itwastori
Kung akala niyo tapos na ang pasabog ng RomancePH, then you're wrong! Ngayon naman ay kilalanin natin ang writer ng Wyselian Tale, itwastori. Alamin ang tips ni Tori kung paano magsulat ng effective na love story and all things about her favorites!
1. What's your fear as a writer?
-I think this is what also the other new writers are afraid of. Yung excited kang ipublish at ishare sa lahat ang storyang isinulat mo pero konti lang ang bumabasa at parang walang nakaka-appreciate nito. Isa pa sa mga fears ko ay mawalan ng oras sa pagsusulat at hindi makapag-update hahahaha sana hindi pa nakalimutan ng readers yung story ng story ko.
2. Do you consider yourself as a successful writer?
-I think so. Though my story published in wattpad do not have thousands of reads and votes(and comments at on-going pa), para sa akin yung magkaroon lang ako ng tapang na-ishare yung story ko, isa na yung malaking hakbang sa pagiging successful writer. Kumbaga, lakas palang ng loob na magpublish panalo ka na. Higit sa lahat, I consider myself as a successful writer is because I know na konting tiyaga pa matatapos ko din ang story ko at makikita na rin ng iba kung ano ang nakikita ko sa story ko.
3. Ano pa ang pangarap mong maabot bilang manunulat?
-Syempre gaya ng karamihan, una na dyan ang magkaroon ng million reads, votes and comments yung mga story ko. Next, yung may mapupulot ang mga magbabasa ng story ko, yung makakatulong ako sa kanila ng hindi ko alam. Last naman po ay maging available ang story ko as a movie or series.
4. Favorite food per category: appetizer, main course, dessert
-Favorite food per category?Ioorder niyo po ba ko?(lmao joke) Appetizer: any soup. Main Course: Halos lahat po especially kare-kare, kaldereta and bicol express(nagutom tuloy ako hehe) Dessert: Fruit Salad, Halo-halo, and Ice Cream!
5. Ano ang iyong pinaka hindi makakalimutang childhood memory?
-Naalala ko po dati mga 7-9 years old po ako siguro nun mahilig na po talaga akong magsulat ng stories. At ang common na sinusulat ko noon ay mga storyang pambata tapos sinusulat ko siya sa mga maliliit na notebook. Kaya lang nawala ko na yung mga notebook na yun pero natandaan ko yung iba dun tungkol sa diwata saka pag-iipon. So ayun tapos kapag natapos ko na siya pinapabasa ko kila mama.
6. Mayroon ka bang pets? Tell us about them! At kung wala naman, balak mo bang magkaroon ng pet soon?
-Dati may alaga akong...talangka! Pinangalanan ko pa nga siyang CRABBY! May alaga din akong isda dati pero namatay din agad parang si crabby huhu. Nung 2 years old ako may nagbigay sakin ng aso at buhay pa rin si Max hanggang ngayon kaya lang minsan lang kami nagkikita kaya di niya ko masyadong natatandaan. Yun nga lang nung isang beses na nagbike ako sa subdivision, napaliko ako sa isang street na may sobrang daming asong nakatambay tapos ayun hinabol nila ko. Simula noon takot na ako sa aso pero love ko parin naman si Max( basta wag lang niya akong hahabulin). THE END. Joke, meron pa akong kuwento haha. Technically, wala talaga akong pet since nasa lolo at lola ko si Max. Pero kung ako ang tatanungin, ang gusto ko talagang pet ay pusa kasi favorite ko si hello kitty!
7. Ano ang isang bagay na pinapangako mong hindi mo na gagawin?
-Magunpublish at magdelete ng story. Marami narin akong napublish na story dati kaso hindi ko alam bigla ko nalang iunpublish tapos yung iba sa drafts dinidelete ko. Sobrang nanghihinayang talaga ako ngayon doon. Pero sana yung feelings ko madali ko lang din madidelete gaya ng drafts ko hahaha.
8. Paano ba mag sulat ng isang effective na love story?
-I'm not a professional writer so this is based upon my opinion hihi. Write out kung paano mo gustong mangyari ang love story nila but think of a twist or yung tipong boom! magugulat ang readers sa mangyayari. Syempre dapat magaling ka din magsulat ng heartbreak moment kasi lahat ng love story may ganung part. Kapag nga may play kaming project isa ako lagi sa mga assigned na writer sa part na heartbreak, may namatay hanggang sa ending kasi sabi nila mas realistic daw ako magsulat ng mga ganung part.
9. Ibahagi sa amin at iyong mga fans ang iyong pinaka paboritong sariling akda and tell us why we should read it.
-Walang iba kundi ang Wyselian Tale dahil ito ang story na nagtagal dito at wala na akong balak tanggalin ito dito sa wattpad kahit gaano pa katagal abutin bago ko matapos yun. Basta alam ko na tatapusin ko. WHY YOU SHOULD READ IT? Its a fantasy novel with kilig on the side and all over it hahaha. Mapapangako ko na di kayo mabibigo sa nilalaman nito pero sana ay mayroon kayong mahabang pasensya dahil on-going pa ito. Sinisigurado ko naman na tatapusin ko ito at worth the wait ito. Sana magkaron kayo ng oras para basahin ito.
10. Meron ka bang mensahe para sa iyong mga readers?
-Hi! Sana safe kayo ngayon. Kung ang prince charming ko ay nakasakay sa kabayo naniniwala akong nakasakay kayong mga readers ko sa...pagong at busy kaya madalas kayong inactive. Pero ok lang kasi nagpapasalamat ako na binabasa niyo parin ang story ko at nag-iiwan pa kayo ng note na kailan ako mag-uupdate sa message board. Sana magstay kayo hanggang sa matapos ko siya at sana maging kilalang writers tayong lahat kung may story din kayo. Keep reading! I LOVE YOU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top