loveisnotrude
Nagagalak ang RomancePH na ibahagi sa inyo ang aming interview kasama ang isa sa mga winners ng Quest for Love na si loveisnotrude ! Basahin ang kanyang interview at mas kilalanin pa siya bilang isang manunulat sa interview na ito.
1. Ano ang unang pumasok sa isip mo ng mabasa ang tema ng patimpalak na ito? Ano ang naging inspirasyon mo sa pagsusulat ng Diploma Bago Jowa?
As usual, first impression ko talaga ay na-amaze—sa nakaisip ng buong concept, ng prompts, at ayon nga, sa mismong tema. Sabi ko pa, 'Di na naman ako binigo sa creativity ng mga tiga-RomancePH. Akswali, may pagdadalawang-isip pa nga ako kung sasali ba ako o hindi. During that time kasi (until now pa rin naman), naka-hiatus ako sa pagsusulat ng mga epistolary. Last update ko pa nga sa ongoing epistolary ko ay nung April pa. So, nung nalaman ko na gano'ng klase ng storytelling ang kailangan para sa contest na 'yon, di agad ako nakapag-decide. Naisip ko kasi, bakâ di ko ma-pull off dahil nga ilang buwan na akong hindi nagsusulat ng gano'n. Pero ayern, after nang pakikipag-brainstorming sa sarili, I ended up joining—at kung sinusuwerte nga naman, my entry won pa.
As for the inspiration naman ng DBJ, sa totoo lang, wala. Bukod sa napili kong prompt, wala na talaga akong naging ibang inspirasyon sa kuwentong 'yon. Gano'n kawalang kwenta ang brain cells ko at that moment. Kaya malaking tulong talaga yung provided prompt sa pagbuo ko ng Diploma Bago Jowa. Without it, wala rin siguro akong mapo-provide na gano'n kabonggang entry.
2. Paano ang iyong naging writing process para sa kwento at patimpalak na ito?
Base sa journal entry ko about it, nag-start akong mag-conceptualize at 12 a.m. nung June 15. That time, nakapag-decide na akong Prompt #2 ang gagamitin ko. I also have a storyline in mind pero di pa ako nag-start magsulat kasi wala pa akong final title (fun fact: there are times na di talaga ako makapag-start magsulat hangga't wala akong final title at book cover). Bale, at 1 a.m. ay nakaisip na ako. Yung first title na naisip ko ay "Add to Heart" kaso pag-check ko ng mga entries ay may gano'ng title na. At dahil ayaw ko namang gumaya (kahit sa title lang), nag-isip ulit ako and I came up with "Virtually in Love" — na hindi ko rin ginamit kasi I realized na di ito tugma sa storyline na naisip ko. Until at 2 a.m., I've got a sudden light-bulb-na-biglang-sumulpot-sa-ulo moment at nakaisip ako ng apat na posible at swak na title para sa entry ko: 1) Diploma Bago Jowa; 2) Diploma > Jowa; 3) Diploma Muna Bago Jowa; and 4) Diploma Over Jowa. The funny thing pa is nagpatulong ako sa GR pipz (shout out sa inyo, mga beh!) kung ano ang magandang title ta's yung pang-apat ang pinili nila, pero di ko rin naman sinunod. Huhu. Nakagawa na kasi ako ng book cover ta's yung DBJ ang title na ginamit ko at gandang-ganda ako sa outcome na ayaw ko nang palitan pa, so nagpaladesisyon na lang ako. HAHAHA!
After nung kaguluhan na 'yan, nag-start na rin akong mag-draft. Inuna ko muna yung mga graphics na gagamitin ko ta's itinuloy ko na lang yung mismong pagsusulat kinaumagahan paggising—emz, hapon na pala ako nakapagsulat kasi tanghali na rin ako nagising no'n. Basta at 15:30 ako natapos, ayon sa aking journal entry.
Overall, I enjoyed the whole writing process of Diploma Bago Jowa. Siguro dahil na rin ang light at puno lang ng fun yung kuwento kaya naman nag-enjoy talaga ako. Ang iconic din kasi ng banters, asaran, landian, pati yung naging usad ng mismong kuwento—yaaaaz, buhat sariling bangko gaming lang táyo dito.
