TheCatWhoDoesntMeow

You're in for something sweet, mga pusang mamon! Handog sainyo ng RomancePH ang isang exclusive interview with the writer of Kiss You (Candy Series 1) and The Hate List, none other than, TheCatWhoDoesntMeow! Know about her tips sa writer's block and her message to her fans! 

1. Kailan ba dapat isuko ang pangarap sa pagsusulat? 

-This is a hard question dahil iba-iba tayo ng definition sa giving up. If this 'giving up' means hindi na talaga magsusulat kahit na kailan, sa tingin ko, dapat munang i-exhaust ang lahat ng possibility kung bakit hindi kailangang tumigil. Magsulat ka muna nang magsulat. Mag-workshop kung kailangan. Mag-improve ng skills. Magbasa at mag-research about writing. Humingi ng tulong sa mga kakilalang author at reader. Sumubok mag-reach out sa publishers. Sumubok sumali sa writing contests: community-based o Wattpad-based at national man. Sumubok magsulat araw-araw sa tulong ng writing prompts. Sumubok kumontrata ng beta readers to give you feedback. Sumubok humanap ng mentor. Sumubok mag-self-pub. Sumubok magpa-review o magpa-feature sa mga writing sites. Sumubok magpasa ng kumpletong manuscript sa anumang call for submissions. At marami pang iba. 

You see, there are a thousand ways and a thousand more starting points to launch your career as a writer. May mga manunulat na blessed dahil madaling nakilala ang mga readers nila. May mga manunulat na mabagal nakatagpo ng readers pero tuloy-tuloy. At may mga manunulat na pinag-iisipang sumuko while only trying a few options on how they will succeed. I think it will be wise to discern first kung anong klase ka bang manunulat? Gusto mo bang sumikat lang agad? Gusto mo ba nang mabilis na paraan para makilala at ma-publish? Do you have what it takes to put in the work? 

Napapansin ko na ang success sa pagsusulat ngayon ay naka-base sa kung sikat ang isang manunulat o hindi. But that's fame, not writing. Being a writer means writing stories, drafting stories, revising stories, editing stories. If you're serious, it's going to be hard. And if you're serious, you have to put in the work. So the answer would be: stop when you've put in the work and you've explored and exhausted every possibility there is to be a successful writer.

2. Ano ang bagay na nagmomotivate sa iyo para ikaw ay magsulat? 

-Nothing dramatic, really. I get motivated by: a. Ang kuwento o characters mismo. Ako, bilang manunulat ang unang nai-in love sa kuwentong isusulat ko at unang in awe sa mga characters na nakikilala ko. For me, kapag wala yung love na yun o yung amazement na yun sa kuwento at mga character na isusulat ko, maaaring makapagsimula akong magsulat pero baka hindi ma-sustain at hindi ko rin matapos. 

b. Mga readers ko (APM, family members, friends). Whenever I get discouraged or anxious to write, laging nandiyan ang APM ko para sakyan ang mga pakulo ko at ng admins sa facebook group. Laging nandiyan ang hubby ko, Kuya ko, at best friend ko to remind me why I love writing.

c. Sarili ko. Yes, self-support. I write—more often than not—for myself. Writing is like breathing for me. Writing is fixing my mood. Kapag bad day o suffocated ako sa mga ganap sa tunay na buhay, magsusulat lang ako at magiging okay ako. Writing makes me happy so I always come back to it.

3. Kapag ikaw ay nakaranas ng writer's block, ano ang iyong ginagawa? 

-Tricky question. Naniniwala ako before na may writer's block, but now, not so much. Ang writer's block, para sa akin ay maaaring dala ng: 

a. Maling execution o treatment sa story. Bawat story ay may true form o true execution. Kapag mali ang opening natin, o yung development, o yung mga eksenang pinili to move the story forward, nagkakaroon ng blockage. As writers, we know by gut that something's wrong. Hindi lang natin ma-pinpoint. Yun yung blockage. Kaya kapag parang naba-block ako, I look at the structure, the execution, and the development of my story. Pinag-aaralan ko. Tinitingnan ko kung saan ako posibleng nagkamali. Then, I try to fix it para bumalik sa true form ng story. That fixes the block, too. 

b. Pagod o exhausted tayo. As writers, we are using our creative juice to write. Hindi nakapagtataka kung ma-exhaust o maubos yung creative juice. Hindi nakapagtataka, halimbawang mawalan tayo ng gana o interes. We have to feed and re-fuel our creativity from time to time. 

c. Hindi tayo handa. May mga story na mataas ang emotional toll o mental toll sa atin bilang manunulat. May mga dramatic scenes na draining isulat; action scenes na ubos-utak i-imagine; fantasy scenes na ubos-words isatitik. Minsan, hindi tayo handa na isulat ang isang eksena kaya parang may block. It's not that we couldn't write it, it's that we need time. 

d. Life happens. Minsan, overwhelmed tayo ng mga ganap sa totoong buhay, it's hard to even think about writing. When life happens, be there. Bigyan ang sarili ng oras para harapin ang nasa tunay na buhay. Go back when you're ready to plunge into the fiction world again.

