Station

          Alas syete ng umaga dapat yung klase ko pero eto ako ngayon, na-late na naman hays. Eh, sa hirap kaya magising nang madaling araw, tapos, puyat ka pa! Pero, ang totoo nyan, nagbabasa pa kasi ako ako sa wattpad hihi, 'lam n'yo na! Wattpad is life! Kaya, mukha tuloy akong panda ngayon sa jeep. Sabog-sabog pa yung buhok ko kasi, after ko maligo, rekta gorabels na hahaha! 

          Kaya, binunot ko yung suklay ko sa bulsa ko at agad na sinuklayan ang buhok ko. Pansin kong nababasa na yung mukha ng katabi ko pero, wapakels, may mask naman siya, ayun na yung pang-absorb dun hahahaha!

          Tapos, kinuha ko na 'tong maliit kong pulbo at, ano ba 'to, natataranta na talaga ako, na magpulbo hahaha! Eh,m kasi! Nag-alarm naman na ako ng 5am, tapos nagising na ako, 6am na hahaha! Pero, ok na 'yan, it's better to be late than never!

          Pero, bigla kong naalala! Si Ma'am Rosales nga pala yung prof namin ngayon. Bubungangaan ka nun kapag male-late ka sa time niya. Pero, after nun, bumabait naman na siya. 'Wag ka lang magpapa-late sa kanya, kundi, yari ka talaga! Mapapahiya ka kasi, sa sobrang lakas ng boses nun ni ma'am, buong Campus namin ata, dinig na dinig yung boses niya, eh. Pero, lab na lab ko naman siya kasi, magaling siya magturo hehe. Peace, Ma'am!

          Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko kay Ma'am, naku! Nakalimutan ko nga palang kumain. Tumutunog na tuloy yung tyan ko hahaha! Parang-grrrrr! Ganyan, imaginine n'yo na lang yung tunog hehehe. Siguro, sa MRT na lang ako kakain. Ang dami kayang mga pagkain dun! Mga fried noodles or siomai house, waffle, hotdog na super duper yummy! At, yung empanada na, hay, grabe! Sobrang sarap, lalo na yung ham and cheese flavor? Aysus-

          *kring!* *kring!*

          Kaninong cellphone yun? Naramdaman kong may nagva-vibrate sa ano ko, hehehe, sa kaliwang bulsa ko 'no ka ba?! Ah, nakita kong si mama pala yung tumatawag sa akin.

(Erlinda: Ellie! Asan ka na?!)

          "Nasa jeep na po, ma! Bakit?!"

(Erlinda: Pasaway kang bata ka! Bigla ka na lang umalis nang hindi pa nag-aalmusal!)

          Hehehe, peace po, ma. 

          "Dun na lang ako sa MRT kakain---wait lang, ma. Pababa na'ko!" at pinatay ko na yung call namin ni mama at agad na bumaba mula sa jeep. Hay! Ang hassle naman nito!

          Pagkababa ko mismo dito, ay jusmiyo! Ang haba pa nga pala ng lalakarin ko! May overpass pa akong aakyatan! Kaya, dumiretso na ako at umakyat na doon.

          Ano 'to?! Stairway to heaven? Grabe na talaga mga overpass dito sa pinas! 'Kala mo pupunta ka na talagang langit sa kay hahaba at kay tataas ng mga hagdan! 'Di pa ako ready makita si Lord, marami pa akong goals sa buhay, 'no! Gusto kong ako ang maging pinakamayamang babae sa buong Earth. Para, tawagin akong successful, rich tita eme in the future.

          Anyway, nang sa wakas ay nairaos ko rin 'tong mala-stairway to heaven na overpass, ilang lakad lang eh, nandito na ako sa MRT. Papasok sana ako sa elevator, kaso, yung nasa likod ko ay buntis. Kaya, hindi na ako tumuloy at siya na yung pinapasok ko doon. Bait ko, 'no? Hehehe

          Umakyat na ako ng hagdan at inilagay dun sa checkan ng bag yung bag ko. Shoulder bag lang siya kaya, madaling bitbitin. Kaya, nakuha ko na yun kaagad at nag-load na sa machine ng beep card ko.

          Nakipila muna ako sa mga pasahero at naghintay sa susunod na tren, Kakaloka! Anong dekada na, 'di pa rin ako nakakapunta sa school! Yari na talaga ako sa bunganga ng prof ko huhuhu. At, yes! Dumating na 'tong bagong bagon ng tren at agad-agad na akong sumakay dito.

          Pagkapasok ko, trip to Jerusalem ampeg. Paunahan ng upuan, hahaha! And luckily, nakakuha naman ako. Katabi ko ay mga babae, isang buntis, at etong si kuya na biglang natulog. Siguro, pagod 'to sa work. Buti, nakahanap siya kaagad ng upuan, at dyan siya ngayon nagpapahinga. 

          Sa pag-stop ng tren sa next station, laking gulat ko sa taong pumasok ngayon mula sa pintuan ng tren. OMG! Yung boyfriend ko, si Richie!

          Kaya, sumenyas ako sa kanya kung saan ako nakapwesto. Napansin naman niya kaagad ako at lumapit siya sa pwesto ko. OMG! Kakaloka! Totoo ba 'to?! Nasa harapan ko ngayon yung boyfriend ko?!

          "Uy, Musta ka na?" sabay hawak niya sa ulo ko. Enebe, baby hihihihi!

          "A-ah, eh..." feeling ko para nang kamatis yung mukha ko sa kakiligan!

          Habang nakahawak yung kanang kamay niya sa hawakan ng tren, ay hinawakan naman niya yung kanang kamay ko gamit ng kaliwang kamay niya. Ay, jusko! Maiihi na atako sa kakakilig sa bebe ko! May arinola ba dito? Hahahaha! At ayun, syempre papatalo ba tayo? Hinawak-hawakan ko rin yung ano niya! Yung kamay syempre ahahahah! Patawa-tawa lang ako dito pero, male-late na nga pala ako hehehe.

          "Male-late ka na, ano?"

          Aba! Kailan pa naging manghuhula 'tong bebe ko? May kamag-anak ba siyang manghuhula rin? Aysus! Katakot naman pala 'tong bebe ko! 'Di nagsasabi na baka may lahi palang-

          "Aray!" inda ko nang marahan niya akong pinitik. 

          "Kung ano-ano na naman yung iniisip mo. Kung, ako na lang kaya yung isipin mo?" sabi niya sabay hinigpitan ang hawak niya sa kamay ko.

          Enebe hehehehe, ikaw lang naman talaga palagi yung iniisip ko, eh. Walang labis, no kulang! 

          Nang mag-next station na, kailangan ko ng bumaba. Pero siya, hindi kasi, may work pa siya ngayon, ihh. Napakasipag talaga ng bebe Richie ko hihi!

          Nang makababa na ako sa station, tumingin muna ako roon. Ang lugar kung saan ko muli nakita yung boyfriend ko. At, sa sandaling yun, nagmadali na ako papunta sa school. Sana, makaabot pa ako.

          Pero, kasi! Nademonyo ako ng mga pagkain hahaha! May nakita akong siomai-ayn. Since nakalimutan ko nga palang kumain sa MRT kakaisip sa bebe ko, dito na lang muna ako kumain. Pinili ko yung pork flavor, at sinahugan na nun ng toyomansi, chili oil at bawang. Worth it ang anghang at nabuhayan talaga ako! 'Di na ako aantukin mamaya sa klase nito. 


[CHALLENGE: 1000 word count for 1 hour]

[MY WORD COUNT: 1001]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top