50 ¦ fifty

JIN'S POV

"Congrats sa Finals MVP namin!"

Kaagad akong binati ng mga kaibigan ko pagkalabas ko ng gymnasium. Dito sila naghintay dahil ang sabi ko ililibre ko sila since nag-champion nga kami kanina. Sila Yoongi at Jungkook ay nauna na doon sa kakainan namin dahil kasama nila yung iba naming teammates.

Hindi na sumama saamin sila Jennie, Rosé, at Lisa dahil nahihiya daw sila at isa pa, wala daw si Jisoo at hindi sila kumpleto kaya hindi talaga sila sasama.

Sa totoo lang, nagtatampo ako sa kanya ngayon dahil hindi sya sumipot kanina. Sya lang yung hinihintay kong makita sa gymnasium pero nanghinayang ako dahil wala talaga. Akala ko pa naman nagbibiro lang si Lisa sa sinabi nya. Totoo palang umalis sila ni Eunwoo.

"Hey, are you okay?" Seolhyun suddenly held onto my left arm. Narinig ko pang nagsalita sila Jimin at Taehyung pero hindi ko na iyon pinansin.

"Oo naman." I answered back and smiled a little at her.

Napatingin ako sa mga tropa kong kanina pa nagugutom at sinabing "Salamat sa pa-congrats nyo. Tara na. Naghihintay na sila sa atin doon."

8 o'clock pm na ngayon pero hindi parin tapos ang dinner slash celebration party ng team namin. Nag-uwian na ang iba sa mga kaibigan at ka-teammates ko pero ang iba saamin ay kumakain parin. Balak ko pa sanang kumain ulit pero nagsabi si Seolhyun saakin na hinahanap na raw sya sa kanila kaya wala akong choice kundi ang ihatid sya pauwi.

"Thanks for the ride, Jin." She said while unbuckling her seatbelt.

"Ano? Thank you lang? Bayaran mo pang-gas ko." I joked.

"Mas marami kang pera saakin so I don't think I need to give you a gas money." She laughed and went out. "Congrats ulit sa inyo. I'll see you again, soon. Ingat ka." Aniya.

Tumango na lang ako sa kanya. "Sige. See you next time." Kumaway pa ako sa kanya bago tuluyang mag-drive pa-alis.

Naka-hinto ang sasakyan ko ngayon sa gitna ng kalsada dahil sa stop light. Abala ako sa pag-aadjust ng temperature ng aircon ko sa sasakyan nang biglang mag-ring ang cellphone ko.

My eyes widened when I saw Jisoo's name on my screen. She's calling me through my messenger account and it somehow surprised me because this is the first time that she called.

Muntik ko pang mabitawan ang telepono ko dahil sa lakas ng busina ng kotse sa likuran ko. Green light na pala kaya muli akong nag-drive at kasabay non ay sinagot ko na ang tawag nya.

"Hello? Who's this?" I said while pursing my lips to stop myself from smiling.

"Ay wow, nalimutan mo na ako? Naging mvp ka lang ganyan ka nya. Tss." Sagot nya.

"Ahh... Wala kasi akong kilalang babae na sumasama parin sa ex nyang manloloko. Sino ka nga ulit?" I tried to sound pissed so she'll have this idea that I'm quite disappointed at her right now.

"Hoy grabe ka naman... Sorry na nga eh."

"Hindi kita kilala, bye."

"Saglit lang!"

Bahagya kong nilayo ang phone sa tenga ko sa lakas ng boses nya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at natawa na ako ng tuluyan.

"Bakit?" Pinindot ko ang loud speaker at nilapag sa gilid ang phone ko.

"Nasaan ka? Pupuntahan sana kita eh."

"Ikaw ang nasaan... Ako na lang ang pupunta sayo dyan. I-message mo saakin kung saan ka para masundo kita, okay? Bye." And just like that, I ended up the call.

When I arrived at her location, I immediately saw her standing outside the gate while looking at her feet. Hindi ko alam kung kaninong bahay itong nasa harap ko dahil ito ang unang beses kong makarating rito.

