Writing Our Stories

DISCLAIMER: Ang mga pangalan, karakter at insidente sa kwentong ito ay kathang-isip lamang at hindi ito naaayon sa tao, bagay, lugar o pangyayari. Alinmang pagkakahalintulad sa totoong buhay ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.

***

The sweet scent of aroma grazes within me as I enter the coffee shop with full bliss.

Sa aking pagpasok ay bubungad sa'yo ang barakong amoy ng kapeng uusbong sa'king panlasa, kalmadong tugtuging umaagos maging ng nasa labas at higit sa lahat, mga nakaupong kustomer na hindi mo kaagad nanaisin kung nag-uusap ba sila, nagbabasa, nag-aaral o kung minsan, nagsusulat na lamang.

Kagaya ko.

I opened my laptop before clicking a document that I wrote before starting it through Pomodoro Technique, and while I was typing and proofreading the final chapter for my full-length novel, suddenly, a gentle bush whispered out of nowhere. Isang babae na nakasuot ng lilac crop-top, gray skorts at dark purple boots ang sumalubong sa'king harapan habang hawak ang iniinom nitong tsaa na nakalagay sa paper cup at may logo ng isang coffee shop, pero ang kapansin-pansin rito ay noong inilabas niya ang kanyang notebook at ballpen mula sa kanyang bag bago niya ito lagyan ng sulat ang bawat blankong pahina nito.

Is she a writer like me?

Ito ang tanong na una nang pumasok sa'king isipan kasabay ng agarang pagpintig ng aking puso na lalong nagpangiti sa'kin. Halos hindi ako makatayo sa espasyo kong 'to at lalong nanigas ang aking sarili na tila isang smooth na bato na mahirap pukpukin ni ibato sa pader upang mabiyak ito sa kanyang kinaroroonan. Maski ang aking laptop ay nanatili na lamang nakadilat at para niya akong sinasabihan na ipagpatuloy ang aking pagsusulat dahil nauubusan na ako ng oras.

Sinubukan kong ibaling ang atensyon ko sa laptop kaya lang nang ilang minuto pa ang nagdaan ay pakiramdam ko hindi ko na siya matapos-tapos nang dahil sa babaeng ilang milya ang layo sa'kin. Paghanga na yata ang naramdaman ko nang mga oras na ito, hindi ko alam pero sa kauna-unahang pagkakataon, agad ko na siyang nagustuhan.

Nang matapos ay kaagad niyang sinara ang kwaderno bago ito tumayo at pumunta papunta sa'king direksyon. Muli niyang binuklat ang kawdernong iyon at sinabing, "Kuya, pwede po bang paki-proofread itong poem na ginawa ko? Inform niyo po ako kung may mga errors po, ha? Thank you po!"

Magiliw siyang bumalik sa pwesto niya bago ko basahin ang ilan sa kanyang mga nakasulat. Ang kanyang mayuming boses ang siyang nagpatindig sa'king sariling balahibo at ito'y rumaragasa patungo sa'king isipan na talaga nga namang pinapakilig sa'kin nang husto.

Naiwan na lamang ang aking sarili na mapangiti habang inaalala ko ang babaeng nasa harapan ko. Isa siyang anghel na bumalot mula sa langit ang sumalubong sa'kin upang tignan kung may mga corrections ba siya sa kanyang sinulat o hindi.

Pero itong puso ko? Wala siyang ka-error-error, perfectly cleaned at talagang kumikinang ito sa aking paningin.

***

"Thank you po, Kuya! Tatandaan ko po 'yung sinabi niyo po sa'kin. First time ko po kasi na pumasok sa loob ng writing kaya po naisip ko na baka pwede po, e humingi po ng tulong galing po sa isang critic na kagaya po niyo."

Napatango naman ako sa sinabi ng babae habang binibigay ko ang kulay itim niyang notebook bago niya ito ilagay sa bag. Ako naman ay agad kong isinara ang laptop sapagkat malapit nang dumilim ang araw para kahit papaano ay makapagpahinga pa rin siya pagkatapos ng araw-araw niyang trabaho, "This year ka nagsisimulang magsulat ng libro?"

"Opo." Sinuot niya mula sa kanyang likuran ang backpack kasabay ng paglagay ng kanyang cellphone sa bulsa nito. "Dala na rin siguro ng pagkabored, hindi ba? Pagbabasa na rin ng poetry, oo. Bata pa ako, nagsusulat ako ng mga tula at prosa sa papel, paano pa kaya kapag pinagsama ko siya sa isang akda, hindi ba?"

