katrynleonor


Nagagalak ang RomancePH na ibahagi sa inyo ang aming interview kasama ang isa sa mga winners ng Dear You na si katrynleonor  ! Basahin ang kanyang interview at mas kilalanin pa siya bilang isang manunulat sa interview na ito.

1. Ilang taon ka nangmagsimula sa pagsusulat ngmga kwento? 

- 13 years old. That time, uso sa classroom 'yong paghihiraman ng horror books na tigkikinse pesos. Na-inspire ako kaya sinubukan kong sumulat sa yellow pad ng isang piksyunal na kuwento na ipinabasa ko sa classmates ko. Nagandahan sila kaya mas lalo akong ginanahang gumawa ng marami pang horror stories. 

2. Ano ang naging inspirasyonmo sa pagsusulat ng Una'tHuling Liham Para sa AkingMinahal? 

-  'Yong biglaang pagpanaw ng friend ko dahil sa ovarian cancer. Wala siyang pinagsabihan sa amin na may ganoon na pala siyang kondisyon. I have my what ifs. Na what if tulad ng letter sender sa Una't Huling Liham Para sa Aking Minahal e pinadalhan din ako ng friend ko ng letter? Mababawasan kaya 'yung pain noong malaman kong wala na siya? Will I get the closure that I ever wanted? 

3. Paano ang iyong nagingwriting process para sa kwentoat patimpalak na ito?

-  Hindi ko pa na-try na sumulat sa Wattpad sa format ng isang liham kaya isang malaking challenge talaga para sa akin ang pagbuo ng entry na ito. So ang ginawa ko, inilagay ko ang sarili ko sa posisyon ng letter sender. Sinabayan ko pa ng pakikinig sa malulungkot na kanta para mas damang-dama ko ang bawat eksena.

4. Mayroon ka bang kilalang taona naging inspirasyon para saisa sa iyong mga karakter? Sinoito at bakit? 

-  Westlife. :) Um-attend ako sa concert nila noong 2019 then kalagitnaan ng pagtatanghal nila, may fan na napaakyat sa stage. Ang inisyal na reaksiyon ko bilang fangirl ay pagkasawi kasabay ng lihim na pagnanais na ako sana ang nasa posisyon ng masuwerteng fan. 

Months later, February 2020, nahikayat ako ng kaibigan ko na sumulat sa Wattpad. Naisip kong mag-publish ng fanfiction story which is 'yong I'll Be (The Greatest Fan of Your Life) kung saan ipinaranas ko sa female lead 'yong mga bagay na sa tingin ko ay hindi ko maaabot bilang fangirl ng Westlife. Isa nga roon ang mapaakyat sa stage.

5. Kung bibigyan ka ngpagkakataon na mabuhay sa isasa mga kuwentong naisulat mo,alin ito at bakit?

-  Lockdown with a Fan. I'm obsessed with the idea of experiencing a zombie apocalypse haha. Plus, 'yong main leads doon ay pumunta sa Batanes which is isa sa dream destinations ko. 

6. Kung may nais kang lugar napuntahan, saan ito at bakit? 

- Ireland. I deeply fell in love with this country when I was doing my research for my stories. Kinailangan kong gawin iyon dahil karamihan sa mga eksena ay naganap doon dahil Irish ang Westlife members. Gusto kong ma-experience 'yong culture nila. What excites me the most e matikman 'yong Irish dishes. 

7. Coffee or tea? 

- Coffee. Ayaw na ayaw ko niyan noong bata pa ako pero ngayong naging working adult na ako, palagi nang hinahanap ng sistema ko ang kape. Partner ko rin ito sa tuwing nagsusulat ako para hindi ako antukin at mas ganahan ang utak ko.

8. Sino ang iyong currentcelebrity crush?

- Kian Egan of Westlife, Justin De Dios of SB19, Kim Tae Hyung of BTS, Niall Horan of One Direction, at si Josh Dallas ng Manifest.

9. Ano ang iyong greatestpet-peeve? 

- Yung makaka-receive ako ng text or chat na hindi kumpleto ang konteksto. O 'yong may tatawag sa akin nang hindi muna nagpapaalam sa text. 

10. Ano pa ang iyong goal sapagsusulat? 

- Makakumpleto ng 100 published works sa Wattpad. Kung papalarin, magkaroon ng sariling libro at makabilang sa booksigning events.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top