ay makausap kita kaya sobrang saya ko nung pumayag kang makipag-kita sa akin ngayon..." Sabi pa nya na mas lalo kong ikinagulat.

"H-Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, Jin." I nervously smiled and held my head. Grabe na talaga ang mga nangyayari sa akin sa araw na to.

"Don't pressure yourself too much. I'm not expecting you to say anything after my confession." I also heard his nervous laugh before he looked away from me.

Wow, just wow... Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Hindi ko rin alam kung bakit wala na akong nararamdaman na kahit anong galit at napalitan iyon ng puro pagkabilib at kilig kay Jin.

Nagawa nya ang lahat ng 'yun dahil sa gusto nya ako? Gosh, Is he even real?!

"Jin..." I called his name.

Kabado syang napatingin sa akin na syang ikina-ngiti ko. "A-Ano yun?" He asked.

"Pwede bang tayo na ngayon?"

"H-Huh?" Hindi makapaniwala nyang tanong. Takang-taka syang nakatingin sa akin ngayon and I can't help myself but to smile because of it.

"Sabi ko, pwede bang maging tayo—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla syang lumapit sa akin at pinatahimik ako ng paghalik ng labi nya sa labi ko.

"I love you..."

Jin whispered that to my ear when he stopped that made me feel really weak and flustered. I didn't bother to say my response when he kissed my lips again as I deeply feel in love with him.

____________________________________________

[A/N]: THE END..... CHAR! HAHAHAHAHAHAHA. Ang rupok ni Jisoo dito sa chap na 'to omg HAHAHAHA. See you guys sa last 8 chapters netong Wrong Goodbyes! (●´з')♡

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top