4. Ano ang masasabi mo sa mga taong nais na magsulat pero nahihiya dahil takot sila na baka mabash lang sila? 

-Writing, like any other art, creates a lot of fears. Kung ang takot ay ma-bash, I will have to remind you that there will always be people who won't like what you do, what you write, what you put your effort into, what you try to imagine. Kahit gaano ka ka-hardworking, ka-ideal, kabait, kagalang, etc... there will always be people who would despise and misunderstand you. But are you writing for them? Because if no, then just write. 

Sa kabilang banda, there will always be people who will like what you do, what you come up with, what you write, what you put your effort into, what you imagine, what you create. May mga taong hindi mo kailangang bigyan ng napakaraming dahilan para magustuhan at ma-appreciate ka. Are they with you? If not, don't worry. You'll find each other soon. So, just write. Bottomline: Just write. Hindi tayo sigurado sa kung ano eksakto ang mangyayari, unless we try.

5. What's the secret behind your success? 

-Hard question again because we all have our own versions and definitions of success. Ang success para sa akin ay kapag naisulat ko na lahat ng kuwento ko at lahat ay na-publish at nabasa nang marami. But if we're talking about what I have achieved so far, I don't think it's so secret. Nagsulat lang ako nang nagsulat. Kaya yun din ang madalas na payo ko sa lahat: Sulat lang nang sulat.

6. Sa lahat ng sinulat mo, alin sa mga iyon ang pinaka-paborito mo at bakit? 

-I don't have favorites dahil bawat isinulat ko ay may purpose sa writing journey ko at dinependehan ko noong panahong isinusulat ko sila. Picking a favorite will get me threats from my characters, too. Haha. Kung ano ang isinusulat kong ongoing, iyon ang paborito ko at the moment.

7. Paano ba sumikat sa Wattpad? 

-Ilang ulit ko nang nakita ang tanong na ito. Wala akong alam na eksaktong step by step na paraan para sumikat. Doon tayo sa maaaring gawin ng lahat, hane? 

a. Write and update your story consistently. Lagyan ng schedule kung kailan ka magsusulat at ipaalam sa mga nagbabasa kung ano ang schedule ng pag-a-update. MWF ba? TTHS ba? Once a week? Once every two days? Daily? It helps para may i-look forward ang mga nagbabasa. At kapag nakita ng mga readers na active ka, hindi sila magdadalawang-isip na mag-abang. 

b. Improve your writing skills. Write good stories. Let your stories speak for you. Kapag magaganda ang kuwento mo, ikakalat at ipamamalita yan ng mga readers mo.

8. Ano ang maipapayo mo sa mga baguhang manunulat? 

-Sulat nang sulat. Marami nang nauna pero hindi ibig sabihin niyon ay wala nang espasyo para sa bago. Writing is a job for the determined and the diligent. Those who wrote before you opened the door of opportunities and paved the way for you and the many others after you. Continue opening doors and finding new roads.

9. Ibahagi sa amin at iyong mga fans ang iyong pinaka paboritong akda and tell us we should read it. 

-Please read all my stories. Nagsusulat ako ng iba't ibang genre. May tungkol sa babaeng nag-a-astral travel (Paranormal: The Drifter), may lumalaban sa demonyo kasama ng fanboy niya (Paranormal: The Exorcist), may mga deathgods o grim reapers (Fantasy: Hello, Death at After Death), may tungkol sa tunay na buhay (Fantasy: The Void), at may horror stories na parang puzzle (Horror: Kuwentong Hukay). You can take your pick. 

Marami rin akong klase ng romance stories. May para sa flawed at topakin (Mature: De Guia stories), may para sa gusto lang kiligin nang walang stress (Teen Fic at New Adult: Candy Stories), may para sa gusto ng easy reading (Epistolary: Troll Series), may para sa gustong kiligin habang nakikichismis sa buhay ng iba (Teen Fic at New Adult: String-Knitted Heart). 

Marami akong kuwento. Maraming saya, pag-ibig, at pagod ang ibinuhos ko sa mga kuwento ko. I love each of them at the moment of writing and even after. I will continue to love them for the lessons and the comfort they've given me. They need friends and new readers to know about them. Please, read them.

10. Meron ka bang mensahe para sa iyong mga readers? 

-I love you, APM! Ilang taon na tayong magkakasama at masaya akong sa bawat taon, lalong tumitibay ang samahan natin. Magparami pa kayo. Magpakalat pa tayo ng mabuting balita. Magpakarupok pa sa marami pang kuwentong paparating. 

Salamat sa laging pagsama sa aking pagsusulat. <3 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top