TheMargauxDy
Majesties, here comes your queen! Let's dive deeper into this interview with the writer of Truly, Madly, Deeply and Endless - The Unwanted Marriage, ang natatanging TheMargauxDy! Basahin kung ano ang kanyang payo sa mga bagong manunulat at kung sino ang kanyang first celebrity crush. All that and more only here on RomancePH.
1. Ano ang maipapayo mo sa mga baguhang manunulat?
-I honestly consider myself still new to this industry since 2017 lang ako nagsimula talaga, pero sa loob ng mga panahon na 'yon, I've learned a lot--and I'm still learning.
READ and DIGEST. 'Yan ang maipapayo ko sa mga katulad ko. Natuto lang naman din ako magsulat dahil sa pagbabasa; natutunan ko 'yong mga basic rules sa formal writing sa pagda-digest ng mga nao-observe at nalalaman kong technique.
2. Sino ang writer na iniidolo mo at naging inpirasyon para maging isang manunulat?
-Heart Yngrid and Jhing Bautista.
3. Bukod sa pagiging writer, ano ang iyong dream sa buhay?
-Masyadong ambisyosa 'tong pangarap ko na 'to, pero either maging singer or movie producer. Gusto kong makilala sa larangan ng musika, gumagawa ng mga OST para sa mga nobelang isinusulat ko, o 'di kaya makita ang mga story ko na naisasabuhay sa pelikula. Ang sarap siguro no'n sa pakiramdam.
4. Top 3 places na gusto mong puntahan around the world?
-New York, Korea, and Europe
5. What's your worst habit?
-I tend to do a lot of things at once. Yes, kahit sa work 'yan ang worst habit ko. Feeling ko kasi kaya kong gawin lahat nang sabay-sabay, kaya ang ending, nahihirapan ako sa pagtapos sa lahat.
7. Saan ang iyong dream destination at bakit?
-Puerto Galera o Baler, lahat ng mga nakakakilala sa akin personally, alam na binabalik-balikan ko ang dalawang lugar na ito. Mahilig ako mag-beach, kapag sobrang stressed na ako sa City, either 'yang dalawang 'yan ang takbuhan ko. Kahit pa mag-isa lang ako, okay lang. Iba ang comfort na nadadala sa akin ng tunog ng alon saka huni ng mga ibon.
8. Tell us about your first celebrity crush.
-Hindi ko na maalala 'yong kauna-unahan, pero ang natatandaan ko is 'yong bidang lalaki sa Mean Girls, si Jonathan Bennett. Sobrang baliw na baliw ako sa kaniya noon! Napuno ng printed pictures niya ang kuwarto ko at halos kurutin ako ni mama sa singit dahil sa paulit-ulit kong panonood ng Mean Girls dahil sa kaniya
9. Ibahagi sa amin at iyong mga fans ang iyong pinaka paboritong sariling akda and tell us why we should read it.
-ENDLESS! Lingid sa kaalaman ng iba, sinulat ko ang Endless noong mga panahong devastated ako--kaya siguro ganoon siya kasakit. Sa Endless ko binuhos lahat ng frustrations, lungkot, at sakit na nararamdaman ko. The characters, Chase and Pomee, became a reflection of how devastated I was before and how much pain I was going through. Likha ko sila, but for me, they're more than just characters.
10. Meron ka bang mensahe para sa iyong mga readers?
-Hi, Majesties! Maraming-maraming salamat sa inyong walang sawang suporta. Hindi ko alam kung anong ginawa ko para ma-deserve kayong lahat, pero sobrang thankful ako sa bawat isa sa inyo. Sana dumating ang araw na magkita-kita tayo sa booksignings para isa-isa ko kayong mabigyan ng mahigpit na yakap. Mahal na mahal ko kayo!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top