Lena0209
Nagagalak ang RomancePH na ibahagi sa inyo ang aming interview kasama ang isa sa winners ng Behind The Vows na si Lena0209! Mas kilalanin pa siya at malaman ang kanyang proseso sa pagsusulat sa interview na ito.
1. What was your inspiration for your winning entry, "Stolen"?
"Side story talaga ito ng Not My Cup of Tea, yung first chat fiction ko. Gusto ko lang talagang habulin ang deadline ng Behind the Vows prompt haha. Nagkataon lang talaga na ang ending ko ng NMCOT, sumakto sa hinihingi ng prompt. Saka dream ko talagang magkaroon ng badge from RomancePH kasi part ito ng goal ko for 2021. Iba talaga yung may reason ka to continue kahit na hindi mo forte ang isang bagay. Doon nakikita ang growth mo as a person."
2. Ilang beses ka magsulat sa isang buwan?
"Daily. Dinidisiplina ko ang sarili ko na dapat magsulat ako araw-araw kahit gaano pa kahaba. Kaya nga kahit ayokong magsulat, naka-condition na ang katawan at utak ko na ganitong specific na oras, kahit pa pagod ako, dapat magsusulat ako."
3. Ano ang iyong greatest pet-peeve?
"Ang dami nito pero pet-peeve ko talaga ang hindi justified na actions and words. Lahat kasi may cause and effect and hindi naman puwedeng nagkaroon ng effect tapos walang cause. Butas na agad ito. Whether sa story man o sa real life."
4. Paano ang iyong writing process?
"Panster ako. After kong malaman ang mga common na proseso sa pagsusulat, wala na akong sinusunod na proseso. Ayokong magplano ng gagawin kasi nakakatamaran ko kapag alam ko na ang mangyayari. Gusto ko na everyday, ginugulat ako ng ginagawa ko. Wala namang ritwal or something. Basta may sumulpot na idea, kahit ano pa ang ginagawa ko, sulat agad."
5. Sino ang iyong first celebrity crush?
"Tom Cruise. Since bata pa talaga ako, siya na hahahaha! Doon pa lang sa Jerry Maguire, crush ko na siya."
6. Ano ang paboritong mong genre na isulat at bakit?
"Gusto ko talaga ng action, pero mas madalas akong gumawa ng fantasy. Halos lahat ng gawa ko, hindi nawawalan ng fantasy e. Favorite siya ng utak ko hahaha"
7. Favorite food?
"Ice cream and cake. Kapag bored ako, ito talaga ang sandigan ko para hindi antukin."
8. Ano ang iyong akda na nais mong ibahagi sa amin?
"Aside sa Stolen? When It All Starts Again, yung Wattys 2019 winning entry ko. Kasi ito yung story na pinakamatagal kong natapos, and ito ang nagpabalik sa akin sa pagsusulat."
9. Ano ang iyong maipapayo sa ibang manunulat?
"Sa dami ng advice na nasabi ko na mula pa noong 2015, kung may mababanggit man ako ngayon na based on experience na lang, iyon na malamang ay hindi mo kailangang maging magaling. Kailangan mo lang ay maging marunong at irespeto mo ang craft mo. Walang sinumang makapagdidikta sa iyo kung paano mo ba gustong magsulat."
10. May mensahe ka ba para sa iyong mga mambabasa?
"Para sa lahat ng readers ko, support the online writing community, hindi lang ako kundi lahat ng author na patuloy na nagsusulat para sa kasiyahan nating lahat. Saka take care palagi lalo na sa panahon ngayon. Salamat po sa inyong lahat!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top