juanvisco
Nagagalak ang RomancePH na ibahagi sa inyo ang aming interview kasama ang isa sa mga winners ng Beyond Borders na si juanvisco ! Basahin ang kanyang interview at mas kilalanin pa siya bilang isang manunulat sa interview na ito.
1. Ilang taon ka nang magsimulang magsulat?
- Ang hirap i-track when I really started kasi since elementary nagsusulat na ako. But looking back kasi eme eme lang that's why I'm contemplating kung isasali ko yon hahahahahahaha! Pero to give a solid number, siguro more or less ten years na?
2. Mayroon ka bang rules sa pagsusulat?
- I don't have. I want to be free and creative, most of the time I let the ideas flow lang without any caution and inhibitions. Mas masayang magsulat pag tuloy-tuloy lang. Sabi nga nila walang perpektong first draft, so sulat lang nang sulat tapos reread, revise and edit na lang after.
3. Ano ang unang pumasok sa iyong isip nang mabasa mo ang tungkol sa patimpalak at ang tema nito? Ano ang nag-udyok at naging inspirasyon mo para maisulat ang Via Crucis?
- Na-excite ako but at the same time kinabahan kasi although I already read a lot of romance na may halong hisfic, I haven't tried writing one. And with Via Crucis, nagsimula talaga siya sa phrase na "sa hinabahaba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy pero bakit ang sa atin ay hindi?" So the whole concept was prusisyon, not necessarily Via Crucis. Pero kaka-research ko about sa mga prusisyon sa Pilipinas sa panahon ng mga kastila, I came across with Stations of the Cross. And thought, hey pwede kong i-align ang scenes with the stations tapos yung phrase naging "sa kalbaryo humantong" na.
4. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na mabuhay sa isa sa mga kuwentong naisulat mo, alin ito at bakit?
- Ang hirap kasi ang konti pa lang hahahahahaha! Just to answer the question, I will choose Darkest of all Darkest. Actually, collaboration siya with my friends. Mystery-thriller ang genre and sequel siya ng first collab namin. The reason why I want to live in that story kasi super exciting yung mga nangyayari. Malay natin makatulong ako sa kanila or baka panggulo lang char hahahahahaha!
5. Ano pa ang iyong goal sa pagsusulat?
- To write all the stories na naisip ko. I always feel like ang pagkakamali ko dati ay masyado akong focused na sumikat, makapag-publish, so on. Kaya gusto ko perfect lagi ang stories ko hanggang sa hindi ako nasasatisfy whatevery I write. To the point na natakot na akong magsulat. That's why nung pinulot ko ulit ang panulat ko, isa lang ang sinabi ko sa sarili ko. Just write, sulat lang nang sulat huwag mo nang isipin ang kahit ano pa. Just write.
6. Kung may nais kang marating na lugar, saan ito at bakit?
- Australia kasi gusto ko accent nila hahahahahaha!
7. Sino ang iyong current celebrity crush?
- Hank Wang. He's a taiwanese actor and napanood ko siya sa isang bl noon. Ang cute niya kasing ngumitiiii gusto kong kurutin yung pisngi niya hahahahahaha!
8. Ano ang iyong favorite food?
- Fried chickeeeen!
9. Ano ang iyong greatest pet-peeve?
- Mga naninigarilyo sa public tas bubugahan ka pa ng usok. Sarap ipakain sa kanila yung sigarilyo, ngl.
10. May mensahe ka ba para sa iyong mambabasa?
- Sa mga nakabasa na ng mga akda ko, maraming salamat. I have nothing but promises to continue writing and improving. I know I am not that active, pero as much as I can, I will write and will continue my passion. Thank youuuu!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top