TheChaserMe

Nagagalak ang RomancePH na ibahagi sa inyo ang aming interview kasama ang isa sa winners ng Mahalima Hanggang sa Huli na si TheChaserMe! Mas kilalanin pa siya at malaman ang kanyang proseso sa pagsusulat sa interview na ito.

1. Ano ang iyong maipapayo sa ibang manunulat?

Huwag susuko sa pagsusulat. Alam kong paulit-ulit na itong nababasa ng karamihan pero dapat talaga na nagbabasa ang mga manunulat para madagdagan ang kaalaman nila. Huwag ikukumpara ang sarili sa ibang manunulat na sikat ngayon at magtiwala na darating din tayo sa panahon kung saan makikilala rin ang akda natin.

2. Ano ang pinakapaborito mong naisulat na akda ngayon at bakit?

Sa ngayon, ang pinakapaborito kong naisulat na akda ay ang "Chin up, Marife". Tumatalakay ito sa isang high school student na maraming insecurities sa sarili at umabot sa punto na sinubukan niyang pabagsakin ang kaibigan niya dahil sa matinding inggit at selos.

3. What inspires you to write?

Simple lang. Karamihan sa mga isinusulat ko ay naranasan ko na rin katulad ng family problems, insecurities, heartbreaks at marami pang iba, at gusto kong isulat ito para ibahagi ang mga aral na natutunan ko.

4. What can you say about the prompt?

Para sa akin, ang prompt na napili kong isulat para sa contest na ito ay maganda at nakakaaliw. Nakaka-miss makasama ang mga kaibigan ko noong high school at siempre nakaka-relate ako dahil ang bida ko ay may pagtingin sa kaibigan niya.

5. How did you come up with Mahal Kita, Alam Mo 'Yan?

Basta na lang pumasok sa isip ko na lagyan ng twist 'yong story ni Ella at Justin.

6. Sino ang bias mo sa SB19 at bakit?

For me, si Justin. Ewan ko basta may something sa kaniya, eh. Hirap i-explain hahaha.

7. Kung pupunta ka sa mundo ng iyong nanalong akda, sino ka sa iyong mga character? Gagawin mo rin ba ang ginawa nila sa kwento?

Siempre si Ella para naman may interaction ako sa bias ko. Hahaha. Kung ako siya, gagawin ko rin ang ginawa niyang pagyakap kay Justin noong umamin ito ng feelings sa kaniya. Aarte pa ba 'ko? Hahaha. Sasabihin ko rin ang sinabi niya kay Justin na ligawan na siya nito. Hahaha.

8. When did you start writing on Wattpad?

I started writing in Wattpad since 2020 noong lockdown. Marami na akong naisulat na stories ko noong high school pero sa notebook lang dahil wala akong matinong cellphone. Kaya noong magkaroon ako ng work at nakabili ng phone, ayon...nagsimula na akong magsulat sa Wattpad at na-addict na rin. Hahaha.

9. How did you come up with your username?

TheChaserMe ang username na napili ko kasi from the word 'Chaser", madalas akong maghabol sa mga taong ayaw sa akin. Char. Hahaha. Chaser ako ng mga pangarap ko sa buhay. Iyon lang.

10. What is your message to A'tin and SB19?

To SB19: Thank you for being one of my inspirations while writing my winning entry. I love you!

To A'tin: Huwag magtulakan, pila sa likod. Hahaha char lang. Let's support SB19 no matter what. Thank you! 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top