3. May sinusunod ka bang rules sa pagsulat ng iyong mga akda?
Generally, meron.
Pagdating sa mga novels, novellas or novelettes, may sariling style na akong sinusundan—mula sa Prologue & Epilogue nito, pagpili ng POV na gagamitin, pag-execute ng mga eksena per chapters, at pati na sa pag-pull off ng plot twist/s. Kaya kung mapapansin ninyo, halos pare-parehas lang yung istilo ko sa pagsusulat ng mga 'yan. Na kung reader talaga kita or binabasá mo lahat nang isinusulat ko, madali mo lang mare-recognize na I'm doing it in my own way.
For short stories, ang tanging rule ko ay dapat mabigyan ng justice yung storyline o plot sa limitadong bilang ng mga salita. I mean, yes, ganyan naman talaga dapat. Pero kasi as an avid reader ng mga maiikling kuwento (dahil ito na lang ang kaya ng attention span at free time ko), napapansin ko na ang hilig nilang mambitin. Well, siguro, that's their style lang talaga. Pero there are some kasi na wala na sa hulog yung pambibitin. Yung tipong hindi na nabigyan ng justice yung plot ng kuwento dahil lang gusto nilang mambitin para mas mag-crave pa yung mga reader for more. E, kung gano'n lang din pala, sana hindi na sila nagsulat ng short story. Because I believe that it is called "short" for a reason. Another rule pala (na for some reason ay hindi ko rin naman palaging nasusunod) is to not state my characters' names and their gender and sexuality. For me kasi ay maganda sa isang short story na gender neutral ang mga character para mabigyang laya mo rin yung mga reader mo o yung magbabasá nito to imagine it sa kung paano nila gustuhin.
Sa epistolary naman, starting from An Online Landian, dapat maayos at maganda na ang pag-layout at pag-format sa mga ito. Na hindi na puchu-puchu tulad ng sa Talk to Stranger o TTS (na unang epistolary story na isinulat ko). Balak ko na rin kasing gawing pare-pareho yung layout ng mga epistolary ko in the future based on AOL kaya I think that'll be my rule for that.
In poetry writing, dito siguro ako walang rule na sinusundan. Bukod sa di naman na ako masyadong nagsusulat talaga ng mga tula, I just want to write freely lang din pagdating sa ganito. Kung ano ang ma-produce, go lang!
4. Saan at paano mo nakukuha ang inspirasyon mo para sa mga karakter ng iyong kwento?
Sa paligid ko.
Minsan, sa mga kakilala ko na talaga. Mostly ng mga stories ko na naka-post sa Wattpad ay may mga character na inspired sa mga kakilala or friends ko in real life. Pero madalas ay sa mga random pipz na nakakasalamuha ko lang—mapa-online man or in person. Hindi kasi ako super observant talaga. Hindi ako mabilis maka-recognize ng small details. So kapag nagkaroon ka talaga ng impact sa akin (siguro the way you look or by what you did) or if we had an unforgettable interaction, doon lang kita maaalala o matatandaan. At sa gano'ng way usually ako nakakakuha ng inspirasyon para sa karakter ng mga kuwentong isinusulat ko.
Another one pala is sa mga napapanood ko—films, series, or even sa random videos I found online (like sa Facebook Reels or YouTube Shorts).
5. Ano ang iyong long term goal sa pagsusulat?
Makatapos ng at least isang nobela kada taon.
Chika ko lang din na isa sa long term goal ko talaga ay ang makapag-publish (traditionally) ng libro at magkaroon ng sariling book signing event. Pero after what I've experienced, di ko syor kung goal ko pa rin ba 'yan until now. Haha. Pero one thing's for sure: gusto ko pa ring makita ang bawat kuwentong isinusulat ko na ma-publish in print. Siguro ay magiging madali na lang ito kung may moolah ako para kahit ako na lang mismo ang mag-publish, gano'n.
