I: Paalam Kahapon ( It takes time ) 2.0 (PoetryContest2019)
UNANG pagtatagpo'y kasiyahan ko
Aking nakilala isang tulad mo
Iyong ngiti'y sapat at tapat
Upang puso'y lumigaya at humalakhak
***
Ngunit kapalaran nati'y mailap
Sapagkat ika'y nagbago at nawala't
Napadpad sa malayo't iniwan akong luhaan
Sa dako ng kahapisan at kahinaan
***
Puso'y dumaing sa 'yo at umasa
Nawa'y mahalin pa rin tuwina
Ngunit ika'y bumitiw na
Sa pangakong binuo nating dalawa
***
Isa pang pagkakatao'y ibigay
Ating ibalik, kahapon sa nagdaa'y
Upang pusong namighati; kumalmang muli
Isa pusong nagtiis at nasawi
***
Paulit-ulit kong nais, Mahal
Ako'y mahalin pa ulit
Pangako'y tupdin nating muli
Hanggang sa huling pagkakataon muli't
***
Sa aking puso'y makapiling
Taong nagbigay saya at galing
Sapagkat puso'y sinidlan ng galak
Nang makasama at makilala't ikaw
***
Ngunit pilit mang mamutawi
Salita at ibig ng damdamin ko
Kung sadyang ika'y bumitaw na
Puso'y wala ng magagawa pa
***
Pag-iisip at puso'y kaniya na
Pagmamahal niya'y siyang nais pa
Salita at luha ko'y balewala na
Sapagkat siya na'ng nagmamay-ari pa
***
Kaya ako'y bibitiw na
Aking Ginoong minamahal pa
Sapagkat pagbitiw mo'y katumbas
Ika'y bitiwan na
***
Paalam, mahal kong Ginoo
Nawa'y kasiyahan mo'y makamit
Kahit kalungkutan ang kapalit
Sa puso mong sasaya at magiging buhay ulit.
***
It takes time to heal and be broken again
Yet one thing I love it
When things go wrong along the way
There's another you where I belong
***
To someone else who wants me too
Someone who will love me unconditionally
And willing to give his/her full attention
To be the one I deserve and worth fighting for.
—MxGchef (Ghi);
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top