Napahagikhik naman ako, "Iyon nga, e. Pero kahit na ganoon, sana hindi ka pa rin tumigil na abutin ang mga pangarap mo bilang isang poetess. Or being a writer in general. Tatapatin na kita — lahat tayo nagsisimula sa ibaba. Sooner or later, lalago at lalago iyang passion mo, basta huwag kang titigil sa pagsusulat, okay?"

Kumislap ang kanyang mga ngiti nang marinig ko ang payo ko sa kanya. Sa pagkakataong ito, nagwawala ang aking puso sa sobrang saya nang suminag ang bawat mga ngiti niya papunta sa'kin. Naghuhurumentado na kaagad ang aking kaluluwa sa sobrang kilig, pero may isa akong napagtanto — hindi ko pala naipaalam ang pangalan niya ni isa.

"Siya nga pala, Lionel," pagpapakilala ko bago ko ilahad ang kanyang mga kamay. "Pwede mo akong tawaging Leo kung gusto mo. Isa akong independent writer, editor at critic at bukod pa rito ay mahilig akong magbasa ng mga tula at kwentong kagaya mo. Ikaw, nong pangalan mo?"

"Sangria. 'Yung pangalan ko kasi para siyang wine brand pero sige." Pinagdugtong niya ang kanyang kamay dahilan para magkamayan kami sa kauna-unahang pagkakataon. "Ria na lang kung hindi ka pa sanay sa Sangria."

Tumango-tango na lamang ako habang binubulong ko ang aking sarili sa kawalan. Ang ganda talaga ng pangalan niya, talagang nababagay siya bilang isang main character sa sinusulat kong ito kung saan siya ang bida at ako ang magiging kapareha niya.

Pwede niya akong maging love interest, sidekick, o kahit kontrabida — depende sa kanya kung ano ang tipo niya. O pwede rin naman na maging subject ako sa tulang gawa niya...

Napapailing na lamang ako sa'king sarili habang iniisip ko ang bagay na iyon. Ito na ba ang pakiramdam na magustuhan ko ang isang co-author na kagaya niya?

Ito na ba kaya ang sinasabi nilang destiny?

***

Araw, linggo, buwan at taon ang itinagal namin bago kami naging magkaibigan ni Ria nang mga oras na iyon. Sa tuwing may problema ako ay ginagawa ko siya bilang hingahan at sandalan ko sa lahat ng oras. Lagi niya akong nililibre, sumasama siya sa mga writing sprints at isa pa, nagagawa rin niyang magsulat ng sarili niyang istorya. Nakikita ko sa kanya kung gaano siya nag-i-improve sa kanyang writing style, bukod pa rito ay hindi niya pa rin mawawala ang tips at corrections na binibigay ko sa kanya sa tuwing pinapabasa niya sa'kin ang bawat linya sa kanyang sinusulat, at higit sa lahat ay palagi siyang napapaluha sa tuwing nakakapagbigay ako ng payo sa sariling buhay niya, maging sa writing.

Isang gabi ay niyaya niya akong pumunta sa labas para roon kami mag-usap, ngunit habang nasa kalagitnaan na kami ay bigla niya akong hinalikan sa labi — ito'y isang bagay na hinding-hindi ko malilimutan sapagkat noong tinanong ko sa kanya kung bakit niya ginawa iyon ay dito ko na napagtanto.

Napagtanto na may gusto pala siya sa'kin, at ganoon rin ako. Simula niyan ay naging kami na nang gabing iyon at dahil dito ay napag-isipan kong gumawa ng isang collaboration novel na kasama siya.

Ang gusto ko, makapagsulat ako ng isang istorya na kung saan kami rin ang bida pero ang pinanggalingan ay nagmula sa ibang mundo malayo sa totoo. Si Ria naman ay pinili niya ang happy ending sapagkat ganito rin ang magiging fate ng mga characters na ginawa namin at syempre, dapat may kasamang pagmamahal at inspirasyon ang meron sa istoryang ito.

"Ria, sa tingin mo ba tinadhana ang dalawang tao para sa isa't isa?" tanong ko sa kanya habang nakatingin kami sa buwan nang magkasama. Hawak ko ang kanyang balikat ay napatingin siya sa'kin kasabay ng pagliwanag ng ngiti niyang nagniningning sa'king paningin.