Tinanggal ko ang suot kong seatbelt saka lumabas ng sasakyan. Agad syang napa-ngiti nang magtama ang mga tingin namin.

"Hello!" She greeted happily as she walks towards my direction.

"Hi." I smiled a little and opened the shotgun seat for her. "Get in."

Nang parehas na kaming naka-pasok sa loob ng sasakyan, muli akong nag maneho at unti-unti kaming nakaramdam ng panga-ngapa sa isa't-isa sa sobrang katahimikan ng paligid.

"Uy, galit ka ba?" She suddenly spoke making me glanced at her.

"Ewan." Maikli kong sagot at tinuon sa kalsada ang tingin.

Narinig ko ang mahinang pag-buntong hininga ni Jisoo kaya palihim akong napa-ngiti. Pagkalipas ng ilang segundong katahimikan, nagulat na lang ako nang biglang hawakan ni Jisoo ang kanang braso ko.

"Sorry na kasi... Hindi ko naman sinasadyang hindi ka siputin kanina eh. Kailangan ko lang talagang makipag-dinner kasama ang parents ni Eunwoo."

Tinaasan ko sya ng kilay at tinignan.

"But don't worry, that will be the last. I will never see them again. Kahit si Eunwoo, yun na ang huling beses na sasamahan—"

"You don't have to explain anything." Maikli kong sagot at tipid syang nginitian.

Naramdaman ko ang unti-unting pagluwag ng hawak nya sa braso ko kaya iniwas ko na ulit ang tingin sa kanya.

Tutal parehas narin lang kaming nakakain ng dinner, wala nang rason para bumalik ako sa kinainan namin kanina. That's why I decided to bring her somewhere else.

"Oh my gosh, Jin! It's so pretty in here!"

I can see how her eyes shined under the moonlight above and the city lights in front of us. A smile was plastered on my face just by looking at her beautiful face.

"Grabe ka naman makatingin dyan."

Agad kong inalis ang titig sa kanya at napatingin sa view ng city lights sa harap naming dalawa.

"Assuming ka naman dyan." Sabi ko pa at natawa.

"Tss... Whatever." She chuckled and get her phone to take pictures at our view in front.

She handled me her phone after and asked me if we could take a selfie together. Kinuha ko iyon kaya dumikit sya saakin. Her hands wrapped around my waist as I placed my arms on her shoulders. Pinindot ko na ang camera at nang matapos ang ilang shots, binalik ko iyon sa kanya.

"Congratulations nga pala sa laro nyo kanina, Jin. Sorry talaga ulit dahil wala ako kanina para suportahan ka."

"Apology accepted. Hayaan mo na. Nangyari na eh." Ngumiti ako at pinag-krus ang kamay sa ibabaw ng aking dibdib.

Napatingin ako sa kanya na nahuli kong nakatingin na rin pala saakin. I was waiting for her to looked away but she didn't. Para kaming nag s-starring contest.

"Gwapong-gwapo ka nanaman ba saakin kaya hindi mo maiwas yang mata mo?" I asked, teasing her.

Natawa sya at umiling. "Grabe. Buti na lang hindi mo na maalala."

"Ang alin?"

"Wala HAHAHA. Tara na umuwi na tayo. Malapit na mag 10 o'clock oh. May pasok pa tayo bukas." She smiled and walked away.

Bago pa sya tuluyang makalayo, agad kong hinila ang braso nya. I saw how her eyes widened in shock because of the closeness of our bodies and faces to each other. I smirked when I saw her stare to eyes went to my lips.

She gulped. "Please don't say to me that you remembered our deal—"

I instantly kissed her lips.

"Wag kang mag-alala, hindi ko nakalimutan."

____________________________________________

[A/N]: guys omg sorry talaga sa late update and btw, happy 10k+ reads sa wrong goodbyes! hindi ko na napansin na dumadami ang reads sa librong ito dahil busy na po talaga ako sa online classes namin. wag po kayong mag-alala, I'll try to update more chapters next time :> thank u and i love y'all! ♡

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top