HannahRedspring

Nagagalak ang RomancePH na ibahagi sa inyo ang aming interview kasama ang isa sa mga winners ng Beyond Borders na si HannahRedspring ! Basahin ang kanyang interview at mas kilalanin pa siya bilang isang manunulat sa interview na ito.

1. Ano ang naging inspirasyon mo sa pagsulat ng Rumble Trouble at Journey To You para sa patimpalak na Beyond Borders?

- Sumalamin sa aking dalawang akda na 'Rumble Trouble' at 'Journey to You' ang bahagi ng aking nakaraan kung saan may mga plano ako sa buhay na nais kong mangyari sa itinakdang panahon ngunit dahil sa may iba pang plano sa akin si Lord, pinaubaya at pinagkatiwala ko na lang sa kanya kung saan niya ako dadalhin. Bilang isang responsableng Ate sa aking pamilya, madalas kong unahin ang pangangailangan at panggastos sa bahay bago ang mga simpleng luho ko sa buhay tulad ng pagsama sa mga getaway namin ng mga kaibigan ko. Ang dalawa kong akda ay isang paalala na hindi rin naman masama ang magpahinga paminsan minsan. Ika nga ng mga mas nakakatanda sa akin, 'treat yourself make good memories.' Ang pera ay kinikita mula sa trabaho, ang mga alaala na pwede mong gawin habang bata ka pa ay isang regalo sa sarili mo na babalikan mo pagtanda mo.

2. Paano ang iyong naging writing process sa dalawang akda na ito?

- Sinunod ko lang ang goal ng prompt at nilagay ko ang sarili ko sa perspective ng characters ko. Nagsaliksik din ako sa mga lugar na nasabi sa dalawang prompt para kahit pa hindi pa ako nakakapunta sa mga lugar na iyon, maisalin ko ang ilang experiences ko bilang casual traveller.

3. Ano ang paborito mong genre na isulat?

- Mas hooked ako sa genre na Young Adult at Slice of Life.

4. Ilang beses ka magsulat sa isang buwan?

- Wala akong specific schedule dahil na rin sa demands sa trabaho, gayunpaman sinusubukan kong magsulat kahit linggo-linggo.

5. Ano ang iyong greatest fear bilang isang writer?

- Time, procrastination, and writer's block.

6. Mayroon bang kilalang tao na naging insipirasyon para sa isa sa iyong mga karakter? Sino ito at bakit?

- Isa sa malapit kong kaibigan na taga-plano ng mga getaway namin ang naging inspirasyon ko sa 'Rumble Trouble'. Ang tauhan ko naman sa 'Journey to You' ay mula sa shiniship kong tandem sa Stranger Things Season 5 dahil gusto ko sila bigyan ng moment na ipinagkait sa akin ng show. *peace sign*

7. Kung may nais kang lugar na puntahan, saan ito at bakit?

- Kung may isang lugar man akong pupuntahan, nais kong pumunta sa tabing dagat kung saan pwede ako mag-camping at mag stargazing.

8. Coffee or Tea?

- Coffee

9. Ano ang iyong akda na nais pang ibahagi sa amin?

- Nais ko sanang ipamahagi sa inyo ang isa ko pang nobela na 'The Only Hope for Me is You'. Tungkol ito sa dalawang magkaibang tao na pinagtagpo ng pagkakataon sa hindi inaasahang panahon kung saan pareho silang may kahilingan sa kanilang mga puso na hindi nila pwedeng hilingin sa mundo. Nang mag krus ang landas nila Maxene at Travis, nakahanap sila ng kakampi sa katauhan ng isa't-isa na siya ring nagbigay ng pag-asa para makamtan nila ang kahilingan ng kanilang mga puso.

10. Ano ang maipapayo mo sa mga taong nagsisimula pa lang sa pagsusulat?

- Every art starts on a blank canvas, and a masterpiece couldn't be done overnight. It takes time, dedication, and commitment. Kaya sa mga nagsisimula pa lang na magsulat, take your time to grow. Don't rush it.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top