solemnista

Nagagalak ang RomancePH na ibahagi sa inyo ang aming interview kasama ang isa sa winners ng April Blues na si solemnista ! Mas kilalanin pa siya at malaman ang kanyang proseso sa pagsusulat sa interview na ito.

 Ano ang iyong inspirasyon para sa iyong winning entry na "Pahina?"

"Noong nabasa ko ang prompt at mechanics ng April Blues, unang pumasok sa isip ko ang paborito kong kanta ng Ben&Ben na "Talaarawan", doon ko unang binase ang orihinal na pamagat ng kwento. Iyon din ang kadalasan kong pinapatugtog noong mga panahon na 'yon kaya nagkaroon agad ako ng ideya at kaagad na nakagawa ng sample draft. Bukod dito, ilan din doon ay hango naman sa aking karanasan at ilan mula sa kwento ng malalapit na tao sa 'kin."


Nais mo pa ba na ulit sumali sa mga susunod na contests? 

 "Sa ngayon, maaari. Depende sa oras, panahon at abilidad ko bilang manunulat. May ilan kasi na sabihin na lang natin na hindi ko "forte" o kaya man ay wala pa akong gaanong background knowledge para mapanindigan at mabigyan 'yon ng maayos na plot. Isa sa mga natutunan ko kay Ate Rayne at sa libro niyang "12 Makabuluhan-kuno Writing Tips", unpromising ang libro kapag 'half-baked' palang ito. Kaya dumadaan muna ako na mahaba-habang pagtatanong sa sarili, pag-aaral at pagdarasal. xD"


Ano ang iyong maipapayo para sa mga baguhang manunulat? 

"Alam kong overused na ang salitang "magbasa nang magbasa" mula sa mga payo ng halos lahat ng mga manunulat ngunit totoo na dito magsisimula ang lahat. Mula sa ideyang binibigay sa 'tin ng isang istorya hanggang sa pagbuo natin ng sariling schema na siyang nag-uudyok sa 'tin makabuo ng bagong istorya. Lahat 'yon ay bunga ng pagbabasa. Bukod doon, para sa akin nakatulong ang pag-nonote ko ng mga bagay na bigla na lamang magpopop-out sa utak ko. Sobrang useful nito lalo na mga katulad kong makakalimutin. Sa ngayon, aminado akong wala pa ako sa posisyon para magbigay ng technical na advice dahil ako bilang baguhang manunulat ay patuloy pa ring pinag-aaralan ang mundo ng pagsusulat na sa tingin ko'y isang lifetime process. Ika nga nila, walang instant. Proseso talaga. So, don't rush the process but don't forget to bloom while flourishing."   


Ano pa ang iyong goal sa pagsusulat? 

"Simple lang ang goal ko sa pagsusulat, ang maihatid ng maayos ang mensaheng gusto kong iparating sa isang istorya, mabawasan ang technical errors, madevelop ang writing voice and/ style ko, at makapagproduce ng wholesome na libro."


Ilang taon ka nang magsimulang magsulat? 

" Grades 6 ako noong una akong magsulat ng isang maikling kwento tungkol sa crush life ko noon na kung bibilangin nasa edad na trese (13) na ako."


Mayroon ka bang rules sa pagsusulat? 

"Hindi ko masasabing sariling akin ang rule na ito pero isa ito sa mga tumatak sa 'kin. "Kumaliwa kapag nasa kanan ang ang lahat. Don't go with the flow. Make your own path to glow." - pilosopotasya sa, 12 Makabuluhan-kuno Writing Tips.Alam kong hindi ito applicable lagi lalo na't nabubuhay tayo sa cliche' moments kaya kailangan ding isabay sa rhythm ng kwento. Para sa 'kin, dito mo rin mahahanap ang authenticity ng gawa mo." 


Mayroon bang kilalang tao na naging inspirasyon para sa isa sa iyong mga karakter? Sino ito at bakit? 

"Wala namang 'kilala' na talagang sikat o tanyag dahil halos mga ordinaryong tao lang din naman ang naging inspirasyon ko sa bawat karakter. Kahit naman sino ay maaaring maging inspirasyon. Bukod sa mga taong nasa sentro ng atensyon, kadalasan natatabunan lang sila. Maaaring nasa gilid o likuran, naghihintay ng tamang panahon at pagkakataon na mapili ang kanilang istorya." 


Ano ang iyong greatest fear bilang writer? 

"Bukod sa takot ko na hindi mabigyan ng hustisya ang karakter sa aking mga kwento, natatakot rin akong ma-impluwensiyahan ang mga mambabasa ko ng maling kaisipan. Isa rin akong mambabasa, alam ko kung anong dulot sa akin ng mga binabasa ko. Sabi nga nila, "You are what you eat," na para sa 'kin maihahambing ko sa pagbabasa. Tayo ang repleksyon ng mga binabasa o kinakain ng ating isipan. Ganoon din pagdating sa pagsusulat."


Ano ang iyong akda na nais mong ibahagi sa amin? 

"Sa kasalukuyan, naka-unpublish pa ang ilan sa mga sinulat ko noong 2018-2019, bukod sa dalawang WriCon entries na nakapublish ngayon. Kung masusunod sa nakaplanong petsa baka mai-publish ko ulit ang dalawa sa aking mga akda sa mga susunod na buwan."


May mensahe ka ba para sa iyong mga mambabasa? 

"Kung mayroon ngang napadpad at mapapadpad sa mga istorya ko, you're not just a mere missing soul, may purpose kung bakit ka naligaw dito xDNandito lang ako para ipaalala na hindi mo kailangan ng pipili sa 'yo, piliin mo ang sarili mo nang sa gayon makita mo kung bakit ka pinili, pinipili at laging pipiliin ng Lumikha."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top