girlhavingfANNE
Hello mga ka-RomancePH! Ating kilalanin si girlhavingfANNE na isa sa mga nanalo para sa Summer of Hope Contest para sa kaniyang akda na Lover's Lane.
1. Ano ang nagtulak sayo para sumali sa Summer of Hope Contest?
- I started writing noong 2012, iyong mga panahong sumisikat palang ang Wattpad dahil na rin sa ebooks. I gained some fans and readers pero nawala sila when I stopped writing in 2014 kasi nitong 2020 lang ako bumalik ulit sa Wattpad. That was 6 long years so I understand naman since iba na iyong generation ng readers and writers today. When I started writing again during quarantine, I discovered the Summer of Hope contest. Gusto kong i-test kung nag-grow ako as a writer during those years na wala ako sa Wattpad pero nagsusulat pa rin ako ng draft so I entered the contest, which is my first contest by the way. Another thing is I have a friend na in-introduce ko iyong Wattpad and I urged her to write kasi na-feel kong push lang ang kulang sa kaniya so I entered the contest with her and she's actually one of the runner-ups. Shout out to @fabuLOUs_Laura_WP. Haha!
2. Ano ang maipapayo mo sa mga nais sumali sa mga ganitong WriCon pero pinanghihinangaan sila ng loob?
- Ang maipapayo ko lang ay sumali sila ng sumali every time may opportunity because they have nothing to lose. Manalo or matalo, they will gain something from these contests katulad ng experience, knowledge, and friends na rin. It's a fun experience na hindi nila dapat palagpasin sa lifetime na ito especially if they really love writing. For everyone who is going to read this interview, I just want to share a beautiful quote from Maya Angelou: "There is no greater agony than bearing an untold story inside of you."
So go lang ng go, share to the world whatever is inside your head because you have no idea how your story will impact the people around you until you share it.
3. Sa tatlong prompt ng Summer of Hope Contest, alin sa mga iyon ang pinakapaborito mo at bakit?
- My personal favorite is the first one: New Chance at Love. Ito rin ang una kong ginawan ng draft. It had such an interesting prompt that I was able to incorporate a little deduction show sa story. I'm a fan of Detective novels and shows. I even attempted to write one in the past pero hindi ko natapos so I really enjoyed doing this prompt.
4. May nais ka bang ipabatid sa mga sumuporta ng iyong pinasang entry?
- I only write as a hobby. My job in real life requires too much time and attention. Ang clingy lang, haha. So I greatly appreciate all those who have read my entry, contestant man sila o hindi. I tried to return the favor so I also read some of the entries pero hindi ko talaga kaya lahat so again, thank you so much to everyone who read and supported my entry. Xoxo :)
5. Ano ang iyong maituturing na pinaka malaking achievement bilang manunulat?
Para sa akin malaking achievement kapag naapektuhan ng stories ko ang readers in a positive way. Kaunti pa lang ang readers ko kaya bilang ang feedback na naririnig ko. One particular example is iyong friend ko na may itinatago palang potential sa pagiging writer. I was really happy to know that she wants to start writing as well nang malaman niyang nagsusulat ako at makabasa siya ng ilan sa mga gawa ko.
6. Mayroon ka bang ritual or habit na ginagawa bago o habang nagsusulat?
- Pinakaimportante para sa akin ay iyong hindi ko pinipilit ang sarili ko magsulat kapag walang creative juice kasi para makabuo ng isang chapter na magiging relevant sa other chapters at hindi siya palaman lang, kailangan absorbed ako habang nagsusulat. Kailangang mag-play nung scene sa utak ko na para siyang palabas sa TV at habang nangyayari iyon ay itina-type ko hanggang sa maabot o lumagpas ako sa target kong word count.
7. Ano ang mga bagay na ipinapangako mong hindi na uulitin?
- Lagi kong ipinapangako sa sarili ko ang bagay na ito pero hindi ko talaga matupad. Iyon ay ang hindi pagpopost ng story sa Wattpad hanggat hindi ko pa tapos iyong draft sa labas. Sa mga susunod ko pang stories, promise, hindi na talaga. Just to make sure na matatapos ko iyong story, hindi ko na muna ipupublish sa Wattpad. Haha.
8. Dapat bang maniwala sa pag-ibig para maging isang epektibo na Romance writer?
- Not necessarily. Ang importante ay may malawak na imahinasyon and observant sa paligid. NBSB ako pero nakakayanan kong magsulat ng Romance novel mula sa experience lang ng mga taong nakapaligid sa akin. You can even have an idea sa mga taong nakakasalubong mo lang. Nakakatulong din ang pagbabasa at panonood ng Romantic novels/movies.
9. Ano pa ang pangarap mong maabot bilang isang writer?
- Bilang isang writer, nais kong maranasan makapag-publish kahit isa lang sa mga akda ko. Iyon bang mayroon akong printed copy to keep as a memory. I'm not expecting to publish for profit kasi hobby ko lang talaga ang pagsusulat. Pero it will be fun to have a published book, hold a booksigning event, and meet with my readers. Iyon ay kung lalawak ang fanbase ko soon. Haha.
10. Ibahagi sa amin ang iyong pinaka paboritong sariling akda at kung bakit naman ito dapat basahin.
- Ang paborito ko sa ngayon ay ang Supernatural Tale: The Awakening. It's a fantasy story na pinaplano kong gawan ng series. This one's my favorite kasi ubos talaga ang creative juice ko rito para sa plot twists. Ito na yata iyong story ko na lahat ng chapters ay relevant sa isa't isa. And it's not just the typical elemental-themed story kasi this story involves witches and sacrifices which is kind of dark. This story also promotes the importance of friendship and family. Hindi lang sa love towards your partner umiikot ang story na ito kung hindi pati na rin sa friends and family na mag-stay with you no matter what.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top