"Oo naman," malumanay niyang sagot. "Parang tayo. Alam ng Diyos na ikaw ang kaisa-isang lalaking nangangarap na mahalin ka hanggang sa dulo, kaya binigay Niya na ang tamang panahon para sa'ting dalawa. Kaya imposibleng tayo talaga ang tinakda para sa isa't isa, hindi ba? Katulad ng dalawang karakter na nababasa natin sa libro, naghintay sila ng ilang buwan, taon at panahon bago nila masabi sa isa't isa na pwede na silang magmahal nang tunay."

Hinagod ko ang kanyang buhok bago ko siya halikan sa kanyang sentido, subalit nabasag iyon nang bigla siyang inubo malayo sa'kin. Tumayo ako sa'king kinauupuan at tinignan ko na lamang si Ria: putlang-putla na at tila nanghihina sa kanyang sariling kaluluwa, maski ang bibig nito ay tuluyang naninilaw sa'king nakita.

Bakas ang aking pag-alala nang makita ko ang kanyang sariling na mukhang gusto na niyang magpahinga subalit kaagad kong tinatatagan ang loob at sinabing, "Kaya mo iyan, Leo."

"Ria, ayos ka lang ba?"

"Oo... ayos lang ako..." nanghihina niyang sagot sa'kin nang hindi niya ako nilingon sa'king mga mata. At sa pagkakataong ito ay tuluyan nang bumagsak ang kanyang sarili na kaagad ko namang sinalo mula sa semento. Maka-ilang ulit kong tinawag ang kanyang pangalan at tinanong kung ayos lang ba siya subalit noong unti-unti niyang dinilat ang kanyang mga mata ay sumalubong sa kanya ang patak na luha na umagos papunta sa pisngi nito.

"Leo... may ihahabilin pala ako sa'yo..." Basag na ang kanyang boses kasabay ng pag-abot ng kamay nito sa'king pisngi na tila pinapakiramdaman niya ang aking maligamgam na katawan papunta sa malamig niyang espasyo. "Pwede bang... ikaw muna ang magtapos ng istorya nating dalawa?"

Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi. Unwelcomed tears started to fall onto my face as I saw her lifeless body, fighting between life and death, "Anong ibig mong sabihin?"

"May pneumonia ako, Leo. Sinisira nila ang aking paghinga na anumang oras ay malapit na akong mawala sa mundong 'to..." malungkot niyang pag-amin sa'kin na agad bumasag sa nakasanayan kong pamumuhay kasama siya. "Kaya kung pwede lang sana... sana matapos mo ang istorya nating dalawa nang ikaw lang... bigyan mo ako ng magandang closure... pakiusap..."

Kahit garalgal ang kanyang boses ay hindi ko mapigilan ang aking sarili na kausapin siya subalit pinipigilan niya ako, "Please...? Sorry kung ngayon ko lang ito sinabi sa'yo... hindi kita pwedeng alalahanin lalo pa't—"

"Ria, ayos lang," malungkot kong saad kasabay ng bawat garalgal at piyok habang lumuluha sa harapan niya. "Naiintindihan kita. Kung gusto mong magpahinga, gagawin ko. Hindi naman lahat ng istorya... may happy ending, e. Kaya kung nanaisin mong magpahinga nang habambuhay sa harapan ko, ayos lang sa'kin. Ang mahalaga, nakakasama pa rin kita hanggang sa huli mong sandali."

"Salamat, Leo... maraming-maraming salamat."

In just one snap, suddenly, her hand's slowly falling on the ground, joining the Creator in her own hands. Makailang butil ng luha ang sumibol sa'kin habang nakikita ko siyang wala nang buhay sa'king bisig.

Ang sakit.

Sobrang sakit.

Sa huli, hinalikan ko ang malamig at naninigas na noo ni Ria at hinagod ang kanyang buhok sa huling pagkakataon. Mahirap sa'kin na tapusin ang kwento naming dalawa nang magkasama, siguro kailangan kong gawin iyon nang sa gayon ay matahimik ang buong kaluluwa at sa kabilang banda ay magkaroon ng masakit na closure alang-alang sa relasyon namin.

Na ang dapat sanang happy ending, napalitan ng masakit na epilogo para sa'ming dalawa.

"Good job, future published author. You had a good fight. And in another life, I will still love you... until my ink runs out."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top