iamblitzz

First up ay ating winner na si iamblitzz. Let's learn more tungkol sa kanyang passion at mga akda.

1. Take us to that time na una mong nalaman na gusto mong magsulat? 

-Back then when I was highschool, mahilig na talaga akong magbasa ng pocket books. Isa ako sa mga avid fan ng PHR. Then, that time, na-realize ko na parang gusto ko rin magsulat ng kwento. No'ng highschool ako, gustong-gusto ko 'yong mga essay, short stories writing etc. Then noong panahon pa ng ebooks, marami akong nabasa na magagandang stories. So parang mas ginusto kong makapagsulat din pero hindi ko pa alam kung paano. And then, 'eto na nga si Wattpad, dito ko nagawa ang talagang hilig ko— ang pagsusulat. ❤

2. Bukod sa pagiging writer, ano ang iyong dream sa buhay? 

-Isa sa mga pangarap ko sa buhay ay maging isang guro. But unfortunately, hindi natupad dahil mahirap lamang kami at marami kaming magkakapatid.

3. What's your worst habit? 

-Pinaka-worst habit ko ang pagsusulat habang nakahiga sa gabi. Ang tendency kasi, inaantok ako kaya hindi ko nagagawa ang dapat. 

4. Kung maiiwan ka sa isang deserted island na isa lang ang pwedeng maksama, sino ang pipiliin mo? 

-Mayroon akong anak— I'm a single mom at 26, pero hindi ko siya isasama sa deserted Island. Mas mamatamisin ko pang mag-isang maghirap sa isang disyerto, kaysa pati siya ay maghirap.

5. What's your fear as a writer? 

-As a writer, masasabi kong wala akong takot. Malawak kasi ang pag-iisip ko sa mga kritisismo, panglalait, pagpuna, pamimintas, lahat na. Hahahaha! Pero seryoso, wala akong kinatatakutan kapag nagsusulat dahil ang lahat ng hindi magagandang nasasabi sa akin ay ginagawa kong inspiration at leksyon upang mas mapabuti pa ako bilang manunulat. 

6. Do you consider yourself as a successful writer? 

-No, I'm not. Kumpara sa mga sikat na writer ngayon sa Wattpad, walang-wala ako. Sino ba ako para masabing successful na akong manunulat? Isa lamang akong simpleng ina na ngangarap na mapansin balang-araw. 

7. Ano ang isang bagay na pinapangako mong hindi mo na gagawin? 

-Ipinangako ko sa sarili kong hindi na ako makikinig sa mga negatibong bagay na ibinabato nila patungkol sa akin. Dedma mga bashers! Hahahaha 

8. Ano ang maipapayo mo sa mga baguhang manunulat?

-To all writers out there, don't stop dreaming! 'Wag humintong mangarap na makapagsulat ng isang istorya na tatatak sa bawat mambabasa. TANDAAN: "Hindi natatapos ang lahat kapag ikaw ay natalo o mabigo. Matatapos lamang ang lahat sa oras na ikaw ay sumuko." 

9. Ibahagi sa amin at iyong mga fans ang iyong pinaka paboritong akda and tell us why we should read it.

-Angpinaka-paborito kong akda ay ang first story ever ko sa Watty na "Ako'y Ibigin Mo, Babaeng Matapang". Sa nobela ko kasing ito, ibinuhos ko ang lahat-lahat. Sa istoryang ito, mapapatawa kita, gagalitin kita, magseselos, mamumuhi at higit sa lahat, mai-inlove. Kaya kung nais ninyo itong mabasa, kindly visit my profile. (P.S Unedited pa po ito. Hirap mag-edit sa phone eh! Hahaha! So, alam niyo na! ) 

10. Meron ka bang mensahe para sa iyong mga readers?

-To all my readers (Mayroon nga ba? Hahaha) Sana 'wag kayong magsawa na suportahan ang inyong Inang manunulat. Pangako, mas pagbubutihan ko pa para sa inyo. 

 Wait, flex ko lang ang mga frenny ko rito sa Wattpad na hindi nagsasawang suportahan ako, captainseohamunvividstar, MystiqueBluebell22promdiwriter I love you guys! Maraming Salamat sa lahat! ❤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top