6. Bilang isang manunulat ano ang tema na gustong-gusto mong isulat? Bakit?
Friendship and love tapos LGBTQIA+ yung mga character.
Lumaki kasi akong nagbabasá ng mga kuwentong centered lang sa hetero relationships—mapa-platonic man 'yan o romantic. Huli na nang maka-discover ako ng mga kuwento with LGBTQIA+ pipz as the main characters. At hindi pa ito gano'n ka-popular before. At bilang parte ng community, gustong-gusto ko nang magsulat ng mga kuwentong may gano'ng tema, hindi lang para sa representation kundi para na rin sa inclusivity.
7. Sino ang mga hinahangaan mong manunulat?
Sa last interview ko [dito rin] sa RomancePH, I listed down my top five authors (ghad, my reason pa yorn). And looking back, aminado naman akong sila talaga yung "paborito" kong mga manunulat. Pero feeling ko, yung 15-year-old "nagpa-fangirl" self ko pa ang nagsulat n'on kahit na last 2021 lang ang interview na 'yon. Haha. Kaya now that I've given a chance na ma-interview ulit with this kind of question—na this time, hindi na favorite ang tanong kundi hinahangaan na, I would like to give an updated list (naks). And here they are: Ate Leng (shirlengtearjerky), Ate Rayne (pilosopotasya), Ate Peach (peachxvision), Ate Louisse (fallenbabybubu), Ate Aly (alyloony), Ate Jhing (JhingBautista), Ate Melai (melainecholy), Ate Lena (Lena0209), Ate Margie (EMbabebyyy), Ate Ariesa (beeyotch), Ate Janelle (greenwriter), Rhein (AkoSiIbarra), Alyna Yllana (ynativity), Megan Cara (MgnCara), Ysarra Cei (ceiyuri), Cincinnati Yue (allthegodsaredead), Alonzo Agustin (adthemediator), J.B. Bondoc (wordsandlenses), Josh Miyo (ZenRoxen_Boy), Ron (zyronzester), Floe Adohira (floeful), & Reinali Ancia (watashiwarei).
8. Anong pagkain ang kaya mong kainin for the rest of your life?
This is actually a tough question pero siguro toasted bread & coffee or fries & sundae.
Pero iniisip ko pa lang na ayan lang talaga yung mga kakainin ko for the rest of my life, nauumay na agad ako. Huhu.
Ba't naman kasi ganyan yung question? Pinapasakit ulo ko. Hmp. ಠ益ಠ
9. Mayroon ka bang song playlist kapag nagsusulat?
Akswali, depende sa mood. May times kasi na nakapagsusulat ako habang nakikinig ng music. Pero may times din na hindi talaga ako makapag-focus sa pagsusulat kapag may natugtog sa background.
Pero sa tanong na if I have a song playlist while writing, yes. Madalas akong makinig habang nagsusulat sa "kapag niyakap ka ng musika" playlist ko on Spotify. It's a private playlist I made na may 100+ OPM songs.
Yung sample ng mga kanta na nandoon ay:
Konsepto ni Jo.e
Si Ikaw Si Ako ni Hey Its Je
Yakap ni Alex Bruce
Bukas Makalawa ng Munimuni
Tuldok ni Chan Millanes
Iwas Kilig nina Carlos De Guia, Deeno S.
Pelikula nina Janine Teñoso, Arthur Nery
Love Story Ko ni Gloc 9
Babalik Sa'yo ni Moira Dela Torre
Mahika nina Adie, Janine Berdin
10. Ano ang maipapayo mo sa mga taong nagsisimula pa lang sa pagsusulat?
Ipagpatuloy mo lang 'yan, beh.
Kung nagsusulat ka dahil napapasaya ka nito o dahil may pagmamahal ka rito, nasa tamang landas ka kaya ipagpatuloy mo lang 'yan. Sabi nga ni Alexandar Pennington, "Stop trying to be the most original writer ever, and just write your story. If you love your writing, so will others. Believe in your story."
Kaya ako na nagsasabi sa iyo, beh, na believe in your story lang and the rest of the world will adjust.
Good luck in your writing journey!
— Endee
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top